Chapter 44

Chapter 44


[Jillian's POV]


"Hey! Are you okay?" tanong sa akin ni Zyron habang inaalalayan niya akong tumayo dahil nahulog ako sa kinauupuan ko.

Napatingin ako sa kanya.

"Sir... a-ano po uli ang sinabi niyo kanina?"

Nginitian niya ako.

Shet. Pareho sila ng smile ni West! Ba't ngayon ko lang nahalata?

"I said, I am asking you to go out with me pag nakabalik na tayo sa Manila."

Napapikit ako.

Okay, kalma Jillian. Kalma. Wag ka muna mag aassume. Yung mga babaeng assumera, binabaril sa Rizal park.

Malay mo na misinterpret mo lang ang sinabi niya?

Malay mo iba talaga ang nasa isip mo? Madumi ka pa naman mag isip! Lahat sa'yo may malisya!

Wag muna mag assume.

"Bakit niyo po ako niyayaya?" tanong ko sa kanya.

"Type kita eh."

Shit na malagkit!

"So.... payag ka?"

Napatingin ako sa mata ni Zyron. Hindi ko alam kung sincere siya o hindi. Jino-joke ba ako nito?

"Sir, nagbibiro po ba kayo?"

"No. I'm serious."

"Weh?"

"I am. What should I do para patunayan kong type kita?"

Napabuntong hininga ako.

This guy is full of confidence. He did not blink nung tinanong niya ako. Diretso pa siyang nakatingin sa akin.

Dahil ba iniisip niya na madali akong mapapayag?

Napailing ako.

"I'm sorry sir. I can't."

Nawala ang ngiti sa labi ni Zyron.

Hmm. Hindi niya expected ang reaction ko?

"Why?" tanong niya.

"I just can't."

"Dahil sa work mo? Pwede namang weekends eh. Or I'll grant you a leave."

"Sir...paano niyo po ako naging type?"

"Huh? What kind of question is that?"

"Wala. Curious lang po ako. Hindi mo naman po talaga ako kilalang kilala. Ilang araw pa lang tayo nagkakasama. Tapos niyayaya niyo na po akong lumabas kasama kayo? Bakit ang bilis?"

"Jillian--!"

"I'm sorry. Pero ayoko po nang ganun eh. Excuse me po."

Dali-dali akong lumabas sa bar.

Buti na lang at naisipan ko na bayaran agad ang ininom ko kaya libreng-libre akong makapag walk out nang walang sagabal.

Narinig ko ang pagtawag sa akin ni Sir Zyron pero hindi ko siya nilingon.

I know because of what I've said, may tendency na mawalan ako ng trabaho. Hindi ko lang basta boss ang sinabihan ko ng ganun kundi anak siya ng may ari ng publishing house na pinagtatrabahuhan ko.

Pero ewan! Nainis ako!

Bakit ang dali para sa kanya yun?

Dahil "type" niya ang isang tao, ang bilis niyang pumorma? Na akala niya lahat ng babae na ngitian niya nang ganun eh mabibingwit niya?

Samantalang si West... kami ni West... bullshit. Iisa lang ang gusto kong pumorma sa akin at hindi pa pwede yung taong yun.

Nakakayamot.

Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko.

Ano ba! Ilang araw na akong iyak nang iyak dito ha!

Hindi naman ako iyakin eh.

Nung hindi nga ako sinipot ng daddy ko nung birthday ko hindi ako umiyak eh.

Nung professor ko ang nagsabit ng medal sa akin nung graduation ko nung college, hindi rin ako umiyak.

Nung after ng graduation, diretso ako sa bahay at malamig na sardinas ang tangi kong handa---wala pa akong kasama kumain---di rin ako naiyak.

Pero si West. Dahil kay West. Naging iyakin ako.

Hindi ko na narinig ang boses ni Zyron. Napalingon ako sa likod ko at hindi rin siya nakasunod sa akin.

Malamang. Hindi sanay humabol ng babae ang isang yun.

Medyo nabawasan ata ang respeto ko sa taong yun.

Naupo ako doon sa loob ng isang kubo na medyo malapit sa dagat.

Wala nang masyadong tao sa paligid. Madilim. Malakas pa ang alon.

Kung may rapist man dito, patay ako panigurado.

Pero gusto ko mag stay pa kahit saglit.

Pahuhupain ko lang ang luha. Ayaw tumigil eh.

Nakakainis.

Ba't ganon. Bakit?

"Jillian?"

Dinig kong tawag sa akin

Shit. Shit.

Not you.

Bakit ikaw pa?!

"Hey, Jillian. Are you okay?"

Inangat ko ang tingin ko at nakita ko si West na nakatingin sa akin habang bakas ang pagaalala sa mukha. Agad akong napayuko.

Bakit?

Tadhana naman eh. Leche ka naman eh.

"S-Sir West, what are you doing here?" tanong ko nang hindi ko pa rin siya tinitignan.

Thank god madilim. Sana hindi niya nakita ang luha sa pisngi ko.

"I saw you na papunta rito. Nagtaka ako eh. Madilim ang part na 'to. Are you okay?"

Napatango lang ako, "opo. Nagpapahangin lang."

Naramdaman kong naupo si West sa tabi ko.

"Why are you crying?"

Oh dear.

"Hindi. Napuwing dahil sa buhangin."

"May puwing pa? Nagluluha mata mo eh."

Bakit ba ang talas ng paningin nito ha?!

"Hindi na po."

Biglang humangin ng malakas. And this time, may pumasok na talaga na buhangin sa mata ko.

"Aw!"

ANONG KALOKOHAN 'TO TADHANA?! NAKAKABADTRIP KA NA HA!

"Let me..."

Naramdaman ko ang tip ng daliri ni West sa pisngi ko at ang hangin na ibinubuga niya sa mata ko.

Halos hindi ako makahinga.

Ang lapit niya.

Yung labi niya.

Yung hininga niya ramdam ko.

Naalala ko yung sa Baguio. Yung hinalikan niya ako. Yung pakiramdam na parang umiikot ang buong mundo ko. Literal na nahilo ako sa sagil na halik na yun.

Gusto ko ulit maranasan.

"Jillian," dinig kong sabi niya.

Halos pabulong. Parang naglalaro ang pangalan ko sa mga labi niya.

Hindi na hinihipan ni West ang mata ko pero hindi pa rin niya inilalayo ang mukha niya sa akin.

Mula sa mata ko ay bumaba ang tingin niya sa labi ko.

Napalunok ako.

Bumilis ang tibok ng puso ko.

Medyo lumapit siya.

Para akong nakukuryente. Bakit ganun? He is not touching me but his presence is electrifying.

Ang hirap huminga.

Mas lumapit pa siya. Paunti nang paunti ang gap ng mga mukha namin.

Alam kong mali 'to. Alam kong hindi ito tama.

Pero hindi ko gumawang lumayo.

I badly want him to kiss me. Please.

Please.

Naiiyak ulit ako.

West gently touched my cheek. His touch is as light as a feather.

Pero grabe na ang epekto nito sa buong katawan ko.

Unti-unting nilapit ni West ang labi niya sa labi ko.

Napapikit ako. Hinihintay na dumapi ang labi niya sa akin.

Pero hindi dumating.

Naramdaman ko na inalis na ni West ang pagkakahawak niya sa pisngi ko at humiwalay siya sa akin.

Napadilat ako.

At kita ko ang mga mata niya na titig na titig sa akin.

"You don't have to feel sorry for me anymore, Jill," sabi niya then he patted my head. "Bumalik na tayo sa hotel. Delikado rito."

Tanging tango na lang ang naisagot ko sa kanya.

Ang sikip sa dibdib.

No. Akala niya siguro kaya ko siya hinayaan dahil natatakot akong masaktan ang feelings niya pag pinigilan ko siya.

Pero hindi niya alam, gusto ko yun. Gusto kong halikan niya ako.

I want him and I love him so much it hurts.


~*~


[Cupid's POV]


"Sabi na nga ba."

Halos mapatalon si Cassy sa gulat nang makita nita akos a gilid ng poste at naka-abang sa kanya.

Ilang beses na akong pabalik-balik sa lugawan na ito. Simula nung sabihin sa akin ni Jillian na may babaeng nanghula sa kanya rito at sinabihan siyang dalawang lalaki ang nakatakda sa kanya, hindi na ako matahimik.

Nung una, ayokong pansinin masyado. Maraming pekeng manghuhula sa mundo ng mga mortal.

Pero dahil sa mga nangyayari, napapaisip ako na baka totoo ang hulang yun.

Kanina matapos namin kumain ng dinner sa beach, nagpaalam ako na matutulog na ako. Pero sa totoo lang, bumalik ako sa lugar na 'to at nagbabakasakaling maabutan ko siya.

At hindi nga ako nagkakamali.

Alam kong hindi niya inaasahan na nandito ako ngayon dahil kasama ako sa outing.

Talagang iniiwasan niya ako.

Dahil kilala ko siya.

Si Cassandra. Ang mortal na isinumpa ni Apollo.

Binigyan ni Apollo si Cassandra ng kakayahan na makita ang hinaharap ngunit ang sumpa nito sa kanya ay walang mortal na maniniwala sa kung ano man ang mga hulang sasabihin ni Cassandra at iisipin ng lahat ay nababaliw siya.

Pero hindi ako mortal.

At ganun din si Jillian.

Kaya tama ang hinala ko.

Magkakatotoo ang sinabi niya.

"Sino ang isang lalaking duduktong sa kapalaran niya?" diretsahan kong tanong sa kanya.

"Hindi ako nakikipagusap sa mga kagaya mo! Hindi kita tutulungan!"

"Para kay Jillian ang ginagaw ako!"

"At paano ako nakakasigurado?"

"Magtiwala ka sa akin."

Napailing si Cassandra.

"Hindi. Nakita ko, may isang manlilinlang kay Jillian. Hindi ako sigurado kung ikaw yun o si Ayesha. Pero kahit na sino pa, hindi ko kayo pinagkakatiwalaan pareho. Ito lang masasabi ko. Hindi mababago ang nakatakda sa hinaharap. Kahit anong pagpipigil ang gawin niyo, hindi niyo ito mababago."

Tinalikuran na ako ni Cassandra at tuloy tuloy siyang naglakad palayo sa akin.

Napa-buntong hininga ako.

Sino yung isang lalaki?

Kailangan kong malaman.

Hindi pwedeng magulo ang timeline.

Kahit anong mangyari.


To be continued...



Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: