Chapter 49

Chapter 49


[Jillian's POV]


"My dear Jillian, ako yung palaging nagpapadala sa'yo ng mga bulaklak at stufftoys."

Napatulala ako sa harapan ni Zyron.

"P-paanong ikaw ang napadala ng mga bulaklak sa akin? Paano? Paano mo ako nagustuhan? Hindi tayo magkakilala. Paano?"

"Jillian, hindi mo ba talaga ako natatandaan?" mas inilapit ni Zyron ang mukha niya sa akin. My heart skipped a beat.

Ano ba 'to?

Medyo lumayo ako sa kanya, "magkakilala na tayo dati? Ba't hindi kita matandaan?"

Napa-buntong hininga naman si Zyron, "I can't blame you. Ang laki naman kasi nang iginwapo ko."

Pinanliitan ko siya ng mata.

Ano ba! Pinaglololoko ba ako nang isang 'to? Kelan ko siya nakilala? Saan? Hindi ko siya matandaan.

"Okay, okay. I used to be Aaron Jimenez bago ako maging Zyron Martinez."

Aaron jimenez? Aaron... Aaron...

Napatakip ako bigla ng bibig.

"Oh my god! I-ikaw.."

"Naalala mo na?"

"Ikaw yung batang bully sa ampunan!!" sabi ko sabay turo sa kanya.

"Grabe bully? Hindi ako bully ah!"

Hinawakan ko siya sa chin at medyo itinaas ko ang ulo niya. Doon sa may ilalim ng baba niya, meron siyang scar na maliit.

Ako ang gumawa sa kanya niyan noon dahil sinira niya ang teddy bear na binigay sa akin ng daddy ko. Itinulak ko siya ng malakas at tumama ang baba niya sa isang matulis na bato.

"You already marked me, darling," he whispered then he winked.

Binitiwan ko siya agad.

"You deserved it! Sinira mo ang teddy bear ko noon!"

"Hindi ko sinira yun."

"Hanggang ngayon nagkakaila ka pa! Huling-huli kita na ginugupit ang tyan niya!"

"Ginugupit ko yun dahil lalagyan ko ng recorded music sa loob. Narinig kasi kita na naiinggit kay Faye noon. Isa sa mga sponsor ng bahay ampunan natin, natuwa sa kanya at binigyan siya ng stuffed toy na tumutunog. Remember?"

Natigilan ako bigla.

Ibig sabihin, I misunderstood him?

Pero bully talaga siya noon! Lahat ng mga bata nilalayuan siya at takot sa kanya.

But come to think of it, wala naman talaga siyang sinaktan o inaway. Maybe because of the way he look at us? Siguro dahil laging naka-kunot ang noo niya noon at wala siyang kinakausap na iba?

At nagulat kaming lahat kung bakit inampon siya ng isang mayamang pamilya.

Pero ibig sabihin...?

"Hindi kayo tunay na magkapatid ni West?"

Tumango siya, "yes."

"P-pero magkahawig kayo eh! Paano..?"

"Kaya nga ako naampon eh. Halos kahawig ko si West. They want an older brother for West. Someone to look after him. At dahil nga magka-hawig kami, pwede akong pumasa na kapatid niya. Kaya ayun, inampon nila ako."

Napatango na lang ako.

Isang bagay pa rin ang hindi ko maintindihan...

"..paano ka nagkagusto sa akin?" tanong ko sa kanya.

He grinned.

"Matagal na akong may crush sa'yo ano ka ba. Kahit nung mga bata pa lang tayo. Nung bagong lipat ako sa bahay ampunan sa Baguio, ikaw kaya ang unang kumausap sa akin. Yun lang natakot ka rin ata kasi hindi ako nagsasalita," he chuckled.

"Ang seryoso mo kaya noon! Kabata-bata mo, napaka seryoso mo!"

"But I am older than you. You were 10, I was 13 years old that time. Teenager na ako. Sobrang wala na akong pag-asa na ma-ampon noon."

"But it turns out na ikaw pa ang naampon."

"I beg them you know? I told them na ampunin ka rin."

"T-talaga? Ginawa mo yun?"

Tumango siya, "oo. Kaso sabi nila, ako lang ang gusto nila. Nung una nainis ako. Ayokong malayo sa'yo kahit hindi mo ako kinakausap nun. But then, naisip ko na pag inampon ka nila, magiging magkapatid tayo at mawawala ang pangarap ko na maging asawa ka. Kaya okay na rin."

"Zyron..."

"Every birthday at Christmas kaya pinapadalhan kita ng gifts. Natatanggap mo ba?"

"Sa'yo galing yun? Yung mga regalong walang tag?"

Napakamot siya sa ulo niya, "uhmm oo. Nahiya lang akong magsabi kung sino ako. Baka ma-creep out ka. Bakit sino ba iniisip mo na nagpapadala sa'yo nun?"

Napayuko ako bigla, "I thought it was from my dad."

"I-I'm sorry."

Nginitian ko siya, "thank you ah? Sa lahat ng mga regalo mo. Hindi ko talaga alam ang i-re-react ko ngayon sa'yo."

"Well... masaya na akong binigyan mo ako ng isang genuine na ngiti. M-maybe masaydo akong nagmamadali. I want you to get to know me first. I need to prove to you that I am not really a jerk."

Lord, bakit mo ba ako binibigyan ng ganitong problema? Sana normal na babae na lang ako nang maenjoy ko naman na may mga gwapong lalaking nagkakagusto sa akin 'di ba?

"Zyron, I'm really, really sorry---"

"Drop it," pag putol niya sa sasabihin ko. "Hindi ako papayag na basted-in mo ako nang hindi mo ako binibigyan ng chance. That's unfair Jillian. For now, kainin muna natin 'tong dala kong pagkain. Ang tumanggi, panget!"

Napabuntong hininga na lang ako.

Gusto man kitang bigyan ng chance Zyron, kaso ayokong magaya ka kay West.

Ayokong dumating sa point na dalawa na kayong nasasaktan nang dahil sa akin.

~*~

Buo na ang loob ko, mag re-resign na ako.

Alam kong padalos-dalos ang desisyon ko. Alam kong ang hirap humanap ng bagong trabaho. Bahala na. May savings pa naman ako. Kaya ko pang mabuhay nang dalawang buwan ng walang trabaho.

Lakas loob akong umakyat sa floor kung saan nandoon ang office ng mga big boss. Syempre kay West ako di-diretso since siya ang nag hire sa akin. Though iniisip ko talaga na siguro mas madali ang pag re-resign ko kung kay Sasha bitch ako lumapit? For sure papalakpak ang tenga nun pag sinabi kong mag re-resign ako.

Oo nga tama. Kay Sasha na lang kaya ako lumapit?

Napailing ako.

No. Kay West dapat. Siya ang nag hire sa akin. At pag kay Sasha ako lumapit, baka isipin pa ng bruha na yun na nag wagi siya. Na siya ang dahilan ng pagreresign ko. Mukha niya!

Bumukas ang elevator. Huminga ako ng malalim at nilapitan ko yung secretary na nasa lobby. Sinabi kong I need to talk to Sir West.

Pinaupo niya ako habang tinatawagan niya si Sir West. Nang ibinaba na niya yung phone, agad akong lumapit sa kanya.

"Ano raw sabi?"

"Wait lang daw po."

Tumango ako at bumalik sa kinauupuan ko.

Ano ba! Ba't ba ako kinakabahan?!

Sana nandito ka ngayon, Cupid.

Bumukas ang opisina nina West. Napa-ayos ako nang upo. Nakita kong lumabas si West kaya mas napa-straight ako ng upo.

He's wearing a corporate attire today. White long sleeves with black blazer.

Shit naman ang gwapo niya. So mas pahihirapan niya ako ngayon?!

Tinignan niya ako. Seryosong seryoso. Ni hindi niya ako nginitian.

Aba malamang. Matapos niyang marinig na ipinagsigawan kong hindi ko siya gusto, magagawa pa ba niyang ngitian ako?

"Follow me," he told me coldly at nauna siyang maglakad.

Agad naman akong tumayo at sinundan si West papasok sa kabilang office. Siguro dahil nasa loob na ng office nila si Sasha bitch at iniiwas niya ako sa bruhang yun kaya sa kabila kami.

"Sir West, mag reresign na po ako," diretsahang sabi ko sa kanya nang makaupo kami.

Agad kong iniabot sa kanya yung resignation letter. Kinuha niya naman ito nang 'di tumitingin sa akin at binasa. Blangko lang ang expression niya.

Ano ba! Ba't ba sumisikip ang dibdib ko! Ba't ganyan lang ang expression niya?!

Palibhasa ine-expect mo na magugulat siya, magagalit, at pipigilan ka. Ang pabebe mo Jillian!

"May typo dito sa resignation letter mo."

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko.

Lecheng typo yan oh! Sa dinami-rami nang nakasulat diyan, napansin pa niya yon?!

"Tell me, bakit ka mag re-resign?"

"N-nandyan na po sa letter yung reasons."

"Wala akong pinaniwalaan ni isa sa mga nakasulat dyan."

He's really making this harder for me.

"Is it because of my brother?"

"No!"

"Because of me?"

"Hindi!"

Ang liar mo Jillian.

Napabuntong-hininga si West.

"I don't want you to resign, Jill."

"But Sir West---!"

"Kaso kung binigyan mo na nang chance si Kuya Zyron, wala naman akong magagawa 'di ba?"

I was taken a back.

"A-ano?"

"Sinabi niya na sa akin Jillian na binigyan mo na siya ng chance. I—I also heard what you said last night..."

"West--!"

"No it's okay," pag putol niya sa sasabihin ko. "It's okay. Mabuti na yun para matauhan na ako. Mabuti nang narinig ko yun. Kesa umaasa pa ako sa'yo."

Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Itatanggi ko ba o hahayaan ko na lang?

Napalunok ako. Gusto kong maiyak. Gusto kong itanggi.

Pero para saan pa?

Sasabihin kong mahal ko siya tapos kinabukasan ima-matchmake ko na siya sa iba?

Go signal na lang ang iniintay ko kay Cupid. Sabi niya malapit na malapit na niyang ipakilala sa akin ang para kay West. Sa timeline ni Cupid, si West na ang susunod. Pag nagulo ang timeline, maraming maapektuhan, maraming masasaktan.

Wala na kaming chance. Ang sarap magpaka selfish ngayon.

"I'm sorry kung napapaasa kita," sabi ko sa kanya. Parang bawat salitang binibitiwan ko eh patalim sa puso ko.

"Ayos lang. Kasalanan ko naman eh. Sinabi mo na sa akin noon na wala. Pero umasa pa rin ako. Ngayon tatanggapin ko na lang."

Shit naman. Ba't ang sakit naman.

Kung ganito na ako nasasaktan para sa isang tao na hindi naman nakatadhana sa akin, what more doon sa taong para sa akin? Ayoko na ata.

"Thank you for giving Zyron a chance, Jillian. I accept your resignation."

Napalunok ako. Pumayag siya 'di ba? Dapat magsaya na ako.

Pero ang bigat sa pakiramdam.

"T-thanks."

"Huling hirit na, pwedeng next month na lang ang last day mo? Anniversary kasi ng company. Yung party man lang sana natin, mapuntahan mo."

Tumango ako, "o-okay lang. Kailangan ko rin maghanap ng ibang work. Thank you West ah? At... sorry."

Hindi na umimik si West. Iniwas na lang niya ang tingin niya sa akin.

Nagpaalam na ako at tumayo.

Ilang beses ko pa bang mararanasan ang magpaalam sa'yo?

Bubuksan ko na sana ang pinto nang maramdaman ko ang mga braso ni West na yumayakap sa akin mula sa likod.

"W-West...?"

"Saglit lang please?" halos pabulong niyang sabi. "Saglit lang. Hayaan mo lang na yakapin kita."

Mas lalong humigpit ang yakap ni West sa akin. Napapikit ako.

God knows kung gaano ko ginustong maramdaman ulit ang yakap niya. Gusto kong maiyak.

"Nakakainis naman," he whispered. "Bakit ba kasi ang hirap hirap mong kalimutan? Kahit ilang beses kong sabihin na past na yung nangyari sa atin, na wala na yun, sarili ko lang niloloko ko. Jillian, paano ba ako makaka-move on sa'yo?"

At tuluyan nang bumagsak ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

To be continued...


~*~


Sa mga readers kong na-meet last Saturday and Sunday sa MIBF *kaway kaway*! Salamat sa pagpunta <3


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: