Chapter 51

Chapter 51


[Jillian's POV]


Unti-unti kong iminulat ang mata ko. Isang puting kisame ang una kong nakita.

"Jillian?!"

Naramdaman kong may lumapit sa kama kung saan ako nakahiga.

"Jillian, thank god nagkamalay ka na rin."

Naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko at idinikit ito sa pisngi niya.

"Wag ka na ulit mahihimatay nang ganun ah? Pinag-alala mo kaming lahat!"

Napalingon ako at nakita ko ang mukha ni Zyron na puno nang pag-aalala.

"A-anong nangyari?" tanong ko sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang pagkatuyo ng lalamunan ko.

"Habang naguusap kayo ni West, bigla kang hinimatay. Buti na lang at dumating ako at naisugod ka sa ospital agad. Sabi nung doctor, over fatigue raw."

Napapikit ako. Medyo ramdam ko pa rin ang onting pagkahilo.

Over fatigue? I don't think so.

Alam kong yung compass ang may dahilan. Naramdaman ko ang init nito bago ako mawalan ng malay. Naramdaman kong parang hinigop nito ang buong lakas ko.

At nakita ko siya. Yung babae sa panaginip ko.

Sobrang pamilyar ng mukha niya. Ang gaan ng presensya niya.

Sino siya?

"Jillian?"

Napabalik ang atensyon ko kay Zyron. Nakatingin siya sa akin na parang any minute, pwede akong mawala sa mundong 'to.

I gave him a small smile, "ayos na ako, Zyron."

"Sure ka ha? What do you want? Gusto mong kumain? May nararamdaman ka ba? Should I call the doctor?"

Umiling ako, "s-si W-West nasaan?"

Medyo natigilan si Zyron at napa-buntong hininga siya.

"Nasa bahay na siya at nagpapahinga. Jillian, it's already 2am."

"Oh."

Bumangon ako at inalalayan naman ako ni Zyron para mapaupo.

"Siya ba ang nagdala sa akin sa ospital?" tanong ko.

"Nope. It's me. Hindi siya makaalis sa trabaho dahil ang daming dapat gawin."

Napatahimik ako.

Kanina lang nanghihingi siya sa akin ng second chance. Kanina malapit na ako um-oo.

Pero hindi man lang niya nagawang dalhin ako sa ospital.

Napa-buntong hininga ako. Pero kahit ang lalim na nang pag buntong-hininga ko, hindi pa rin mawala-wala ang bigat sa dibdib ko.

"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Zyron.

Tumango ako at tinignan ko ulit siya, "thank you Zyron ah?"

"Ano ka ba! Wag kang magpasalamat sa akin. Alam mo naman na willing akong bantayan ka."

"Pasensya ka na ah? Inabot ka pa ng 2am dito."

"Wala yun Jillian. Isa pa, natitigan naman kitang matulog eh kaya masaya na 'ko," he winked at me.

Medyo napatawa ako nang onti, "para kang si Edward Cullen ng Twilight. Talagang tinitigan?"

"Is that a compliment? 'Di ba kilig na kilig ang mga kababaihan sa bampirang 'yun?"

Napailing ako, "ang creepy kaya na may tumititig sa'yong matulog."

He laughed, "kung sabagay. Wag kang mag alala, may iba rin naman akong ginagawa bukod sa pagtitig ko sa'yo habang natutulog ka. Uma-attack din ako sa COC."

Napangiti ako, "salamat talaga, Zyron. Salamat."

"Ayan ka na naman sa pasasalamat mo eh. Wag ka nang magpasalamat. You know the reason why I am doing this."

"Zyron---!"

"Isa pa," pag putol niya sa sasabihin ko, "nalaman ko na nag resign ka na. Dahil ba may pag-asa ako sa'yo?"

"Zyron please---!"

"No. Wag mo na lang sagutin. Mas okay na hindi ko alam ang sagot. Basta kahit anong mangyari hindi kita susukuan, Jillian."

Parang bigla na naman nanikip ang dibdib ko.

Ano ba. Hindi ba effective ang basted sa taong 'to?

Aasa lang siya sa akin eh. Nasaktan ko na nga si West, pati ba naman siya?

Nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko at inilapit niya ito sa labi niya.

"Zyron.."

"Madali kang sinukuan ni West. Pero magkaiba kami Jillian. Papatunayan ko na ikaw ang tipo nang babaeng dapat pinaghihirapang makuha."

Napapikit na lang ako.

Sinukuan.

Pero nanghihingi siya sa akin ng second chance. At ibibigay ko sa kanya yun.

Kaso, nasaan siya ngayon? Ba't hindi si West ang katabi ko?


~*~


Kinabukasan, pinayagan na ako ng doctor na makalabas sa ospital. Inihatid naman ako ni Zyron sa apartment ko. Good thing at hindi siya pwedeng um-absent sa trabaho nya ngayon.

Gusto kong mapag-isa at mag-isip.

Pumasok ako sa kwarto ko at inilabas yung kahon na ibinigay sa akin ni Mother superior noong nagpunta kami ni West dati sa bahay ampunan kung saan ako lumaki.

Simula nung pag uwi ko, never ko pang nagalaw ang box na 'to at hindi ko na rin matandaan yung mga naiwan kong gamit noon sa bahay ampunan.

I opened the box at unang bumungad sa akin yung bear na bigay sa akin ni daddy. May hiwa ito sa tagiliran niya na kagagawan ni Zyron noon.

Tinignan ko kung ano pa ang nasa box. Mga old text books ko, coloring books, mga kung anu-anong laruan.

Nakita ko yung isang pamliyar na notebook na color pink.

Diary ko noon. I opened it and read a random entry.


Dear Diary,

Wala talagang may gusto sa'kin. Wala nang pag-asa na ma-ampon ako.

Sabi ni Faye, kaya hindi ako naapon kasi hindi ako marunong kumanta o sumayaw. Pero bakit ang bully na si Aaron na-ampon? Tapos mukhang mayaman pa ang naka-ampon sa kanya. Isa pa, ang bait nung magiging kapatid niya.

Kanina, habang kinakausap si Aaron ng future parents niya, nakausap ko yung magiging kapatid niya. Nag-hi kasi siya sa akin. Nakikipag kilala. Sabi niya West ang pangalan niya. Nakangiti siya sa akin ng maganda at parang gusto niyang makipag laro. Kaya lang nahihiya akong lumapit sa kanya kaya naman nagtago na lang ako sa likod ni Mother Superior.

Pero nararamdaman ko na mabuti siyang tao.

Ang swerte naman ni Aaron. Nakahanap siya ng mabait na kapatid.

At dapat pala Zyron na ang itawag ko sa kanya kasi sabi ni Mother Superior, pinalitan na ang pangalan niya.

Pagka kaya ako naampon, papalitan din nila ang pangalan ko? Gusto ko pa naman ang Jillian eh.

Pero kahit panget ang ipalit nilang pangalan sa akin, okay lang. Basta ampunin lang nila ako.

Gusto ko kasing maramdaman kung paano magkaroon ng isang pamilya.


Agad kong isinara yung diary at tuloy tuloy ang bagsak ng luha ko. 13 years ago na ang nakalipas simula nang isulat ko 'to.

13 years ago... nagkita na kami ni West.

Parang biglang nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan.

Isang maliit na pagkakataon pero bakit ang laki nang epekto sa akin nito?

13 years ago.

Naalala pa kaya niya ang araw na 'yun?

Sinamahan niya akong bumalik sa bahay ampunan na yun. Naalala pa kaya niya na doon din sa mismong ampunan na yun nanggaling si Zyron?

Eh ako? Naalala pa kaya niya?

Alam kong malabo. Kung ako nga hindi ko na natatandaan ang araw na 'to eh. Masyado nang matagal. Ang bata ko pa rin nung panahon na yun.

But still...

God. Tadhana. Bakit pinaglalaruan niyo nang ganito ang feelings ko? Ano ba!

Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may kumatok nang malakas sa pintuan ko. Halos kalampagin ang pinto ko.

Dali-dali akong lumabas at sinilip kung sino ang kumakatok.

"Aling Melissa?"

Binuksan ko agad ang pinto at ngayon ko lang napansin na umiiyak pala si Aling Melissa, yung nagtitinda ng goto malapit sa amin.

"Aling Melissa? Bakit po? Ano pong problema?"

"Eh Jillian gusto ko lang sana itanong kung nakita mo ba ang anak ko?" sabi niya habang pinupunasan ang luha sa mata.

"Si Cassy? Hindi po. Bakit po? Ano po ang nangyari?"

"Kagabi pa kasi siya nawawala eh! Nagaalala na ako! Hindi naman ako pinapansin ng mga pulis dahil wala pa raw bente kwatro oras na nawawala si Cassandra! Pero kinakabahan ako. Jillian, hindi naman umaalis magisa ang anak ko eh!"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanlamig. Para akong pinagpawisan ng malagkit at nakaramdam ng sobrang kaba.

Agad kong niyakap si Aling Melissa.

"Hahanapin po natin si Cassandra. Tutulungan ko po kayo."


~*~


[West's POV]

"West, ilang beses ka nang bumubuntong hininga. Okay ka lang ba?" tanong ni Sasha sa akin.

"Ah, y-yes I'm fine," ibinaling ko ulit ang atensyon ko sa laptop ko.

Sinubukan kong mag concentrate sa trabaho pero hindi ko magawa.

I want to see her.

Pero hindi pwede.

Tama na West. Wag mo na siyang isipin. Kalimutan mo na siya.

Mahal niya ang kapatid mo. Tama na. Wag mo nang ipagpilitan pa ang sarili mo.

Halos paulit-ulit na nag rereplay sa utak ko ang sinabi sa akin ni Kuya Zyron.

"She told me she loves me. I'm so sorry West."

Nung panahon na yun, gusto kong sapakin ang kapatid ko. Gusto ko siyang sigawan na bawiin niya ang sinabi niya. Na hindi totoo yun.

Pero ayan na lahat ng pruweba sa harap ko.

Kaya siya nag resign dahil gusto niya si Kuya Zyron. Walang rason ang kapatid ko para magsinungaling sa akin. Sa tagal na namin magkasama, never siyang nagsinungaling sa akin.

Pero ang hindi ko maintindihan, bakit nagsinungaling si Jillian nang tanungin ko siya kung mahal ba niya si Zyron.

Sabi niya hindi.

Ginawa niya ba yun para protektahan ang puso ko? Para hindi ako masaktan?

Bullshit.

Mas masakit sa akin ang nangyari kasi umasa ako.

Ang tanga ko. Umasa ako.

Jillian, ang hirap mong kalimutan. Ano bang ginawa mo sa'kin?!

Ang sakit.

"West."

Naramdaman ko ang kamay ni Sasha na nakapatong na sa isa kong kamay. I gently pulled away.

"No, West."

Hinawakan niya ang braso ko. Napapikit ako.

"Sasha, bumalik ka na sa trabaho mo."

"Mag move on ka na sa kanya please?"

"Sasha.." sabi ko nang medyo may halong pagbabanta sa tono ng boses ko.

"Kalimutan mo na lang siya at tumingin ka na lang sa taong handa kang saluhin. Pinagmumukha ka na niyang tanga, West. Wag ka nang umasa sa kanya. Can't you see? Tinituhog niya kayong magkapatid!"

"She's not like that. Tigilan mo na yan."

Napailing siya, "maaring 'di mo nakikita ngayon kasi nabubulag ka sa nararamdaman mo sa kanya. Pero makikita mo rin yun unti-unti West. Kaya ngayon pa lang, mag move on ka na."

Tumayo ako at lumabas ako nang opisina.

Kailangan kong magpahangin.

No. Ayokong tignan sa ganoong paraan.

Kahit gaanong kasakit ang nararamdaman ko, kahit gaano ako nahihirapan nang dahil sa kanya, ayokong humatong ang nararamdaman ko sa ganon.

Ayokong magalit sa kanya.

Mas okay nang sisihin ko ang sarili ko.

Pero hindi ko magawang i-alis sa isip ko ang mga sinabi ni Sasha.

To be continued..


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: