Chapter 14 (12/1/14)

Chapter 14

 

[Jillian’s POV]

 

“Oh my gaaasssh!!! Oh my gosh! Hala! Patay! I’m dead! Patay! Anong gagawin ko?! Saan na ako pupulutin!” natatarantang sigaw ko habang pabalik-balik akong naglalakad sa harapan ni Cupid.

            “Calm down,” chill na chill niyang sabi habang naka-hilata siya sa sofa at busy kumain ng chichirya.

            Tinignan ko ng masama si Cupid. Maayos na ang istura niya. Mukhang napagaling na rin niya ang sarili niya doon sa mga tumamang bola ng ilaw sa katawan niya. Isa pa, tuyong damit na ngayon ang suot niya.

            Maayos na rin naman ako ngayon. Naka t-shirt at pajama na nga ako eh. Ang kaso lang…

            ANAK NG PANA NAMAN OH! Nakalimutan kong may trabaho ako ngayon! At nag AWOL ako nung dalhin ako ni Cupid sa kweba! Ang pag-alis ko ng hindi nagpapaalam sa opisina ay considered as AWOL. At ang AWOL ay equals to goodbye job kapag hindi ako nakapag-produce ng katanggap-tanggap na excuse.

            Anong gagawin ko? Paano ko i-e-explain ang sarili ko? Anak naman ng--!!

            “Wag ka ngang mataranta, Jillian. In love naman sa’yo ang boss mo kaya hindi ka nun patatalsikin.”

            “User! Isa pa hindi lang si West ang boss ko ‘no! May mas mataas pa sa kanya!”

            “Okay. In love sa’yo si West kaya hindi ka niya isusumbog sa mas mataas pang boss para hindi ka mapatalsik.”

            Sinimangutan ko si Cupid at pumasok ako sa kwarto ko para magpalit ng matinong damit. Pupunta na lang ako sa office ngayon at bahala na si batman kung ano ang idadahilan ko. Nawa’y patawarin ako ni Sir West. Sana wag akong mapatalsik sa trabaho. At nawa’y maabutan ko pa siya. Past five na at uwian na. Sana nag overtime ulit ngayon si Sir West.

            Dahil nag mamadali ako, simpleng pants at t-shirt lang ang sinuot ko at dali-dali na akong lumabas. Kaya lang, napahinto ako bigla nang ma-realized ko na lahat ng gamit ko ay naiwan ko sa opisina. Kahit ang cellphone at wallet ko.

            Paano ako aalis?!

            Nilapitan ko si Cupid at inagaw ko ang chichirya na kinakain niya.

            “Uy ano ba! Ibalik mo sa akin ‘yan! Nag i-stress eating ako dito eh!”

            I glared at him, “MAS STRESS AKO! Dalhin mo ako sa office namin!” utos ko sa kanya.

            Oo, ako na. Ako na ang nanguutos sa isang Olympian God.

            Napaayos ng upo si Cupid, “wala akong kotse. Hindi kita madadala.”

            Pinanliitan ko siya ng mata.

            “Oo na! Ito na nga, dadalhin ka na sa opisina mo!”

            Napangiti ako. Marunong naman pala makuha ang isang ‘to sa tingin.

            Cupid offered me his arm at isinukbit ko naman ang kamay ko doon. Maya-maya lang ay nag liwanag na ulit sa kapaligiran namin, at sa isang iglap lang ay nandito na kami sa elevator ng building ng opisina ko at paakyat papunta sa office.

            “Ituro mo nga sa akin ang technique na ‘yan. Laking tipid nito sa oras at pamasahe.”

            “Mga Gods and Goddesses lang ang may kakayahan ng ganito. Hindi ka isang Goddess kaya wag kang umasa.”

            Sinimangutan ko siya. Hindi man ako Olympian goddess, mukha naman akong dyosa!

            Nang marating na naming ang opisina ko, dali-dali akong pumasok doon. Wala na ang iba kong mga ka-opisina pero andoon pa si Luke at Elise. Agad naman nila akong sinalubong dalawa.

            “Jillian! Where have you been?!” tanong ni Luke sa akin. “Anong nangyari sa’yo?”

            “H-ha e-emergency,” palusot ko.

            “Bakit? Anong nangyari?” tanong naman ni Elise.

            “Yung lola namin sinugod sa ospital. Sa sobrang taranta namin eh hindi na kami nakapag-paalam,” singit ni Cupid.

            “How’s your lola?” tanong ulit ni Elise.

            “O-okay naman na siya.”

            Biglang napa-buntong hininga si Luke, “hay good thing. Akala namin kung ano na ang nangyari sa’yo eh. Pinakaba mo kami lahat.”

            “S-si Sir West nasaan?”

            And right on cue pagkasabi ko nun, biglang nag bukas ang pintuan ng opisina at pumasok si Sir West. Halata ang gulat sa mukha niya nang makita niya ako pero bigla na lang naging cold ang tingin niya sa akin atsaka siya dumiretso sa loob ng opisina niya.

            “Kanina ka pa niya hinahanap Jillian,” bulong sa akin ni Elise. “Nung nawala ka, umalis siya sa trabaho para hanapin ka.”

            My heart sink. Magkahalong, kaba, takot at konsensya ang naramdaman ko dahil sa sinabi ni Elise.

            “Kakausapin ko lang siya.”

            Kumatok ako sa opisina niya pero hindi siya sumagot. Ganun pa man, lakas loob na akong pumasok sa loob at nadatnan ko siya sa may desk niya na nakapatong ang ulo sa dalawa niyang kamay.

            “Sir West…”

            Inangat niya ang tingin niya sa akin. Ang cold ng mga mata niya. Mas bumilis ang tibok ng puso ko.

            “S-sorry nawala ako kanina. M-may emergency po kasi at—at hindi ko na nagawang magpaalam. Sorry po talaga at hindi na talaga mauulit.”

            Tumayo siya at nilapitan niya ako.

            “Boss mo ako,” sabi niya habang nakatingin ng seryoso sa akin. “And I should fire you for what you’ve done. Policy ‘yun ng kumpanya eh.”

            Napapikit na lang ako at napaiwas ng tingin. Gusto kong ituloy ang dahilan ko na sinugod ang lola ko sa ospital (which is hindi nakakakonsensya kasi wala naman akong lola), kaya lang hindi ko magawang makapag-sinungaling sa kanya. Masyado na akong nakokonsensya.

            “Pero nung nawala ka, I don’t have any intentions of firing you.”

            Napamulat ulit ako napatingin sa kanya. He’s still looking at me seriously at palapit na siya ng palapit sa akin.

            “Ang gusto ko lang mangyari kanina ay mahanap kita dahil kabadong-kabado ako.”

            Bigla niyang hinawakan ang magkabilang braso ko.

            “S-Sir West…”

            He pulled me closer to him at niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

            “And I’m so glad you’re here. I’m so glad you’re safe. Akala ko kung ano na ang nangyari sa’yo. You scared me.”

            “Sorry po, Sir West,” bulong ko sa kanya.

            Humiwalay siya sa pagkakayakap sa akin at tinignan niya ulit ako ng seryoso.

            “Hindi kita kayang parusahan, Jillian. Let’s just forget what happened today.”

            Bigla akong nakaramdam ng matinding konsensya.

            Ganun na lang yun. Hindi na niya ako pinagalitan na dapat ay gawin niya dahil deserve ko naman. Ni-hindi ko nga naipaliwanag sa kanya maigi ang pagkawala ko sa trabaho kanina eh.

            Napahinga ako ng malalim, “Sir West, I am really thankful na hindi mo ako pinatalsik sa trabaho o sinubong sa mga big boss. Kaya lang ikaw na ang nagsabi na boss kita. At sa tingin ko, nagiging unfair ka na sa ibang empleyado rito. Hindi ka dapat mag-alala sa akin ng husto o ang pag bigyan ako sa mga ganitong bagay.”

            “P-pero ‘di ba magkaibigan tayo?”

            “Ayun lang ba talaga ang inaasahan mo sa relasyon natin?”

            Hindi siya nakasagot. Iniwas niya agad ang tingin niya sa akin at halata ko na ang pamumula ng mukha niya.

            “H-hindi ba ako dapat umasa?” halos pabulong niyang tanong sa akin.

            “I’m sorry but I’m in love with someone else.”

            Tinalikuran ako ni Sir West pero kitang kita ko ang pangangatog ng kamay niya.

            “I’ll give you two days suspension. You may leave now,” mariin niyang sabi.

            “Thank you, sir.

            Lumabas ako ng opisina niya na ang bigat-bigat ng pakiramdam. Hindi man ako napatalsik sa trabaho at napaka-gaan lang na parusa ang ibinigay niya sa akin, pero ang bigat-bigat pa rin ng pakiramdam ko.

            Ganito pala ang feeling pag nakakasakit ka.

            To be continued…

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: