Chapter 37
Chapter 37
[Jillian's POV]
"Maglalasing ka na naman ba?" tanong ni Cupid sa akin.
Hindi ko siya sinagot at tinakpan ko lang ng unan ang mukha ko.
Kanina pag uwi ko, nag lakas loob na akong buksan yung maliit na box na ibinigay sa akin ni West nung araw na sinabi ko sa kanyang hindi ko siya mahal.
Isang bracelet ang laman nung box.
Bracelet na hugis arrow. May note na iniwan si West doon sa bracelet.
"You pierced my heart with an arrow and now I am deeply and madly in love with you, Jillian. Will you be my girlfriend?"
Gusto kong matawa at maiyak. Yung sinabi niya, it is supposed to be a metaphor pero hindi siya aware kung gaano katotoo iyon.
Yes West, kung alam mo lang, I really pierced your heart with an arrow. At aksidente ang nangyaring iyon. And I'm sorry. I am so sorry.
Kung pwede lang sanang yes ang sagot ko sa tanong mo.
Naalala ko yung sinabi niya sa akin sa Baguio.
Nagustuhan niya ako nung umpisa pa lang na nagtrabaho na ako sa kompanyang yun.
Umpisa pa lang. Bago ko pa makilala si Cupid. Bago ko pa nakawin ang pana niya.
Nakakaiyak.
Pero mahalaga pa ba yun?
Kanina lang may kahalikan na si West.
"Jillian.."
Naramdaman kong naupo si Cupid sa tabi ko at inalis niya ang unang nakatakip sa mukha ko.
"Nakakita ako ng artista kanina!" masigla niyang sabi.
Pinanliitan ko siya ng mata.
Nakakainis ang isang 'to! Nag eemote ako rito tapos sasabihin nakakita siya ng artista!
"Paki ko?"
Inilabas niya ang phone niya.
Jusko.
May phone pala siya!
"Tignan mo oh! Nag selfie kami! 'Di ba siya yung drummer ng Endless Miracle? Si Jasper Yu? Mas gwapo ako sa kanya!"
"Malamang. Anong laban ng mortal sa isang Greek God."
"Di ba crush mo siya?"
"Eh? Hindi. Hindi ako mahilig sa artista."
"Asus! Crush mo siya eh!"
Tinaasan ko ng kilay si Cupid, "ba't mo naman ipinagpipilitan na crush ko siya? Bakit? Siya ba nakatadhana sa akin? Umamin ka!"
Biglang tumawa ng malakas si Cupid.
"Jillian hindi ko akalaing assuming ka pala at ang taas mo mangarap! Hahahahahahaha!"
Leche ang isang 'to.
Tinulak ko siya sa kama at nagtalukbong ako ng kumot.
"Eto na naman! Pinapasaya lang kita! Gusto mo mag-inuman ulit tayo?"
Bigla akong may naalala.
"Cupid, nung nag inuman tayo, nung nalasing ako, biglang gumana yung compass. Nakapag teleport ako! Paano nangyari yun?"
"I told you, may kapangyarihan ang compass. You have a strong will nung nalasing ka at ayun ang makita si West. That's why you accidentally unlocked the power of the compass."
"Huh? Eh edi magandang sign yun? Pwede kong magamit?"
"No. The power of the compass is quite dangerous kaya mas magandang hindi mo na ito pakielamanan at magiingat ka parati."
Napa-buntong hininga na lang ako.
"Jillian?"
"Hmm?"
Ipinatong ni Cupid ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang buhok.
"You'll be okay. I know and I will make sure na in the end, magiging masaya ka. I promise you that."
I gave him a sad smile.
Sana nga, marating ko na ang "end" na sinasabi ni Cupid para maging masaya na ako.
Kasi ang sakit-sakit na.
~*~
The next day, nag meeting kaming lahat ng employees kasama si Sir West para ipakilala ang dalawa pa naming magiging "boss."
Binili na pala ng family nina West ang publishing house na ito. Elise was promoted as Editor-in-chief---ang dating posisyon ni West. At ngayon naman, hands-on na sa business aspect si West kasama ang brother niyang si Zyron....at yung kahalikan niya na nakita ko na si Miss Sasha Collins.
So, boss ko ang kahalikan niya.
So, higher boss na ang lalaking sinaktan ko.
At dahil doon, sa taas na ang office niya at hindi na rito na kasama namin siya.
Palayo na nang palayo ang agwat namin sa isa't-isa.
"Hi guys I am Zyron and mas mabait ako kay West kaya wag kayong mag-alala," sabi ng kuya ni West sabay kindat sa amin.
Naka-ngiti naman si West habang iiling-iling.
"Ang gwapo niya!" rinig ko pang bulong ng isa sa mga editors namin.
Nagpakilala na sunod si Ms. Sasha.
She's actually nice. Nakangiti, ang lambing ng boses niya.
Ang ganda niya, mukhang mahinhin, ang demure kumilos, sosyalin.
Ang sarap niyang sabunutan.
Dear Cupid, kung siya ang nakatadhana kay West, hindi ko na ata talaga kayang gawin ang bagay na 'to.
In-annouce rin nina West na magkakaroon kami ng summer outing sa isang beach resort sa Subic. Three days, two nights kami doon. Syempre kasama yung dalawa naming boss.
Hindi ko alam kung mag e-enjoy ako o hindi.
"Magpanggab ka na lang na may sakit," bulong ni Cupid sa akin after ng meeting.
"Tapos ikaw kasama?"
"I-ta-tag na lang kita sa mga photos," sabi ni Cupid.
Pinanliitan ko siya ng mata.
Buti pa ang isang 'to, kahit nawawala ang asawa niya nagagawa pa niya ang mga bagay na yan.
Sa totoo lang, curious ako kung ano ang ginagawang paraan ni Cupid para mahanap si Psyche. Kada tinatanong ko siya, nagiiba ang aura niya.
Hindi ko maintindihan.
Pero isa lang ang sigurado ko.
He's trying to hide all his pain behind a smile.
"On the second thought, bawal ka palang hindi sumama!"
"At bakit?"
"Basta, I need you there!"
Hindi na ipinaliwanag pa sa akin ni Cupid kung bakit kailangan niya ako doon.
Baka may kinalaman na naman sa misyon ko at sa compass.
Cupid wag na wag mo talagang sasabihin sa akin na si Ms. Sasha ang nakatadhana kay West. Hindi ko kaya! Hindi talaga.
Hay naku Jillian, mukhang kahit na sino naman hindi mo matatanggap para kay West eh.
Nang matapos na ang office hours at oras na para umuwi, nauna si Cupid sa akin at may kailangan daw siyang puntahan.
Yung isang yun talaga hindi manlang nag magandang loob na ihatid muna ako sa apartment ko gamit ang hocus-pocus niya! Walang utang na loob! Samantalang doon siya nakikitulog sa apartment ko, nakikigamit ng kuryente, tubig at nakikikain pa. Pero hindi siya nag s-share ng bayad!
Come to think of it, parang naging palamunin ko si Cupid.
Tapos sinasaktan pa niya ako sa mga pinapagawa niya sa akin!
Dali-dali na rin akong umalis at sumakay sa elevator dahil nakita ko mula sa labas kanina na parang uulan. Hindi ko pa naman dala ang payong ko.
Pasara na sana ang elevator nang may narinig akong nagsalita.
"Oh, wait!"
I immediately pressed the open button at nang makita ko kung sino ang sasakay, nagsisi agad ako na hindi ko pa hinayaang sumara ng tuluyan ang elevator.
It's Ms. Sasha and West... I mean, Sir West.
"Thanks!" naka-ngiting sabi ni Ms. Sasha.
Nginitian ko rin siya kahit ayoko. Syempre boss ko eh. Hindi naman pwedeng mag attitude ako sa kanya. Mamaya mapatalsik pa ako sa trabaho. Paano na lang kami ni Cupid? Ano na lang ang kakainin naming dalawa pag nawalan ako ng trabaho?
Bwiset. Palamunin talaga si Cupid.
"West, I'm hungry. Let's eat dinner?" tanong ni Ms. Sasha kay Sir West at pinulupot pa niya ang kamay niya sa braso nito.
Bwiset! Bwiset talaga!
"Hmm, okay. Maaga pa naman."
Oh god. Ang tagal ng elevator. Ang tagal naman makarating sa lobby! Ang tagal!
Gusto ko nang bumaba.
"Isa ka sa mga editors right?" tanong sa akin ni Ms. Sasha.
Oh god, why is she talking to me? I don't want to talk to her.
Inaamin kong bitter ako!
"Proofreader po," sabi ko with a fake smile.
"Oh I see. And your name is?"
"Jillian Evangelista po."
Tumango siya, "great! Hopefully makilala ko na kayo lahat. Medyo excited na nga ako sa outing eh! Let's have some fun Jillian, ha?"
Nginitian ko ulit siya.
Gusto kong maging cheerful. I want to like her.
Pero hindi ko kaya.
Nakakainis! Ang bitter ko talaga!
"How about you West? Are you excited?" tanong naman niya kay Sir West.
"Of course I am. Tsaka kasama ko kayo ni kuya," West gave her a genuine smile.
"Naks naman! It's been a while na rin nung last na nakapag-outing tayong tatlo. Do you remember yung sand castle na pinaghirapan nating gawin tas nung nabuo na biglang umalon ng malakas at nasira yun?"
Natawa si West, "yes! I remember that! Inis na inis ka kaya nun! Ang epic!"
"At kinailangan niyo akong ilibre ng dessert para mawala ang inis ko!"
Don't mind me. I'm not here. Invisible lang ako. Sige lang, go ahead lang, mag reminisce kayo ng masasayang alaala niyo. Wag niyo akong pansinin.
Bwiset.
Biglang huminto yung elevator at pare-pareho kaming na out balance.
At kung mamalasin ka nga naman, nakatakong pa ako kaya naman natumba talaga ako at napaupo sa sahig.
Oh god!
"Sasha, are you alright?"
Inalalayan ni West si Sasha umayos ng tayo kahit na nakasandal naman agad ito sa pader at hindi natumba.
Di tulad ko.
"I'm fine! I'm fine! Ms. Jillian, are you alright?" tanong ni Ms. Sasha.
"Opo," sagot ko habang itinatayo ko ang sarili ko.
Bwiset ang sakit ng ankle ko.
Pero mas masakit ang puso ko.
Ganito pala yung feeling 'no pag hindi ka pinili ng taong mahal mo? Ang sakit pala. Nakakaiyak. Kahit ikaw ang mas may kailangan sa kanya, iba ang pinili niyang alalayan.
Kasalanan mo yan Jillian. Desperada ka! Sana umpisa palang hindi mo na ninakaw ang pana ni Cupid para hindi mo aksidenteng napana si West at hindi ka nasasaktan ng husto ngayon. Ang desperada mo kasi sa pagmamahal! Sobrang desperada mo!
"Are you sure na okay ka lang?" tanong ulit ni Ms. Sasha.
I gave her a reassuring smile, "opo. Okay lang po."
Umandar na ulit yung elevator.
Nakarating na kami sa lobby.
Nagpaalam na ako sa dalawa kong boss. Nginitian ako ni Ms. Sasha at si West naman ay diretso lang ang tingin. After that, dumiretso na sila sa parking lot at ako ay naupo muna saglit sa may gilid ng hagdan ng entrance ng building.
Ang sakit ng ankle ko. Nanginginig ang tuhod ko sa sakit.
At malala, umuulan pa. Wala akong payong.
Napatakip na lang ako ng mukha dahil hindi ko na napigilan ang pagiyak.
Hindi ko alam kung dahil sa kamalasang natamo ko o dahil sa nararamdaman ko.
Hindi ko na maintindihan.
Jillian, kalma. Kalma. Kalma.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ko ang luha sa pisngi ko.
Walang mararating ang pag-iyak ko.
Tumayo na ako ulit at hinubad ko ang blazer na suot ko atsaka ko ito itinakip sa may ulo ko.
Gusto kong tumakbo pero bawat hakbang ko, sumasakit ang paa ko.
Nakakatawa lang kasi nangyari na 'to noon. Wala akong payong. Umuulan. Dumating si West at pinagpilitan niyang ihahatid niya ako sa amin.
Ayaw ko pa nun pumayag.
Pero ngayon, ang saya ko siguro kung mangyayari ulit yun.
Alam ko kasing imposible na eh. Napaka imposible na nun.
Sinaktan ko siya. He's mad at me. At may kasama na siyang ibang babae.
Pero kahit ganoon, sana dumating pa rin ang panahon na mapatawad niya ako sa ginawa ko sa kanya.
Hindi man niya ma-realized na para sa ikabubuti niya yung ginawa ko, sana mapatawad pa rin niya ako.
Bigla akong nadulas at natumba ako sa semento, sa gitna ng ulan. There's a searing pain in my ankle. Napahawak ako bigla dito.
I am so frustrated! I hate it! I hate what's happening! Ayoko na! Nakakainis na!
Napahawak ako sa compass.
Pwede bang gumana ka muna ngayon? Kahit ngayon lang? Please! Dalhin mo na ako pauwi! Ayoko na! Hindi ko na kaya ang araw na 'to! Ayoko na---
Napa-angat ang ulo ko nang maramdaman kong may mga kamay na umaalalay sa akin.
"You sprained your ankle."
Parang lalabas ang puso ko sa dibdib ko.
Bigla akong nagpasalamat na umuulan at basang-basa ako kaya hindi pansin ang umaagos na luha sa mata ko.
Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ko ang paghagulgol ng iyak.
"S-Sir West."
Binitiwan ni West ang payong na hawak niya at nagulat ako nang bigla niya akong buhatin.
"Kailangan mo munang pumunta sa ospital para matignan 'yan....tapos ihahatid na kita pauwi."
Hindi ako umangal o naginarte. Hinayaan ko lang siya na buhatin ako. Hinayaan ko lang na maging sobrang lapit sa kanya ngayon.
Alam kong mali.
Pero hinayaan ko muna ang sarili ko na makagawa ng pagkakamali ngayon.
Kasi sobrang sakit na.
To be continued...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top