Chapter 25 (02/07/15)

Chapter 25

 

[Jillian’s POV]

 

“Tell me what happened,” walang paligoy-ligoy ko na sabi ko kay West matapos naming maubos ang isang mud pie na in-order namin dito sa restaurant kung saan ko siya dinala.

            Napa-buntong hininga si West at tinignan niya ang kanyang kamay na ngayon ay may bandage na.

            “He wants me to resign.”

            “W-what? Why?”

            “Sabi niya it’s about time na panindigan ko na ang pagiging isang Martinez. Gusto niyang doon na ako mag trabaho sa kumpanya namin.”

            Napa-buntong hininga rin ako dahil sa sinabi ni West. Sa totoo lang, ayokong umalis siya sa kumpanya namin. Effective siyang boss at masipag sa trabaho. Alam kong maraming times na ang strict niya at may pagka-masungit siya, pero iba pa rin pag siya ang kasama namin.

            Yun nga lang, may point ang father niya.

            “Ayaw mo ba talagang mag trabaho sa inyo? Gusto mo ba talaga ang pagiging editor in chief?” malumanay kong tanong sa kanya.

            Napa-baba ang tingin niya sa kinakain niya at napapikit siya.

            “Yes and no,” sagot niya.

            “What do you mean?”

            “Yes, I love this job. I always love literature kaya masaya rin ako sa trabaho ko. Pero hindi rin ibig sabihin nun eh ayokong magtrabaho sa amin. It’s just that….”

            “Just what?”

            He look hesitant na sagutin ako at napa-buntong hininga ulit siya.

            “It’s just that I hate it when they give me a lot of responsibilities. Kaya ako umalis doon kasi ayokong magtrabaho at gawin ang mga bagay na yun just to please my father. Gusto kong kumayod at magtrabaho para sa future ko. Isa pa, wala naman silang nakikitang maganda sa akin eh. Lagi akong palpak. Ang perfect sa paningin nila ay si Kuya Zyron.”

            Napa-ngiti ako ng onti, “so na-i-insecure ka sa kapatid mo.”

            “I’m not!” mabilis niyang sabi. “I mean, close naman kami ni kuya. Ayoko lang na ikinukumpara niya ako sa kanya. Feeling ko wala akong kwenta.”

            “That’s not true! Hindi ka man nila mabigyan ng tamang appreciation, but I---we appreciates you…a lot. Yung mga efforts mo, yung kasipagan mo, yung dedication mo…yung---“ yung haba ng pasensya mo sa akin, yung hindi mo pagsuko kapag tinutulak kita palayo, yung grabeng pag c-care na pinapakita mo.

            Napayuko ako at iniwas ang tingin sa kanya.

            “H-hindi talaga ako magaling mag advice,” mahinang bulong ko.

            “Jillian…”

            Inangat ko ng onti ang tingin ko sa kanya and I was shocked to see that he is giving me a genuine smile.

            “Thank you. Bakit simpleng salita mo lang nagagawa mo na ‘kong pasayahin?”

            Feeling ko nasira ang aircon sa restaurant na ‘to. Bigla na lang nag init ang kapaligiran eh.

            Napayuko ulit ako. Hindi ko kayang ipakita ang mukha ko kay West. Alam kong nangangamatis na ito sa pula.

            Bakit ba dati siya yung madalas mag blush? Bakit ngayon ako na?

            Bakit dati nauutal siya? Ngayon ako na ang nauutal?

            Nagkabaliktad na ba ang mga pwesto namin? Hindi kaya sa akin na gumagana ang pana ni Cupid?

            “Uy, ba’t ayaw mo akong tignan?” he asked me. There’s a hint of a smile in his voice.

            “Shut up,” I mumbled.

            “What? Sinasabihan mong shut up ang editor-in-chief mo?”

            Tignan niyo! Tignan niyo! At kalian pa siya natutong mang-asar?!

            Narinig ko ang mahinang tawa niya kaya naman napa-angat ang tingin ko sa kanya.

            He look vibrant and happy. He look so handsome.

            Ang sarap niyang titigan.

            Nahawa na rin tuloy ako ng ngiti sa kanya.

            “I’m so happy you came into my life,” naka-ngiting sabi niya.

            I tried my best na wag mawala ang ngiti sa labi ko. I tried my best na wag ipakitang gusto kong maiyak sa salitang binitiwan niya.

            Masasabi pa kaya niya yan sa akin kapag bigla-bigla ko na lang siya sasaktan?

 

~*~

 

[Enid’s POV]

 

“Ba’t kasi hindi ka pa magpakita? I know you’re following me.”

            May lumabas na isang lalaki sa gilid ng poste at nakita ko ang masayang mukha ni Eros na naka-ngiti sa akin.

            Alam kong mula sa office pa lang, sinusundan niya na ako.

            Alam kong dapat akong ma-creep out sa ginagawa niya.

            Pero ewan, parang ang saya kong makita siya.

            “Ayaw mo kasing magpahatid pauwi eh. Sorry. Gabi na kasi at baka mapaano ka,” pagdadahilan niya.

            Napangiti ako na iiling-iling, “you’re acting like a stalker, Eros Evangelista.”

            Mas lumawak naman ang ngiti sa labi niya, “grabe stalker talaga? Pang panget lang yun. Dahil gwapo ako, dapat secret admirer ang tawag mo sa akin.”

            “Yeah right,” I rolled my eyes at him at naglakad na ako sa kalyeng dinaraanan ko. Sinabayan naman niya ako.

            “Ba’t nga pala hindi ka hinahatid ng asungot na si Edgar? ‘Di ba nanliligaw siya sa’yo?” tanong ni Eros na may halong bitterness sa boses.

            “Kung sa’yo nga hindi ako nagpapahatid, sa kanya pa kaya?”

            He shrugged, “kung sabagay.”

            Biglang napa-buntong hininga si Eros at napatingin sa kalangitan.

            “Oh, what’s your problem?”

            “Wala may hinahanap lang ako.”

            Napatingala rin ako at puro mga yero ng kaptibahay at mga kable ng kuryente ang nakita ko.

            “Ano naman yun?”

            “Shooting star.”

            Napataas ang kilay ko, “at bakit naman?”

            “Gusto ko kasing humiling na sana pumayag kang sumama sa akin na makipag-date this weekend.”

            Hindi ko ma-itago ang ngiti sa labi ko. Nakakainis naman kasi ang isang ‘to eh. Ubod ng corny.

            Pero bwiset na ‘yan, ba’t ako kinikilig?

            “Wala kang makikitang shooting star dito kahit pa mamuti ang mata mo.”

            “Ayun shooting star!” sabi niya sabay turo sa langit. Napatingin naman ako agad pero puro yero at kable ng kuryente pa rin ang nakita ko.

            “Wala naman eh!”

            “Meron. Ginamit ko ang imagination ko. At nakapag wish na rin ako.” Nginitian niya ako ng nakakaloko, “wish granted na ba?”

            Hindi ko mapigilan ang paglawak ng ngiti ko dahil sa kanya.

            “Eh hindi ko naman pwedeng kalabanin ang shooting star. Malakas ang effect nun. Lalo na yung nanggaling pa sa imagination mo.”

            “Yes! It’s a date?”

            Tumango ako habang nakangiti.

            “Dito na pala ako. Ingat ka paguwi.”

            “Wait.”

            Nagulat ako nang biglang hawakan ni Eros ang kamay ko at hinalikan niya ako.

            “Good night,” naka-ngiting sabi niya at naglakad na siya paalis.

            Dali-dali akong pumasok sa loob ng bahay ko at nang ma-isara ko ang pinto, pa-impit akong tumili.

            Oh my gosh. Kelan ba ako huling kinilig ng ganito? Kelan ba ako naging ganitong kasaya?

            Hindi ko matandaan.

            Pero ewan. Everytime na kasama ko si Eros, parang nag m-melt ang puso ko. Parang ang sarap sa pakiramdam na nandyan siya sa tabi ko.

            Ang kumportable.

            “Enid?”

            Napa-angat ang tingin ko at nagulat ako nang makita ko si Ayesha na naglalakad papalapit sa akin.

            “Oh Ayesha!” naka-ngiti kong bati pero deep inside parang hindi ako mapakali.

            Hindi ko maintindihan. Lately parang hindi ako kumportable na kasama siya. Parang ayokong nakikita si Ayesha. Which is wrong. Kaibigan ko siya at wala naman siyang ginagawang masama sa akin.

            Pero bakit ganito?

            “Sino yung kasama mo kanina?” naka-ngiting tanong niya.

            “Ah s-si Eros, ka-opisina ko.”

            Tumango siya habang naka-ngiti.

            “Yung ka-opisina mong kinagagalitan mo?”

            “H-ha? Hindi naman ako galit sa kanya.”

            She gave me a creepy smile, “galit ka sa kanya, Enid.”

            “G-galit ako?”

            “Oo. Galit ka to the point na ayaw mo siyang makita o lapitan o kausapin. Galit ka to the point na kaya mo siyang saktan.”    

            Parang bigla akong nawala sa sarili ko. Wala akong makita. Puti lang ang kapaligiran at tanging ang ngiti lang ni Ayesha ang nakikita ko.

            Paulit-ulit sa utak ko ang mga katagang galit ako kay Eros. Galit ako kay Eros. Galit ako kay Eros.

            Dahan-dahan ay napatango ako.

            “Oo. Galit ako sa kanya. Ayoko siyang makita.”

            Naramdaman ko ang kamay ni Ayesha na hinihila ako at bigla na lang luminaw ang lahat ng nasa paligid ko.

            Pero may nag bago.

            Nakaramdam ako ng matinding galit kay Eros. Galit na hindi ko alam kung saan nagmula.

            At gusto ko siyang saktan.

            Gustong gusto.

 

To be continued…

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: