Chapter 39

Chapter 39



[Jillian's POV]

"Ayos ka lang ba talaga?" tanong ni Cupid sa akin.

Lagpas limang beses na niyang tinanong ang bagay na 'yan. Sa totoo lang, naiirita na ako.

"Cupid, naka-impake na ang mga gamit ko. Ready na akong umalis. Ibig sa bihin, go na go ako."

Bumuntong hininga si Cupid at iniwan na ako sa kwarto ko.

Tinapos ko ang pag iimpake ng gamit ko. Naghahanda na kasi ako para sa outing namin. At ilang oras na lang, kailangan na naming umalis ni Cupid para pumunta sa opisina kung saan ang meeting place naming mag o-office mates.

Kanina ko lang naisipan mag impake ng damit. At ngayon, basta lagay na lang ako sa bag ko ng kahit ano dahil wala talaga akong gana.

Kung papipiliin ako, mas gugustuhin ko na lang mag stay sa bahay. Ayokong sumama. Ayokong makita si West.

Nung gabing na-trapped siya rito sa bahay ko, ayun ang huling beses ko siyang nakita. Ni-hindi ko alam kung anong oras siya umalis nun. Hindi ko alam kung sinugod ba niya ang bagyo makalayo lang sa akin.

Though alam kong ayos naman siya dahil sabi ni Elise, naka-salubong daw niya si West sa opisina.

Yun lang, ako, kahit anino ni West ay hindi ko nakita. Siguro sinasadya niya rin na wag magpakita sa akin. Malamang iniiwasan niya ako.

Sa ginawa ko ba naman sa kanya, hindi pa ba niya ako iiwasan.

Pero sa outing, magkakasama kami sa isang lugar. Gagawin namin ang mga activities na magkasama. Mahihirapan kami kung iiwas kami sa isa't-isa.

At gusto ko talagang wag nang sumama.

Yun lang, mapilit si Cupid. May importante raw kaming dapat gawin. At ewan ko rin kung bakit. Parang may pakiramdam ako na dapat akong sumama.

Which is nakakakaba.

Ilang beses na ba akong naniwala sa instinct ko? But it turns out na laging palpak ang instinct ko.

Bahala na nga si Batman.

At dahil kanina lang ako nag-sipag mag impake, male-late na kami ni Cupid. Buti na lang at naisipan na niyang gumamit ng magic para maka-punta agad kami sa office. Nakaka-taka nga dahil pumayag siya agad samantalang dati hindi ko siya mapilit.

"Wow! On the dot kayo ah!" sabi ni Edgar sa amin nang dumating kami ng saktong 7am sa office. "Sayang talaga at nag resign si Enid! Gusto ko pa naman siyang makitang naka-bikini!"

Napa-simangot si Cupid sa sinabi ni Edgar and I saw him balled his fist. Hinawakan ko agad ang wrist niya at hinila siya palayo kay Edgar. Mamaya masapak ni Cupid si Edgar. O worst, gamitan pa niya ng salamangka.

"I swear, matapos lang talaga 'to, isusumpa ko ang mortal na 'yan!" Cupid hissed.

"Relax! Hindi naman niya nakita ang asawa mo na naka bikini eh!"

Naka-simangot pa rin siya. Mukhang na-badtrip talaga.

"Hi guys!"

Napalingon kami sa dumating at nakita namin si Sir Zyron. He's wearing that bright smile again na parang wala siyang problema.

"Are you ready?"

"Yes sir!" sagot namin sa kanya.

"Alright! Nasa baba na si West at Sasha. Nandyan na yung sasakyan natin!"

Parang biglang sumikip ang dibdib ko nang marinig ko ang pangalan ni West.

Hindi ko talaga siya pwedeng iwasan ng habang-buhay. Makikita at makikita ko pa rin siya.

And a part of me wants to see him badly.

Kinuha na namin yung mga gamit namin at sumunod kami kay Sir Zyron. Isang mini van yung sasakyan namin at sakto namang kasya kaming lahat---including the three bosses.

"Ang babait ng mga boss natin 'no? Halatang gusto tayong maka-bonding. Talagang hindi sila humiwalay ng sasakyan at sasabay sila sa'tin," sabi ni Luke.

"I heard na idea ni Ma'am Sasha 'to. Grabe maganda na mabait pa! She's indeed a role model," dagdag pa ni Elise.

Sumimangot ako at medyo binilisan ko ang pagpasok sa mini van. Doon ako sa dulo naupo. Ayoko sa harap. Gusto kong mapag-isa.

Lalo na na nakita ko sa may bandang harap naupo si West at katabi pa niya si Ma'am Sasha.

Naiinis ako.

Ang hinhin kumilos ni Ma'am Sasha. Ang sophisticated.

Hindi kaya siya ang tinutukoy ni Cupid na nakatadhana kay West? If ever, paano ko siya magagawang i-matchmake kay West kung naiinis ako sa kanya?

Nung kay Luke at Elise dati, medyo kinaya ko pa dahil hindi naman ako naiinis kay Elise.

At nandyan si West para libangin ang puso ko.

Habang tumatagal, mas pahirap nang pahirap ang duty ko.

Sana naman wag na dumating sa point na kailangan kong i-matchmake si Ayesha sa isang santo. Hindi ko na kakayanin promise.

Nag-sakayan na ang iba ko pang mga ka-officemates. Naupo naman si Cupid sa kabilang side ko sa tabi rin ng bintana.

Aba, hindi ako tinabihan ng isang 'to ah?

Dahil sobra-sobra pa ang seats, in the end, wala kaming katabi pareho ni Cupid.

Napa-buntong hininga na lang ako.

Siguro kung nasa ibang sitwasyon kaming dalawa, malamang katabi ni Cupid si Enid at ako? Katabi ko yung nakatadhana sa akin---kung sino man siyang leche siya na ang tagal tagal dumating sa buhay ko. Sana naman nagpapakilala na siya 'no para hindi na ako naghihirap nang ganito.

"Matulog ka muna, sandal ka sa akin," dinig kong sabi ni Luke kay Elise at nakita ko pang sinandal ni Elise ang ulo niya sa balikat ni Luke. Naka-akbay naman si Luke kay Elise.

Anak naman ng--!! Ba't dito ba pumwesto ang dalawang 'to sa harap ko ha? At bastusan, nag PDA pa ang mga malalandi!

Nagsimula na ang byahe. Ang ingay sa bus. Akala mo mga estudyante na mag f-fieldtrip. Puro lokohan at tawanan. Pinangungunahan pa ni Edgar na nagmimistulang clown sa harap at mukhang nagpapabibo sa tatlong boss.

Nag-pasak na lang ako ng earphones sa tenga ko at pumikit ako at nag panggap na tulog para hindi nila ako istorbohin.

At sa pag papanggap ko, nakatulog talaga ako.

~*~

Nagising ako na nakahinto ang bus namin at halos walang laman ito. Napatingin ako sa labas ng bintana at nakita kong naka-stop over pala kami.

"Hindi ka bababa?"

Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko si Sir Zyron na nasa harapan ko.

"Ah... hindi po sir."

Tumango siya.

"Nag eenjoy ka ba?"

"Opo.. bakit po?"

"Wala lang. Pansin ko lang na mula kanina sa opisina naka-simangot ka na."

Medyo kinabahan ako bigla sa sinabi niyo.

Hala! Na-notice pala niya ang bad mood ko! So bad shot na agad ako sa boss ko?

The hell I care. Gusto ko nang mag resign.

"Uhmm...medyo wala lang po ako sa mood kanina."

Naupo siya sa bakanteng seat sa tabi ko.

"Alam mo bang nakakahawa ang bad mood? Kaya dapat sa mga outing na ganito, ipakita mong masaya ka. Paano mag eenjoy ang iba kung may isang badtrip?"

Napa-kagat ako ng labi.

Gusto kong huminga ng malalim. I badly want to roll my eyes. Gusto ko siyang tarayan at sabihin na anong gusto niyang mangyari? Eh bad mood ako. Hindi naman naapektuhan yung iba sa akin eh. Ni hindi nga nila nahahalata eh. Kaya nga nandito ako sa likod ng bus eh para walang mang istorbo sa akin.

Tsaka sino siya para pakielamanan ang nararamdaman ko? Hindi ba siya aware na kaya ako ganito eh dahil sa kapatid niya?!

"Malapit nang kumunot ang noo mo. I can sense it," sabi niya habang naka-ngisi ng nakakaloko.

Napahawak ako sa noo ko at tumawa naman siya. Tinignan ko lang siya habang kinakagat ko pa rin ang labi ko kasi gusto ko na talaga siyang sigawan.

"Why don't you say something?" tanong niya matapos niyang mapa-kalma ang sarili niya sa pag tawa.

"Uhmm.. I don't know what to say, sir. Hindi naman po kita pwedeng tarayan..."

Iniwas ko ang tingin ko.

Anak ng tupa! Sinabi ko talaga yun sa harap ng bago kong boss? Seryoso yan? Oh my gosh! Anak naman talaga ng tupa oh!

Narinig ko ulit ang pag tawa niya.

"Ganito ka ba talaga palagi? Naka-simangot at nagtataray?"

"Hindi po at hindi ko po kayo tinatarayan."

"Hey, I'm just joking okay? Inaalam ko lang yung sinasabi ng kapatid ko na masiyahin ka raw at kahanga-hanga. Pero sa nakikita ko ngayon ang gloomy mo."

Sige! Ipagkalandakan pa niya na gloomy ako! Leche talaga ang sarap sagutin kung hindi ko lang siya boss!

May inilabas siyang candy sa bulsa niya at inabot sa akin.

"Para hindi ka mahilo."

Kinuha ko yung candy, "oh.. thanks po."

Tumayo siya at paalis na ulit pero huminto siya at tinignan ako.

"By the way, kay West galing yung candy. I-abot ko raw sa'yo."

Naglakad na pabalik si Sir Zyron doon sa harapan ng bus kung saan sila nakapwesto kanina.

Napatingin ako sa may entrance ng bus at sakto namang pumasok si West kasunod si Ms. Sasha. Nagtama ang tingin naming dalawa.

Ewan ko kung sino ang unang umiwas. Ako ba o siya o sabay naming iniwas ang mga tingin namin?

Hinigpitan ko ang hawak doon sa candy na ibinigay niya sa akin at napapikit na lang ako.

Sa ilang segundo na nag tama ang tingin namin, parang nakuryente ang buong katawan ko.

Ano yun, sparks? Sparks ba ang tawag doon?

Bakit kailangan pa magkaroon ng sparks kung hindi naman kayo para sa isa't-isa?

Nakaka bitter na talaga ang sitwasyon kong 'to.

~*~

"Ang ganda ng resort!!" masayang sabi ni Elise nang makapasok kami sa resort na pinagdalhan sa amin ng mga big boss.

Maganda nga talaga ang resort. Sosyal. Member ata ang family nina West dito kaya naman naka discount kami. Isa pa, halos solo namin ang buong resort. Kakatapos lang kasi ng summer kaya naman wala nang masyadong nagbabakasyon dito.

Sabi nung nag assist sa amin, may anim na pool daw sa resort. Tapos sa 'di kalayuan, nandoon yung beach. Though pwede kami maglakad sa dalampasigan, pero in-advice-an kami na wag munang mag su-swimming dahil high tide raw ngayon.

Great.

Nagpunta na kami sa mga assigned rooms namin. Apat ang magkakasama per room. Kasama ko sa room si Elise, si Dina ang isa pa naming editor at si Grace—yung book cover artist namin.

Nagpahinga lang kami saglit at after that, lumabas na kami at nagtungo sa buffet hall kung saan kami mag l-lunch.

"Ayun sina Cupid at Luke," turo ni Elise. Nakita ko yung dalawang lalaki na nandoon na at mukhang inaantay kami.

Nilapitan namin sila ni Elise.

"Tara kuha tayo ng food?" aya ni Luke kay Elise.

"Tara."

Nagpunta na yung dalawa doon kaya naman naiwan kami ni Cupid.

"Una ka na. Ako na magbabantay ng table natin," sabi niya sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay, "aba himala hindi ka nakikipagunahan sa akin kumuha ng pagkain."

Nag kibit-balikat lang si Cupid at ako naman, hinayaan ko lang siya.

Pansin ko kanina pa siya matamlay. Walang imik. Dahil pa rin ba yun sa biro ni Edgar kanina?

Yung Edgar na yun talaga ang sarap tadyakan sa balls eh.

Kumuha na ako ng makakain doon sa buffet. Chicken ceasar salad, mushroom soup, breadsticks, crab, rice, shrimp, beef, pasta.

"Sa'yo lahat 'yan?" tanong ni Edgar sa akin nung nakatabi ko siya sa pila.

"Oo baket?"

"Kaing construction worker tayo ah!" pangaasar niya sa akin.

Nag kibit-balikat lang din ako at hindi ko siya pinansin.

Wala siyang alam! Lahat ng manghuhusga sa akin, walang alam!

Hindi nila alam kung paano magmahal ng isang tao na hindi naman pwedeng maging kayo! Hindi nila alam ang pakiramdam ng masaktan dahil nakikita mong nasasaktan ang mahal mo nang dahil sa'yo at wala kang magawa!

KAYA BAHALA SILA KUNG HUHUSGAHAN NILA AKO KUNG BAKIT ANG DAMI KONG KINUHANG PAGKAIN! BAHALA SILA KUNG SASABIHAN NILA AKONG PATAY GUTOM!

Grabe sila! Patay gutom agad?! Hindi ba pwedeng may pinagdaraanan lang?!

Bumalik na ako sa table namin at nakita kong nanlaki ang mata ng tatlo kong kasama nang makita ang dala kong pagkain.

"What?!"

Umiling si Luke, "w-wala. Wala."

Buti hindi ka nag react! Palibhasa may girlfriend na!

Si Cupid naman ang tumayo para kumuha ng pagkain at hindi ko na siya naisipan pang hintayin dahil nagumpisa na akong lumamon.

Kakain ako hanggang sa makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.

"Oh masigla na pala si Jillian eh."

Napa-tigil ako sa pagkain nang makita kong pumwesto sa table namin si Sir Zyron. Kasunod niya si Ma'am Sasha....at si West.

Naupo si Ma'am Sasha sa tabi ni Sir Zyron.

Isa na lang ang natitirang upuan.

Yung upuan na nasa gitna namin ni Ma'am Sasha.

"Upo na West," sabi ni Sir Zyron habang tinuturo ang upuan sa tabi ko.

Oh god.

Napaiwas na lang ako ng tingin. Naramdaman ko namang in-occupy ni West ang upuan sa tabi ko.

"Buti naman at mukhang masigla ka na Jillian. Dami mo nang kinakain eh!" pagbibiro ulit ni Sir Zyron sa akin.

Ba't naman kailangan niya pang pansinin 'to?!

Ang sarap niya talagang bulyawan. Mag sama sila ni Edgar!

"Bakit po sir? Matamlay po ba si Jillian kanina?" tanong naman ni Elise.

Isa pa 'to! Inintriga talaga! Wala siyang utang na loob! Ako ang dahilan bakit may lablayp siya ngayon!

"Oo eh. Mukhang nag e-emo kanina sa bus!" sagot ni Sir Zyron at nagtawanan naman sila.

"Kuya Zyron! Leave her alone! The poor girl is already blushing because of you!" saway naman ni Ma'am Sasha sa kanya.

Walangya kang babae ka! Kaya ayoko sa'yo! Sinaway mo nga pero pinoint-out mo naman na namumula na mukha ko sa kahihiyan!

"Jillian, ba't hindi ka nagsasalita? Tahimik ka ba talaga. Weird. Sabi nitong si West madaldal ka raw eh," pangungulit uli ni Sir Zyron.

God, he's so annoying.

"Kuya, just eat," mariing sabi ni West.

"Sir West nakukwento mo po pala kami sa kapatid mo!" sabi naman ni Luke.

Zyron snorted. West gave Luke an awkward smile.

Mukhang alam ko na kung ba't ganyan ang reaction nila.

Kasi ako lang ang kinukwento ni West kay Sir Zyron.

At ngayon ganito kami.

Siguro kaya ang hilig akong pinapahiya nitong si Sir Zyron kasi alam na rin niya ang ginawa ko kay West.

Binilisan ko ang kain ko. Ngayon lang ako nagsisi na ang dami kong kinuhang pagkain. Gusto ko na lang makaalis sa table na 'to.

Isa pa para akong kinukuryente dahil katabi ko si West. Ang hirap huminga. Lalo na pag accidentally na nagtatama mga siko namin.

Kelan pa naging ganitong kalala ang epekto niya sa akin?

"Akin na lang 'to Jillian!" sabi ni Cupid na hindi ko napansin na nasa tabi ko na pala.

Masaya kong ibinigay ang more than half ng pagkaing kinuha ko sa kanya then I gave him an appreciative smile.

Hindi ko alam kung gutom lang talaga 'to o nakaramdam din siya na gusto ko nang lumayas dito.

Nang matapos akong kumain, I excused myself.

"Ay alis ka na? Bawal! Masamang may aalis habang 'di pa tapos kumain ang iba. Pare-pareho kami ritong hindi makakapag-asawa!" sabi ni Zyron sa akin.

Anak naman ng pamahiin na yan oh!

"Hayaan mo na siya," dinig kong sabi ni West.

At ewan, parang kumirot na naman ang puso ko.

Halata sa tono niya na gusto na niya akong umalis eh.

Tuloy-tuloy na akong lumabas ng buffet hall.

Makapunta na nga lang sa room. Matutulog na lang ako.

Iiyak na lang ako.

"Jillian!"

Napalingon ako kay Cupid at nakita ko siyang tumatakbo papalapit sa akin.

"Hmm?"

"Come with me."

"Saan?"

"Basta."

Hinawakan ni Cupid ang wrist ko at hinila niya ako palabas ng hotel na tinutuluyan namin.

"Uy, saan tayo pupunta? Teka, kay Ayesha ba? Nakita mo na ba siya? Pwedeng kung dadalhin mo ako ngayon kay Ayesha magpalit muna ako ng damit? Naka shorts, t-shirt at flipflops lang ako! Pwedeng mag suot muna ng mas protective na damit ha?"

"Hindi! Basta!"

Dinala ako ni Cupid sa may dalampasigan at naupo kami sa isang bench doon.

"Anong gagawin natin dito?"

"Basta!"

Tinignan ni Cupid ang orasan niya.

"Manuod ka," bulong niya sa akin.

Tinignan ko naman yung dagat.

"Cupid---don't tell me lalabas si Poseidon diyan ngayon?"

"Hindi! Ay naku Jillian, pwede manahimik ka muna at tignan mo na lang ang darating?"

Sinimangutan ko siya pero sinunod ko ang sinabi niya. Tinignan ko ang dagat sa harapan ko.

...

...

...

...

"Uhm.. Cupid, ano bang meron?" tanong ko makalipas ang ilang minutong pagtitig sa dagat.

Napakamot ng ulo si Cupid, "hindi ko na alam ang nangyayari."

"Ako rin. Hindi ko na gets. Ano ba dapat ang mangyayari?"

Napakibit balikat si Cupid, "hindi ko na talaga alam."

Buntong hininga ako.

"Pwede na ba akong umalis? Kasi sa totoo lang wala ako sa mood ngayon eh."

Tumango lang si Cupid nang hindi ako tinitignan. Ako naman, iniwan ko na siya doon at dumiretso ako sa kwarto. Agad akong pumasok sa CR ng room namin, nagbabad sa bathtub doon hanggang sa maubos ang luha sa mata ko.

Leche.

Wala na atang katapusan ang pag iyak na 'to.

~*~

[Cupid's POV]

Ang hirap ng intindihin ng tadhana. Ang hirap ng intindihin ng mga mangyayari.

Kahit ako, naguguluhan na rin.

Napabuntong hininga na lang ako habang nakatitig sa book of soulmates na hawak ko.

Malinaw na malinaw pa rin ang nakalagay rito eh.

Nakaduktong si West sa ibang babae at hindi kay Jillian.

Ba't hindi na lang kasi si West at Jillian? Bagay naman sila? Bakit iba ang para sa kanila?

Ang naka-sulat sa book of soulmates ay hindi pwedeng mabago. Hindi pwedeng magkapalit-palit ang mga magkakatadhana. Pwedeng mawalan ka ng nakatadhana kung mamamatay ito bago mo pa siya makilala. Doon nagkakaroon ng mga taong single hanggang sa pagtanda nila.

O pwede rin yung nangyari kay Ayesha. Nawalan ng ka-tadhana ang lalaking para sa kanya dahil kinuha ni Aphrodite si Ayesha.

Pero ang magkapalit-palit ng mga nakatakda? Hinding-hindi mangyayari yun.

Pero naguguluhan talaga ako.

Kanina, dapat dadating ang nakatadhana kay West. Ayun ang dapat ipapakita ko kay Jillian.

Alam ko kasi na gusto na niyang i-matchmake si West. Gusto ko na rin itong matapos para maipakilala ko na kay Jillian ang para sa kanya.

Para hindi na siya masaktan.

Pero hindi dumating yung babae. Nakakapagtaka talaga. Nandito pa rin nakasulat ang pangalan ng babaeng yun. Nakaduktong pa rin ito sa kapalaran ni West.

Pero bakit wala siya kanina?

Bakit naiba ang naging takbo ng tadhana.

Dito sa lugar na 'to dapat magkikita si West at ang babaeng yun. Pero hindi nangyari.

Ano na ba ang nangyayari?

Napatingin ako ulit ako sa may dalampasigan at nakita kong naglalakad doon si West.

Napaayos ako ng upo.

Hindi kaya na-delay lang yung babae? Baka na-traffic?

Anong klaseng explanation yan Cupid!

Pero baka dumating na nga yung babae! Supposedly magkakasalubungan sila!

Napalingon ako sa kabilang side at halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang makita ko kung sino ang makakasalubong ni West.

It's Jillian.

Hindi niya napapansin na nasa harap na niya si West at nakatitig ito sa kanya.

Busy kasi siya sa pagkuha ng litrato sa dagat.

At hindi rin napansin ni West ang isa pang taong parating dahil busy siya sa pagtitig kay Jillian.

It's Zyron.

Anong nangyayari?

To be continued...




(PLEASE READ. IMPORTANT)

Author's Note:


Hi po! Kung sakali mang medyo ewan ang naging dating ng update na 'to, pasensya na po. Pinilit ko lang po kasi na tapusin ito ngayong gabi dahil ayokong bitiwan. Aside sa may inasikaso lang na manuscript, may naka-sagutan ako na demanding reader sa twitter na talagang umubos ng pasensya ko at medyo nawalan ako ng gana dahil sa tweet niya. And yes, nagsisisi ako ba't ko pa siya pinatulan. Naapektuhan lang ako.


Sa mga nakabasa nun sa twitter, I'm so sorry po at nakita niyo pa side ko na talagang napuno ang pasensya ko.


Pero ito lilinawin ko lang po ulit sa lahat ng readers ko na nag iintay ng update ko: MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT. Thankful ako na matyaga kayong nagaantay. Aminado ako na mabagal ako mag update. Pero I am trying my best na mapabilis ito.


Mahirap po magsulat. Mahirap mag isip ng update. Mahirap ipilit ang feels kung ang author mismo ay wala sa mood magsulat. Mas mahirap pag na ppressure kami. Ganado kami pag inspired kami.


At nakakawala po ng inspiration ang mga comments na katulad nito: "ang bagal bagal mo mag update. Hindi mo na naisip ang mga readers na nagiintay ng update mo." 


Kung hindi ko po naisip ang mga readers na nag aantay ng update ko, bakit pa po ako nag uupdate?


Gusto ko lang po i-inform kayong lahat na libre kong ginagawa ang pagsusulat dito sa Wattpad. (Not unless sponsored ito like ng That One Summer ko. Which is ayan lang ang natatanging story ko na sponsored.)


Sa totoo lang, pwede ko na nga ito isulat ng directly sa word at ipasa sa publishing house para diretso publish na at no need nang dumaan sa wattpad. Pero passion ko kasi 'to eh. Nag eenjoy ako na makita ang comments ng readers per chapter. Nakakatuwa na maka communicate ang mga readers. Kaya pinopost ko pa rin ito ng libre. Ng walang bayad. Ng walang hinihinging kapalit kundi ang onti niyong pag unawa na minsan eh tao lang din po ang mga authors, napapagod din kami, nagsasawa rin kami sa pressure.


Lagi kong sinasabi, if ayaw mabitin, pwede naman po natin basahin na lang pag tapos na.


Napuno ako kanina sa twitter dahil ang naging dating sa akin ng tweet ng certain reader na yun (no need pangalanan kasi blocked na siya sa akin at mukhang wala na talaga rin siyang planong magbasa,) ay wala akong paki kung nagiintay ang mga readers ko ng matagal.


That's not true.


Like ngayon. Kailangan ko mag focus sa manuscript ko pero isinisingit ko 'tong update na 'to.


Sobrang saya ko po at thankful dahil nagbabasa kayo ng stories ko. 


Pero humihingi ako ng tawad kung hindi ko maibigay ang buong time ko para sa inyo.


Salamat sa mga nakakaintindi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: