Chapter 42
Chapter 42
[Jillian's POV]
Huminga ako ng malalim habang nandito ako sa tapat ng hotel room nina West at Zyron. Kanina pa ako nakatayo rito. Pinanlalambutan ako ng tuhod. Ilang beses na rin akong napahawak sa labi ko at parang paulit ulit na nag re-replay ang sinabi sa akin ni Luke.
"Hindi mo alam? Si Sir West yung tumalon sa pool nung nalulunod ka at siya rin ang nag revive sa'yo. Binigyan ka pa niya ng mouth to mouth."
I felt a tight knot in my stomach.
I know he did that to save me pero bakit kakaibang saya ang naidudulot nito sa akin?
How I wish I was concious when he did that.
Kasi inaamin ko, gusto ko siyang halikan ulit. Gusto ko siyang yakapin. Gusto kong hawakan ang buhok niya, ang mata niya, ang pisngi niya.
I badly want him. I want all of him.
I want his heart.
God, I'm so selfish.
I love him. I love him.
Napapikit ako.
No. Hindi ko pwedeng isipin ngayon ang mga bagay na yun. I-ma-matchmake ko na si West sa iba.
Suicide mission.
Hay naku! At ano bang ginagawa ko rito sa tapat ng hotel room nila?! Mali ito eh! Mali!!
Pero mali ba talaga?
O nag o-overthinking lang ako?
Wala namang masama sa gagawin ko 'di ba? Hindi naman masamang bigyan ng isaw, betamax at barbeque si West. Mag t-thank you lang ako sa pag save niya sa akin. Yun lang. Yun lang talaga. Kaya hindi ako dapat kabahan!
At hindi ko dapat bigyan ng ibang kahulugan.
Huminga ako ng malalim at kakatok na sana ako sa pinto ng hotel room nila nang bigla itong bumukas.
I was greeted by a beautiful pair of jet black eyes.
West's eyes
Nakita ko agad ang gulat sa mata niya nang makita niya ako.
At ramdam ko nanlaki rin ang mata ko dahil bigla-bigla na lang niyang binuksan ang pinto.
Hindi pa ako prepared!
"H-hi!" nanginginig kong sabi. "Uhmm... ahmm.. Hi!"
Shet ka Jillian! Ano ba! Umayos ka!
"Oh?" tanong niya.
Mula sa mata niya ay napababa ang tingin ko sa labi niya.
Yung labing kaninang dumapi sa akin para bigyan ako ng hangin.
At ngayong nakatitig ako dito, those lips are sucking the air out of me.
"Jillian?"
Napabalik ang atensyon ko sa kanya. Ramdam ko ang pag init ng mukha ko.
Oh god! Ba't nagiinit ang mukha ko. Sana hindi ito namumula. Please. Please. Please.
Ayokong mag assume siya na namumula ako dahil sa kanya. Dahil apektado ako sa kanya. Dahil ang ganda ng mata niya at ng labi niya at ang hot niyang tignan sa gray na v-neck shirt na suot niya.
Ayokong mag assume siya kasi kahit totoo naman eh HINDI PWEDE.
LECHE.
"Uhmm... n-nag dala ako ng foods para..." —sa'yo..."para sa inyo ni Sir Zyron. Pa thank you kanina..."
Hindi kumibo si West and he's just looking at me intently. Parang sinusuri niya ako. Parang may gusto siyang sabihin.
"Jillian.." sabi niya.
Napalunok ako.
Lecheng puso ka umayos ka ha! Sinabi lang niya ang pangalan ko nag wala ka na! Ano, pasaway tayo ha?!
"Y-yes?"
"Uy Jillian! You're here!"
Biglang lumapit si Sir Zyron sa pinto at mas binuksan niya 'to.
"A-ah, nag dala ako ng foods pang thank you sa pag save sa akin kanina," sabi ko kay Zyron.
"Wow thanks!"
Kinuha ni Sir Zyron yung supot na dala ko at napatingin naman ako kay West. Nakatalikod na siya at pumasok na ulit sa loob ng room nila.
Nadidismaya ako at hindi maganda 'to.
"Uy favorite namin 'to ni West! Thanks Jillian ha?" tinapik niya ako ng mahina sa braso.
Pilit naman akong ngumiti sa kanya.
"But wait, okay ka na ba?" tanong ni sir Zyron and I was taken aback because his voice is full of concern and sincerity.
This time, napangiti ako ng tunay, "opo sir. Okay na po ako. Thank you po kanina."
"Just be careful next time okay?"
Tumango ako at nagpaalam na rin ako sa kanya.
Pero habang naglalakad ako pabalik sa room namin, parang ang bigat bigat ng mga hakbang ko.
Gusto kong bumalik sa kanila at kausapin si West. Gusto kong diretsang magpasalamat sa kanya.
Hindi lang sa pag sagip niya sa akin kundi sa patuloy na pag aalala niya sa akin.
Kahit sinaktan ko siya.
Nang makabalik ako sa room, nakita kong nagkakainan na sina Luke doon. Nahatak pa ni Luke si Edgar para makikain sa binili naming pagkain.
Nakita ko naman si Cupid na nakaupo sa sulok ng kama at halatang badtrip.
"Totoo nga kasi ang sinasabi ko! Ayaw niyong maniwala!" dinig kong sabi ni Edgar.
"Ang alin?" tanong ko naman.
"Naku Jillian! Kinukwento nitong si Edgar na hiningi raw ni Diana Martin yung number niya!" natatawa-tawang sabi ni Luke.
"Nag ha-hallucinate na 'tong si Edgar! Ba't hihingin ng isang beauty queen ang number niya?" sabi naman ni Elise at nagtawanan sila.
Ah. Kaya pala badtrip na badtrip si Cupid.
Lumapit ako at naupo ako sa tabi ni Cupid.
"Kasi nga totoo naman! Nabighani talaga sa akin yung beauty queen na 'yon!" sabi ni Edgar.
"Baka kaya hiningi ang number mo kasi naghahanap siya ng bodyguard?" sabi ko.
"O driver," dagdag pa ni Cupid.
"Pwede ring PA," sabi ko ulit.
Napasimangot si Edgar at nagtawanan kami ni Cupid.
Alam naman naming totoo ang sinasabi nitong unggoy na 'to. Pero ang sarap lang niyang ganituhin kasi kahit pag bali-baliktarin ang mundo...
...ANG UNFAIR TALAGA NG SITWASYON NAMIN AT NAKAKA BITTER.
Naisipan mag laro nina Elise ng card game. Unggoy-ungguyan yung sinuggest ni Cupid at pumayag naman si Edgar. Excited pa siya. Nakisali na rin ako.
Ilang beses akong natalo.
Nung mga bandang 7PM na, pinababa na kami para kumain. Outside buffet kami ngayon. Malapit sa mga swimming pools.
Nakita ko agad sina Sir Zyron, West at Ms. Sasha. This time, ibang mga empleyado naman ang katabi nila sa upuan.
Si Cupid ang namili ng pwesto namin at talagang ang pinili niya eh yung malayo kina West.
I know Cupid. I know.
Onting vegtable salad, fruits at isang slice ng cake lang ang kinain ko. Nabusog kasi ako kanina sa isaw at wala akong masyadong gana. Nang matapos ako, I immediately excused myself.
Hindi ako bumalik sa room instead dumiretso ako sa kabilang pool kung saan walang tao. Hinubad ko ang flipflops na suot ko at naupo ako sa gilid habang nakalubog ang mga paa ko sa tubig.
Wag lang darating si Ayesha. Ayoko nang malunod ulit. Marunong akong lumangoy kaso madaya lang 'tong si Ayesha at pinaralyze ang buo kong katawan kanina.
Palibhasa bitter.
Pareho kami.
Napa-buntong hininga ako.
Kanina nakita kong magkatabi si West at Ms. Sasha. Nagkukwentuhan sila habang kumakain. Panay pa ang ngiti ni West sa kanya.
Alam mo yung masakit?
Yung nagagawa na niyang ngumiti dahil sa ibang tao.
Gustong-gusto ko na maging dahilan ng pag ngiti niya at pagtawa niya.
Kaso kontrabida si tadhana eh. Ayaw niya akong maging masaya.
Ang tragic ng buhay ko. Pwede nang i-send sa MMK.
Isang babaeng hindi na nakilala ang kanyang ina at iniwan naman siya ng kanyang ama sa bahay ampunan. Ulila na nga, dama pa niya na walang paki ang ama niyang mayaman sa kanya. Dalawang beses na rin siyang nainlove---at yung dalawang taong yun, kailangan niyang i-pair sa iba.
Wow Jillian.
Wow.
What a life.
Kumuha ako ng bato sa gilid ko at ibinato ko sa pool. Hindi ako kuntento. Kumuha pa ako ng isa---mas malaki---at binato ko ulit ito.
Magagalit sa akin ang naglilinis ng pool.
Sorry po. Naglalabas lang ng inis.
"Bawal 'yan."
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang may nagsalita sa likod ko.
At gusto kong tumalon sa pool nang makita ko kung sino ito.
"S-Sir West.."
He gave me a small smile.
HE. GAVE. ME. A. SMALL. SMILE.
Hindi naman ako nag ha-hallucinate 'di ba? Totoo 'to?!
Hinubad din ni West ang tsinelas na suot niya at tinabihan niya ako.
Oh dear heart. Be still heart. Why are you beating so fast?!
"How are you? Okay ka na ba?" tanong niya sa akin.
Napalunok ako.
Dila gumana ka! Tinatanong ka niya 'di ba?!
"O-okay na ako," sagot ko at napalunok ako.
Ba't parang nawawala ang boses ko dahil sa kaba?
Ayaw pang tumigil sa pagaalburoto ang puso ko.
Medyo umusog si West papalapit sa akin at nagtama ang mga braso namin. Para akong nakuryente. Saglit na saglit na pagtatama lang pero buong katawan ko ang naapektuhan.
"I'm glad you're safe," halos pabulong niyang sabi sa akin.
Napalingon ako sa kanya at huminga ako ng malalim.
"West... s-salamat... and I'm really, really sorry.."
Nilingon ako ni West at bakas sa mata niya ang lungkot.
Napalunok ako. Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa mata ko.
Ayokong umiyak sa harap niya. Ayoko. Ayoko.
Hindi niya ako dapat makitang umiiyak.
Mali. Mali. Mali.
Wag kany iiyak Jillian! Pigilan mo 'yan please? Hindi pwede! Wag!
"Jillian..."
Napapikit ako.
West please, please stop saying my name. Please. Nahihirapan ako lalo. Masakit. West naman.
Naramdaman ko ang kamay ni West sa pisngi ko.
He is wiping my tears away.
"Look at me, please?"
Kahit mahirap, kahit masakit, idinilat ko ang mata ko at tinignan ko siya diretso sa mata.
I love his eyes. I love everything about him.
Oh god, I love this guy so much.
"Kanina nang makita kitang nalulunod, sobrang natakot ako Jillian. Nung tinatawag ko ang pangalan mo at hindi ka dumidilat, para akong mamamatay sa kaba. Sinubukan kong iligtas ka, at nung nagkakamalay ka na, nung dumating na si kuya at kinuha ka niya sa akin, nung iminulat mo ang mata mo, para akong nakahinga ng maluwag. Umalis ako agad kasi hindi ko na kaya ang nararamdaman ko. I badly want to hate you."
"West.."
"But I can't."
Biglang umihip ang hangin at ang ilang strands ng buhok ko ay napunta sa mukha ko. Dahan-dahan niyang inayos ito at tinitigan ako sa mata.
Parang sasabog ang puso ko.
"I don't want to hate you anymore, Jillian. Hindi na kita pwedeng sisihin kung bakit hindi mo ako magawang mahalin. Naiintindihan ko na ang lahat. Hindi talaga natin pwedeng diktahan ang mga nararamdaman natin."
Medyo lumayo sa akin si West and he smiled at me again.
A genuine one.
Parang dinudurog ng ngiting yun ang puso ko.
"I want us to be friends again," sabi niya. "And I promise Jillian, I'll try to moved on. Dahil okay na sa akin ang makita kang masaya."
At tuluyan nang nawasak ang puso ko.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top