Chapter 35 (6/14/15)

IMPORTANT NOTE. PLEASE READ:


Hi dears! Nag update po ako last June 9! Baka po kasi hindi niyo nakita ang update since maraming nag m-message sa akin na hindi nila mabasa ang update. If ever, check that first before reading this. Baka malaktawan niyo ang chapter 34 :)



***




Chapter 35

 

 

[Jillian's POV]

 

 

 

Ang sakit ng ulo ko!!

            Napahawak ako sa noo ko at hinimas-himas ko 'to. Hindi ako masyadong maka-dilat ng maayos dahil sa sobrang liwanag na nagmumula sa bintana ng kwarto ko.

            Kelan ba naging ganitong ka-liwanag ang kwarto ko?!

            Nagtalukbong ako ng kumot.

            Ano ba ang nangyari? Nalasing ba ako kagabi? Gaano karami ang nainom ko?

            Feeling ko lasing na lasing ako.Paano ang weird ng panaginip ko. Nagawa ko raw makapag teleport katulad nung power ni Cupid. Tapos pumunta ako sa condo ni West. Tapos...naghubad ako sa harap niya?

            What the hell 'di ba?

            Ang weird ng panaginip na 'yun!

            Pero buti panaginip lang talaga.

            Gusto ko pang matulog. Ayoko nang pumasok.

            Ang lambot sa pakiramdam ng kama ko. Parang never naging ganitong ka-lambot ang higaan ko pero ngayon ang lambot talaga. Para akong nakahiga sa ulap.

            Tapos ang bango pa ng bedsheet ko. Samantalang tatlong buwan ko nang 'di pinapalitan 'to. May natapon bang pabango dito ngayon?

            "Tulog ka pa rin?"

            Napa-mulat bigla ang mata ko.

            Shit.

            Naririnig ko ang boses ni West!

            Lasing pa ba ako?!

            Naramdaman kong may tumapik sa braso ko.

            "Jillian, wake up. Male-late na tayo kung 'di ka pa babangon diyan."

            Holy crap! What the hell?!

            "Jillian!"

            Inalis niya ang pagkakatalukbong sa ulo ko at nagtama ang mga mata naming dalawa.

            Napa-baba bigla ang mata ko sa katawan niya.

            AY ANAK NG—!

            Ba't siya naka-topless?! Ba't siya nandito sa kwarto ko at naka-topless?!

            He's already wearing his pants pero wala siyang suot na shirt.

            Oh gosh!

            "Oh. You're awake," sabi niya, expressionless. "Bumangon ka na at male-late na tayo. Nagiintay si Eros sa labas."

            Tinalikuran niya ako at napa-bangon ako bigla.

            At doon ko na-realize na wala ako sa kwarto ko.

            Nasa ibang lugar ako.

            Nasa ibang kwarto.

            Kasama si West na naka-topless...

            Napatingin ako bigla sa kasuotan ko at nakita kong naka-bukas ang tatlong butones ko.

            OH MY GOSH!!

            "N-nasaan tayo? B-ba't tayo nandito? Anong nangyari?" natataranta kong sabi.

            Oh gosh! Oh gosh! Oh gosh!

            Wag niyang sabihing ginawa namin yung you know what! Tapos wala akong maalala?!

            Hindi pwede!!

            First time ko yun kung nagkataon at dapat maalala ko ang bawat detalye!!

            Hinarap ako ni West. Halos magsalubong ang dalawang kilay niya.

            "Hindi mo matandaan kung ano ang nangyari?"

            Umiling ako.

            Mas lalong nag-salubong ang kilay ni West.

            Lumapit siya sa akin at naupo sa gilid ng kama. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko.

            "Kagabi, sumugod ka rito sa condo ko."

            "C-condo mo 'to?"

            Tumango siya.

            "Lasing na lasing ka kagabi. Ni-hindi ko alam kung paano mo nalaman kung saan ako nakatira. Sabi mo may nakita kang liwanag and then poof! Nandito ka na sa condo ko. Does that make any sense to you?" kalmado pero seryoso niyang sabi.

            Alam kong galit na siya.

            Umiling ako.

            "Walang sense 'di ba? Sabi ko ihahatid na kita. Pero sinundan mo ako sa kwarto ko. At alam mo kung ano ang sunod mong ginawa?"

            West leaned forward. My heart skipped a beat.

            "Alam mo kung ano ang sunod mong ginawa?" medyo tumaas ang boses niya.

            Napalunok ako.

            Ayokong sagutin. Gusto ko na lang bumuka ang lupa at lamunin ako.

            Kasi anak ng tupa! Mukhang hindi panaginip ang lahat! Mukhang totoong nangyari.

            West looks so frustrated but at the same time, namumula ang tenga niya.

            Lumayo siya sa akin bigla.

            "Maligo ka na. Male-late na tayo."

            Tumayo siya at naglakad papunta sa pinto.

            "S-sir W-West! W-wala akong pampalit na damit," nahiya-hiya kong sabi sa kanya.

            "May dala si Eros. Isusunod ko na lang sa'yo," at tuluyan na siyang lumabas ng kwarto.

            Dali-dali akong pumasok sa bathroom ni West at naghilamos.

            Kailangan kong mahimasmasan at feeling ko ang init init nang mukha ko. Ang sakit pa ng ulo ko.

            Oh my gosh! So hindi panaginip yun? Totoo lahat nang yun? Paano ko nagawang makapag-teleport?!

            At oh my gosh talaga!

            Muntikan na akong maghubad sa harap ni West!

            At...at tinatanong ko sino ang mas sexy sa amin nung naka-tadhana sa kanya?

            What the hell!!!

            Paano ako haharap sa kanya ngayon?!

            Ano, matapos ko siyang saktan, susubukan kong maghubad sa harapan niya?

            I want to die! Kill me now! Kill me!!

            Ayesha nasaan ka? Gamitan mo na ako ng hocus pocus! Hindi ko kayang harapin si West!

            Nakarinig ako ng katok sa pinto ng banyo.

            "Yung damit mo," dinig kong sabi ni West.

            Bahagya kong binuksan yung pinto para abutin yung damit.

            Tinignan ko yung damit na kinuha ni Cupid para sa akin at halos mapa-mura ako.

            Isang red dress na sleeveless. Ginamit ko 'to once nung um-attend ako ng debut.

            Bwiset na Cupid na 'to! Office ang pupuntahan ko at hindi debut!

            At.. ay tokwa!

            Walang underwear!

            Hindi niya ako kinuhanan ng underwear!!

            Bwiset ka talaga Cupid! Bwiset ka!

            Hinawakan ko yung compass. Pagkakatanda ko umilaw 'to bago ako makapag teleport eh.

            Baka pwede akong mag teleport sa bahay ko para kumuha ng underwear?

            Pero ayaw umilaw! Paano ko nagawa yung kagabi!

            Cupid!!!

            May kumatok uli sa pinto ng bathroom.

            "It's me," boses ni West. "M-may nalaglag."

            Napapikit ako.

            Parang alam ko na kung ano ang nalaglag na yun.

            Bahagya ko ulit binuksan yung pinto at gusto kong sugurin si Cupid sa labas nang makita ko kung ano ang ini-aabot sa akin ni West.

            Isang naghuhumindik na kulay pulang panty.

            Hinablot ko ito kay West at isinara ko agad yung pinto.

            Shit ka talaga Cupid!!!

            Sa dinami-rami ng underwear ko, bakit ito pang kulay pula, may lace at manipis ang kinuha mo?!

            Naalala ko 'to eh! Ni-regalo sa akin nung loko-loko kong kaklase nung college nung 18th birthday ko. Hayop talaga yun! Never kong naisuot itong underwear na 'to.

            Mas lalong nag-init ang mukha ko dahil tokwa talaga! Nakita ni West 'to! Nahawakan pa niya!

            Mamaya isipin niya, inaakit ko siya!

            Ay bwiset ka Cupid!!!!

            Dali-dali akong naligo at nagpalit ng damit. Para talaga akong a-attend sa debut.

            Papatayin kita, Cupid!

            Pag-labas ko ng bathroom, maayos na ang kama ni West.

            Tumingin ako sa paligid. Ang organize niya talagang tao. Kahit lalaki siya, ang linis ng kwarto niya.

            Hindi tulad ng apartment ko. Palaging madumi.

            Tapos yung Greek God pa na nakikituloy sa akin eh balahura.

            Lumabas na ako ng room ni West at nakita ko agad si Cupid at West sa may bar counter at kumakain ng breakfast. Si Cupid, enjoy na enjoy sa pag nguya. Si West naman eh nagbabasa ng newspaper.

            "Hi cous! Good morning!" naka-ngiting bati sa akin ni Cupid.

            Bwiset!

            "Nagluto na ng almusal si Sir West oh! Pinag-brew ka pa niya ng coffee! Kain na!"

            Hindi umimik si West at tuloy lang siya sa pagbabasa ng dyaryo.

            Naupo ako sa tabi ni Cupid. Itiniklop naman ni West ang dyaryo at tumayo. May ipinatong siya sa harap ko.

            Gamot.

            "Inumin mo pagkakain," he told me curtly at iniwan na kami ni Cupid doon.

            Pumasok si West sa room niya at nang maisara na niya ang pinto, pinaghahampas ko si Cupid.

            "Ikaw! Ikaw! Sa dinami-rami ng underwear ko, ba't ayun ang kinuha mo ha? Bwiset ka talaga! At ano 'tong get up na 'to?"

            "Ang dry kasi ng taste mo sa fashion, Jill! Puro itim at puti ang damit mo. Yan lang ang may kulay na medyo formal kaya ayan ang kinuha ko! At yung underwear, bakit ba! Sexy kaya!"

            Pinagpapapalo ko siya lalo, "bwiset ka! Ang perv mo! Bwiset!"

            "Hoy! Makapalo ka! Hindi mo ba alam kung gaano mo pinasakit ang ulo ko kagabi ha?"

            "Ano bang nangyari?"

            "Nalasing ka. Nagloko yung compass. Napunta ka sa condo ni West. Muntikan ka nang mag hubad sa harapan niya alam mo yun? Pinipilit mong mas sexy ka doon sa nakatadhana sa'yo. At bago ka pa mag collapse kagabi, sinugod mo siya at muntikan mo nang halikan."

            Napatakip ako sa bibig ko.

            Shems! Ano ba ang mga pinag-gagagawa ko!

            "T-teka, nakita mo pala lahat! Ba't hindi mo manlang ako pinigilan?"

            "Edi mas lalong nagtaka si West kung paano ako napunta sa condo niya. Nandoon lang ako at nagtatago. Inantay kong tawagan niya ako para sunduin ka. Pero nung time na tinawagan niya ako, mahimbing ka nang natutulog at hindi ka namin magising pareho."

            "P-pero wala naman nangyari sa amin ni West?"

            Ngumisi si Cupid, "wag kang assuming. Paano may mangyayari sa inyo eh bitter sa'yo yung tao? Laki ng galit sa'yo nun!"

            "Heh! Ewan ko sa'yo! Hindi ba pwedeng kaya walang nangyari sa amin eh dahil hindi siya mapagsamantala? Na gentleman siya? Na ginagalang niya ako?"

            He snorted, "pwede rin. Kung sabagay, ikaw pala yung muntikan nang gumahasa kay West kagabi."

            Sinimangutan ko si Cupid.

            Gosssshhh! Ayoko na talaga maalala yung kagabi. Nakakainis naman eh! Ba't ba kasi ako nagpaka-lasing! Never ko nang gagawin yun kahit anong mangyari! Hindi na talaga!

            Nakakahiya talaga!!

            Matapos namin mag breakfast, ako na ang naghugas ng pinggan. Wala naman sinabi si West. Hindi niya ako iniimikan. Si Cupid na lang ang kinakausap niya.

            Hanggang sa pagsakay namin ng kotse, hindi ako tinitignan ni West.

            Sinubukan kong mag thank you at mag sorry sa kanya pero tinignan niya lang ako at wala siyang sinabi.

            Ramdam ko ang galit niya sa akin.

            Parang gusto ko ulit maglasing ah?

           

~*~

 

"Mahal naman eh, tataba na ako kakabigay mo ng chocolate sa akin," sabi ni Elise kay Luke habang naka-ngiti.

            "Kahit tumaba ka pa, mahal pa rin kita," sabi naman ni Luke.

            "Guys, kumakain kami ni Jillian dito. Pwedeng tumigil kayo?" sabat naman ni Cupid.

            Nagkangitian lang si Luke at Elise.

            "Kayong dalawa talaga! Hinuli niyo ako sa balita!" sabi ko sa kanila. "Ako ang nagmistulang tulay niyo tas ako pa ang huling naka-alam?"

            "Sorry na Jill! Hindi lang namin masabi sa'yo kasi mukhang wasted ka kahapon," sabi naman ni Luke.

            "Di bale pag ikakasal na kami, ikaw ang unang makakaalam!" sabi naman ni Elise.

            "Kasal agad? Ang bilis ha!" natatawa-tawa kong sabi.

            "Ganun talaga. Feeling ko forever na 'to eh," tumingin siya kay Elise at ngumiti.

            Napa-ngiti rin ako.

            Oo nga, forever na sila. Kahit sa kabilang buhay wala nang makakabali sa connection nilang dalawa.

            Nakaka-bitter.

            Sarap makisali doon sa mga nagsasabi ng walang forever!

            Pero paano ko nga ba magagawa yun kung alam ko sa sarili ko na meron? At patunay ngayon ang dalawang taong nasa harap ko? Na alam ko kahit magkagalit sila, magkasakitan, maghiwalay, eh in the end, sila pa rin talaga.

            Kasi ayun ang naka-guhit sa kapalaran nila.

            Nauna akong umakyat sa office.

            Napapaisip na naman ako eh.

            Sino ang para kay West?

            Siya na ang sunod na ima-matchmake ko. Hindi ko pa kilala kung sino ang naka-tadhana sa kanya pero ngayon pa lang, gusto ko nang umiyak.

            Nakakatawa. Nangyari na 'to noon.

            Nung nalaman kong si Elise ang para kay Luke.

            Alam ko masakit yun.

            Pero bakit parang ibang sakit itong nararamdaman ko ngayon?

            Sumakay ako ng elevator. Buti na lang at ako lang mag-isa.

            Pakiramdam ko kasi parang nangingilid ang luha sa mata ko.

            Bumaba ang elevator sa parking lot. Napa-sapo ako sa noo.

            Pababa pala 'tong nasakyan ko! Kainis!

            Nag open yung pinto ng elevator at may pumasok na isang lalaki.

            Nagkatinginan kami at parehong nanlaki ang mata namin.

            "Oh, you're Jillian right? West's co-worker?"

            Tumango ako.

            "Zyron right? Sir West's brother?"

            "Yep. That's me!"

            Nginitian niya ako at doon ko lang napansin na may dimple siya sa right side.

            Killer smile.

            Bigla ko naalala na si Zyron ang kahawig ng lalaking mahal ni Ayesha. Si Zyron ang dahilan kung bakit ginagawa ni Ayesha lahat ng 'to.

            Hindi ko masisisi si Ayesha. May killer smile ang isang 'to eh. At amoy ko ang pabango niya.

            "Uhmm, pupuntahan mo po si Sir West?"

            "Yep. Actually nagkita na kami kanina. May naiwan lang ako sa kotse. Kasama ko nga yung kababata namin na galing sa states. Gusto makita si West eh."

            "Ohh, nasa taas na po sila?"

            "Right," nilingon niya ako at nginitian ulit.

            I blink.

            Familiar ang ngiti niya. Parang nakita ko na dati. Hindi ko lang matandaan kung saan.

            Huminto na elevator. Nakarating na kami sa floor namin. Pero nung nagbukas ang pinto ng elevator, hindi ako nakalabas agad.

            Dahil sa tapat nito... kitang-kita ko...

            Si West...

            At isang babae...

            They are kissing each other.

 

To be continued...



Author's Note:


Sa mga confused pa rin, pamangkin ni Cupid si Jillian. Kapatid ni Cupid ang mother ni Jillian at pareho nilang ina si Aphrodite, okay?


Lola ni Jillian si Aphrodite XD


Half-goddess si Jillian.


Nagulat kasi ako last update dahil clueless sila na pamangkin pala ni Cupid si Jill.. pero na-reveal ko na ito sa mga huli pang chapters XD


Ayun lang po :D

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: