Chapter 6 (11/8/14)
Chapter 6
[Jillian’s POV]
“Jillian, tomorrow ha? Before lunch. See you! :)”
Abot tenga ang ngiti ko habang paulit-ulit kong binabasa ang text message ni Luke sa akin.
Bukas, before lunch. Ibig sabihin halos isang buong araw ko siyang makakasama. First time ito! I mean, first time ko siyang makakasama na siya lang talaga at wala kami sa trabaho. For the first time, masosolo ko ang taong matagal ko nang gusto.
Considered as date na ba ito?
Gulay! Ano isusuot ko? Wala akong bagong damit! Si Sir West kasi pinag overtime na naman ako kaya naabutan ako nang pagsasara ng mall eh!
Binuksan ko ang cabinet at isa-isa kong inilatag ang mga damit ko sa kama. Ang onti naman ng matitino kong pang-alis! Puro itim pa! Itim na blouse, itim na bestida, itim na longsleeves! Bakit ba ang hilig ko sa itim? Ba’t hindi ko man lang naisipang bumili ng pulang bestida o blouse dati? Ni wala rin akong sleevless na damit! At yung mga sapatos ko, puro doll shoes at flats na itim o puti.
Ganito ba talaga ka-plain ang taste ko?
What should I do?!
“Sabi ko ihanda mo ang sarili mo sa misyon na ibinigay ko sa’yo. Mukhang iba ata ang pinaghandaan mo.”
Napatingin ako sa may pintuan ng kwarto ko at nakita ko doon si Cupid na seryosong nakatingin sa akin habang naka-crossed arms pa.
“Nakalimutan mo na ba ang mga pinagusapan natin, Jillian?”
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at isa-isa kong kinuha ang mga damit na inilatag ko sa kama.
“Sinabi ko na sa’yo na hindi ikaw ang nakatadhana para kay Luke. Bakit mo pa gagawin ang bagay na ito? Masasaktan ka lang,” pagpapatuloy niya.
Napa-upo ako sa kama ko at huminga ng malalim.
“Bakit? Hindi ba ako masasaktan sa pinapagawa mo ha? You are asking me na maging tulay sa lalaking mahal ko at sa isang kaibigan na malapit sa akin. Hindi ba masakit ‘yon, Cupid? Okay, alam ko mali ang ginawa ko. Hindi ko dapat ninakaw ang pana mo. But I’m really, really sorry. Hindi ko sinasadya ang bagay na ‘yun. Kaya lang, hindi ko talaga kaya ang ipinapagawa mo sa akin!”
Kanina sa office, buo na ang loob kong um-ayaw sa pinapagawa ni Cupid. So what kung si Elise ang naka-tadhana kay Luke? Edi i-ibahin ko ang tadhang naayon sa gusto ko.
Narinig ko ang pag buntong-hininga ni Cupid. Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harapan ko para maging ka-level niya ang mukha ko.
“Jillian, malaki ang magiging kapalit pag pinilit mong baguhin ang tadhana.”
“Stop reading my mind!” I snapped at him.
“Akala mo pag hinayaan mong hindi maka-buo ng connection si Luke at Elise, magiging masaya ka na. Pero mali. Maaring maramdaman moa ng panandaliang kasiyahan. Pero maniwala ka, pag natapos na ‘yun, habang buhay mo na itong pagsisihinan.”
Muli kong iniwas ang tingin ko kay Cupid. Hindi ko lang kasi talaga magawang tanggapin ang tadhanang sinasabi niya sa akin eh.
Bakit kasi hindi na lang ako ang idinuktong niyang tadhana kay Luke? Mahigit limang taon ko na siyang gusto. Ibig sabihin, kaya ko pa siyang mahalin nang panibagong limang taon o higit pa. Hindi pa ba sapat ‘yun? Hindi ba ako deserving sa kanya?
“Hindi ganun ‘yun. Ni minsan ay hindi ako nagkamali sa pag du-duktong ng kapalaran ng dalawang tao.”
“I told you, stop reading my mind!”
“At sa lagay mo, Jillian…” pagpapatuloy niya at hindi man lang pinansin ang sinabi ko “…hindi ka magiging masaya kay Luke.”
Hindi ako agad nakasagot sa sinabi ni Cupid. Naramdaman ko na lang na namumuo na ang mga luha sa gilid ng mata ko. Lumunok ako para mapigilan ang sarili ko sa pag-iyak.
Ang hirap tanggapin ng mga sinasabi niya.
“Bakit ganun? Kung hindi ka nagkakamali sa pagduduktong mo ng mga kapalaran, bakit ang dami pa ring taong nasasaktan? In some ways, nagkaroon ako ng connection kay Luke. Nahulog ako sa kanya. One sided nga lang. But still, may connection! Kung hindi ako ang para sa kanya, bakit nahulog pa ako sa kanya? Hindi ba pwedeng mahalin na lang namin ‘yung itinadhana mo sa amin? Cupid, kung never ka talagang nagkamali sa trabaho mo, bakit maraming taong nasasaktan dahil sa pag-ibig?!”
Hindi ako sinagot ni Cupid. Instead, tumayo siya mula sa pagkakaluhod niya sa harapan ko at naupo sa tabi ko. Nakita kong may maliit na ngiting gumuhit sa mga labi niya.
“Why are you smiling? Talaga bang masaya ka nakakapanakit ng iba?!”
Napailing si Cupid, “no, Jillian. It’s just that, pang ilang milyong tao ka na na sinisi ako sa pagiging brokenhearted nila. Kung baga masyado nang gasgas ang tenga ko sa ganyang paratang.”
“You are the freaking God of love! Sino pa ba ang sisisihin namin?”
Napatawa nang mahina si Cupid dahil sa sinabi ko, “kung sabagay. Ako nga naman ‘yon. Pero nakakalimutan na nang mga tao na nasa nature na nila ang magmahal. May mga pagkakataon na nakaka-gawa kayo nang connection sa isang taong hindi naman talaga naka-tadhana para sa inyo. At ang result? Heart break. Tao mismo ang may gawa nun pero sa kabilang banda, hindi ko rin ito pinipigilang mangyari. Pagka kasi naka-experience ka ng heart break at pinana na kita doon sa taong nakatadhana para sa’yo, mas doble ang saya, mas worth it.”
Nilingon ako ni Cupid at nginitian, “pero bawat connection na nagagawa ng isang tao ay mababaw lang. Maaring ramdam mo na minahal mo ang taong yun ng sobra-sobra, pero maniwala ka, wala yan sa pag mamahal na ibibigay mo para sa taong naka-tadhana sa’yo. Kaya ako nandito para maging isang guide. Pag tinamaan ka nang pana ko, isang malakas na connection ang mabubuo sa’yo at sa taong nakatadhana sa’yo. Isang connection na kahit anong mangyari, hinding-hindi ito mapuputol.”
“Teka lang. Tao lang din ako. Kung ako ang magiging tulay sa pag gawa ng connection ni Luke at ni Elise, magiging mahina lang ito. Please, ibang kaparusahan na lang ang ipataw mo sa akin! Bawiin mo na lang ulit ang pana mo doon sa babaeng naka-itim! A-alam ko kung saan siya makikita.”
“Kung ganoon nga lang sana kadali iyon. Sadyang si Ayesha ay hindi ordinaryong tao.”
“P-pero wala rin naman akong magiging silbi! Ikaw na ang mismong nagsabi na tanging ikaw at ang pana mo lang ang makakagawa ng isang malakas na connection!”
Napa-iling si Cupid, “may isang bagay pa ang makakagawa ng malakas na connection na iyon at ikaw lang ang makakagamit ng bagay na ‘yun, Jillian. Patawad. Nag sinungaling ako. Hindi kita pinaparusahan. Sadyang ikaw lang ang pinili kaya ikaw ang hiningan ko ng tulong.”
“T-teka. Hindi kita maintindihan. Anong bagay? At pinili ako nino? Saan?”
Ikinumpas ni Cupid ang kamay niya at bigla-bigla ay may lumitaw na isang kwintas dito. Inilapag niya ito sa palad ko at nang makita ko ito, nagulat ako.
Yung gold compass na ibinigay sa akin nung babaeng naka-itim!
“Paanong napunta sa’yo ito?!”
“Pag mamay-ari ko ang bagay na ‘yan, Jillian. Ibinigay sa akin ni Ina Aphrodite. Sa loob nang compass na ‘yan ay ang kapangyarihang katumbas ng pana ko. Pero hindi ko ito magagamit. Tanging ang taong pinili lang ng compass na ito ang makakagamit sa kapangyarihang nasa loob nito.”
Kinuha ni Cupid sa kamay ko ang compass at isinuot niya ito sa leeg ko. Nagulat ako nang bigla-bigla na lang may lumabas na liwanag mula sa compass.
“Umiilaw siya! Bakit?! Teka ano nangyayari?”
“Ikaw ang pinili niya.”
“H-ha?! Wait ako? Bakit ako?”
“Aba malay ko. Tanong mo sa compass,” naka-ngising sagot ni Cupid.
May pagka-pilosopo rin siya ano?!
“Ano ba! Seryoso nga, bakit ako?”
“Hindi ko alam Jillian. Sa totoo lang, nagtataka rin ako kung bakit ikaw. Pero ito nag liwanag. Ibig sabihin, ikaw lang ang makaka-gamit niyan. Sa ngayon, ikaw lang ang makakapagduktong ng malakas na koneksyon sa dalawang tao. Kaya please Jillian, ikaw lang ang makakatulong sa akin.”
Huminga ako ng malalim habang hawak-hawak ko ang compass. Mahal na mahal ko si Luke. Kaya lang, kung totoo ang sinasabi ni Cupid, mababalewala lang ang pagmamahal na nararamdaman ko sa kanya. Hindi kami magiging masaya.
Kung hindi ko gagawin ito, habang buhay nang hindi magduduktong ang kapalaran ni Luke at ni Elise.
“Cupid, ‘y-yung naka-tadhana sa akin, mamahalin niya ba ako ng husto?”
Cupid gave me a genuine smile, “mamahalin ka niya ng sobra-sobra. At magiging masaya ka. ‘Di ba sabi ko sa’yo, never akong nagkamali?”
“Si Luke, magiging masaya ba siya kay Elise?”
“Sobra.”
Napapikit ako.
“Okay. Mukhang wala na naman akong choice kundi gawin ito ‘di ba? Kesa kalabanin ko ang tadhana.”
~*~
[Cupid’s POV]
“Hindi ako makapaniwalang na-isahan mo ako doon. Hindi ako makapaniwalang napapayag mo siya!” giit sa akin ni Ayesha.
Nandito ako ngayon sa aking hardin. Sa harapan ko ay naroon si Ayesha at hindi maipinta ang mukha.
“Talagang sinadya mo ako rito para lang sa bagay na ‘yan, Ayesha.”
“Nag sinungaling ka sa kanya! Hindi mo sinabi sa kanya na magkaiba ang compass ko at compass mo! Siya rin ang pinili sa akin! Ni hindi mo man lang siya hinayaang makapili sa ating dalawa!”
Ngumisi ako, “patawad, nakalimutan kong sabihin sa kanya eh.”
“Ang tuso mo!”
“Hindi naman. Sadyang pinoprotektahan ko lang ang mga tao sa kapahamakang kaya mong idulot. Mas dobleng kapahamakan pa pag nakuha mo si Jillian. Medyo may pagka-utu-uto pa naman ang isang ‘yun. “
“Maagaw ko siya sa’yo! Alam kong hindi niya tatanggihan ang kapangyarihan ng compass ko!”
Nagkibit-balikat ako, “hindi rin, Ayesha. Suot na niya ang compass ko. Wala ka nang magagawa. Pinili ni Jillian ang kaligayahan ng mahal niya. Alam kong magtatagumpay siya kay Luke at Elise. At pag nagkaroon na nang koneksyon ang dalawa, alam mo na kung sino ang isusunod ko.”
Nang-gagalaiting nakatingin sa akin si Ayesha. Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata.
“May mga alas pa ako Cupid, kaya wag kang makampante. Gagawin ko ang lahat para hindi mabuo ang koneksyon na iyon!”
Matapos niyang sabihin iyon ay bigla na lang siyang nawala.
Napa-upo ako sa gilid ng fountain. Sa totoo lang, hindi ko alam kung gaano na kalakas ang kapangyarihan ni Ayesha. Pero nakikita ko sa mga mata niya na gagawin niya ang lahat para mapigilan kami.
Gagawin niya ang lahat, makuha lang niya ang bagay na minsang ipinagkait sa kanya.
To be continued…
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top