Chapter 47

                 

Chapter 47

[Jillian's POV]

"Bakit nasa 'yo 'to Jillian?" tanong sa akin ni Sasha habang bakas sa mukha niya ang gulat at pagka hurt.

            WHAT THE HELL.

            "Gift ko 'yan kay Sasha ah? God, Sasha may magnanakaw kang empleyado!" sabi naman nung Darlene.

            Napatingin ako sa paligid. Lahat ng mga ka-opisina ko nakatingin sa akin na parang hindi sila makapaniwala. Lahat gulat na gulat.

            What the hell.

            "Akin 'to. Regalo sa akin 'to!" sabi ko sa kanila.

            "You're a liar!" sigaw nung Darlene. "Anong gift? Eh kabibigay ko pa lang niyan kay Sasha yesterday!"

            "Baka naman po magkapareho lang. Gift po sa akin 'to."

            "Wag mo akong pinaglololoko!" inangat ni Darlene ang kamay ko at hinawakan niya ang bracelet. "Ayan oh may naka-engrave na "S" sa bracelet. Pina-engraved ko pa yan for Sasha. Or idadahilan mo na sa S din nagsisimula name mo JILLIAN?"

            Napapikit ako.

            God, I'm so stupid. Malamang na set up ako. Ba't ko ba sinuot ang mga alahas na 'to?!

            "It's okay, Darlene. It's okay," kalmadong sabi naman ni Sasha. "Jillian? Don't worry I'm not mad. Basta ibalik mo lang sa akin yung jewelries. Importante kasi para sa akin 'yan eh."

            I look at her in disbelief.

            Ba't ang galing galing nitong um-arte ha?!

            "Why are you doing this to me?" tanong ko sa kanya.

            "J-Jillian?"

            "Alam kong galit ka sa akin. Narinig ko ang usapan niyong dalawa sa banyo. Ano? Gusto niyo akong mapatalsik dito sa kompanyang 'to dahil ang dumi ng iniisip niyo sa akin? Ganon ba? Sana sinesante niyo na lang ako kesa yung ganito!"

            "J-Jillian, what are you talking about? Wala kaming iniisip na ganun. Ikaw ang favorite employee ko. Hindi ako makapaniwala na masasabi mo 'to," sabi niya na parang iiyak na siya.

            Santa-santita! Nakakakinis!

            "Wag ka ngang plastic!"

            "Hoy boss mo yan!" sabi nung Darlene. "Seriously Sasha, patalsikin mo na nga 'to sa trabaho! Magnanakaw na bastos pa!"

            "What the hell is happening?!"

            Pare-pareho kaming napalingon.

            Napapikit ako.

            Shet naman.

            "W-West si Jillian kasi," lumapit si Sasha kay West at hinawakan ang braso nito. "She stole my jewelries at pinaparatangan pa niya ako ng kung anu-ano. After I treated her right! Alam mo yan! Nakita mo kung gaano kaayos ang pagtrato ko sa kanya!"

            BWISET!

            Kung may ninakaw man ako, yun ay ang pana lang ni Cupid! Wala nang iba!

            Tinignan ko si West. He's looking at me seriously.

            Nagbabadya ang luha sa mata ko pero pilit ko talagang pinigilan. Hindi ito ang oras para umiyak.

            Wala akong ginawang mali kaya hindi ako dapat umiyak.

            Nilapitan ako ni West at hinawakan niya ang wrist ko. Tinignan niya ang bracelet na suot ko.

            "West, 'di ba familiar ka dyan sa bracelet na 'yan? Even her earrings! Nakita mo nang ibigay ko 'yan kay Sasha!" sabi ni Darlene.

            "Is it true Jillian? Kinuha mo ba?" tanong niya habang seryosong seryoso ang tingin niya sa akin.

            Ba't ganito? Bakit? Naniniwala ba siya kay Sasha?

            Napalunok ako.

            Wag kang iiyak. Please. Wag kang iiyak. Hindi pwede.

            Sinalubong ko ang tingin sa akin ni West. Diretso sa mata.

            "Hindi ako magnanakaw, Sir West."

            Napatango si West.

            "Let's check the CCTV," sabi niya.

            Napapikit ako.

            Alam kong hindi nila ako makikita sa CCTV. Alam kong malilinis ang pangalan ko sa paratang nila pag tinignan nila yun.

            Pero ba't masakit?

            Bakit kailangan pang tignan yun bago niya ako paniwalaan?

            "Hindi kasi magagawa ni Jillian ang magnakaw."

            Biglang napaangat ang tingin ko kay West.

            "Kaya let's check the CCTV. I'm sure makakampante na kayo na hindi kinuha ni Jillian yung alahas pagka nakita niyo na ang CCTV," sabi ni West kay Darlene at Sasha.

            Kita ko ang gulat sa mukha nila. At kahit ako rin, hindi ko maitago ang gulat sa mukha ko.

            "B-but West! Akin talaga yun!" sabi ni Sasha na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala na ako ang kinampihan ni West.

            HA! Ano ka ngayon bruha ka!

            "No need to check the CCTV."

            Napatingin kami sa nagsalita.

            It's Zyron.

            "Ako ang nagbigay kay Jillian niyan."

            "W-what?!"

            Napuno ng bulungan ang opisina namin. Napatulala na lang ako sa sinabi ni Zyron.

            Siya ang nagbigay? Teka... paanong? Yung mga nakaraan ba na bulaklak at teddy bear ay siya rin?

            "Bakit S ang naka engraved?!" tanong ni Darlene

            Napangisi ng malawak si Zyron at nilapitan niya ako. Nagulat ako ng hinila niya ako palayo kay West at bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

            "S for sweetheart kasi nililigawan ko si Jillian."

            WHAT.

            THE.

            HELL.

            "So if you'll excuse us, may gusto lang akong sabihins a future girlfriend ko."

            Bigla akong hinila palabas ni Zyron.

            "S-saglit lang--!!"

            "Come on, Jillian. Sumunod ka na lang. I saved you," bulong niya sa akin.

            Napalingon ako sa likod ko. Kay West.

            Nakatingin siya sa akin.

            At kitang kita ko kung paano siya nasaktan.

~*~

"Bakit sinabi mo yun sa harap ng maraming tao ha? Ano ka ba! Boss kita eh! Bakit kailangan mong ipaalam ha?!" inis na inis kong sabi kay Zyron habang nakaupo kami sa hagdanan ng fire exit kung saan walang makakarinig sa amin.

            "Woah woah woah. Don't be mad! Totoo naman yung sinabi ko eh. And besides, I did save you a while ago. Kailangan magpa thank you ka sa akin!"

            Kinunutan ko siya ng noo, "ikaw ba ang nagpadala nito?"

            "Nope. At oo nga pala, akin na yan. Ibabalik ko na yan kay Sasha. Sa kanya talaga ang mga yan. Ako na bahala kumausap sa kanya about this. At ikaw naman, you don't have to steal. If you want a jewelry, pwede kitang bilhan."

            Halos hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Zyron.

            Hindi ko alam kung ano ang mas masakit? Yung na-set up ako ni Sasha pero alam niyang hindi ko talaga ito kinuha. O itong ginawa ni Zyron. Na iniligtas nga niya ako, but still, iniisip niya na ninakaw ko ito?

            Nanginginig ang kamay ko habang tinatanggal ko ang mga alahas sa tenga ang wrist ko. Kinuha ko yung necklace na ka-pares pa nito at iniabot ko lahat kay Zyron.

            "Don't worry Jillian. I'll protect you, okay? Ako na rin ang bahala kay Sasha. And later, let's go to the mall. I'll buy you something."

            Nginitian ko siya, "alahas?"

            "Yep! Kahit anong gusto mo!"

            Napatango ako, "wow. It's really weird."

            "Hmm? Weird? Ang alin?"

            "Ikaw."

            He grinned, "at bakit mo naman nasabi yun?"

            "Wala. Iniisip ko kung paano mo ako nagustuhan samantalang hindi mo naman ako kilala."

            Tumayo ako.

            "Hindi ako pwede mamaya, sir. At oo nga pala, hindi ako mahilig sa alahas. Kaya no thanks. Save your money."

            Iniwan ko siya doon at dire-diretso ako sa elevator. Uuwi na lang ako. Bahala na kung ma-AOWL ako. Bahala na kung bukas wala na akong trabaho.

            Bahala na.

            Hindi ko na kasi mapigilan ang luha sa mata ko eh.

            Gusto ko nang umuwi at mapagisa.

            Nagbukas ang elevator. Nakita ko si West.

            Ang joker mo talaga tadhana.

            Pumasok si West sa loob ng elevator at ako naman, napayuko na lang. Ayokong makita niya ang expression sa mukha ko.

            "Are you okay?" dinig kong sabi niya.

            I just nod.

            Gusto ko na talaga maiyak.

            "Hindi kasi magagawa ni Jillian ang magnakaw."

            Alam niyang bracelet ni Sasha yun but still, pinaniwalaan niya ako.  Kilala niya kasi ako. Alam niya na hindi ako ganung klaseng tao.

            At ano ang isinukli ko sa kanya?

            Nasaktan siya dahil kay Zyron. Hindi ko ma-imagine ang iniisip niya sa akin ngayon.

            "I'm glad na dumating si kuya. At least na clear agad na hindi mo ninakaw yun."

            I bit my lip.

            Hindi pa ako pwedeng umiyak.

            "Jillian."

            Please wag mo na akong kausapin. Alam kong pag nagsalita ako, mababasag boses ko. Tuloy tuloy nang aagos ang luha sa mata ko. Please West.

            Please.

            Bumukas ang elevator. Nasa lobby na kami. Dali-dali akong lumabas without saying a word to him.

            Nanginginig ang tuhod ko. Sana meron na lang akong kapangyarihan tulad ng kay Cupid. Para pwede na akong makaalis sa lugar na 'to agad agad.

            May biglang humatak sa braso ko kaya napalingon ako.

            Seryosong-seryoso na nakatingin sa akin si West.

            "Where are you going?" tanong niya sa akin.

            "Home," tanging sagot ko.

            Hinila niya ako papalapit sa kanya at niyakap ako ng mahigpit.

            "It's okay to cry, Jillian."

            At before I know it, naguunahan na sa pagbagsak ang mga luha sa mata ko.

~*~

[Psyche]

"Cupid..."

            Napatingin si Psyche sa paligid niya. Madilim. Halos wala siyang makita. Nanghihina ang buong katawan niya.

            Ilang araw na ba siyang nakakulong sa kwebang ito? Ilang araw na ba niyang hindi nakikita ang sinag ng araw?

            Hinang hina siya. Halos hindi na makagalaw. Masakit pa rin ang mga sugat sa braso at hita niya na dulot ng mahika ni Ayesha nung minsang nagtangka siyang tumakas.

            "Cupid..." paulit-ulit niyang sabi.

            Tandang-tanda na niya ang lahat. Nung panahong binura ni Ayesha ang alaala niya. Yung panahong sinaktan niya si Cupid dahil sa utos ni Ayesha.

            Pero hindi malalabanan ni Ayesha ang pagmamahal na nararamdaman ni Psyche para sa kanyang asawa. Kahit kailan, hinding hindi mabubura ng kahit anong mahika ang pagmamahal na iyon.

            At alam niya, darating ang asawa niya para iligtas siya. Alam niyang gagawa ng paraan si Cupid para matupad ang naaayon sa plano nila.

            Magagawa ni Cupid iyon. May tiwala si Psyche.

            "Hanggang ngayon ay hinihintay mo pa rin ang iyong pinakamamahal na asawa?"

            Napa-angat ang tingin ni Psyche kay Ayesha na papalapit sa kanya          .

            "Darating siya. Magagawa niya ang tungkulin niya at ililigtas niya ako."

            Tumawa si Ayesha.

            "Napakalaki talaga ng tiwala mo sa kanya ano? At talagang kahit anong mangyari, itutuloy niyo ang plano niyo para kay Jillian? Hindi ba kayo nanghihinayang sa kanya?"

            Tinignan ng masama ni Psyche si Ayesha, "ayun ang nararapat. Ayun ang tama."

            "At wala kayong balak ipaalam sa kanya?"

            Iniwas ni Psyche ang tingin niya kay Ayesha.

            Hindi pwedeng malaman ni Jillian. Mas mabuti nang wala siyang alam para walang gulo.

            Hindi pwede.

To be continued...

Readers, mawawala ako ng isang linggo kaya baka one week ding walang update. Mag babakasyon lang si Ms. Author. Hahanap ng inspirasyon sa tabing-dagat. Hahaha.

Kita-kits after a week! :D


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: