Chapter 20 (12/29/14)
Chapter 20
[Jillian’s POV]
“Malapit na talaga mapunit ang bunganga mo dahil sa lawak nang ngiti mo,” sabi sa akin ni Cupid habang naka-sandal sa desk ko at kumakain ng burger.
“Mag-trabaho ka na doon! Layas! Para maka-uwi na tayo!” senyas ko naman sa kanya.
Overtime na naman kami sa trabaho dahil may kailangan kaming habuling deadline. Pero this time, hindi na namin kasalanan. Hindi kasi nakapag-pasa ng manuscript ng maaga yung dalawang authors kaya naman ngayon ay hinahabol namin ang deadline para ma-i-publish on time.
“I’m done with my work,” sabi ni Cupid sabay kagat ng burger na kinakain niya.
Nilingon ko siya, “paanong tapos ka na? Eh halos buong araw parang kumain ka lang dyan nang kumain eh! Pagka nakahanap si Sir West diyan nang mali sa trabaho mo, patay ka doon!”
I told him, a little smile escaped from my lips.
Tinignan ako maigi ni Cupid tapos napa-iling siya bigla.
“What!” irita kong tanong sa kanya.
Itinapon ni Cupid ang pinagkainan niya ng burger doon sa trashbin na nasa tabi ko atsaka siya lumapit sa akin at tinitigan ako maigi.
“Your heart is in danger, miss,” seryoso niyang sabi sa akin.
“A-and w-why is that?”
“Naiinlove ka na kay West,” sabi niya sa akin.
Hindi ako makasagot. Gusto kong itanggi yung sinasabi niya. I want to defend myself. Gusto kong sabihin na hindi naman ako na-i-inlove eh. Bakit ako ma-i-inlove sa kanya samantalang alam ko namang hindi siya nakatadahana para sa akin? Hindi naman ako tanga para hawakan ang kalderong nakasalang sa kalan dahil alam kong mapapaso lang ako.
Pero nanahimik lang ako at iniwas ko ang tingin ko kay Cupid.
“West is destined to be with someone else, Jillian,” mahinahong sabi ni Cupid bago siya tuluyang bumalik sa table niya.
Tuluyan nang nawala ang good mood ko at ngiti sa labi ko dahil sa sinabi sa akin ni Cupid. Mas na badtrip pa ako dahil na-realized ko kung bakit ang saya ko kanina.
Kasi mukhang threatened si Sir West dahil may secret admirer ako. Sa totoo lang, hindi ko iniisip kung sino ba talaga ang nagpapadala nitong mga regalong ‘to sa akin. Parang wala akong paki? Parang mas may paki ako sa ire-react ni Sir West?
And I really, really hate myself for this.
Halos 10pm na ako natapos sa pag p-proofread. Sinabihan ako ni Sir West na ihahatid na niya kami ni Cupid pa-uwi. (Ayaw akong iwanan ni Cupid. Ayaw niyang mapag-solo kami ni Sir West dahil baka kung ano raw ang gawin ko.) Pero hindi pumayag si Cupid. Sabi niya, mag c-cab na lang kami.
He used his power instead. Kaya wala pang isang minuto, nasa bahay na kami.
“Hungry?” naka-ngisi niyang tanong sa akin.
Hindi ako umimik at tuloy-tuloy lang akong pumasok sa kwarto ko.
“Kainin ko na ang carbonara mo rito ah!” sigaw ni Cupid. Hinayaan ko lang siya.
Sumalampak ako sa kama at tumingin sa kisame. Bakit ba nade-depress ako? Ano bang problema ko ha?! Bakit ako nagkakaganito?!
Anak naman ng!
Tumayo ako bigla sa kama at nag punta sa kitchen ko. Nakita ko naman si Cupid doon na kinakain ang carbonara ko. Ni-hindi niya naisipang alisin sa tupperware.
Inagaw ko sa kanya yung kinakain niya.
“Anong problema mo?!” irita niyang tanong habang punong-puno ng bibig.
God ba siya ha?! Ba’t wala siyang ka poise-poise?! Minsan napapaisip ako kung ginu-good time lang ako nito o nasa reality show ba ako eh!
Dinedma ko siya at kinain ko yung carbonara ko. Stress eating.
“You’re falling in love! Ayun ang problema mo,” sabi niya.
I glared at him at pinagpatuloy ko lang ang pagkain ko.
“Jillian, sa lahat ng mortal na nakilala ko, ikaw na ata ang may pinaka-pasaway na puso.”
Inilapag ko sa lamesa ang kinakain ko at bumuntong-hininga ako.
“Mali, Cupid. Hindi pasaway ang puso ko. Sadyang mortal lang talaga ako kaya ginugusto ko ang mga bagay na hindi pwede. Ayan naman ang hobby naming mga tao ‘di ba? Ang mag mahal ng taong hindi nila pwedeng mahalin.”
Lumapit sa akin si Cupid at ipinatong niya ang kamay niya sa balikat ko.
“Pero hindi ka lang basta mortal. Meron kang katungkulan na dapat gawin. At hindi mo magagawa yun kung nagiging sagabal ang puso mo.”
“Then tell me, paano ko maiiwasan ‘to? Paano mo nagagawa ang tungkulin mo nang hindi nagiging sagabal ang puso mo?”
He gave me a sad smile at ipinatong niya ang palad niya sa kanyang puso, “because this heart only belongs to Psyche. It only beats for Psyche. Kung pwede ko lang ipakilala sa’yo agad ang lalaking naka-duktong sa kapalaran mo, ginawa ko na. Pero hindi pa kasi panahon para mag tagpo kayo. Wag kang mag-alala Jillian, yung lalaking yun, mamahalin ka ng sobra-sobra. Higit pa sa pagmamahal na ipinapakita sa’yo ni West ngayon.”
Tumango ako pero hindi ko makuhang maging masaya o excited sa sinasabi ni Cupid.
Maybe he’s right. I am falling for West. Hindi pa man ako tuluyang nahuhulog, alam kong malapit na malapit na. Para akong nasa gilid ng bangin. Tanging pagkapit ko na lang sa bato ang dahilan kung bakit hindi pa ako nahuhulog.
Pipilitin ko ulit sumampa. Hindi ako pwedeng mahulog.
It’s Saturday morning. Ten minutes bago yung oras na sinabi ko kina Elise at Luke na magkikita kami para manuod ng musical play. At dahil ginagawa ko ang misyon ko sa kanilang dalawa, nandito pa rin ako ngayon sa sala ko, at sitting pretty na nanunuod ng TV.
Inutusan ko si Cupid na tawagan si Elise at sabihing may sakit ako kaya hindi ako makakasama. Syempre para mas maganda ang effect! Kunyari mataas ang lagnat ko kaya ni-pakikipag-usap sa kanila sa phone eh hindi ko na magawa.
“Oh Elise? Si Eros ‘to!” sabi ni Cupid habang kausap si Elise. “Hindi na raw makakasama si Jillian eh. May sakit kasi. LBM.”
Napatingin ako bigla sa kanya.
LBM?! Ay anak ng--!!!
“Oo. Nasa banyo siya ngayon. Hindi ka niya makaka-usap, baka marinig mo pa ang pag-iri niya. Ha? Naku ituloy niyo yan. Sayang ang tickets! Enjoy kayo ni Luke! Sige-sige, ikakamusta ko kayo kay Jillian. Bye!”
He ended the call at ibinalik sa akin yung phone ko. Tumayo naman ako at pinaghahampas ko siya ng unan.
“Nakakainis kang God of love ka! Bwiset ka! Nakakainis ka!”
“Aray ko! Wag mo akong hampasin! Isusumbong kita kay Aphrodite! Sasabihin ko papangitin ka niya lalo!”
“Leshe ka! Nag-sumbong ka pa sa nanay mo!” tuloy pa rin ako sa pag-hampas sa kanya.
Nakakayamot!
“Ito naman! Tinulungan ka na nga eh!” sabi niya sabay tayo at inayos ang damit niyang nagusot.
Doon ko lang napansin na bihis na bihis na naman ang isang ‘to.
“Saan ka naman mag o-audition ngayon?” pagbibiro ko sa kanya.
“Sa The Voice. Sige, male-late na ako. Baka mapagalitan ako ni Coach Sarah. Bye!”
At bago pa ako makapagpaalam sa kanya, naglaho na siyang parang bula.
So mag-isa ako sa bahay ngayon, ganun?
Paano kung maglaslas ako bigla?!
In-open ko na lang ang laptop ko at naisipang manuod ng movie. Tutal wala naman akong gagawin ngayong araw, ima-marathon ko na lang ang Harry Potter series!
Inilabas ko mula sa kwarto ko ang mga pinamili kong chichirya, chocolates at biscuit. Buti hindi pa nakakain ng God of Glutton—este Love ang mga chichirya ko. Bumili rin ako ng 1.5 na coke sa katabi naming tindahan. Nang mai-set ko na lahat, inumpisahan ko na ang panunuod.
Nasa gitna na ako nang Harry Potter 2 nang biglang may kumatok sa pinto ng apartment ko.
Sino naman ‘tong istorbong ‘to?!
Dali-dali akong tumayo at muntikan pa akong matalisod dahil sa nagkalat na chichirya sa sahig ko. Anak ng tokwa!
Yung kumakatok, tuloy pa rin sa pagkatok!
“Wait lang!” sigaw ko.
I opened the door at nagulat ako nang makita ko si Luke na naka-tayo doon.
“L-Luke? Teka, what are you doing here?! Di ba nanunuod kayo ng play ni Elise?”
Huminga ng malalim si Luke.
“J-Jillian….”
Napatingin ako bigla sa hawak niya.
Isang bouquet ng flowers at isang box ng chocolate.
“Jillian, pwede ba kitang mayayang mag lunch? I need to tell you something.”
To be continued…
***
Pansin ko lang, ang daming fans ni Edgar! Bakeeet? Hahahahahahaha
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top