Chapter 32 (5/6/15)
Chapter 32
[Jillian's POV]
"Jillian, ito yung mga gamit mo. Kinuha ko na," sabi ni Cupid sa akin habang inilalapag niya ang bag ko sa kama pati na rin yung malaking box na ibinigay sa akin ni Mother superior doon sa ampunan.
Hindi ako umimik. Nagtalukbong lang ako ng kumot. Ayokong makita si Cupid o makausap. Gusto ko munang mag-isa.
"Jillian, I'm sorry," dinig kong sabi niya. His voice is full of remorse. "Gusto kitang hayaan kay West. Kung pwede lang na siya na ang gawin kong para sa'yo, ginawa ko na. Pero hindi talaga siya ang para sa'yo eh."
Naramdaman kong umupo siya sa gilid ng kama ko.
"Kung ipagpapatuloy mo 'to, mas magkakasakitan lang kayo. Maraming masasakit na salitang mabibitiwan sa isa't-isa. Magbabago lang ang tingin mo sa kanya. At ayokong madungisan ang alaala mo kay West. Alam kong ayaw mo rin yun."
Naramdaman ko na naman ang pamumuo ng luha sa mata ko at inalis ko ang kumot na nakataklob sa akin. With my tear-stained face, I looked at Cupid.
"Kung hindi malakas na connection ang nagduktong saming dalawa, bakit sobrang sakit Cupid? Bakit ang sakit sakit?"
Cupid gave me a sad smile at pinunasan niya ang luhang tumulo sa mata ko.
"Dahil hindi man malakas na connection ang nabuo niyo, tunay na pagmamahal naman ang naramdaman mo."
Hindi na ako umimik pa. Umiyak lang ako nang umiyak sa harap ni Cupid. Umiyak ako hanggang sa wala nang mailabas na luha ang mata ko. Umiyak ako hanggang sa manlabo na ang paningin ko at humapdi na ang mga mata ko.
Pero kahit wala na akong luha, kahit tuyo na ang lalamunan ko sa kakaiyak, gusto ko pa rin ilabas lahat ng ito.
Dahil sobrang sakit. Para akong pinapatay sa sakit.
Mahal ko si West. Mahal na mahal ko siya.
Minsan iniisip ko, sana hindi ko na lang siya napana.O sana hindi ko na lang alam na hindi pala siya ang nakatadhana para sa akin.
Para atleast kahit papaano nabigyan ko ng chance ang nararamdaman namin sa isa't-isa. Na kahit hindi kami para sa isa't-isa, at least may alaala kami na minsan, naging masaya kaming dalawa na magkasama.
Pero worth it nga ba?
Hindi ko alam. Pwedeng tama si Cupid. Na hindi lang magiging maganda ang katapusan ng relasyon namin. Na baka habang buhay kong kagalitan si West o siya sa akin. Na baka pagsisihan ko rin sa huli lahat ng maganda naming alaala.
Kasi alam ko na kahit anong gawin ko, sa heart break papatungo ang relasyon namin.
Hindi kami pwede. Kahit mahal na mahal ko siya, hindi kami pwede.
Pinaalis ko si Cupid. Sabi ko sa kanya, gusto kong mag-isa. Nung una, ayaw niya pang umalis pero na persuade ko rin siya na iwan ako.
Ayokong kumausap ng kahit na sino. Pinatay ko ang phone ko kahit na nangangati akong i-open ito dahil alam kong kino-contact ako ni West.
Kamusta na siya? Hinahanap ba niya ako? Umiiyak ba siya ngayon?
Ano ang nararamdaman niya?
4am, napa-bangon ako sa kama ko nang marinig kong may kumakalampag sa pinto ng apartment ko.
Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at narinig kong may sumisigaw mula sa labas.
"JILLIAN!!! JILLIAN!!"
Shit. Shit.
I opened the door at tumambad sa akin ang mukha ni West. Bakas sa itsura niya ang grabeng pag-aalala.
"West—-!"
Bigla na lang niya akong hinila at niyakap ng mahigpit.
"Akala ko kung ano ng nangyari sa'yo. Ba't bigla kang nawala? Nag alala ako ng husto, Jillian."
Napalunok ako. I feel a tight knot in my stomach. Hindi ako makahinga sa sakit na nararamdaman ng dibdib ko.
I gently pushed West away.
"Umuwi ka na, West," halos pabulong kong sabi sa kanya without looking at him.
"Jillian, what's wrong?"
Umiling ako, "tama na 'to West. Masasaktan ka lang sa akin. Tama na 'tong lahat ng ginawa mo."
Hinawakan ni West ang magkabilang braso ko at pilit na hinahabol ang tingin ko.
"Jillian ipaliwanag mo naman sa akin kung anong problema oh? Please naguguluhan na rin ako."
Umiling ulit ako, "tama na West. Tama na. Basta itigil mo na lang 'to. Tama na..."
My voice cracked.
Ang hirap.
Paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat ng 'to? Paano niya maiintindihan? Paano ko siya mapapapaniwala na pag itinuloy niya pa 'to, mas lalo lang kaming masasaktan?
Ang sakit. Ang hirap hirap.
"Masasaktan lang kita..."
Napabagsak ang kamay ni West mula sa balikat ko. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at kitang-kita ko ang painful expression sa mukha niya.
"Okay lang sa akin na saktan mo ako basta bigyan mo lang ako ng chance, Jillian!"
Bumagsak ang luha sa mga mata ko.
Cupid, kung mababaw lang ang connection na ito, bakit ganitong kahirap? Bakit ganitong kasakit? Bakit willing siyang gawin ang lahat para sa akin?
"Hindi ako ang para sa'yo," nanghihina at pahikbi-hikbi kong sabi sa kanya.
Nakita ko ang galit sa mata ni West.
"Paano mo nasabi ang bagay na yan nang hindi mo pa sinusubukan?!" huminga siya ng malalim at napahilamos sa mukha. "Just tell me the truth Jillian. Wag mo nang paligoy-liguyin pa! Mahal mo ba ako?!"
Hinarap ko si West habang hindi ko na mapigilan ang sunod-sunod na pag-bagsak ng luha sa mata ko.
Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko ang panginginig ng labi ko. Pilit akong kumukuha ng lakas ng loob para bigkasin ang sagot ko sa tanong niya.
"H-hindi.." halos pabulong kong sabi.
Napapikit si West at kita ko ang pangingilid ng luha sa mata niya.
"Then all this time, sinasakyan mo lang ako dahil bakit? Naawa ka sa akin?"
Umiwas ako ng tingin.
Hindi ko na kaya pang sumagot ng isa pang kasinungalingan sa kanya dahil masyado nang masakit. Parang unti-unting pinapatay ang puso ko.
"I see," I heard him laugh bitterly. "Mukha siguro akong tanga 'no? Mukhang asong ulol na habol nang habol sa'yo."
Tama na West. Tama na. Hindi ko na kaya ang sakit.
"Maybe I became a nuisance to you," dagdag pa niya.
Napapikit na lang ako.
"Umalis ka na please."
"Okay."
Lumapit si West sa akin at hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit. Hihilahin ko sana ito nang bigla niyang patungan ito ng maliit na kahon.
He released my hand.
"Salamat sa halik," he told me with full of bitterness. Bawat salita niya ay parang kutsilyong sumasaksak sa puso ko. "Hindi na kita guguluhin ulit."
With that, tinalikuran na niya ako at tuluyang lumabas sa apartment ko.
Pagkasarang-pagkasara niya ng pinto, napabagsak na lang ako sa sahig at muling humagulgol ng iyak.
Ni hindi ko na magawa pang tignan ang bagay na ibinigay niya sa akin.
Masyadong masakit.
~*~
[Cupid's POV]
Napatingin ako sa kapaligiran.
Maganda pa rin ang hardin na 'to. Buhay na buhay ang mga halaman. Puno ng kulay ang bulaklak sa paligid at maraming paruparong nagliliparan.
Pero hindi na ito tulad ng dati.
Napapikit ako at pilit kong inaalala ang hardin na ito nung mga panahong nandito pa si Psyche. Yung magandang ngiti niya habang pinapalibutan siya ng mga paruparo. Yung tunog ng tawa niya na tila musika sa pandinig ko. Kung paano siya tumayo sa harapan ko habang nakangiti sa akin at inaantay na lumapit ako para yakapin siya.
Inaalala ko ang lahat ng 'yon.
Dahil hindi ko na alam ang dapat kong gawin para maibalik sa tabi ko ang mahal ko.
Hinanap ko si Psyche at si Ayesha. Pero kahit anong gawin kong paghahanap, hindi ko sila matagpuan.
Puno ng galit ang puso ni Ayesha. Alam kong minsan silang naging matalik na magkaibigan. Pero sa sitwasyon ngayon, alam kong kayang-kaya nang saktan ni Ayesha si Psyche para masaktan din ako.
At natatakot ako.
"Ama?"
Napalingon ako nang marinig ko ang tinig na 'yun. Sa harap ko ay isang napaka-gandang dilag. Kahawig na kahawig siya ni Psyche.
Kahawig na kahawig ng kanyang ina.
"Hedone!"
"Ama!"
Tumakbo palapit sa akin ang nagiisa kong anak at niyakap ako ng napaka-higpit.
"Ama, ba't ang tagal mong hindi umuwi? Ang tagal mong hindi ako dinalaw! Kamusta ang misyon mo? Nasaan si ina?" sunod-sunod niyang tanong sa akin.
Pilit ko siyang binigyan ng ngiti.
Hinawi ko ang ilang hibla ng buhok na tumakip sa mukha ng maganda kong anak.
"Malapit na rin siyang umuwi," pagsisinungaling ko sa kanya.
Hindi ko pwedeng sabihin kay Hedone ang totoo. Alam kong bababa rin siya sa mundo ng mga mortal upang hanapin si Psyche at ayoko na siyang madamay.
Ayokong pati siya ay kunin sa akin ni Ayesha.
"Sabay natin siyang iintayin?"
Umiling ako, "pasensya na, pero kailangan ko umalis agad."
Napasimangot si Hedone, "maiiwan na naman ako mag isa."
"Babalik din ako agad."
Medyo nag liwanag ang aura niya at ngumiti siya sa akin ng malawak, "sabi mo 'yan ama ah? At uuwian mo ako ng pasalubong. Basta kahit anong galing sa mga mortal masaya na ako."
"Cupid."
Napatingin ako sa harap at nakita ko si Aphrodite, ang aking ina, na papalapit sa akin.
Tinignan ko ulit si Hedone.
"Anak, pwede bang iwan mo muna kami?"
Tumango si Hedone at humarap siya kay ina. Yumuko siya rito bilang pag galang atsaka niya kami iniwan.
Hinarap ko ang aking ina.
"Bakit ka nagpakita kay Jillian?" walang paligoy-ligoy kong tanong sa kanya.
Binigyan niya ako ng isang matamis na ngiti, "gusto ko lang makita ng malapitan ang aking apo."
Napahinga ako ng malalim, "ina, kung may binabalak ka—-"
"Wala akong binabalak sa kanya, Cupid," pagpuputol nito sa sinasabi ko. "Pero nais lang kitang balaan. Masyadong magulo ang puso ng batang iyon. Maraming katanungan sa kanyang isipan. At baka dumating sa punto na sa sobrang hindi na niya alam ang gagawin niya, maging mali ang mga desisyon niya. Kung hindi mo iyon masusulusyunan, maaring siya ang magdala sa inyo sa kapahamakan. Mag-iingat ka, aking anak."
Pagkasabi niya nun ay agad siyang nawala sa harapan ko.
To be continued...
***
Aly's Note:
Hedone - goddess of desire/pleasure. Daughter of Cupid and Psyche :)
So binasa ko ulit sa umpisa itong SWSCA pati yung mga comments. Na-realized ko lang na ang pinaka sikat na character na nagawa ko sa tanang buhay ko eh si Edgar. Siya lang ang umaani ng napakaraming comment pag nababanggit ang pangalan niya. Tipong wala naman siya sa eksena, basta nabanggit lang ang name niya, ang dami na agad nagco-comment sa line na yon. Waahahahaha ANONG MERON KAY EDGAR GUYS? Bat ang dami niyong "Edgarnatics" dito?! XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top