Chapter 21 (12/30/14)

Chapter 21

 

[Jillian’s POV]

 

 

Wala na bang mas ikaka-awkard pa ang sitwasyon na ito?

            Nandito kami ngayon ni Luke sa isang restaurant sa isang mall. Kanina pa kami hindi nag i-imikan. Nakapako lang ang tingin niya sa pesto na kinakain niya habang ako naman ay palipat-lipat ang tingin sa lasagna ko at sa bouquet ng flowers at isang box ng chocolate na nasa tabi ko.

            Hindi ako mapakali. Mula kanina nang pumunta siya sa apartment ko hanggang ngayon ay walang nag sasalita sa amin. Kinakabahan ako. Yung bouquet ng flowers at yung box ng chocolate, kaparehong-kapareho ng bulaklak at chocolate na madalas iwanan ng kung sino mang secret admirer ko sa desk ko.

            Ayokong mag-isip nang kung ano. Ayoko munang mag assume. Pero kasi---my gosh.

            “S-sorry pala bigla kitang niyaya ah? Uhmm sabi kasi ni Eros, ano, sira ang tyan mo? Binigyan pa kita ng chocolate..”

            I blushed. Bwiset na Cupid yan! Kung siraan ko kaya siya kay Psyche bilang ganti?!

            Joke. Baka hindi na niya ako ipakilala sa destiny ko.

            I fake a laugh, “o-okay na naman ako. Nakainom na ako ng gamot,” sabi ko sa kanya. “Nasaan pala si Elise? Ba’t hindi mo isinama?”

            Sige lang Jillian, play dumb. Maganda ‘yan.

            Iniwas ni Luke ang tingin niya sa akin, “I left her because I need to see you. Anyway, kasama naman niya si Enid manuod ng musical play.”

            “Ah I see..”

            Another awkward silence.

            Napa-buntong hininga ako. Walang mangyayari kung ganito.

            “Luke, kung ano man ang sasabihin mo, please paki-sabi na.”

            Nakita kong nabigla si Luke sa request ko. Napalunok siya bigla.

            “Okay… kasi.. well.. uhmm..”

            He’s hesitating! My gosh! Luke please don’t prolong our agony!

            “Naalala mo yung bouquet ng flowers at isang box ng chocolate na nakalagay sa desk mo nung araw na nan-treat si Sir West ng breakfast?”

            Tumango lang ako sa kanya.

            “Sa akin galing yun.”

            I knew it. I knew it. Luke, bakit ngayon pa? Ha? Ano ba? Bakit hindi noon? Bakit ngayon mo pa inamin kung kailang nanakaw ko na ang pana ni Cupid para sa’yo! Tapos nalaman kong hindi ako ang naka-destined sa’yo!

            “…pero hindi dapat para sa iyo iyun.”

            Sabi na! Tapos—what?

            Napataas bigla ang kilay ko sa kanya.

            “H-ha? Pero may for Jillian na nakalagay doon!”

            Napakamot siya ng ulo, “well, uhmm, kasi,” huminga siya ng malalim. “I like Elise. Pero ang buong akala niya ay gusto kita.”

            Napa-kunot naman bigla ang noo ko.

            “Pwedeng paki-explain ng maigi, Luke?”

            “Okay. Kasi ganito yun, nung unang-unang beses kang nakatanggap ng bouquet ng flowers at isang box ng chocolate, ako ang unang nakakita sa desk mo nun. Dahil curious ako, tinignan ko kung kanino galing. Pero nakita ako ni Elise noon at akala niya, ako ang naglagay sa desk mo. Syempre todo tanggi ako pero nagmukha lang akong guilty sa harap niya kaya simula noon, inisip niya na may gusto ako sa’yo. Then naisip ko, gagayahin ko ang ginawa sa’yo ng secret admirer mo kaya naman nung araw na nagpa-breakfast si Sir West sa opisina, may dala ako noon na isang bouquet ng flowers at isang box ng chocolate. Ilalagay ko sana sa desk ni Elise kaya lang ang aga niyang dumating. At dahil iniisip niya na gusto kita, akala niya para sa’yo ang dala ko. Siya pa nga ang nag lagay ng “For Jillian” doon sa gift tag.

            And then now, wala ka sa musical play. Kaya pinilit niya akong puntahan ka. Siya rin ang bumili niyan para sa’yo.”

            Hinayaan kong mag sink-in sa isip ko ang mga sinabi ni Luke. And then, I let out a hearty laugh. Para akong biglang nabunutan ng tinik sa dibdib. Para akong nakahinga ng maluwag. I thought—oh my gosh! Pero buti na lang talaga!

            “Uhh, why are you laughing?” takang-taka niyang tanong sa akin.

            Nginitian ko siya, “seriously? Kung nakita mo ang itsura mo kanina sa labas ng apartment ko habang may dala-dala ng rosas at isang kahon ng tsokolate, aakalain talaga ng kahit na sino eh umaakyat ka ng ligaw.”

            “Oh,” nag-iba ang expression ng mukha ni Luke at parang na-realize niya ang itsura niya kanina kaya natawa na rin siya. “Oo nga ‘no? Sorry, Jill!”

            “Pasalamat ka hindi na kita gusto kundi umiiyak siguro ako ngayon!” natatawa-tawa kong sabi sa kanya.

            Bigla naman sumeryoso ang mukha niya, “what?”

            At doon ko na-realized ang sinabi ko.

            Sheet. Packing tape and sheet of paper! Sheet.

            “W-well…uhmm..dati?”

            Ano ba! Awkward na naman?! Bakit kailangan akong madulas ng ganyan ha?! Bakit?!

            “Kelan pa?”

            “N-nung college,” …at after college. Actually mga five years, ganun kitang gusto. Ganun.

             Napatango si Luke at bigla na lang siyang napangiti, “I can’t blame you. I am so attractive during our college days.”

            Binato ko siya ng tissue, “mayabang!” sabi ko at natawa na rin ako.

            Tama naman siya. He is so attractive to the point na nagawa kong nakawin ang pana ni Cupid para sa kanya. Pero hindi ko na sinabi. Baka umiyak siya bigla.

            “So, you like Elise?”

            “Yep.”

            “At kaya mo ako pinuntahan ngayon ay dahil hindi mo na kayang itago ang nararamdaman mo. Since hindi mo masabi kay Elise, sa akin mo na lang sinabi?”

            Tumango si Luke bilang pag sangayon.

            “Torpe ka, alam mo ba yun?”

            Napa-simangot siya bigla, “gwapo naman ako.”

            “Aanhin mo ang gwapo kung torpe naman?”

            Mas lalo siyang napa-simangot, “kailangan mo ba talaga ipagdiinan?”

            Nginitian ko siya, “wag kang mag-alala, tutulungan kita kay Elise!”

            “T-talaga? Tutulungan mo ako? Talaga?”

            “Oo naman!” actually matagal na kitang tinutulungan! “May gagawin tayong mga steps para mapasagot mo si Elise.”

            Umayos siya ng upo at mas lumapit sa akin, “ano yun?”

            “Step one: Wag kang magpaka-torpe.”

            Natigilan si Luke.

            “Ang hirap ng step one.”

            “Gusto mo bang maging girlfriend si Elise o gusto mo?”

            He grinned, “gustong-gusto!”

            “Edi gagawin mo ang step one!”

            Huminga siya ng malalalim.

            “Game!”

~*~

[Enid’s POV]

 

            “Wow, ang ganda,” sabi ni Elise habang manghang-mangha siyang nanunuod sa musical play.

            Bibili lang sana ako ng lunch kanina sa labas nang bigla akong nakita ni Elise at isinama ako dito sa isang theatre hall para manuod ng play. Maganda naman yung play. It is about a Greek God falling in love to a mortal. Magaling ang mga stage actors and actresses. Ang gaganda pa ng mga boses nila.

            Pero ewan, hindi ko makuhang kiligin o maapektuhan sa love story ng Greek God at mortal na ‘yun.

            “Enjoying yourself?” dinig kong sabi ng lalaking katabi ko.

            Dededmahin ko na lang sana siya at wala akong balak na lingunin ito kung hindi lang talaga sobrang familiar ang boses niya.

            “E-Eros?” gulat kong sabi kaya naman sinenyasan niya ako na tumahimik.

            He smiled at me. May dimple siya sa kaliwang pisngi niya. Naging rainbow-shape ang mata niya.

            God, he’s hot.

            Mas hot pa sa Greek God na pinapanood namin ngayon.

            Hindi ako makapag concentrate sa panunuod. Parang nag-wala ang buong katauhan ko nang tumabi siya sa akin.

            Okay, alam kong winarningan ako ng kaibigan kong si Ayesha tungkol kay Eros. Manghuhula kasi si Ayesha at nagkakatotoo ang lahat ng sinasabi niya. At sabi niya sa akin, sasaktan daw ako ng husto ni Eros kaya naman habang maaga pa lang, dapat lumayo na ako sa kanya.

            Pero parang hindi ko ata magagawa. Lalo na’t pansin ko lang, kahit saan ako magpunta, palagi ko siyang nakikita.

            Nang matapos ang musical play, nilingon ko ulit siya pero wala na siya sa upuan niya. Sabay naman kaming lumabas ni Elise ng theatre hall.

            “Ang ganda ng play ‘no, Enid? Nakaka-mangha!”

            Napatango ako, “oo! Thank you sa pag-sama sa akin ah?”

            “No problem! Anyway, sorry ah? Mukhang iiwan na muna kita. Nakapangako kasi ako sa kapatid ko na sasamahan ko siya mamili ngayon.”

            “Ay. Okay lang. Pauwi na rin ako.”

            “Sure? Pasensya na talaga!”

            “Okay lang. Okay lang. No problem!” nag thumbs up ako sa kanya.

            Nagpaalam na sa akin si Elise at nakita ko pa siyang sumakay sa taxi. Nang makaalis siya, bigla naman sumulpot si Eros sa tabi ko.

            “Hi,” naka-ngiti niyang bati.

            “Are you following me?” I asked him at hindi ko mapigilang mapa-ngiti.

            “Nabasa ko kasi sa isang libro na dapat, follow your dreams.”

            Napatawa naman ako sa sinabi niya, “alam mo bang gasgas na ang hirit na ‘yan?”

            Napakamot siya bigla sa ulo niya, “ganun ba? Makaluma kasi talaga ako. Anyway, nagustuhan mo ba yung play?”

            I shrugged my shoulders, “ewan? Maybe?”

            “Ba’t alangan ka? Hindi ka ba na-touch sa love story ng isang Greek god at mortal?”

            “Hindi. Kasi mga babaero ang mga Greek gods. Kaya nga ang daming demigods ‘di ba? Marami silang babaeng pinaibig at inanakan. Hindi sila stick to one!”

            “Uy! Hindi lahat ah!”

            “Sige nga, magbigay ka ng example ng isang god na hindi babaero?”

            “Actually marami. Pero ang pinaka-magandang example ay si Cupid.”

            Natawa ako bigla. “Really?”

            “Oo! Hindi mo ba alam ang love story ni Cupid at Psyche?”

            Natigilan ako bigla.

            Alam ko noong college ako, paborito ko ang English literature na subject lalo na pag Greek and Roman mythology na ang pinaguusapan. Kabisado ko ang lahat nang tungkol dito. Lahat ng gods and goddesses ay kilala ko.

            Pero hindi ko matandaan ang tungkol kay Cupid at Psyche.

            Teka, pinag-aralan ba ang story nila sa school? May nag e-exist bang storya nila?

            “Halata sa mukha mo na hindi mo alam ang storya nila,” sabi ni Eros and for a second, parang nakita kong lumungkot ang mukha niya. Madali niya lang ito naitago sa isang magandang ngiti.

            “At dahil wala kang alam tungkol kay Cupid at Psyche, ikukwento ko sa’yo ang love story nila. But before anything else, tara kumain muna ng lunch.”

            Bago pa ako maka-angal, hinila na ako ni Eros papasok sa isang restaurant.

To be continued…

***

Author's Note:

Nagugulat ako kasi may mga nagtatanong sa akin kung anong title ng story ni Cupid at ni Psyche at bakit wala raw ito sa My Works ko. Meron ding nagtatanong kung ako ba ang author ng story ni Cupid at Psyche. Medyo na-windang ang bangs ko. XD

Sa mga naka-misunderstood, parte po ng Greek Mythology ang story ni Cupid at Psyche. Hindi po ito wattpad story at mas lalong hindi ako ang author. LOL. Kung gusto niyong mabasa, search niyo lang kay mareng google. Type niyo lang ang "Cupid and Psyche"

By the way, mapag-aaralan niyo rin yan sa school niyo. 4th year HS ata tinuturo yun. World Literature. Mehehehe (at least medyo nabigyan ko na kayo ng background wahahahahaha)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: