Chapter 22 (1/2/15)

Chapter 22

 

[Enid’s POV]

 

“Eros, umorder ka pa ng sizzling sisig kung pinapalamig mo naman ‘yang pagkain mo. Ba’t hindi mo na umpisahan ang pagkain at mamaya mo na ako titigan?” I told him kaya naman napababa ang tingin niya sa pagkain niya pero masyadong evident ang masayang ngiti na gumuguhit sa labi niya.

            “Mas maganda ka kesa sa sisig,” pabulong niyang sabi.

            Napataas ang kilay ko, “inihahalintulad mo ba ang itsura ko sa isang sisig?”

            Ibinalik ni Eros ang tingin niya sa akin at mas lalong lumawak ang ngiti niya.

            “Gusto mo ba, ang lasa mo at ang lasa ng sisig na ito ang ipag-compare ko?”

            Bigla akong namula sa sinabi ni Eros at napayuko ako. Bakit ba ganyan siya kung bumanat?! Minsan ang korny, minsan ang cheesy at ngayon naman, katulad ng kinakain niya…ang sizzling?

            I cleared my throat, “so, uhm, ano na ang story ni Cupid at Psyche?” pag-iiba ko ng topic.

            “Gusto mo ba talaga malaman?”

            “Oo naman!” sagot ko sa kanya.

            Hindi ko alam talaga kung may nag e-exist bang ganung story. Siguro gawa-gawa lang ni Eros. Paano ba naman kasi, English major ako at nabasa ko ang buong greek mythology. Back to back. Cover to cover. Lahat ng tungkol doon ay masasagot ko. Pero wala talagang story ni Cupid at Psyche doon. Ni hindi ko nga kilala kung sino si Psyche eh.

            “Okay, ikukwento ko sa’yo,” sagot niya sa akin na parang ang saya-saya niya dahil makikinig ako sa kanya.

            Might as well na sakyan ko na lang siya.

            “I’m listening,” nginitian ko siya.

            “Merong isang hari na may tatlong anak na babae,” pagsisimula niya ng kwento niya. “Lahat sila, biniyayaan ng walang kapantay na ganda pero sa kanilang tatlo, ang bunso ang pinaka maganda sa lahat. At si Psyche ‘yun.”

            Napa-ngiti ako, “wow. Lakas maka-fairy tale!”

            Sumimangot si Eros, “hindi ito fairytale! Myth ito.”

            Napa-tikom ulit ang bibig ko. Mukhang seryoso talaga siya sa kwento niya. Mas maganda pa kung hindi ako sasabat.

            “Iba’t-ibang mga kalalakihan na nag mula sa iba’t-ibang lugar ang naglalakbay papunta sa kaharian nila para lang masilayan ang kagandahan ni Psyche. Yung iba pa ay tumigil na sa paniniwala kay Aphrodite—the goddess of love and beauty---at si Psyche na ang kanilang sinasamba. Dahil doon, nagalit at nagselos si Aphrodite sa mortal na si Psyche kaya naman inutusan niya ang kanyang anak na si Cupid na iduktong ang kapalaran ni Psyche sa isang halimaw. Pero kesa mapana ni Cupid ang halimaw, aksidente niyang napana ang sarili niya kaya naman siya ang na-inlove kay Psyche.”

            “Wait, may loophole ka sa kwento mo,” singit ko ulit sa kanya.

            Napataas naman ang kilay niya, “at ano naman iyon?”

            “Cupid never misses his arrow.”

            Lumawak ang ngiti ni Eros, “tama ka. Sabi sa Greek mythology, aksidenteng na-pana ni Cupid ang sarili niya. But do you know what I thought?”

            “Ano?”

            “Sinadya niyang panain ang sarili niya para mahulog siya kay Psyche.”

            Napalunok ako. Bakit parang bumilis ang tibok ng puso ko? Kinakabahan ba ako? Naapektuhan?

            Bakit parang feeling ko ako si Psyche?

            …at siya si Cupid?

            “Pwede na ba akong magpatuloy?”

            Tumango ako, “g-go ahead.”

            “Nakahanap na ng mapapangasawa ang dalawang nakatatandang kapatid ni Psyche pero siya, hindi pa rin. Kahit siya ang pinaka-maganda, walang nag-a-alok sa kanya ng kasal. Kaya naman ginawa ng hari at reyna, nagpa-consult sila sa oracle ni Apollo. At sabi dito, si Psyche ay nakatadhana sa isang halimaw at hindi niya matatakbuhan ang kapalaran niya. Kinakailangan nilang iwanan si Psyche sa isang bundok upang hintayin ang kanyang mapapangasawa. Kahit masakit sa kanila, ginawa nila iyon dahil natakot sila sa magiging kapalit kapag hindi nila ibinigay si Psyche. Mula sa bundok ay dinala siya ng west wind sa isang malaking palace kung saan siya maninirahan. Doon ay gabi-gabi, pinupuntahan siya ng kanyang asawa.

            Dahil tuwing gabi lang pumupunta ang asawa ni Psyche ay hindi niya nakikita ang istura nito dahil lagi itong nagtatago sa dilim. Sinabihan naman siya ng kanyang asawa na magtiwala ito sa kanya at wag na wag niyang titignan ang mukha nito. Pumayag naman si Psyche. At sa mga gabing nagdaan na kasama niya ang kanyang asawa, kahit hindi niya nakikita ito, ay natutunan na rin niya itong mahalin.”

            Napangiti ako. Ewan ko, damang-dama ko ang kwento ni Eros. Hindi naman ako nakaka-relate pero ewan… parang naiintindihan ko ang nangyayari? Parang nararamdaman ko ito.

            At parang nakikita ko sa imagination ko ang ikinukwento ni Eros.

            “Isang araw, binisita si Psyche ng kanyang mga kapatid at kinamusta. Nang maikwento ni Psyche sa kanila na hindi pa niya nakikita ang itsura ng kanyang asawa, agad siyang sinabihan ng mga kapatid na panigurado ay isang halimaw ito. Binigyan siya ng magandang buhay at masasarap na pagkain para patabain lang at kainin. Kaya habang maaga pa, dapat patayin niya na ito.

            Natakot si Psyche sa sinabi ng mga kapatid. Kaya naman nung gabing iyon, habang natutulog ang kanyang asawa, dala ang isang lampara at isang kutsilyo, ay nilapitan niya ito para patayin. Kaya lang, nang matapatan ng liwanag ang mukha ng kanyang asawa, nagulat siya ng makita ang isang napaka-gwapong nilalang.”

            Napa-ngisi ng malawak si Eros. Napataas naman ako ng kilay.

            “Gaano ka-gwapo?” tanong ko sa kanya.

            “Kasing gwapo ko,” sagot naman niya.

            Napa-iling na lang ako habang ngiting-ngiti.

            “Anyway, ayun na nga, nakita niya ang ubod ng gwapong si Cupid,” pagpapatuloy ni Eros. “Nagulat siya at kinilig—siguro---kaya naman natapunan niya ng oil na nagmumula sa lampar si Cupid at nagising ito. Nasaktan si Cupid sa pag suway ni Psyche sa kanya at sa kawalan ng tiwala  nito kaya naman iniwan niya si Psyche. Naiwan si Psyche doon ng malungkot at broken hearted.”

            “Pasaway kasi,” bulong ko.

            Eros chuckled, “oo pasaway siya at napaka-curious niya sa pagkarami-raming bagay kaya madalas siyang mapahamak.”

            “Pero I bet hindi siya natiis ni Cupid ‘no?”

            Ngumiti si Eros, “oo. Pero bago yun, hinanap muna ni Psyche si Cupid. Hanggang sa pinuntahan niya si Aphrodite para magpatulong dito. Dahil sa galit pa rin si Aphrodite sa kanya, sinabi ni Aphrodite kay Psyche na kailangan niya munang patunayan na karapat-dapat siya para kay Cupid kaya naman binigyan niya ito ng iba’t-ibang pagsubok.”

            “Like?”

            “Katulad ng kailangan niyang pagbukludin ang iba’t-ibang klase ng butil, katulad ng palay, sebada and the like. At kailangan, matapos niya iyon ng isang araw lang. Meron din na inutusan niya si Psyche na kumuha ng ginintuang balahibo ng tupa doon sa may ilog kung saan may naninirahang halimaw na pwede siyang saktan at mapatay.”

            Napanganga ako, “Aphrodite is ruthless.”

            “Sinabi mo pa. Pero dahil nalaman ni Cupid ang pinapagawa ng kanyang ina, palihim niyang tinutulungan si Psyche na kahit si Psyche mismo ay hindi alam na si Cupid na tumutulong sa kanya. Pero may isang pagsubok na napahamak si Psyche. Nang utusan siya ni Aphrodite na puntahan si Persiphone sa underworld at manghiram ng kagandahan dito. Nagawa naman makapunta ni Psyche sa underworld at binigyan siya ni Persiphone ng isang kahon para dalhin kay Aphrodite. Habang pabalik siya, naisipan ni Psyche na buksan ang kahon. Naisip niya kasi na kapag maambunan siya ng onting kagandahan ni Persiphone, baka doon ay maging karapatdapat na siya para kay Cupid. Kaya lang, pag bukas niya ng kahon, wala itong laman at bigla na lang siyang nakatulog at walang makagising sa kanya. Pinuntahan ni Cupid si Psyche para gisingin gamit ang pana niya. Nagising naman si Psyche at ngayon ay ipinagtanggol na siya ni Cupid sa kanyang ina. Eventually, pumayag na din si Aphrodite na magpakasal sila at ginawa na rin nilang isang goddess si Psyche. She then became the Goddess of the soul.”

            Napangiti ako, “sabi ko na eh, hindi matitiis ni Cupid si Psyche.”

            “Oo. Kahit pasaway siya. Kahit masyado siyang curious. Kahit na iniisip niyang hindi siya karapatdapat para kay Cupid,” nagulat ako nang biglang kuhanin ni Eros ang kamay ko. “Kahit iniisip niya na hindi pa sapat ang kagandahan niya para maging asawa ni Cupid. Hindi niya alam, siya ang tanging minahal ni Cupid. Ang nagiisa. Na kahit sino pa ang dumating, hinding-hindi siya ipagpapalit ni Cupid.”

            He look at me, straight to the eye at hindi ko maiiwas ang tingin ko sa kanya.

            “Na kahit pa mawala ang alaala niya at tuluyan niya nang makalimutan ang kwento nilang dalawa at ang pagmamahal nila sa isa’t-isa, gagawa at gagawa si Cupid ng paraan para bumalik siya. Katulad ng ginawa ni Psyche noon para mahanap niya si Cupid. Mahal na mahal kasi nila ang isa’t-isa.”

            Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. Parang hindi ako makahinga. Biglang may nag flash ng mga images sa utak ko. Lampara, kutsilyo, palasyo, butil ng bigas, mga tupa, isang kahon. Si Eros. Mukha ni Eros.

            Napailing ako. Ano yung nakita ko? Imagination?

            Memory?

            Bigla kong hinila ang kamay ko sa pagkakahawak ni Eros.

            “I—I need to go.”

            And before he could stop me, tumakbo ako palabas ng restaurant.

~*~

[Jillian’s POV]

 

“Siguro nanghihinayang ka kasi hindi mo nasamahan si Elise sa play ‘no?” tanong ko kay Luke habang naglalakad kami sa mall.

            Katatapos lang namin mag lunch at eto kami ngayon, nagpapababa ng kinain.

            “Medyo,” sagot ni Luke sa akin. “Pero okay na rin, at least nakausap kita.”

            “Oo nga. At least nalinawan na rin ako kung sino ang nagpapadala ng mga ito sa desk ko,” sabi ko habang nakatingin sa bouquet ng rose na dala ko.

            “Ah, Jill, pag lilinaw lang ah? Isang beses lang ako naglagay sa desk mo. Yung una at yung huli, hindi na ako yun.”

            Napalingon ako bigla kay Luke, “shet! Edi sino yun?!”

            He shrugged, “feeling ko si Edgar.”

            Bigla kong hinampas ang braso niya, “ano ba! Seryoso, tingin mo sino?”

            “Si Edgar nga! Hindi mo ba napapansin ang malalagkit na tingin niya sa’yo? Ang mga nakakaakit na ngiti niya sa’yo?”

            Mas lalo kong pinaghahampas si Luke. Buset! Ayokong i-imagine! Naiinis ako!

            “Kainis ka! Kainis ka talaga! Nakakainis ka!”

            Tumawa siya ng malakas, “joke lang Jill! Binibiro lang kita. Pero ito seryoso, nakita ko na si Edgar ang may dala nung stufftoy.”

            Pinanliitan ko siya ng mata, “wag kang magbibiro ng ganyan! Tatalon ako sa tulay!”

            “I’m not joking! Pero hindi naman ibig sabihin na siya ang nagbibigay sa’yo. Actually, I asked him. Napagutusan lang siya. Binigyan siya ng dalawang libo para ilagay sa table mo yung stuffed toy at bulaklak. At may bonus pa na isang libo para sa pananahimik niya pag may magtatanong. Kaya ayun, hindi ko nalaman kung sino ang secret admirer mo. Pero grabe. Para bayaran si Edgar ng tatlong libo? I guess your secret admirer is a millionaire.”

            Napatahimik ako sa sinabi ni Luke. Sa totoo lang, wala talaga akong paki kung sino siya. Pero dahil dito, bigla akong na-curious.

            Bukod kay West, sino naman ang maaring magpadala sa akin ng mga ganito? Sino pa ba ang nabighani sa kagandahan kong naka-conceal?

            “Uy,” tinusok ni Luke ang pisngi ko. “Kung sakaling multi-millionaire ang mapapangasawa mo, lagi mo akong yayain sa bahay niyo ah?”

            Hinampas ko ulit siya, “kainis ka!”

            “Ikaw ah! Nakakarami ka na ng hampas sa akin! Child abuse!”

            “FYI, magka-edad lang tayo!”

            Hinila ako ni Luke papalapit sa kanya at inpit niya ang balikat ko ng braso niya atsaka niya ginulo ang buhok ko.

            “Oy! Grabe ka! Binlower ko pa yan! Wag mo guluhin buhok ko!”

            “Ba’t ka nag blower ha? Dahil niyaya kita mag lunch ‘no?” pang-aasar niya.

            “Kapal mo! Topre ka naman!”

            “Ouch masakit yun!”

            “Torpe ka! Torpe! Torpe!”

            Pareho kaming natawa ni Luke sa pinag-gagagawa namin. Ang saya rin pala maging ka-close ng ganito si Luke. Yung close na talagang magkaibigan lang kayo. Wala ng butterflies in the stomach. Wala nang kilig moments. Yung ganito na lang. Magkaibigan na nag-aasaran.

            At least tanggap ko na ang misyon ko sa kanya. At alam kong hindi na ako mahihirapan masyado.

            “Uy, si Sir West oh.”

            Napalingon ako bigla sa tinuro niya at nakita ko nga si Sir West na nakatingin sa amin. May mga kasama siya at pare-pareho silang naka-suot ng polo na puti.

            “Tara lapitan natin,” hinila ako ni Luke papalapit sa kanya.

            “Hi Sir!” bati ni Luke dito.

            “H-hi!” bati ko naman sa kanya.

            Tinignan niya ako at si Luke. Tapos napadako ang tingin niya sa bouquet na hawak ko. At tinignan niya ulit si Luke.

            “Hi,” malamig na pag bati niya.

            Uh-oh.

            “Ano pong ginagawa niyo rito?” tanong ulit ni Luke.

            “Ah, nag volunteer kami para doon sa mga nasalanta ng bagyo,” malamig pa rin niyang sabi.

            “Wow! Ayos ‘yan ah, sir!”

            “Kayo? Anong ginagawa niyo rito?” tanong naman ni West habang iniiwas ang tingin niya sa akin.

            “Ah wala. Kumain lang kami sa labas nitong si Jill. Nilibre ko siya,” masayang sagot ni Luke.

            Napansin kong napa-kunot ang noo ni Sir West.

            Shet. Shet. I want to kill you, Luke. Tokwa ka! Ano yang sinabi mo! Ma-mi-misinterpret niya!

            “Ah kaya kasi kami lumabas ni Luke kasi---!”

            “Oh West, mga kaibigan mo?”

            Naputol ang pagpapaliwanag ko nang may sumulpot na lalaki sa likuran ni Wjest.

            “Workmates ko,” malamig pa rin na sabi ni West.

            WORKMATE? WOW. WORKMATE AKO? SAMANTALANG PINAGPIPILITAN NIYA NA MAGING FRIENDS KAMI TAPOS IPAPAKILALA NIYA AKO BILANG WORKMATE NIYA?!

            “Oh! Hi!” bati nung lalaki at nginitian kami.

            “Hi! I’m Luke, and this is Jillian,” pakilala naman ni Luke sa amin dalawa.

            “Jillian?” sabi nung lalaki at bigla niya akong tinitigan. “Jillian Evangelista?”

            Napatango ako, “ah, ako nga po. Uhmm, do I know you?”

            “No. But I heard a lot of things about you,” naka-ngisi niyang sabi at napatingin siya kay West. Bigla namang namula ang tenga ni West and he still avoiding my gaze.

            “R-really?”

            “Yep! By the way, I’m Zyron--West’s brother. Nice meeting you again,” sabi niya at nagpaalam na sila ni Sir West sa amin.

            Napanganga ako.

            He is Zyron. Zyron. Si Zyron!

            Pinagmasdan ko ang features niya habang naglalakad sila palayo sa amin.

            He’s tall like West. Maputi. Medyo singkit din. Ang seductive ng ngiti. Ang ganda ng built ng katawan. Sobrang gwapo.

            Tofu! Eh kaya naman pala nabaliw si Ayesha sa lalaking iyan!

To be continued…

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: