Chapter 38
Chapter 38
[Jillian's POV]
Sobrang lakas ng ulan. Traffic. Maingay sa labas.
Pero nabibingi pa rin ako sa katahimikan.
Walang nagsasalita sa amin ni West habang nandito ako sa loob ng kotse niya. Halos kakagaling lang namin sa ospital at ngayon eh nagmamaneho na siya papunta sa apartment ko.
Kanina tinanong ko siya kung nasaan si Ms. Sasha. Sabi naman niya, kasama na nito si Sir Zyron. After nun, hindi na ulit siya nagsalita. Hindi na niya ako kinakausap. Kahit nung nasa ospital kami. Kahit nung inaalalayan niya akong maglakad.
Nakakabingi talaga ang katahimikan.
Ilang beses akong lumunok. Para kasing may nakabara sa lalamunan ko. Ilang beses din akong kumurap nang kumurap dahil nararamdaman ko ang nagbabadyang luha sa mata ko.
Sobrang lapit ni West sa akin. Kayang-kaya ko siyang hawakan.
Pero bakit ganun? Ang layo ng pakiramdam ko sa kanya? Hindi ko maabot. Parang may isang malaking pader na nakaharang sa pagitan namin ngayon.
I embraced myself at tumingin ako sa labas ng binata.
Naka-hinto kami ngayon. Sobrang traffic kasi.
Ang sarap hilingin na wag nang umandar ang kotse para mas matagal ko pang ma-solo si West. Para mas mapahaba ko pa ang stolen moment na 'to.
Pero sa totoo lang, gusto ko na ring umuwi. Gusto ko nang matapos 'to.
Kasi habang nagtatagal ako na kasama siya, mas lalo akong nasasaktan sa thought na hindi kami pwede.
Napa-hinga ulit ako ng malalim.
May mga pagkakataon talaga na mas okay na wala ka na lang alam. Parang ngayon. I'll do everything para hindi ko malaman na hindi si West ang para sa akin. Kung hindi ko alam yun, magkakaroon pa siguro kami ng chance na maging kami. Okay lang kahit hindi mag work out. Okay lang kahit in the end, magkakasakitan lang kami.
At least, maeexperience namin kung paano mahalin ang isa't-isa.
Pwede kong gawin yun. Pwede akong magpaka selfish ulit. Pwede kong i-grab ang chance na ma-experience kung paano mahalin si West ng malaya.
Ang problema....may task ako.
Ang problema, hindi ako pwedeng magpaka-selfish dahil sa kagagahang ginawa ko noon.
Ang problema... si West na ang isusunod kong ima-matchmake. At kung tama ako ng hinala, malapit na sa timeline ni Cupid ang panahon kung saan ipapakilala na niya sa akin ang naka-tadhana kay West.
Alam ko malapit na. Nararamdaman ko kasi parang sinasabi na sa akin ng compass.
At kung ganoon nga ang mangyayari, paano pa ako magkaka-chance?
Nagulat ako nang biglang ipatong ni West ang coat niya sa akin. Napatingin ako bigla sa kanya at diretso na siya ulit nakatingin sa kalsada.
"West... salamat."
Hindi siya sumagot. Hindi rin niya ako nilingon. Diretso lang ang tingin niya.
I can't blame him kung bakit ayaw niya akong kausapin. Nasaktan ko ba naman siya eh.
Pero alam niyo kung ano ang nakakaiyak?
Itong inaasal niya na 'to. Itong pakikitungo niya na ganito.
Na kahit nasaktan ko siya, he still cares for me.
Kanina, pwede niya akong pabayaan. Pwede niya akong hindi balikan o tulungan. O kaya naman, pwede siyang maki-suyo sa iba na tulungan ako.
Pero hindi. Tinulungan pa rin niya ako.
Iniwas ko ulit ang tingin ko kay West at tinalikuran ko siya. Ramdam ko na kasi ang luha sa pisngi ko. Agad kong pinunasan 'to dahil ayokong makita niyang umiiyak ako. I don't want to confuse him anymore.
Mas okay pa na paniwalaan niyang hindi ko siya mahal.
Halos kalahating oras kaming trapped sa traffic. Pero nakita ko nang papalapit na kami sa apartment ko, hindi ko alam ang dapat kong maramdaman.
Makakahinga na ba ako ng maluwag kasi matatakasan ko na ang awkwardness na 'to?
O malulungkot kasi wala nang panibagong chance para ma-solo ko siya?
Baliw. Umpisa pa lang wala na kayong chance. Hindi yun nag e-exist sa inyong dalawa.
"We're here," sabi niya.
Tumango ako at iniabot ko yung coat niya.
"Salamat talaga, Sir West."
Hindi siya umimik at agad niyang binuksan ang pinto ng kotse niya para kumuha ng payong at para alalayan ako.
"Nandyan ba pinsan mo?" tanong niya habang pinagbubuksan ako ng pinto.
"H-hindi ko alam."
"Wala ka bang pwedeng makasama?"
"A-ayos lang! Kaya ko na sarili ko. T-tsaka pauwi na rin si Eros."
Tumango lang siya at inalalayan niya ako papunta sa apartment ko. Nung makarating na kami doon, binitiwan na niya ako.
"Sige, una na ako. Bye Jillian."
Tumalikod na siya at naglakad papunta sa kotse niya.
Parang gusto kong maiyak ulit.
Bakit parang permanent na ang pamamaalam niya sa akin?
I have this urge to stop him from leaving. Gusto kong gumawa ng iba't-ibang dahilan.
Malakas ang ulan, traffic, may bagyo, delikado. West dito ka muna sa akin. Saglit lang. Wag kang tumalikod.
Nanakawin ko ang book of soulmates at iibahin ko ang nakasulat doon. Gagawin kong tayo na lang.
Kung pwede ko lang talaga gawin yun.
Huminga ako ng malalim at tumalikod na rin ako kay West habang tuloy tuloy na naman ang pagbagsak ng luha sa mata ko.
Ano ba! Kelan ba ako matatapos sa kakaiyak?
Ba't hindi ba nauubos ang luha ng isang tao?
Nakakapagod na kasi eh.
Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse niya ay maya maya lang din ang pagbukas ng makina nito.
Paalis na talaga siya.
Binuksan ko na rin ang pinto ng apartment ko at pumasok ako sa loob. Isasara ko na sana ang pinto nang marinig kong biglang huminto ang makina ng kotse ni West.
Napa-lingon ulit ako sa kotse niya.
Umandar uli yung makina then huminto ulit.
Nakita kong bumaba ng kotse si West at binuksan niya yung unahan ng kotse niya para tignan nito.
Sobrang lakas ng ulan. Bumaliktad na ang payong na hawak niya. I even heared him cussed.
Agad akong pumasok sa loob ng bahay at kumuha ng payong. Iikia-ika akong lumapit kay West na ngayon eh basang-basa na ng ulan.
"Sir West? Kailangan mo ng tulong?"
"It's okay. Just go inside. Malakas na ang ulan."
Nakarinig ako ng kulog at mas lalong lumakas yung hangin. Bumaliktad na rin ang payong na hawak ko. Kaya ngayon, pareho na kaming basang sisiw rito.
"Sir West, doon ka muna sa loob. Ang lakas ng ulan."
"I need to go."
"Pero sira ang kotse mo."
Tumingin si West sa akin at nilapitan ako.
"Hindi ko kayang pumasok sa apartment mo lalo na kung alam kong tayong dalawa lang ang nandoon. I don't want to spend another minute alone with you," madiin niyang sabi.
Napapikit ako.
Ang sakit.
"West, alam kong galit ka sa akin. Alam kong ang laki ng kasalanan ko. Pero please, isipin mo na lang na ginagawa ko 'to para maka-bawi sa tulong mo kanina. Please."
Tinalikuran niya ako, "I'll stay inside my car."
"West naman! Delikado!"
Sinundan ko siya kaya lang bigla akong nadulas.
"Jillian!"
Agad akong nahawakan sa likod ni West para hindi ako tuluyang matumba. Nahila niya ako papalapit sa kanya at ngayon eh sobrang lapit ko na sa kanya.
Tinignan niya ako sa mata at huminga siya ng malalim.
"Why are you doing this to me?" halos pabulong niyang tanong sa akin.
Kitang-kita ko sa expression ng mata niya na sobrang nasasaktan siya.
Sobrang nasasaktan ko siya.
And it's really, really breaking my heart.
"W-West... I—I---"
Napahinto ako.
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin o gawin. Hindi ko alam kung paano ko siya icocomfort kung ako ang dahilan kung ba't siya nasasaktan.
...kung ako mismo eh nasasaktan din.
Don't worry West. Malapit ka nang maging masaya. Malapit ka nang magmahal ng iba.
Malapit mo na akong makalimutan.
"Let's just go inside," sabi niya at inalalayan niya uli ako hanggang sa makarating kami sa bahay.
Pareho kaming basang-basa dahil sa ulan. West is looking at me intently. Naramdaman ko ang biglang pag-init ng mukha ko kaya naman bigla akong napaiwas ng tingin kay West at tumalikod ako sa kanya.
"K-kukuha lang ako ng tuwalya at pwede mong pang palit."
Dali-dali akong pumasok sa kwarto ko at pinakalma ko ang sarili ko.
Ba't ganun? Ba't sobrang bilis ng tibok ng puso ko? Ba't nanginginig ako ng husto?
Bumuntong-hininga ako.
Jillian, kalma, kalma, kalma.
Oh god. Saan ako kukuha ng pamalit niya? Wala namang damit si Cupid dito! Ni hindi ko alam kung saan siya kumukuha ng damit!
"Cupid," bulong ko.
Hinintay kong lumabas si Cupid sa harap ko pero wala!
Anak ng tokneneg naman oh!
Anong gagawin ko? Ano, hayaan ko na lang si West na nakahubad?!
Though naalala ko na maganda ang katawan niya...
Agggghhh!! Jillian!
Napalingon ako sa side table ko at nakita kong nandoon ang bag ni Cupid. Yung lagi niyang dala pag pumapasok siya.
I opened it at ewan ko kung paano nangyari ito. Hindi ako makapaniwala.
Pero sa loob ng bag niya eh may isang kulay itim na shirt at shorts.
Oh god Cupid!!!
Agad kong kinuha 'to at kumuha na rin ako ng tuwalya. Nilabas ko si West at nakita ko naman na naka-sandal siya sa pader na nasa tapat ng kwarto ko.
"A-ah, Sir West, i-ito mag palit ka muna."
Kinuha niya yung inabot ko sa kanya na damit at tuwalya.
"Thanks," matipid niyang sagot at dumiretso siya sa loob ng comfort room.
Ako naman, pumasok ako ulit sa kwarto ko para makapagpalit ng damit. Ngayon ko lang nakita sa salamin ang itsura ko.
Para akong basang sisiw na nanlilimahid. Dikit na dikit sa katawan ko ang tela ng puting longsleeves na suot ko.
Yes. Puti.
At nagmistulan na 'tong see through dahil basa.
Napapikit na lang ako gusto kong i-umpog ang ulo ko sa pader.
Bwiset na lintek na tadhanang 'to. Nakakayamot talaga. Ang sarap kumatay ng baboy!
Sasabihin niyong hindi ako ang nakatadhana kay West pero anak ng tupa oh! Ba't gawa ka nang gawa ng paraan para magkalapit kami?
Para ano? Para pahirapan kami?!
Parang dinala mo si West sa buhay ko para sabihing: "You see that awesome guy? He's the person you CAN'T have."
Bullshit.
Nagtuyo na ako sa sarili at nagpalit ng damit.
"Cupid, bwiset ka. Umuwi ka na," bulong ko sa ere. Hindi ko lang sigurado kung narinig niya yun pero sana oo!
Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si West na naka-upo sa sofa. Nakapikit siya at nakatakip ang braso niya sa mata niya.
"Sir West? Gusto mo na bang kumain?" tanong ko.
Hindi siya sumagot.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Sir West...?"
Mukhang natutulog na ata? O ayaw lang talaga niya akong pansinin?
"West," tinapik ko siya sa braso at doon ko lang napansin na parang ang init ng singaw ng katawan niya.
"Oh god."
Hinawakan ko ang noo niya at ang leeg niya. Ang init niya.
"You're sick. Sir West, wake up. D-doon ka muna sa kwarto ko. May sakit ka."
"Magpapahina lang ako ng ulan tas aalis na ako," matamlay niyang sabi nang hindi man lang dinidilat ako mata niya.
"Sir West naman. Please? May sakit ka! Doon ka muna sa kwarto ko."
"I'm fine."
"No you're not! Tignan mo ang init-init mo!" hahawakan ko sana ulit ang noo niya nang bigla niya akong pinigilan. Hinawakan niya ng mahigpit ang wrist ko at idinilat niya ang mata niya.
"Bakit concern ka?"
"S-Sir West..."
"Bakit Jillian?!" mas lalong humigpit ang hawak niya sa wrist ko. "Ano ba talaga? Ba't ganito trato mo sa akin ha? Nakokonsensya ka ba sa ginawa mo kaya nagpapanggap ka na concern ka sa akin?!"
"That's not true! Hindi ako nagpapanggap!"
"Then ano?! Do you like me?!"
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
Stupid stupid Jillian. Sana nagsinungaling ka na lang na nakokonsensya ka para hindi mo na kailangang ulitin pa ang kasinungalingang hindi mo siya mahal. Mas masakit kasi bitiwan yun eh.
"Jillian! Why are you doing this to me?! Ang sakit sakit sakit!"
Binitiwan ni West ang pagkakahawak niya sa akin at itinakip niya ang dalawa niyang kamay sa mukha niya.
"If you don't like me then wag ka nang gumawa ng mga bagay na pwedeng maging dahilan para mas lalo kitang magustuhan. Please? Ang hirap mo kasing kalimutan eh. Ang hirap hirap. At sobrang sakit na."
Tumango ako at tinalikuran ko siya. Pumasok ako sa kwarto ko at pagkasarang-pagkasara ko ng pinto, napaupo na lang ako sa sahig at umiyak ako.
Hindi ko na kaya.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top