Chapter 29 (3/25/15)
Chapter 29
[Jillian’s POV]
“Masarap?” tanong sa akin ni West habang pagkasubo ko ng pasta na dala-dala niya.
I smiled at him, “the best! Saan mo ‘to nabili?”
“May bagong bukas na pasta house near our office. Minsan kain tayo doon.”
“Sure!” masigla ko naman sabi.
West gave me a bright smile. Hindi ko rin maiwasang mapangiti.
Dalawang oras na ang nakakalipas simula nang umiyak ako sa harap ni West. Niyakap niya lang ako ng mahigpit nun. Hindi siya nagsasalita. Hindi niya tinatanong kung bakit ako umiiyak. Pero nung humiwalay ako sa kanya, kitang-kita ko ang pagaalala sa mukha niya.
He tried to hide it by smiling at me. Pero kitang-kita ko pa rin na nagaalala siya.
Isang katangian kasi ni West na sobrang nagustuhan ko---he is too transparent. Hindi siya magaling mag tago ng emosyon.
Halatang-halata na nag-aalala siya sa akin but he didn’t dare ask me what is wrong kasi nirerespeto niya ako. Alam ko gusto niya na kusa akong mag open up sa kanya.
This guy---ngayon pa lang alam ko nang sobrang swerte ng nakatadhana sa kanya.
How ironic. Parang dati lang iniisip ko na ang malas ng taong nakatadhana rito. I misjudge this person. Ang nakikita ko lang ay ang front act niya dati. I never thought that this guy is more than just a terror boss with a cold heart.
Ibang-iba pala talaga siya doon.
“Oo nga pala Jillian, about our date tomorrow. If you still not feeling well, it’s okay if we cancel it.”
“No!” mabilis kong sabi. “I—I mean, okay lang. Go ako syempre. Okay na okay na talaga ako!”
“Are you sure?” tanong niya habang bakas sa mukha niya ang pagaalinlangan at pag aalala.
“Oo naman! Sure na sure ako.”
Ngumiti si West, “okay then. I’ll pick you up tomorrow at around 4am.”
“Alright! 4am-----4am?! Bakit ang aga?!”
Mas lumawak ang ngiti ni West.
“I forgot to tell you, pupunta nga pala tayong dalawa sa Baguio. Mag pack ka na ng gamit for three days and two nights.”
“Baguio?! Teka, Baguio? Pupunta tayo sa Baguio?!” paulit-ulit kong tanong sa kanya. Hindi ko ma-itago ang excitement ko.
“Yep. Dahil alam kong gusto mong bumalik doon.”
Natigilan ako, atsaka biglang napahagulgol na naman ng iyak.
Anak ng tokneneng! Nagiging emotional na talaga ako!
“J-Jillian!” natatarantang sabi ni West atsaka siya lumapit sa akin. “H-hey. A-ayaw mo ba? Sorry. Sorry a-akala ko magugustuhan mo eh. Sorry hindi man lang ako nag tanong sa’yo. Please don’t cry!”
West brushed my tears away at tinignan ko siya at nginitian.
“No. Natuwa lang ako. Ang tagal ko na kasing hindi nakakabalik sa Baguio eh. Pero paano mo nga pala nalaman?”
Sa isang bahay ampunan sa Baguio kasi ako dati nakatira. Fourth year highschool ako nang magpakita na sa akin ang tatay kong politician. Pag dating ng college, dinala niya ako sa Manila para dito na mag aral. Hindi na ako nakabalik pa ng Baguio simula noon.
At miss na miss ko na ang buhay ko doon.
Maliit man ang bahay ampunan, mababait naman ang mga tao doon.
Sila yung itinuring kong pamilya.
Nakita kong namula ang tenga ni West and he gave me a guilty smile.
“Well… uhmmm.. accidentally kong nakita yung papers mo nung nag apply ka sa amin at nakita ko nga na taga-Baguio ka dati so uhmmm ayun.”
Napangiti ako sa sinabi niya.
“Buti na lang accidentally mong nakita yung papers ko.”
He just shrugged habang hindi pa rin nawawala ang guilty smile sa labi niya.
“West, thank you ah?”
“Anything for you Jillian.”
My heart skipped a beat.
Alam kong mahihirapan ako sa huli. Alam kong masasaktan ako ng husto.
Makaka move on ba ako?
Siguro.
Magagawa ko ba ng maayos ang trabaho ko pag i-ma-match ko na si West sa iba?
Hindi ko alam. Ayoko munang isipin.
Ang mahalaga yung ngayon. Habang nandito pa, susulitin ko na.
I’ll just treasure every moments with him.
Sa babaeng nakatadhana kay West, pahiram muna ako sa kanya ha? Habang wala ka pa, sa akin muna siya.
~*~
[Cupid]
Isang palasyo sa Mount Olympus.
Matagal-tagal na rin ang huling beses na tumapak si Cupid sa lugar na ito. Hangga’t maari ay ayaw niyang magpakita sa kanyang ina na si Aphrodite. Alam niya kasing makikielam at makikielam ito sa kaguluhang nangyayari ngayon.
Ngunit kailangan niyang sumugal. Kailangan niyang makipagkita kay Hephaestus---ang asawa ni Aphrodite. Ito na lang kasi ang tanging makakatulong sa kanya.
“Malapit na bang matapos?” tanong ni Cupid kay Hephaestus.
“Habaan mo ang pasensya mo, Cupid. Kinakailangan ko pa ng panahon.”
“Pero baka mamaya kung ano na ang gawin ni Ayesha kay Psyche. Hindi ako mapapakali hangga’t alam kong nanganganib ang buhay ng babaeng mahal ko!”
Napa-buntong hininga si Hephaestus, “manalig ka na lang na hindi magagawang saktan ni Ayesha si Psyche. Naging matalik na magkaibigan ang dalawa. Nung panahong nandito si Ayesha, si Psyche lamang ang nakakaintindi sa kanya at alam kong may utang na loob ito sa babaeng mahal mo.”
“Pero hindi na siya ang Ayesha na nakilala natin! Nilamon na ng galit ang puso niya at gagawin niya ang lahat, magantihan lang kami sa nangyari sa lalaking mahal niya!”
Hindi umimik si Hephaestus. Napa-hinga naman ng malalim si Cupid.
Tandang-tanda niya ang nangyari noon.
Inosenteng lalaki si Marco. At kitang-kita ni Cupid kung gaano minahal ng binata si Ayesha. At ang pagmamahal na yun din ang dahilan kung bakit ito namatay.
Sa kagagawan niya.
Sa kagagawan nila ng kanyang inang si Aphrodite.
Kung paano sila gumawa ng patibong sa inosenteng binata para mapunta ito sa kinalulugaran ni Medusa at doon ay natapos ang buhay ng binata.
“Cupid?”
Agad na napalingon si Cupid sa kanyang likuran nang marinig niya ang boses na yun. Nakita niyang papalapit sa kanila ang isang napaka-gandang babae. Ang ganda na hindi kayang pantayan ng kahit na sino man.
Si Aphrodite. The goddess of love and beauty.
“Ina,” halos pabulong na tawag ni Cupid dito.
Nginitian siya ni Aphrodite at hinalikan ang magkabilang pisngi nito.
“Kamusta ka na, anak ko?”
Hindi sumagot si Cupid. Iniiwas niya lang ang tingin niya rito.
“Alam ko ang lahat, Cupid. Alam ko ang ginagawa ni Ayesha. At alam kong nahanap mo na rin siya.”
Hindi pa rin umimik si Cupid at diretso lang itong nakatingin sa kanyang ina.
“Jillian. Siya si Jillian hindi ba? Ang pinili ng compass?”
Tumango si Cupid.
“Interesado ako sa kanya.”
Napakunot ang noo ni Cupid.
“Ina, compass ko ang pumili kay Jillian. Ibig sabihin ay akin siya. Hindi mo siya pwedeng galawin.”
Binigyan ng isang malambing at mahinahong ngiti ni Aphrodite si Cupid at hinawakan ang pisngi nito.
“Naiintindihan ko, anak. Wag mo lang sanang maisipan na pakawalan ang babaeng iyon. Kadugo natin siya at nararapat lang na makasama natin siya dito.”
Napapikit si Cupid, “naiintindihan ko.”
“O siya. Mukhang kinakailangan mo nang umalis, aking anak. Mag iingat ka.”
Yumuko si Cupid sa kanyang ina at kay Hephaestus bilang pag galang bago tuluyang umalis.
To be continued…
***
Aly's Note:
May mga nababasa akong comments na medyo nalilito sila sa family line ni Cupid XD
Si Cupid po ay anak ni Aphrodite (Goddess of Love and Beauty) at ni Ares (God of war) ..Hindi po si Zeus ang tatay ni Cupid. Lolo niya si Zeus dahil ayun ang tatay ni Aphrodite. Ang asawa naman ni Aphrodite---yung official (kekekeke) ay si Hephaestus (God of blacksmith)
Medyo magulo talaga ang family tree ng mga greek gods and goddesses. Mahilig kasi sila sa affair. Lol XD
Anyway, I'm thinking na gawan ng prequel short story/novella si Ayesha. Yung nangyari sa kanya before siya maging evil. Babasahin niyo ba if ever? Wahahaha. Pero after na siguro ng SWSCA XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top