Chapter 27 (3/15/15)

Chapter 27

 

[Jillian’s POV]

 

“Stay still,” sabi ni Cupid habang hawak niya ang braso kong may sugat at may ipinapatak siyang kulay asul na liquid dito. Hindi ko alam kung ano pero unti-unting nawawala ang mga sugat ko.

            Iniikot ko ang paningin ko sa lugar kung saan ako dinala ni Cupid matapos yung encounter namin kay Ayesha at Enid. Nakapunta na ako dito. Ito yung mismong lugar kung saan ko kinuha ang pana niya. Sa harap ko ay nandoon pa rin ang glass table kung saan nakalagay ang pana ni Cupid dati.

            Ibinalik ko ang tingin ko kay Cupid. Seryosong-seryoso ang itsura niya at halata sa kanya na distracted siya. Na parang any minute, bibigay na siya.

            “P-paano ka nga pala napunta sa bahay ni Enid?” tanong sa akin ni Cupid habang isinasara niya ang takip ng maliit na bote na pinaglalagyan ng asul na liquid.

            Inangat ko ang braso ko at wala na akong nakitang bakas ng sugat dito. Mantsa na lang nang natuyong dugo.

            “Yung compass,” sagot ko sa tanong niya. “Pauwi na ako kanina tapos nag dilim yung paningin ko. Tapos narinig ko ang boses mo at ang boses ni Ayesha. Sunod nun, bigla na naman nag liwanag ang compass ko. Napapikit ako at nung pagdilat ko ulit, nakita kita sa harapan ko kasama si Ayesha at si Enid.”

            Cupid gave me a sad smile, “I am useless without my arrow. But I guess you really did became my living arrow. Thank you for saving me, Jillian.”

            Ipinatong ni Cupid ang ulo niya sa magkabila niyang kamay, “wala na naman akong nagawa para kay Psyche. Natatakot ako, Jillian. Baka kung ano ang gawin ni Ayesha sa mahal ko. I’m useless without my arrow. Pero mawawalan na nang kwenta ang existence ko pag si Psyche ang nawala sa akin.”

            Nakita kong may tumulong luha sa gilid ng mata ni Cupid. I felt a tight knot in my stomach. Nasasaktan ako para kay Cupid, pero hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. Hindi ko siya magawang bigyan ng encouraging word.

            Dahil hindi mawala sa isip ko ang sinabi sa akin kanina ni Ayesha.

           

            [Flashback]

 

            “Manuod kang maigi!!”

            Parang bombang sumabog sa tenga ko ang boses ni Ayesha. Biglang lumiwanag ang paligid. Napapikit ako. At nung dumilat ulit ako, nakita ko sa di kalayuan si Cupid pero agad akong hinarang ni Ayesha. Sa may paanan niya ay nandoon si Enid at walang malay.

            “Wag kang lalapit!” punong-puno ng pagbabanta ang boses niya habang nakatingin siya sa akin.

            “Bakit mo ba ginagawa ‘to ha? Ano bang problema mo?! Tigilan mo na ‘to Ayesha, please lang!”

            Hindi siya sumagot at nginitian niya lang ako.

            Para akong biglang kinilabutan. Seriously, mas nakakatakot pa siya sa multo. Ang creepy niya.

            “Alam mo ang laki ng issue mo sa buhay! Lahat na lang sinisira mo! Tigilan mo na ‘to!”

            Hindi pa rin siya sumagot at nakatingin lang siya sa akin.

            Nakakaubos na ng pasensya ha!

            Dali-dali akong lumapit kay Enid kaya lang nang hahawakan ko na siya, naramdaman ko na parang may humihiwa sa braso ko. Napasigaw ako nang makita ko ang apat na mahahabang hiwa sa braso ko.

            Nanlambot ang tuhod ko at natumba ako. My arm is burning with pain. Nahihilo ako sa sakit.

            Lumapit sa akin si Ayesha at tinitigan ako maigi.

            “Sigurado ka bang kakampihan mo sila, Jillian? Buksan mo ang mga mata mo. Isipin mong maigi kung sino dapat ang kampihan mo.”

            I gave her a bitter laugh, “hindi ko na kailangan mamili. Obvious naman na Team Cupid ako ‘no! Never kong kakampihan ang katulad mo!”

            Nagulat ako nang biglang mas lumawak ang ngiti ni Ayesha habang napapa-iling-iling siya.

            “Tandaan mo Jillian, laging nasa huli ang pagsisisi. Wag mo sanang antayin na dumating ang araw na matulad ka sa akin.”

            “Never akong magiging katulad mo ‘no!”

            Bigla akong sinugod ni Ayesha at hinawakan niya ang leeg ko.

            “A-ano b-ba! Bitiwan mo ‘ko!”

            Hindi ako makahinga. Hindi ako makalaban. Nanghihina ako.

            “Hindi ba niya sinabi ang plano niya? Hindi ba niya ipinaliwanag ang mangyayari sa’yo ngayong na sa’yo na itong compass na ‘to? Ikaw ang apprentice ni Cupid. Balang araw, magkakaroon ka rin ng sarili mong pana, ng sarili mong kapangyarihan at katungkulan. At iaalis ka nila sa mundong ‘to. Malayo sa mga kaibigan mo. Malayo sa taong nakatadhana para sa’yo.”

            “H-hindi totoo yan! Hindi gagawin ni Cupid sa akin yun!”

            Tumawa ng pagkalakas-lakas si Ayesha at binitwan ako. Napahawak agad ako sa leeg ko habang nasasamid-samid.

            “Nagawa na nila dati! Ginawa na nila sa akin yun! At nung tumakas ako, alam mo kung ano ang naging kapalit, ha Jillian?! Yung buhay ng mahal ko!”

            Bigla akong napatingin sa kanya.

            “Bakit? Hindi rin ba niya sinabi sa’yo na sila ang dahilan ba’t namatay ang mahal ko, ha? Hindi ba niya sinabi sa’yo na para magampanan ko na ang trabaho ko, kinakailangan nilang patayin ang mahal ko?!”

            Nanlalaki ang mata ko habang nakatingin ako kay Ayesha. Hindi ako makapag-salita. Ayaw mag sink-in sa utak ko ang sinabi niya sa akin.

            Ayaw maniwala ng isip ko.

            Umiling ako.

            “You’re lying! Wag mo nang siraan si Cupid sa akin!”

            Nagulat ako nang makita kong may namumuong luha sa mata niya.

            “Inosente ang mahal ko, Jillian. Inosente siya. Wala siyang ginawang masama sa kanila. Napaka buti niyang tao tapos inaksaya lang nila ang buhay niya. Ang sakit. Sobrang sakit. Wag mo sanang maranasan ang naranasan ko.”

            Napapikit ako bigla.

            Nanginginig ako.

            Bakit ganun? Bakit parang gusto kong umiyak? Bakit nararamdaman ko bigla ang sakit na nararamdaman niya?

            No. Mali ‘to. Hindi ako dapat maniwala sa kanya. Mapanlinlang ang babaeng nasa harapan ko ngayon.

            Hindi totoo lahat ng sinabi niya sa akin.

            Tinitigan ko si Ayesha.

            “I believe in Cupid.”

            Matapos kong sabihin iyon ay tumakbo na ako papalapit kay Cupid.

 

[End of flashback…]

 

            Kanina, siguradong-sigurado ako sa nararamdaman ko. Sigurado ako sa pinaniniwalaan ko. Pero ewan, hindi ko magawang maalis sa isip ko lahat nang sinabi ni Ayesha. Hindi ko maalis sa imagination ko ang itsura niya kanina.

            She’s in pain.

            Tinignan ko si Cupid. Miserableng miserable rin ang dating niya. Walang buhay ang mata niya. Para bang malapit na malapit na siyang bumigay.

            Cupid ano ba talaga ang totoo? Gagawin mo rin ba sa akin yun? Ilalayo mo rin ba ako dito against my will?

            Ilalayo mo ba ako kay West?

            Napatingin sa akin si Cupid at bumuntong-hininga siya.

            “Jillian… sorry ah?”

            “Saan?”

            “Wala. Kasi nasaktan ka nang dahil sa’kin.”

            Napailing ako.

            “Wala na naman yung sugat eh.”

            Tumayo si Cupid.

            “Kailangan na kitang i-uwi.”

            Napatayo rin ako bigla.

            “Sabay tayong uuwi.”

            “Hindi. M-may kailangan akong asikasuhin.”

            “Ano yun?”

            Iniwas niya ang tingin niya sa akin, “basta.”

            Napapikit ako at pilit pinapakalma ang sarili ko. Tinignan ko siya.

            “I thought I’m your living arrow. Ibig sabihin, team tayong dalawa. Partners tayo. Pero bakit laging hindi mo sa akin sinasabi ang mga plano mo? Bakit ang dami mong lihim sa akin, Cupid?”

            “Jillian, kailangan mo lang mag focus sa task na ibinigay ko sa’yo.”

            “No! Ang dami kong gustong malaman. Bakit kahit yung mga simpleng tanong ko hindi mo magawang masagot?”

            “Jillian please!”

            “No Cupid! It’s about time para ipaliwanag mo sa akin ang lahat! Bakit ako ang pinili ng compass? Ano ang magagawa ng compass na ‘to? Saan ka pumupunta pag nawawala ka bigla? Ano ang plano mo para mabawi ang pana kay Ayesha? Cupid naman eh!”

            He looked at me with full of guilt in his eyes.

            “I’m sorry Jillian.”

            Bigla na lang lumiwanag ang paligid. Naramdaman kong lumulutang ako.

            “Cupid! Wait!”

            Bigla na lang naglaho si Cupid sa harapan ko at nang mawala na rin ang pumapalibot na liwanag, na-realized kong nandito na ako ngayon sa apartment ko.

            At wala si Cupid sa tabi ko.

            To be continued…

****

Author's Note:


Waaaah sorry po medyo natagalan ang update! Nagbakasyon kasi si otor ng matagal na panahon hahaha. Nagbabalik na ulit ako and I'll do my best para tuloy-tuloy na ulit ang update. Salamat po sa pag-aantay :)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: