Chapter 59


Chapter 59


[Jillian's POV]


Nadatnan ko si Ana na umiiyak habang nakikipagusap kay West.

Umiiyak kakatawa.

"Jillian!" sabi niya nang makita niya ako. "Grabe I like this guy! He is so funny!" natatawa-tawang sabi ni Ana habang tinuturo si West.

"Kinakabag na ata kakatawa si Ana dahil sa akin," nakangiti namang sabi ni West.

Pinilit kong ngumiti.

"Wow! Mukhang close na kayo ah?" sabi ko.

"Eh madali naman maka-close itong si West! Grabe tawa ako nang tawa sa mga kwento niya. Komedyante pala 'to!"

Nginitian ko siya. Hindi ko na alam ang itsura ng ngiti ko. Halata bang pilit? Halata bang plastic?

Halata bang gusto ko ulit lumabas at umiyak?

I know West is an amazing guy. Alam kong kahit sino, makaka-close agad siya. Kahit sino, pwedeng magustuhan siya sa una pa lang nilang paguusap.

But damn! Hindi ko pa nakikita ang side ni West na nagpapatawa at nag j-joke.

"Jillian kamusta pala yung tumawag sa'yo? Saang company yun?" sabi ni West.

"A-ah... wrong info. S-si Eros lang pala yun. Nang g-good time."

"Oh.. I see," nginitian niya ako.

Agad akong napaiwas ng tingin.

Ayokong tignan ang ngiti na 'yan. Please sana iwas iwasan muna niya ang pag ngiti sa akin dahil mas lalo akong nahihirapan. Ang lakas ng bulong ng demonyo sa utak ko ngayon.

Jillian, hayaan mo na si Cupid. Hayaan mo na ang book of soulmates at ang timeline niya. Ayan oh, mahal mo na si West. Mahal ka rin niya. Ano pang inaantay mo? Make him yours. Wag mo nang intindihin si Ana. Mas nauna ka eh. Isa pa, paano kung mamatay siya? Edi nasaktan lang si West? Kunin mo na siya hangga't maaga pa. Para sa ikasasaya mo 'yan. Gawin mo na Jillian. Gawin mo na.

Hindi tama.

Pero masakit ang tama. At gusto mo pa bang masaktan?

Huminga ako nang malalim.

Kakayanin ko ba talaga 'to?

"'Di ba kakaiba yung plot twist sa dulo? Ang mind blowing lang!" sabi ni West kay Ana habang hawak hawak niya ang libro na kaninang binabasa ni Ana.

"Sobra! Iyak ako nang iyak doon. Feeling ko ako yung protagonist eh. Parang yung puso ko yung nabiyak!" sabi naman ni Ana.

"Tama ka dyan! Wala, ang galing talaga nung author! Isa 'yan sa pinaka talented naming authors eh kaya hindi ko talaga 'yan binibitiwan. Right Jillian?"

"Eh?"

Itinaas ni West yung librong hawak niya, "'di ba ikaw ang nag proofread nito? Biruin mo yun, favorite book pala 'to ni Ana!"

"Ah.. talaga? W-wow! Oo maganda 'yan," kahit hindi ko na naalala ang librong 'yan.

Sige ngiti lang Jillian. Makipagtawanan ka sa kanila. Ngiti lang at ipakita mo sa kanila na wala lang sa'yo ang nangyayari. Wag mong ipahalata na nilalamon ka na ng selos, ng bitterness at ng dark and selfish thoughts. Tutal dyan ka naman magaling eh. Ang mag pretend na okay ka lang.

Kung anu-ano ang pinaguusapan nung dalawa. Nandoon lang ako, tiga-tawa at ngiti. Kung titingnan mo sila, parang sila yung matagal nang magkakilala at ako yung kaka-close pa lang nila.

Kinukwento ni West yung tungkol sa most embarassing moment niya nung elementary siya. Kinukwento niya yung about sa pag c-cutting class niya nung highschool siya.

Hindi ko ma-imagine ang elementary at highschool na si West. Never naman niyang kinuwento sa akin ang mga bagay na yun noon.

Pero dito, bigla na lang siyang nag kwento.

Maya maya pa, nauwi na sa mga libro ang kwentuhan nila. Ang dami nilang pagkakapareho ng hilig. Puro romance and fantasy ang pinaguusapan nila. Paano ako makakrelate kung karamihan ng binabasa ko horror at thriller?

Ang dami nilang tugma. Ang dami naming opposite.

Tinititigan ko sila. Yung ngiti ni Ana at ni West, ang ganda.

Ang ganda nila tignan pareho.

At nakakapagtaka talaga. 'Di ba pag nakakakita tayo ng maganda sa paningin natin, natutuwa tayo? Pero bakit ako ngayon parang pinipilipit ang puso ko?

Ang hirap pala nang ganito? Yung wala kang takas. Yung gusto mong umalis kasi hindi mo na kayang makita. Gusto mong iiwas ang tingin mo kasi nasasaktan ka na. Gusto mo nang umiyak pero kailangan mong pigilan. Kasi hindi pwede. Hindi nila pwedeng malaman na nahihirapan at nasasaktan ka na kaya wala kang ibang nagawa kundi ang ngumiti at tumawa.

Nakakabaliw pala.

Mga bandang 8pm na nang umalis kami ni West. May nagsi-datingan pa kasing mga kamag-anak ni Ana na dumadalaw. Since hindi naman kalakihan ang hospital room niya, umalis na lang kami.

Nagsabi kami na babalik kami bukas kaya lang treatment pala iyon ni Ana kaya hindi kami pwedeng dumalaw. Ang mangyayari, sa susunod na araw na lang, dadaan kami sa ospital bago ang flight namin papabalik sa Manila.

At ang sama sama sama sama ko dahil medyo nakahinga ako nang onti dahil doon.

I know, I'm so selfish and I hate myself for feeling this way. Sa nararamdaman ko ngayon, sa itinatakbo ngayon ng utak ko, unti unti kong na-re-realize kung gaano ako kasamang tao.

At alam niyo ang mas twisted?

Naiintindihan ko na ang nararamdaman ni Ayesha.

Nakakainis. Ayokong magisip ng ganito. Ayokong matulad sa kanya. Pero badtrip! Ang hirap palang labanan kung sa'yo na nangyayari mismo.

Iniisip ko dati, ang bitter ni Ayesha, ang sama niya, napaka-selfish niya para gawin lahat nang 'to.

But wow lang. Ganito rin ang nararamdaman ko ngayon.

"You have such an amazing friend, Jillian," nakangiting sabi ni West habang palabas kami ng ospital. "Deserve niya talagang mabuhay nang mahaba."

Tumango lang ako habang pilit na ngumingiti. Baka kasi pag nagsalita ako, mahalata pa ni West na hindi ako okay.

"So, gusto mo munang kumain bago tayo bumalik sa hotel?" tanong niya sa akin.

"N-no, I'm okay."

"Eh? Hindi pa tayo kumakain ng dinner. My treat."

"Pero---!"

"Ang tumanggi, panget!" sabi niya at bago pa ako maka-angal, hinila na niya ako pasakay sa isang taxi.

~*~

Tahimik ako habang kumakain samantalang si West naman, ang daldal-daldal. Kwento nang kwento about kay Ana. Mahal ko si West. Pero sa ngayon, gusto kong saksakin ng tinidor ang dila niya para manahimik siya.

Oo na! Oo na! Nag enjoy na siya sa company ni Ana. Oo na! Masaya kausap ang best friend ko. Tama na siya, nagkakasundo sila sa lahat ng bagay.

Sige na! Oo na! Aware na ako! Aware na aware na! Wag na niyang ipagdiinan please?

Masakit na talaga eh.

"Oo nga pala, gusto mo bilhan natin si Ana ng book? Nabanggit niya kasi na hindi pa siya nakakabili ng sequel nung book na binabasa niya. Surprise natin?"

Huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang tubig na nasa tabi ko at idineretso ko ng inom.

"Jillian?"

Nginitian ko si West.

"Gusto ko na talagang umuwi. I'm not feeling well."

"A-ah ganun ba? Wait, masakit ba ulo mo? Feeling mo ba lalagnatin ka? May gamot ako rito. Inuman mo na kaya bago ka pa magkasakit."

Kinuha niya ang bag na dala niya at naghalungkat siya doon.

"West."

"Hmm?" he ask me without looking at me.

"West," hinawakan ko ang kamay niya kaya naman napa-angat ang tingin niya sa akin.

Oh no. No. Jillian naman eh. Don't do it. Wala kang karapatan. Hindi pwede. Wag ka nang pasaway please? Wag kang magbibitiw ng salita na pagsisisihan mo.

"Jillian," kinuha ni West ang kamay ko at hinawakan ito ng mahigpit. "What's wrong? Please tell me. Kanina ka pa walang imik. Ang tahi-tahimik mo. Hindi ka ngumi-ngiti. May problema ba?"

Napapikit ako.

Oh no. Luha naman wag ka munang babagsak. Please naman. Wag ngayon.

Idinilat ko ang mata ko at tinignan ko si West. I hold back my tears and tried my best to smile.

"Okay lang talaga ako. Gusto ko lang matulog. Okay lang ba, umuwi muna tayo?"

"Oo naman. You should have told me earlier para nakaalis tayo agad."

"Okay lang sa'yo yun?"

"H-ha? Ang alin?"

"Na aalis tayo doon agad kahit nag eenjoy ka pa makipagusap kay Ana."

Shit Jillian! Shit ka talaga! Ba't mo sinabi 'yan ano ba!

Napayuko ako at hindi ko na inintay pang magsalita si West. Nag excuse agad ako sa kanya at dumiretso sa comfort room.

Nakakainis talaga! Ang bitter bitter ng dating ko. Ang tono ko, para akong nagseselos.

Well, YES oo inaamin ko. Nagseselos talaga ako. Sobra sobra sobra sobra.

Pero mali kasi may sakit si Ana. Hindi dapat ako magisip sa kanya ng ganun.

Mali kasi eto naman talaga dapat ang nangyayari eh. Sila naman talaga ang nakatadhana sa isa't isa.

Mali kasi wala akong karapatan na mag selos.

Naghilamos ako. Pinakalma ko ang sarili ko. Paulit ulit kong tinatatak sa utak ko na makakaya ko 'to at hindi ako maiiyak pag labas ko.

At nang okay na ako, pinuntahan ko na si West doon.

"Let's go?" naka-ngiti niyang yaya sa akin.

Napayuko ako.

Hindi ko siya matignan. Nakakainis.

Sabay kaming naglakad ni West palabas ng mall kaso nagulat ako nang biglang hawakan ni West ang wrist ko at hinila niya ako papalapit sa kanya.

"B-bakit?"

"Picture tayo."

"Huh?"

Inakbayan niya ako at itinapat niya ang cellphone sa mukha ko. At kesa makunan pa ako nang naka-busangot ang mukha, ngumiti na lang ako.

"Okay, one!" masigla niyang sabi habang nakatingin sa picture namin.

"Anong one?"

"Nakakaisang selfie na ako sa'yo. May isa na akong pang wallpaper ng phone ko."

"H-ha?! Wallpaper?! U-uy West naman! Wag!"

"At bakit? Phone ko 'to. May karapatan ako kung ano ang gusto kong gawing wallpaper."

"Pero kasi naman---!"

"Jillian, I'm sad kasi hindi natin madadalaw si Ana bukas."

Bigla akong natigilan. Iniwas ko agad ang tingin ko sa kanya.

"O-oo nga eh. Oo nga. Nakakalungkot. Sayang."

Liar.

"P-pero, I know you'll hate me for thinking this way. B-baka isipin mo na nag t-take advantage ako... well, she's your best friend..."

Napa-angat ang tingin ko sa kanya. Nagulat ako na namumula na ang tenga niya.

Damn. Ang tagal ko nang hindi nakita na nag b-blush siya.

"W-what are you talking about?"

"Well.. uhmm.. s-since wala naman na tayong gagawin bukas, pwede ba kitang ma-solo?"

Hindi ako maka-imik. Hindi ko alam kung bakit parang umurong ang dila ko. Ano ba 'to. Bakit ganito?!

"H-hindi naman sa nag t-take advantage ako sa opportuni---I mean---no, not opportunity. Well, uhmm opportunity para sa akin kasi nililigawan kita pero mali na isipin mo na nag t-take advantage talaga ako. Hindi yun ganun ah? Alam kong malungkot ka kasi hindi natin makikita si Ana bukas. Pero---oh god, I'm seriously bad at this. Just, please come with me tomorrow?"

At tuluyan na akong napa-ngiti.

Ano ba. Bawal yan Jillian! Why the hell are you smiling?!

Ako pa rin ang mahal niya.

Eh gaga ka pala! Ba't ang saya mo? Dapat malungkot ka kasi dapat si Ana ang mahal niya!

"Well, I'll take that as a yes. Afterall, wala ka namang choice. Ako lang ang kasama mo," he grinned.

Napailing na lang ako.

"Pwedeng isa pang picture?" sabi niya sabay angat ng cellphone niya.

"Bukas na. Marami tayong magiging picture bukas."

"Talaga? Pwede ko bang i-send kay Zyron mga photos natin?"

"West!"

"Joke lang."

Napayuko na lang ako habang nakangiti.

Ang ironic ng buhay. Alam kong mali ang lahat nang 'to.

But damn! Hindi ko mai-alis ang ngiti sa labi ko.

To be continued...


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: