Chapter 56
Chapter 56
[Jillian's POV]
Halos hindi ko maigalaw ang mga hita ko papasok sa hospital room ni Ana. Hawak-hawak ko nang mahigpit ang braso ni Cupid. Ang bilis ng tibok ng puso ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nagaalinlangan ako na makita siya?
Kumatok si Cupid sa room pero walang nagbukas para sa amin. Instead isang mahinang "pasok kayo.." ang narinig namin.
Cupid opened the door at pumasok kami sa loob. Walang ibang tao sa loob bukod kay Ana na naka-higa sa hospital bed. Sobrang payat niya. May bonnet na rin siyang suot na sign na wala na siyang buhok.
Leukemia.
Parang gusto kong maiyak.
Nilingon kami ni Ana at nakita ko siyang ngumiti ng malawak.
"Jillian," sabi niya.
Agad akong lumapit sa kanya.
"Na-recognize mo ako?"
Tumango siya, "yung picture natin palaging nasa wallet ko."
"Ana..."
I occupy the seat beside her bed at hinawakan ko ang kamay niya.
"P-paano ka pala napunta rito, Jill? Sinabi ba ni Mother Superior sa'yo?"
Hindi ako nagsalita.
"Si mother superior talaga... pero atleast nakita kita uli. Ang tagal na 'no?"
Tumango ako, "k-kamusta ka doon sa pamilyang umampon sa'yo?"
She smiled, "masaya ako doon Jillian. Sobrang saya." Napahinga siya ng malalim. "Naalala mo noon sabi ko gusto ko ang aapon sa akin eh mayaman? Tapos na-disappoint ako na isang oridinaryong pamilya lang ang umampon sa akin. But it turns out, sa kanila ko pa mararamdaman ang tunay na pamilya."
Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay niya, "I'm really happy for you Ana."
Tumawa siya ng mahina.
"Sa lahat ng dumalaw sa akin, ikaw lang an nagsabi niyan."
"N-no! H-hindi yun ang ibig kong sabihin. I-I mean---"
"I know Jillian. I know. And I'm glad na may tao pa ring sasabihan ako na masaya sila sa akin sa kabila ng nangyayari sa akin ngayon."
Napalunok ako. I fought back the tears.
God. She's the same old Ana. Yung Ana na kaibigan ko na masiyahin at masyadong positive ang outlook sa buhay.
She's smiling brightly. Her eyes are shining.
Kahit nahihirapan siya. Kahit may sakit siya.
She deserves West. At ang bigat sa dibdib.
"Ikaw naman? Kamusta ka? Boyfriend mo ba yung kasama mo kanina?"
Napalingon ako sa likod. Wala si Cupid. Ibinalik ko ang tingin ko kay Ana at nginitian siya.
"Pinsan ko yung kasama ko. Si Eros."
"Oh. Kaya pala magkahawig kayo."
Parang bigla naman akong nag blush dahil sa sinabi niya. Kahawig ko raw si Cupid? Ibig sabihin ang ganda ko?!
"Jillian... how are you? Doon ka sa papa mo nakatira na?"
Natigilan ako bigla at napaiwas ng tingin sa kanya.
"Uhmmm... hindi eh. Ang tagal ko na rin siyang hindi nakakausap."
"Why? What happened?"
"Eh ganun talaga. Itinakwil..."
Biglang lumungkot ang mukha ni Ana.
"I-I'm sorry Jillian.."
Umiling ako, "ano ka ba! Wag na nga natin pagusapan yun. Sige change topic tayo!"
Kung anu-ano ang pinagusapan namin ni Ana. Tawa kami nang tawa. Ang daming kwento sa isa't-isa.
Sabi nila pag matagal na hindi nagkikita o nagkakausap ang magkaibigan, nagiging awkward na sila sa isa't isa. Pero with Ana, parang walang nagbago. Hindi na nga lang kami yung mga batang nine years old na walang ibang ginawa kundi mag laro. We're both grown ups now. Pero siya pa rin ang nag iisang best friend ko.
For a moment, nakalimutan kong siya ang nakatadhana kay West. For a moment, I forgot that she's dying.
Ang ganda kasi ng ngiti niya. Ang sarap niya kausap.
Ang sakit naman.
Sana dati ko pa siya hinanap. Sana matagal ko na siyang pinuntahan. Ang dami siguro naming bonding moments 'no?
Sana dati pa niya nakilala si West.
Oo nga. Kung dati pa dumating si Ana sa buhay ni West, magugustuhan niya kaya ako?
Sabi ni West, nung kaka-hire pa lang niya sa akin, napapansin na niya ako. He already likes me long before ko pa siya mapana.
Pero kung nakilala kaya niya si Ana, magugustuhan kaya niya ako without the help of the arrow?
Malamang hindi.
"Saan ka pala nauwi Jillian?"
"Ah.. diyan lang ako sa Pasig."
"Oh? Eh ano ginagawa mo rito?"
"Dinadalaw ka nga!"
"Talagang pumunta ka rito sa Cebu para dalawin ako?"
Nanlaki bigla ang mata ko, "nasa Cebu tayo?!"
Ana look puzzled. I fake a laugh.
"Ah hehe... j-joke!"
Bwiset kang Kupido ka! Ni hindi mo ako ininform na nasa Cebu pala tayo!
Napailing siya habang nakangiti, "hanggang ngayon ang corny mo pa rin."
"Ang sama mo ah!"
Napatawa siya.
"I'm really happy to see you again, Jill. Thank you ah? Dahil pinuntahan mo ako dito."
I feel a tight knot in my stomach.
Nakokonsensya ako. Sa totoo lang, kung hindi pa dahil kay Cupid, hindi ko pupuntahan si Ana. Hindi ko siya hahanapin. Kung hindi siya ang nakatadhana kay West, hindi ko siya uli makikita.
West.
Hindi ko alam ang mas masakit. Ang malaman kong may malubhang sakit si Ana o ang ma-realize na bagay na bagay silang dalawa ni West.
Pero paano si West kung mamatay si Ana? Paano na siya?
~*~
"Are you okay?" tanong ni Cupid sa akin nang lumabas ako sa room ni Ana.
Nang dumating na ang parents ni Ana, nagpaalam na rin ako sa kanila at nangako na babalik ako.
Hindi ako sumagot instead hinawakan ko lang sa braso si Cupid.
Nagtungo kami sa fire exit kung saan walang tao. When the coast is clear, nag teleport na kami papuwi sa apartment ko.
Napaupo agad ako sa sofa ng living room ko at ipinatong ko ang ulo ko sa dalawa kong kamay.
"Jill..."
"Dapat pa bang makilala ni West si Ana?" halos pabulong kong tanong.
"Jillian... bakit ganyan ang tanong mo?"
Inangat ko ang ulo ko at tinignan ng seryoso si Cupid.
"Ana is dying! Paano kung magkakilala sila ni West at nahulog sila sa isa't-isa? Masasaktan lang sila pareho! Lalo na si West! Worth it pa ba na pagkitain ko sila?!"
Napa-hinga ng malalim si Cupid at lumapit siya sa akin.
"Ayan ba talaga ang iniisip mo o ayaw mo lang bitiwan si West?"
Parang patalim na sumaksak sa dibdib ko ang tanong ni Cupid.
"B-ba't ganyan ka mag-isip sa akin?! Concern lang ako sa dalawa Cupid!"
"I know that. Pero Jillian, gusto ko lang ipaalala sa'yo na you don't own West. He's not the one for you."
"Alam ko yun!" sabi ko habang hindi ko na napigilan ang pagbagsak ng luha ko.
Stupid, stupid Cupid!
"Alam ko yun Cupid! Hindi mo na kailangan ipagdiinan pa iyon sa akin!!"
"Jillian," ipinatong ni Cupid ang mga kamay niya sa balikat ko at tinitigan ako. "Kapag namatay si Ana, mawawala na ang kaduktong ng tadhana ni West. But it doesn't mean na pwede na kayo because you are destined to be with Zyron. Walang pwedeng makapag-bago sa nakasulat sa book of soulmates—kahit ako. At gustuhin man kita ibigay kay West, hindi pwede."
Napaiwas ako ng tingin.
"Pero may pag-asa pang mabuhay si Ana."
Bigla ulit akong napatingin kay Cupid.
"P-paano?"
"The gods can help her kung makakahanap si Ana ng reason at will para mabuhay. Sa ngayon kasi, tanggap na niya ang kapalaran niya."
Napapikit ako habang humihinga ng malalim.
"Kaya kailangan kong dalhin si West sa kanya?" my voice broke.
"I know it hurts you Jillian. Pero isipin mo, kapag namatay si Ana, habang buhay na mag-isa si West. Yes mahal mo si West. Yes maaring suwayin mo ang lahat at tatakbo ka ngayon sa kanya. Pero darating at darating ang panahon na mawawala ang pagmamahal mo sa kanya dahil kay Zyron. Because Zyron is the one for you. At ano na ang mangyayari kay West?"
Ayokong isipin. Ayokong tanggapin.
Ang sakit.
"Jillian, hindi ako humihingi ng pabor para sa sarili ko. I'm asking this favor to you para kay West at Ana."
Lumayo ako kay Cupid at tinalikuran ko siya.
Ang sakit sakit sakit.
Kinuha ko ang phone ko sa bulsa ko at tinawagan ko si West.
"Jillian?" sabi niya mula sa kabilang linya.
Boses pa lang niya parang dinudurog na ang puso ko.
"W-West.. uhmm.. busy ka ba n-next week?"
"H-hindi! Hindi! I'm free next week. Why?"
Huminga ako ng malalim.
"Samahan mo naman ako bisitahin ang kaibigan ko. Okay lang ba?"
"Sure! No problem! Basta ikaw Jillian!"
Punong-puno ng sigla ang boses ni West. Ang saya saya niya.
Kung alam lang niya...
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top