Chapter 16 (12/6/14)
Chapter 16
[Jillian’s POV]
“Hay. Ibang klase talaga ang hagupit ng bagyong Jillian sa puso ng kanluran,” naka-ngising bulong sa akin ni Cupid habang naka-lean siya sa may desk ko at sarap na sarap sa pagkain ng pizza.
Sinimangutan ko siya. Ayan na naman kasi siya at nangaasar eh.
Paano, tatlong araw nang nagpapa-breakfast itong si Sir West sa opisina. Kung nung una ay pandesal at pancit canton ang binili niya, kahapon naman ay lugaw at tokwa’t baboy. Tapos ngayon, nagpa-pizza naman siya! Ano ba! May plano ba siyang waldasin ang sahod niya nang ganito lang?
“Okay lang ‘yan Jillian. Nag eenjoy ka rin naman sa mga binibili niya eh. ‘Di mo ba napapansin? Favorite mo lahat ang binibili niya!”
Mas lalo kong tinignan ng masama si Kupido. Ba’t ba parang aliw na aliw siya pag may mga nilalang na nag durusa o nagiging mukhang shunga at uto-uto nang dahil sa pag-ibig?!
“Ibang klase talaga ang tama ni Kanluran sa’yo,” iiling-iling na sabi ni Cupid sabay kagat ng pizza.
“Ibang klase rin ang tama ni Edgar sa asawa mo!” ganti ko naman sa kanya kaya biglang nawala ang ngisi sa mukha ni Cupid.
Ha! Ano ka ngayon!
Napalingon si Cupid sa pwesto ni Enid na ngayon eh masayang nakikipag-usap kay Edgar. Napailing na lang ako.
Sa tatlong araw na pag-pasok nitong si Cupid sa opisina namin, hindi niya magawang makalapit kay Enid dahil laging bantay-sarado itong si Edgar. Naawa naman ako kay Edgar. Alam ko kasi na the more na ginagawa niya ‘yan ay the more na tumataas ang pagasang unggoy ang magiging ka-happily ever after niya.
Mabait naman itong si Edgar. Hindi nga lang kagwapuhan. At may pagka maangas at mahangin kaya minsan nakakapikon talaga siya. Pero masipag naman siya.
Yung nga lang, walang kaalam-alam ang mokong na ‘to na God of Love ang kanyang binabangga.
“Kailangan na talaga akong umisip ng paraan para maging malapit kami ni Psyche. Hay kung nasa akin lang sana ang pana ko ngayon, magiging madali ang lahat.”
“Perks of being the God of Love.”
“Huh?”
“Pana ka lang nang pana. Alam mo kung sino ang nakatakda para kanino. Hindi katulad naming mga mortal, walang kaalam-alam kung sino ba talaga ang the one para sa amin. Kaya naman kapag nag mahal kami, palagi kaming nagbibigay ng effort sa mga taong minamahal namin. At ayun ang hindi mo naranasan. Ang mag bigay ng todo-todong effort.”
Napa-simangot lalo si Cupid, “nag e-effort naman ako eh. Sadyang ang laking hadlang lang ng Edgar na ‘yan.”
Tinaasan ko siya ng kilay, “hanggang doon na lang ba ang kaya ng effort mo?”
Hindi umimik si Cupid at naupo na siya sa pwesto niya. Hindi na rin niya naubos ang pizza na kinakain niya. Nawalan ata ng gana dahil sa akin. Pero bahala siya. Sana mapaisip siya sa mga sinabi ko.
Alam kong nakakainis si Edgar. But I am secretly thanking him na nagiging hadlang siya sa kanila ni Enid. Tingin ko kasi magiging walang kwenta ang pag break ng curse ni Ayesha kay Enid kung hindi ito paghihirapan ni Cupid.
Tahimik lang si Cupid na nagtatrabaho doon. Kinakabahan nga ako baka kung anu-ano na ang tumatakbo sa isipan niya. Kawawa naman si Edgar. Feeling ko masisira talaga ang future ng lalaking ‘yun.
Pagdating ng lunch break, yayayain ko sana si Cupid na sumabay sa amin nina Elise kaya lang nagulat ako nang dire-diretso siyang naglakad papunta sa desk ni Enid. As usual, hinarang naman siya ni Edgar pero nabigla ako nang tinabing siya ni Cupid.
“Alam kong hindi dapat pinipilit ang pagkakaibigan,” sabi ni Cupid kay Enid. “Pero pwede ba natin subukan kung may chance na magiging magkaibigan tayo? Pwede ba tayong sabay na mag lunch ngayon?”
Hindi agad nakasagot si Enid. Bigla na naman ulit humarang si Edgar.
“Wag ka nga sasama sa lalaking ‘yan. Type ka niyan eh,” hirit ni Edgar.
Hindi siya pinansin ni Cupid at nagaktingin pa rin siya kay Enid, “kung sinasamahan mo si Edgar, pwede mo rin akong samahan. Halata rin naman na type ka niya eh.”
Ha! Nice one Cupid! Ayan ang God of Love!
Nakita kong napangiti rin si Enid sa sinabi nito.
“Sige na nga, Eros.”
“Yes!” sigaw ni Cupid, “I-I mean.. yes. Hehe. Yes. Tara na?”
“Seriously?!” iritang sabi ni Edgar pero dinedma lang siya nina Cupid at Enid. Sabay na lumabas yung dalawa.
Pag butihin mo ‘yan Cupid!
Nahalata kong mukhang balak pa ni Edgar na sundan yung dalawa kaya naman agad ko siyang nilapitan.
“Uy! Edgar! Tara sabay ka sa amin kumain!” yaya ko rito.
Hindi naman siya nakapalag at napilitan na rin siyang sumama sa amin nina Elise. Kaya lang, pagdating sa cafeteria, humiwalay rin siya sa amin at naki-table doon sa mga kasamahan naming mga lalaki.
Buti naman at lumayas na siya. May iba pa kasi akong plano eh.
“Guys, gusto niyo bang manuod ng musical play sa Sabado?” tanong ko kay Elise at Luke habang kumakain kami. “May mga tickets kasi ako rito. Sayang naman kung hindi magagamit.”
“Sounds fun!” sabi ni Luke. “Sige ba!”
Tinignan ko si Elise, “ikaw Elise?”
“Hmmm. Hindi ata ako pwede sa Sabado eh.”
“Okay lang. May Sunday rin naman eh. Pwede namang sa Sunday tayo.”
“Pero kasi…” napatingin siya kay Luke at mukhang nag-aalangan pa rin siyang sumama.
“Sige na Elise, sumama ka na. Mas masaya kung tatlo tayo,” pagpipilit ko sa kanya. “Di ba Luke?”
“H-ha. Ah o-oo nga! Sumama ka na Elise!”
“Sige na nga!” mabilis na pagpayag niya.
Aba. Bakit nung si Luke na ang nagyaya, um-oo agad siya? Hmm.
“Okay! Naka-set na ah? Wag kayong mawawala!” sabi ko sa kanila.
Sa totoo lang, ako ang mawawala sa Sabado. Wala akong planong siputin silang dalawa. I think mas magiging malapit sila kung lalabas ulit sila na sila lang.
Hay, I’m proud of myself. Nagagawa kong i-matchmake ang mahal ko sa iba. Masakit pero hindi pa masyado.
Pero kailangan ko nang i-handa ang puso ko kapag naging successful na ako sa pag m-matchmake ng dalawang ito.
After lunch, nakita kong ngiting-ngiti si Cupid. Binilhan pa niya ako ng siopao bilang pasasalamat daw sa mga pinagsasabi ko sa kanya. At dahil masaya siya ngayon, inabuso ko naman ang kasiyahan niya at ipinasa ko sa kanya ang halos kalahati ng mga manusripts na dapat kong i-proofread. Masayang-masaya naman niyang tinaggap ang trabaho.
Mwahahaha. Okay lang ‘yan. God naman siya eh. Madali niyang matatapos ‘yan.
Nung hapon na pauwi na kami, bigla namang bumuhos ang ulan. Mabuti na lang talaga at palagi akong may dalang payong.
“Si Psyche,” sabi ni Cupid sa akin habang nasa may labasan na kami ng building.
Napatingin ako doon sa tinitignan ni Cupid at nakita ko si Enid na nakatayo sa hindi kalayuan. Mukhang wala siyang dalang paying kaya hindi siya makaalis.
“Cupid, it’s your chance!” bulong ko at inabot ko ang payong ko sa kanya. “Puntahan mo na siya!”
“Teka, paano ka?”
“Wag mo akong alalahanin. Dali na!” at pinagtulakan ko siya papalapit kay Enid.
Nakita kong kinausap ni Cupid si Enid at mayamaya lang din ay magkasabay na silang naglalakad paalis habang naka-silong sa payong ko.
Buti na lang wala si Edgar.
Napatingin ako sa kalangitan. Ang dilim na. At medyo malakas din ang ulan. Ngayon ko lang na-realize na ang shunga ko. Sana pala nagpahatid muna ako kay Cupid sa bahay gamit ang hocus pocus niya. Ngayon, paano ako uuwi?
Dahil walang choice at ayokong ma-trapped dito, lumusong na ako sa ulan. Goodluck talaga. Nawa’y wag akong magkasakit.
Nabigla ako nang may humatak sa braso ko at isinilong ako sa isang payong. Napatingin ako sa likuran ko at nakita ko si Sir West doon.
“Traffic, punuan, wala kang masasakyan,” sabi niya sa akin.
“Okay lang. Kaya kong mag-antay,” sagot ko naman.
“Hahatid na kita.”
“Ayoko.”
“Hindi kita tinatanong. Ihahatid na kita.”
“May karapatan akong humindi.”
“I-inuutusan kitang w-wag humindi! B-boss mo ako!” he told me without any conviction.
Nilingon ko ulit siya at nakita ko na naman ang nahihiya niyang mukha.
“Bakit kailangan mo pang gawin ‘to? I told you may iba na akong mahal.”
“Ihahatid lang naman kita. Hindi naman kita nililigawan eh,” mahinang sabi niya at parang any minute eh mag p-pout na siya.
Ano baaaaa! Nagpapaawa ba siya sa akin ah? Nagpapakonsensya ba siya? Kasi kung oo, effective eh! Sobra!
Okay Jillian, focus. Hindi ka dapat magpatalo sa kanya.
“Sir West, hindi mo ako pwedeng ihatid. Boss kita. Isa pa, kailangan mo nang itigil ang panlilibre mo ng breakfast sa mga kaopisina natin. Hindi mababago nun ang fact na may iba na akong mahal.”
Nakita ko sa expression niya na nasaktan siya sa mga sinabi ko. Tinamaan na naman ako ng konsensya. Ayokong pagsalitaan siya ng ganito pero kung hindi ko ‘to gagawin, aasa at aasa lang siya sa akin.
Kaso akala ko tatalikod na ulit siya at iiwan ako, kaya lang tinignan niya ako ng seryoso.
“Paano kung sabihin ko sa’yong wala na akong pakielam?”
“H-ha?”
“Wala na akong paki kung boss mo ako at may iba ka nang mahal. Hindi ko kasi kayang lumayo sa’yo, Jillian.”
Napa-iwas ako nang tingin, “t-tumigil ka na West. Please.”
“Bakit hindi mo ba ako mabigyan ng chance?”
Huminga ako nang malalim, “kasi hindi ako ang para sa’yo.”
“Paano mo naman nalaman ‘yan?”
“B-basta! Basta alam ko.”
Naramdaman kong lumapit si West sa akin. Napabalik ang tingin ko sa kanya at doon ko lang nalaman na sobrang lapit na pala niya sa akin.
“Pero paano kung ikaw talaga ang para sa akin?” seryosong tanong niya.
“I-imposible.”
“Edi gagawin kong possible.”
Napalunok ako. Full of determination ang nakikita ko sa mga mata niya. Para bang kahit anong tulak ko sa kanya, hinding-hindi siya lalayo.
Kinabahan ako bigla.
I am in deep trouble.
To be continued…
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top