Chapter 45

Chapter 45


[Jillian's POV]


Mag resign na lang kaya ako?

Napabuntong hininga ako at napabangon sa kama. Kinuha ko yung phone ko at tinignan ko ang oras.

5:30 am pa lang. Nakatulog ako ng mga bandang alas-tres.

Wow lang. Anong itsura ko pagpasok sa opisina?

Kung sabagay, ilang araw na akong walang tulog. Mula nung umuwi kami galing sa outing hanggang ngayon, hindi ako makatulog ng maayos. Ang daming gumugulo sa isip ko.

Gusto ko nang mag resign sa trabaho at humanap na lang ng ibang work. Gusto kong malayo kay West.

At doon sa kuya niya na sinungitan ko.

Simula nung gabing niyaya niya ako at tinanggihan ko siya, hindi na niya ako kinausap at naging cold ang treatment niya sa akin.

Malamang nasaktan ng husto ang ego niya.

Siya? Si Zyron Martinez? May pangalan, mayaman, gwapo, habulin ng babae, eh tinanggihan ng isang kagaya kong hampaslupa?

Malamang magalit talaga sa akin yan. At hindi na ako magugulat kung ipapatawag ako sa opisina nila at sasabihing sesante na ako.

Ano bang laban ko sa anak ng may ari ng kompanya?

Mas okay na rin yun nang medyo malayo-layo na ako sa kanila.

Dahil gising na rin naman ako, naligo na ako agad at kumain ng breakfast. Wala si Cupid, may inaasikaso na ayaw naman sabihin sa akin kung ano.

Palagi na lang niyang ayaw sabihin sa akin ang mga pinagkakaabalahan niya. Nakakahinala na siya ah sa totoo lang!

Pero sa hindi ko malamang kadahilanan, palagi kong pinagkakatiwalaan si Cupid. Ewan. Siguro ramdam ko ang sincerity niya. Siguro sa maikling panahon na nagkasama kami, alam ko at tiwala ako na wala siyang gagawin para ikapahamak ko.

Naniniwala ako na magiging masaya rin ako dahil sinabi yun ni Cupid.

May tiwala ako sa kanya.

Pero sana pagkatiwalaan niya rin ako.

Maaga akong nakarating sa office. An hour bago ang duty ko. Pero okay na rin. Gusto kong magpakalunod sa trabaho ngayon.

Mamaya niyan huling trabaho ko na pala 'to. Baka mapatalsik na ako. O kung hindi man, baka mag resign na ako.

As expected, wala pang tao sa office. Ako pa lang magisa. Agad akong pumunta sa desk ko at nagulat ako ng may isang box na color pink at may ribbon ang nakapatong sa upuan ko. May tag na nakadikit sa box at tanging "For Jillian" lang ang nakalagay.

Eh? Kanino na naman galing 'to?

Binuksan ko yung box at nakita kong may laman itong chocolates. At hindi lang chocolates. May laman din itong bracelet, hikaw at kwintas na magkakapares. At sa itsura pa lang nito, alam kong mahal ang alahas na 'to.

What the hell?

Sino magbibigay sa akin ng ganito?

Biglang bumukas yung pinto ng office kaya naman agad kong naisara yung box. Tinignan ko kung sino ang pumasok.

It's West.

My heart fluttered. I feel butterflies in my stomach.

Yung feeling ng bigla mong nakita ang crush mo. Yung feeling ng pinansin ka ng crush mo for the first time.

Anak ng feelings 'to! Tigas ng ulo bwiset!

"Oh.. Jillian? Ang aga mo ah?" naka-ngiti niyang bati sa akin.

Sabi ko dapat maging masaya ako dahil hindi na siya galit sa akin. Hindi na cold ang pag trato niya.

Pero ba't nasasaktan ako sa mga ngiti na 'yan ha?

Ang aliwalas. Ang ganda.

Ang tunay.

Para bang nakapag move on na siya?

Siguro ganoon lang talaga ako kadaling kalimutan.

Napayuko ako.

"Uhmm.. n-napaaga lang po."

"Ah.. okay."

"K-kayo? A-anong ginagawa mo po dito?"

Sa taas na kasi ang office ni West at hindi na dito. Hindi na siya ang Editor-in-chief namin kundi isa na siya sa mga big bosses ng kumpanya.

"May naiwan lang ako sa dati kong office. Mga files. Kukunin ko lang."

"Ah...okay po."

I smiled. Pilit na ngiti. Plastic na ngiti. Hindi kasing genuine nang sa kanya.

Anong magagawa ko? Hindi naman ka-smile smile ang sitwasyon ko?

Pumasok na si West doon sa dati niyang office. Napalingon ako sa pinto nito.

Two years ago, first time kong makilala si West, nakaupo ako sa tapat niya diyan din sa office na yan for my job interview.

Naalala ko ang gaan agad ng pakiramdam ko sa kanya kasi lagi siyang naka-smile sa akin habang iniinterview niya ako. Hindi siya yung nakakatakot ang dating kaya naman hindi rin ako kinabahan sagutin ang mga tanong niya noon. Kaya rin siguro ako madaling na hire sa trabaho.

Kaso nung nag i-start na ako ng work, pansin ko pasungit siya nang pasungit sa akin. Nawala lahat ng gaan ng loob ko sa kanya. Naging terror ang tingin ko sa kanya.

Pero nung nalaman ko na sinasadya niyang ganoon ang trato niya sa akin para hindi ko mapansin yung feelings niya noon, parang ang bigat sa dibdib.

Bago ko pa siya mapana, nagustuhan na niya ako. Maaring yung pana ang dahilan kung bakit nagkalakas siya ng loob na iparamdam sa akin yun.

But still, nagustuhan niya pa rin ako.

As Jillian.

Hindi lang dahil sa pana.

Ang sarap siguro sa pakiramdam 'no kung siya na ang nakatadhana sa akin? Ang sarap ipagmalaki nun na bago pa man kami mapana, na-attract na siya sa akin. Minahal na niya ako.

Yun lang, hindi eh.

Napabuntong hininga ako.

West is such a great guy. He deserves to be happy.

Siguro... siguro kaya ko nang tanggapin ang kapalaran namin basta malaman ko lang na yung nakatadhana sa kanya eh talagang aalagaan siya, mamahalin siya ng buo, susuportahan at papasayahin siya.

Masakit.

Pero basta ganoong klaseng babae ang nakatadhana sa kanya, magiging masaya na lang ako.

Napabuntong hininga ulit ako at ramdam ko ang pangingilid ng luha ko.

Wow lang talaga.

Mga luha, ang astig niyo 'no? Wala na kayong pinipiling lugar para bumagsak.

Wow talaga. Sobra. Sobra sobra.

"Jillian? Can you help me--?"

Napalingon ako kay West.

Shit.

"You're crying again," sabi niya.

Napalunok ako.

"Napuwing."

Wala ka nang magandang dahilan 'no? Ayos Jillian. Nauubusan ka na ng palusot.

Lumapit sa akin si West at inabutan niya ako ng panyo.

Parang may pumipilipit sa dibdib ko sa sobrang sakit.

Dati siya pa ang magpupunas ng luha sa mata ko. Ngayon, hindi niya na pwedeng gawin yun.

Pero ano nga ba naman ang karapatan kong mag reklamo.

"Thanks," nakayuko kong sabi sabay kuha nung panyo sa kanya. "U-uhmm.. s-saan po kita tutulungan?"

"Ah, sa pagdadala lang nitong documents. Medyo marami eh. Okay lang ba sa'yo?"

I tried my best to smile.

"Okay lang po!"

Agad akong lumapit doon sa mga files na tinuro ni West. Ayokong makita niya ang facial expression ko.

Malamang nakasimangot ako.

Malamang eh mukha akong pinagsakluban ng langit at lupa.

Ang sakit eh.

Hindi man lang niya tinanong kung ano ang problema ko.

Napahinga ako ng malalim.

Why would he? Paki ba niya sa akin? Sabi ko naman napuwing ako 'di ba? Baka naniwala siya?

O baka wala na siyang pakielam?

Oo. Wala na siyang pakielam.

Ganun naman talaga eh. Madali naman akong kalimutan eh.

Bwiset. Nakakabitter.

Tahimik lang kami habang nakasakay kami sa elevator papunta sa bagong office ni West. Diretso lang akong nakatingin. Nahihiya akong lumingon sa kanya. Kahit siya rin naman ay hindi nagsasalita.

"Dito na tayo," sabi niya sa akin at nuna siyang bumaba ng elevator. Sumunod naman agad ako.

Malaki ang bagong office ni West. Walang-wala yung luma niyang office.

Ito talaga yung office na bagay sa kanya. Yung pang sosyal. Pang mayaman.

Pang highclass katulad niya.

Ilang kilometro pa ba ang nadadagdag sa agwat naming dalawa?

"Palagay na lang sa table. Thank you talaga sa help, Jillian!" masigla niyang sabi.

Nginitian ko siya, "sige po... bababa na ako."

"Hi good morning!" dinig kong sabi ni Ms. Sasha na kakapasok pa lang sa room. Napalingon ako at nakita kong naka-sunod sa kanya si Zyron.

"Oh Jillian you're here!" sabi ni Ms. Sasha.

"Tinulungan ko lang po si Sir West..."

"Oh okay," she smiled at me.

Mas nakakairita ang ngiti niya kesa kay West. Kung kay West nasasaktan ako, dito naman sa babaeng 'to feel kong manakit.

Ba't ba ako naiinis sa bruhang 'to?

"West, tara let's eat breakfast muna?" dinig kong sabi niya.

Medyo napalingon ako ng onti at nakita kong nakapulupot ang kamay niya sa braso ni West.

West is smiling at her.

Shet naman.

"Labas na po ako," sabi ko.

"Alright. Thanks again sa help!" naka-ngiting sabi ni West.

I smiled back at tinalukuran ko na sila.

Pagkatalikod ko, nagtama ang tingin namin ni Zyron. I mumbled a good morning at dali-dali na akong lumabas ng office nila.

Okay. Seryoso na talaga ako. Gusto ko nang mag resign.

Pumasok agad ako sa elevator pero bago pa ito tuluyang magsara, nagulat ako nang biglang humabol si Zyron sa loob.

Oh god.

Pinindot niya yung lower ground kung saan nandoon ang parking lot.

Nagpapasalamat ako na sa next floor na agad ang opisina namin. Sa totoo lang ang awkward kasi.

Buti na lang at mabilis na nakarating sa next floor yung elevator. Nang magbukas yung pinto, pababa na sana ako kaya lang biglang hinawakan ni Zyron ang braso ko.

"S-sir..?"

"Let's talk," seryosong sabi niya.

"H-ha? P-pero. Sir! Please let me go."

"No. Let's talk."

"P-pero---!"

Nag sara na ang pinto.

Shit.

Nasa 11th floor pa naman kami!

"Jillian..."

Biglang hinawakan ni Zyron ang magkabila kong braso. Bumilis ang tibok ng puso ko.

What the hell? Anong gagawin niya.

"I'm sorry," bulong nito.

"H-huh?"

"I'm sorry sa way nang pagyayaya ko sa'yo doon sa beach. I know, masyadong mayabang. But I need you to come with me."

"Pero Sir Zyron---!"

"No. Please. Give me a chance na patunayan ko sa'yong sincere ako."


~*~


(Cassandra)


Nakaupo si Cassandra sa tapat ng salamin kung saan siya madalas mamalagi. Sari-saring boses na naman ang naririnig niya. Sari-saring kapalaran ang nakikita niya.

Yung iba, malabo. Pero may iba ring malinaw.

Napahinga ng malalim si Cassandra at ipinikit niya ang kanyang mga mata.

"Kailangan kong malaman kung sino yun. Kailangan kong mahanap. Kailangan kong makita," bulong niya sa kanyang sarili.

Pilit niyang hinahanap ang mukha ng taong magiging sanhi ng kapahamakan ni Jillian. Alam niyang may isa, pero hindi niya makita kung sino ito.

Sigurado siyang isa kina Ayesha at Cupid ang magtataksil sa kanya. Pero sino?

Maari pang mabago ang nakatakda kung magiging tama ang desisyon ni Jillian.

Maari pang maligtas ang isa sa nakatadhana sa kanya kung tama ang taong pagkakatiwalaan niya.

Alam ni Cassandra na labas siya sa gulong ito. Na hindi niya dapat tinutulungan si Jillian.

Pero hindi niya ito kayang pabayaan.

Hindi niya kayang may mapahamak na naman dahil sa lahi nila.

Hindi pa ganap na goddess si Jillian. Maari pa siyang mamuhay bilang isang mortal.

Pwede pa siyang maging masaya.

At kailangan lang talagang malaman ni Cassandra kung sino ang taong maglalagay dito sa kapahamakan.

To be continued...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: