Chapter 61
Chapter 61
[Jillian's POV]
Everything's a blur.
Wala ako sa sarili. Hindi ko na naiintindihan pa ang mga nangyayari. Ayaw mag sink-in sa utak ko kung bakit nagkakaganito.
Ilang beses ko nang tinawag si Cupid. Paulit ulit ulit. Pero hindi siya pumupunta.
Bakit ganun si Cupid? Kung kailan kailangan ko siya atsaka pa siya hindi nagpapakita sa akin?!
Bakit namatay si Ana?! Sabi niya magagawa siyang iligtas ni West. Pero isang araw pa lang silang nagkikita eh! Huli na ba? Nahuli ba kami sa pagpunta?
Bakit ngayon lang ipinakilala ni Cupid ang makakatadhana ni West! Sana noon pa! Sana dati pa!
Sana dati pa nung hindi pa malubha ang sakit ni Ana. Dapat noon pa nung hindi pa ako nahuhulog ng husto kay West.
Sigurado ako, iba ang mangyayari.
Bull shit na timeline 'yan! Bullshit na book of soulmates yan!
Wala na ang best friend ko. Wala na ang nakatadhana para sa lalaking mahal ko.
At hindi ko ineexpect na masasaktan ako ng husto dahil dito.
Naramdaman kong hinawakan ni West ang kamay ko nang mahigpit.
Napatingin ako sa kanya. Diretso lang ang tingin niya sa harap. Doon sa kabaong ni Ana.
"Jillian, ang weird ng pakiramdam ko," halos pabulong niyang sabi sa akin. "Bakit ganun? Saglit lang naman kami nagkausap ni Ana. Kahapon ko pa lang siya nakilala. Pero sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Alam mo yung pakiramdam na parang may nawala sa akin na napaka halaga? Bakit ganito?"
Hindi ako makasagot. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Hindi ko alam kung tama ba na sabihin ko kay West na si Ana ang nakatadhana sa kanya. Na ngayong wala na si Ana, wala na ang para sa kanya. Na ni hindi man lang sila nagkaroon ng chance na magkakilala.
At parang nilulunod ako ng konsensya.
Dapat nung nalaman ko ang tungkol doon, dinala ko na agad si West kay Ana. Sana nung sinabi na hindi kami pwedeng dumalaw dahil schedule ng treatment ni Ana, nag pumilit pa rin ako. Sana hindi ko kinuha ang chance na makasama si West dahil hindi naman siya para saakin eh.
Nag selos ako nung naguusap sila. Nasaktan ako nun. Pero leche Jillian, sana itinatak mo sa utak mo na wala kang karapatan sa mga bagay na yan.
Tulay ka nila. Match maker. You are Cupid's freakin living arrow.
Nakakainis!
Sana manhid na lang ako.
"I'm sorry..." sabi ni West and he gently squeezed my hand. "I-I know na mas mabigat ang nararamdaman mo ngayon at wala man lang akong masabing comforting words."
Napalunok ako dahil pakiramdam ko, lalabas na naman ang luha sa mga mata ko.
Agad akong bumitaw sa pagkakahawak ni West sa kamay ko.
"E-excuse me, restroom lang."
Hindi pa man nakakasagot si West, dire-diretso na akong pumunta sa restroom. Pakiramdam ko kasi kapag nag salita pa ako, maiiyak na ako.
At sakto ngang pagkapasok na pagkapasok ko, bumagsak na ang luha sa mata ko.
"Cupid."
Napapikit ako.
"Cupid.."
Idinilat ko ang mata ko pero walang Cupid na dumarating.
"Cupid naman eh! Ano ba naman! Wag mo naman akong abandunahin ng ganito! Please! I need to talk to you! Please naman!"
Wala. Walang Cupid na dumarating.
Bakit ganun? Tama ba na pinagkakatiwalaan ko siya? Nauubusan na ako ng dahilan para gawin pa lahat ng inuutos niya sa akin.
Masyado nang masakit at mahirap. Ayoko na.
Gusto ko na lang bumalik sa dati. Yung simple at normal kong buhay.
Bakit sa akin pa kasi nangyari ang bagay na 'to?
Leche Jillian. Ba't ang desperada mo kasi sa pagmamahal? Ba't hindi ka na lang masanay na lagi kang nagiisa! Ayan. Ayan ang napala mo.
"Jillian."
Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.
At nakita ko ang taong hindi ko inaasahan na makikita ko sa lugar na 'to ngayon.
It's Ayesha.
Napaayos ako ng tayo at dumistansya agad ako kay Ayesha.
"Anong ginagawa mo rito?!"
"Wag kang mag-alala Jillian. Hindi ako pumunta rito para manggulo o para saktan ka. Gusto lang kitang kausapin."
"Ano na naman Ayesha! Please wag muna ngayon! Wag muna ako!"
"Kailangan mong sumama sa akin, Jillian."
"At bakit?! Ano ba Ayesha!"
Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ang braso ko.
"Patawad Jillian, pero kailangan kong gawin ito."
"A-Ayesha---!!!"
Biglang nag liwanag ang paligid at naramdaman ko na lumulutang ako.
Shit! Shit shit shit!
"Cupid!!" sigaw ko.
But it's too late. Wala na ako sa restroom ng funeral homes kung saan nakaburol si Ana.
Kundi nandito ako sa loob ng isang kweba. At sa harap ko, andoon si Ayesha.
"Ibalik mo ako!" utos ko sa kanya.
"Hindi kita ibabalik hangga't hindi ka nakikinig sa akin, Jillian."
Napahinga ako ng malalim at parang gusto ko na lang ulit maiyak dahil nag halo halo na ang nararamdaman ko kay West, kay Ana at ang frustration ko pa kay Ayesha.
"Ayesha patayin mo na lang kaya ako ngayon? Kasi sa totoo lang, kung may gagawin kang masama, wala na ako sa wisyo na lumaban sa'yo. I'm in a complete mess!"
"Ang sabi ko, gusto lang kitang makausap."
"Bakit? I-co-comfort mo ako? Thanks but no thanks."
Bumuntong hininga si Ayesha at tinignan ako ng seryoso.
"Jillian, yung nararamdaman mo ngayon, naiintindihan kita. Napagdaanan ko rin yan. At pareho tayong dalawa. Lahat nang 'to kagagawan ng mga Gods na 'yun. Ginugulo nila ang buhay nating dalawa. Kaya dapat, tayo ang magkampihan."
Napaiwas ako ng tingin.
Gusto kong sabihin sa kanya na ayoko siyang kampihan dahil nagtitiwala ako kay Cupid.
Pero parang may pumipigil sa akin.
Nagtitiwala ka ba talaga kay Cupid, Jillian? Tingin mo hindi ka nagmumukhang tanga? Nasaan siya ngayon na kailangan mo siya?!
"Jillian, alam ko na iniisip mo na hindi makatarungan ang nangyayari sa'yo ngayon."
Napa-angat ang tingin ko kay Ayesha.
"Mali ka Ayesha. Alam mo kung ano talaga ang iniisip ko?! Iniisip ko na hindi makatarungan ang nangyayari kay West! Hindi makatarungan na namatay si Ana!"
"Yun nga ba talaga, Jillian? Hindi mo ba talaga inisip na dapat kayo na lang ni West? Hindi mo ba ginrab ang mga pagkakataon na makasama siya kahit alam mong hindi siya para sa'yo? Jillian, hindi ka ba nakaramdam ng selos kay Ana? Hindi ka ba nainggit sa kanya ha?!"
Napatakip ako ng tenga.
"Tama na Ayesha!! Tama na! Tumahimik ka na! Please ibalik mo na ako doon!"
"Ayaw mong marinig Jillian, dahil ayun ang totoo! Ayun ang tunay mong nararamdaman at hindi mo maitanggi iyon!"
Pinunasan ko ang luha sa pisngi ko na ngayon ko lang napansing bumabagsak na. Tinignan ko si Ayesha ng seryosong seryoso.
"Oo! Oo na! Tama ka na! Ako na ang pinaka selfish na tao sa buong mundo. Oo, nagselos ako kay Ana. Oo, ginrab ko ang chance na makasama si West kahit alam kong may sakit si Ana! Oo paulit ulit ulit kong hinihiling na sana ako na lang ang nakatadhana kay West. Kasi mahal na mahal na mahal ko siya. At oo selfish akong tao! Ang sama sama sama ko!"
Nilapitan ako ni Ayesha at ipinatong niya ang dalawang kamay niya sa balikat ko. For a second, napahinto ako sa pagiyak.
Because she's looking at me with a genuine concern.
"Jillian," she said softly. "Oo, selfish nga. Oo nakaka guilty ang ganung mga pagiisip. Pero alam mo, normal lang 'yan. Kahit sinong nilalang ang mapupunta sa sitwasyon mo, ganyan ang mararamdaman at ikikilos. Mas selfless ka pa nga sa iba eh. Dahil kung selfish ka talaga, hindi mo dadalhin si West sa Cebu para makilala si Ana. Na kahit alam mong masasaktan ka, ginawa mo pa rin dahil gusto mo ang maging masaya siya. At ngayon bakit ka umiiyak? Dahil alam mong wala na ang nakatadhana kay West."
Napaiwas ulit ako ng tingin kay Ayesha.
Nakakainis. Dapat nagagalit ako sa kanya 'di ba? Kasi masama siya. Kasi siya ang nangugulo rito.
Pero bakit parang nabubunutan ako ng tinik sa dibdib dahil sa mga sinasabi niya?
"Jillian naiintindihan kita kasi ayan din ang naranasan ko. Ganyang-ganyan. Alam mo ba siya ang nakatadhana sa akin? Yung lalaking mahal ko? Pero dahil pilit akong ginawang apprentice ni Aphrodite, nabura ang pangalan ko sa book of soulmates. Alam mo ba gusto akong bawiin ng lalaking mahal ko? At alam mo ang ginawa nila? Pinatay nila ang pinakamamahal ko. Pinatay nila Jillian!"
Napailing ako.
"Hindi. Si Cupid? Hindi niya papayagan ang bagay na yun!"
"Buksan mo ang mga mata mo Jillian! Bakit ako magiging ganito ka-galit kay Cupid?!"
"Gusto mong kunin ang pana niya dahil iniisip mo na si Zyron at yung lalaking mahal mo ay iisa!"
"Dahil ayun ang totoo! Siya ang lalaking mahal ko at siya ang nakatadhana sa akin pero binago nila ang book of soulmates!"
"Tama na. Wag mo nang guluhin ang utak ko! Please!"
"Makinig ka sa akin Jillian! Alam kong sinabi sa'yo ni Cupid na si Zyron ang nakatadhana sa'yo, pero binago niya ang book of soulmates! Sa akin si Zyron at kilala mo ang lalaking nakaduktong talaga sa'yo, Jillian?!"
Hinawakan ni Ayesha ng mahigpit ang magkabila kong braso.
"Si West ang para sa'yo Jillian."
Napahiwalay ako kay Ayesha. Gulong gulo ang isip ko.
Totoo ba yun? Totoo ba ang sinasabi niya?
Gustong gustong gusto kong maniwala.
Pero paano kung nagsisinungaling siya? Paano kung niloloko niya lang ako? Paano ako makakasigurado na tama ang sinasabi niya?!
Napailing ako.
"Hindi. Hindi magagawa yun ni Cupid. Wala siyang dahilan para ibahin ang book of soulmates. Wala. At sabi niya kahit na sino walang makakapagpabago ng nakasulat sa book of soulmates! Please wag mo na akong lokohin!"
"Wala nga ba Jillian? Wala nga ba?"
"Walang dahilan si Cupid para lokohin ako!"
"Sigurado ka? Lahat ba talaga alam mo? Wala ba talaga siyang nililihim sa'yo?"
Hindi ako makasagot. Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong paniwalaan. Hindi ko na alam kung ano pa ang tama.
"Jillian, binago ni Cupid ang nakalagay sa book of soulmates dahil sa dalawang dahilan. Una, para saktan ako dahil galit siya sa akin sa ginawa ko kay Psyche. At pangalawa, dahil kahit baguhin pa niya ang kapalaran mo, mabubura rin naman ang pangalan mo sa book of soulmates."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Isa kang Goddess Jillian. Patunay na ang compass na nasa leeg mo na pag natapos na ang lahat nang 'to, isasama ka na ni Cupid sa Mt. Olympus at gagawin ka niyang apprentice niya."
To be continued...
Author's Note:
Hi dear readers! I know may magtatanong kung paano ko nalagyan ng photos sa gitna ang update ko XD Actually, I'm participating as a beta tester sa Wattpad para sa new media functionality nila. Sa ngayon, hindi pa pwede sa lahat ng users ang feature na 'to but hopefully soon magamit niyo na rin! Mas masaya mag basa pag may mga photos 'no? Wahahaha <3
ALY A.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top