CHAPTER 9


Chapter Nine


Alarm ng cellphone ang gumising sa akin kinabukasan, nang tingnan ko kung para saan 'yon ay dahil pala sa schedule ng pagkuha namin ng Toga na gagamitin para sa graduation sa sunod na linggo.

Sariwa pa rin sa akin 'yong naging pag-uusap namin ni Les kagabi at mabigat pa rin sa dibdib. Tinatamad akong bumangon sa kama at tsaka dumiretso sa pagkuha ng tuwalyang nakasabit sa pinto ng closet.

Nang mapadako ang tingin ko sa salamin ay bahagya pa akong natawa dahil sa repleksyon ko. Talo ko pa ang pinagsakluban ng langit at lupa, ang itim ng ilalim ng mata ko at halatang kulang sa tulog.

Hindi ko alam kung paano aakto kapag nagkita kami ni Les, lalo na at alam kong pareho kaming malungkot dahil sa sitwasyon namin. Ilang araw na lang ay graduation na, tapos ay kailangan ko ng umalis dito para maghanda sa pag-aaral ko sa kabilang syudad.

Simpleng white shirt lang ang napili kong isuot tsaka 'yong school jogging pants namin. Wala ako sa huwisyo para pag-isipan pa ang isusuot dahil pagkakuha ko naman ng Toga sa school ay balak kong umuwi kaagad.

Mabilis akong natapos sa mga kailangang pirmahan kaya nakuha ko na rin agad ang Toga nang bigla akong akbayan ni Renz.

"Pare, sasama ka? Mag-arcade kasi kami ng mga taga-Section 4," bungad niya agad tapos ay itinuro si Kevin na kasama ang mga kaibigan namin sa nasabing klase na pawang nagtatawanan.

"Nakakatamad, Renz. Pass muna ako." sagot ko na mas ikinailing niya.

"May sakit ka ba? Ang tamlay mo." puna niya pa tsaka ako matamang tiningnan. Ewan ko ba kung bakit napaka-hyper at daldal niya ngayon.
Ang gaan ng aura niya.

"Hindi, medyo tinatamad lang talaga ako." pangangatwiran ko tsaka inalis ang braso niyang nasa balikat ko.

"P're, 'yon pala ang bebe mo," itinuro niya ang gawi kung nasaan sina Lesley at;
"Les-"

"Una na ako, ingat na lang kayo." mabilis ang naging pagkilos ko tsaka lumayo kay Renz na bahagyang natigilan sa akmang pagtawag kay Les. Pero huli na dahil nakuha na niya ang atensyon ng mga ito.
Dinig ko pa na ilang beses niya namang tinawag ang pangalan ko pero hindi ko na sila nilingon.

I don't know why I'm suddenly acting this strange. Natatakot ako at nakokonsensya- hindi ko pa kayang harapin si Les. Kulang pa ako sa lakas ng loob at kumpyansa, baka nga hindi ko mapigilan ang sarili ko ay bigla na lang akong umiyak sa harap niya kapag nagkausap kami.

"Reck.."

And fvck, here she is. Paanong nandito na sya agad? Hindi ba't iniwan ko sila roon?
Am I spacing out?

"Les, uuna na ako. Wala ka bang kasabay? Ihahatid na kit-"

"Stop the crap, Reck. Ano bang problema mo?" mabilis na lumapit sa akin si Lesley kasabay ng tanong na 'yon.
Humakbang naman ako paatras.

"May gagawin lang talaga ako sa bahay, kailangan ko ng umuwi." tipid na sagot ko at akmang lalampasan na sya ng bigla niya akong hawakan sa palapulsuan.

"Tatakas ka? Hanggang kailan mo balak tumakbo?" mahinang tanong niya pero sapat lang ang diin para iparamdam na naiinis sya.
"Ang duwag mo Jereckson. Sige umalis ka na kung 'yan ang gusto mo." dagdag pa niya tsaka bumitaw sa pagkakahawak niya sa akin.

"I'm sorry, Les.."

'Yon na lang ang nasabi ko bago ako nagsimulang humakbang palayo. Nang lingunin ko sya ay naglalakad na rin sya papunta sa salungat na direksyon.

Tang- Reck, ang gago mo.

Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko bago ko tinungo ang pwesto niya para habulin. Agad ko syang hinawakan sa kamay bago hinila paharap sa akin.

"I'm sorry beb, I'm sorry. Tama ka nga, ang duwag ko." sambit ko sa pagitan ng mabigat na paghinga habang yakap ko sya.

"Okay lang na matakot, take your time." mahinang sagot niya bago ko naramdaman ang marahang pagtapik niya sa likod ko.
Wala nang mababakas na pagkayamot sa tono ng boses niya.

"Hatid na kita, tara? Namiss kasi kita. Mamimiss kita," bulong ko pa bago sya pinatakan ng halik sa ulo.

Kumalas na rin sya sa pagkakayakap sa akin bago ginulo ang buhok ko at ngumiti ng matamis.

"Tara na my future engineer, hatid mo na ako sa bahay." sambit niya at tsaka inialok ang kamay niya sa akin na masuyo ko namang tinanggap.

Now that our days together are being count, I will make sure to spend the most of it to the fullest.
Hindi na ako magsasayang ng ni ilang minuto katulad kanina.


Kahit gaano ko piliting hilingin na bumagal ang oras ay nakakatawang parang lalong bumibilis. Sa isang araw ay graduation na namin at nakaplano na agad ang paglipat ko ng lugar ilang araw pagkatapos noon.

Sa dalawang buwan na bakasyon ay sa apartment muna ako ni kuya Binoy tutuloy at tsaka na lang lilipat sa university dorm kapag nagsimula na ang school year. Sasanayin daw muna kasi nila ako sa pasikot-sikot sa kabilang syudad gayundin sa paraan ng pagbyahe. Kailangan ko raw kasing kayanin ang mga bagay na 'yon nang mag-isa lalo na at may trabaho naman si kuya kung kaya't hindi niya ako laging masasamahan kung may dapat akong puntahan.

Soon, I will be living independently. Hindi ako takot sa ideyang iyon pero syempre medyo may pangamba ako dahil malalayo ako sa nakasanayan ko.
Kumbaga, lalabas ako sa comfort zone ko.

"Dadalhin mo pa ba itong ibang libro mo, anak?" tanong ni Mama habang abala sya sa pag-aayos ng mga gamit ko. Ni ang mga damit ko nga ay nakalagay na sa traveling bag at maleta, ang natira na lang sa closet ay ilang damit pambahay at 'yong susuotin ko para sa graduation day.

"Hindi na po, Ma." tipid ang sagot ko at pinanood lang sya sa ginagawa. Kung si Mama ang tatanungin ay ayaw niya na sa malayo pa ako mag-aral. Pero nauunawaan din naman niya ang desisyon ni Papa at ang punto kung ba't ganoon ang naging plano nito.
Sabi nga ni Les, 'yong "best" lang naman ang hangad ng bawat magulang para sa anak nila.

"Mamimiss kita, Mama.." sa sinabi ko ay agad syang napalingon sa akin na malungkot ang mga mata, "Lalo na 'yong mga luto mo na walang makakapantay, baka mag-dieta ako kapag nag-dorm na." dugtong ko pa kung kaya't mabilis niya akong nilapitan.

Naupo sya sa kama katabi ko at tsaka ngumiti ng malamya.

"Kung ako ang masusunod ay ayaw ko naman na mahiwalay ka sa amin. Hindi ako sanay lalo na at ikaw ang bunso sa inyong magkakapatid. Ikaw ang pinakamalambing at pinakamalapit sa akin, 'nak. Pero.." nagpakawala muna siya ng buntong-hininga bago umiwas ng tingin.
"Ang Papa mo naman ang dapat masunod pagdating sa mga ganitong bagay. Mas alam niya ang dapat at sang-ayon naman ako sa mga katwiran niya. Pasensya na, Reck." bakas sa tono niya ang pagkalungkot kung kaya't mabilis ko syang nginitian para hindi na sya mag-alala.

"Okay lang po ako, 'ma. Kaya ko naman, malakas yata 'to." pagyayabang ko pa at marahang tinapik ang dibdib ko.
"Hindi naman na po ako baby, kaya ko na nga kayong bigyan ng ap-" at naputol ang sasabihin ko ng malakas niya akong hampasin sa braso.

"Aba Jereckson kung anu-ano agad ang sinasabi mo! Ni wala ka pa nga sa wastong gulang ay pagbibigay agad sa akin ng apo ang bukambibig mo." panenermon ni Mama habang magkasalubong na ang kilay na nakatitig sa akin.

"Joke nga lang Ma, marami pa akong pangarap. Ipagpapatayo ko pa kaya kayo ng mas malaking bahay," seryosong sabi ko bago sya inakbayan.
"Tatalunin pa natin 'yong White House, o kaya ay 'yong Malacañang Palace. Mas malaki pa roon Mama," dagdag ko pa tsaka nag-muestra.

"Naku, kahit maliit basta magkatotoo na lamang," pambabara niya sa sinabi ko tsaka tumawa.

"Seryoso ako Ma, hintayin n'yo lang kapag naging engineer na ako."

Hindi na sumagot si Mama at tsaka marahan na lang akong tinapik sa pisngi na para bang sinasabing "naniniwala ako sa 'yo".
Sapat na 'yon para madama ko na suportado n'ya ako sa ambisyon ko.

Kinagabihan ay kasama ko sina Les, Shai, Annie, Kevin at Renz alinsunod sa plano naming mag-overnight sa isang resort. Lahat kami ay maayos namang nagpaalam sa kani-kaniyang magulang at maswerte namang pinayagan.

Nasa dalampasigan lang kami at nakapaikot sa maliit na bonfire na pinagtulungan naming gawin kanina. May mga chips at soda sa isang tabi pero nananatili iyong walang bawas.
It's like we're just solemnly savoring the moment as days after we will be separated from each other.

"Dapat ba tayong mag-bid ng goodbyes? I mean, bukas kasi abala na tayo para sa preparation for graduation. Tapos, may kani-kaniya tayong plano pagkatapos mismo ng ceremony kaya hindi na tayo makakagala. And after that, we will be leaving this place." malungkot ang tono ni Annie nang sabihin 'yon na halatang malapit ng umiyak.

Wala kasi sa amin ang magkakasama sa iisang academy para mag-aral ng Senior high school. Lahat sila ay sa malayo rin planong mag-aral kaya talagang magkakahiwa-hiwalay na kami ng landas. Si Les pala ay itinuloy pa rin ang planong pagpasok sa Emilio, hindi niya pinili ang dream university niya kaya sya lang ang mananatili sa lugar namin.

"Iiwanan n'yo kasi ako. Ang pangit n'yong lahat." buntong-hininga ang kasunod ng sinabing iyong ni Les tsaka kami tiningnan isa-isa.
"Mamimiss ko bardagulan n'yong apat. Lalo na 'yong rants ni Annie kapag napipikon sya kay Kevin. Pati na rin 'yong pagmamaldita ni Shai kay Renz."

Natawa kaming lahat dahil doon pero bahagya ring natigilan nang magtama ang paningin namin sa isa't isa.

"Aalis na ang mga pogi sa school, mamimiss tayo ng mga chix natin sa lower year." biro ni Kevin at napangisi pa.

Saglit namang tumayo si Renz para kumuha ng bottled soda at buksan iyon.
"Hindi ko kayo mamimiss. Pwede naman kasing mag-video chat." sabi niya maya-maya bago sumimsim mula sa hawak na inumin. Pero sinong niloko niya? Halata rin naman na mabigat ang loob niya kahit hindi sya vocal sa pagsasabi na mahalaga ang turing niya sa bawat isa sa amin.
Apat na taon kaya kaming magkakasama.

"Advance happy graduation everyone, congrats sa atin!" Shai tried to lighten the mood as she starts to throw us bottled drink.

"Siraulo, Shai!" reklamo ni Annie nang hindi niya masalo ang boteng inihagis ni Shai kaya nadungisan iyon ng buhangin. Inabutan naman sya ni Renz ng tissue pampunas doon.

"Idinamay mo 'yong bote. Pinaranas mo ring hindi saluhin," panunukso ni Kevin kaya binato rito ni Annie ang hawak na bote pero nasalo naman ng huli.

"Better luck next time, tombi." patuloy pa rin na pang-aasar ni Kevin pero hindi na pinatulan ni Annie.

"Oh, mayro'n na ba lahat?" tanong ni Shai tsaka kami sinulyapan isa-isa.
"Nasa'n na 'yong iyo, Annie?" nagtatakang puna niya nang makitang walang hawak na bote si Annie.

"Nasa pangit," sagot nito kaya agad napalingon si Shai para tingnan si Kevs.

"Heto na nga, bato ka ng bato riyan tapos magrereklamo ka. Tsaka hoy, hindi ako pangit." puna ni Kevin bago ibinalik dito ang soda, padabog naman 'yong hinablot ni Annie.

Amused, Kevin just chuckle before leaving her alone. Bumalik na sya sa pwesto katabi ko kasi nasa pagitan namin sya ni Renz.
Nasa kabilang gilid ko naman si Les, sunod ay si Annie tapos ay si Shai.
Bale, ang magkatabi rin ay si Shai at Renz.

"Alright, now that we're all set. Cheers to us!" masiglang sambit ni Shai bago itinaas ang hawak niyang bote.
Natatawa man ay itinaas na rin namin ang kani-kaniyang hawak bago ngumiti at tsaka uminom doon.

Pagkatapos noon ay ini-connect na ni Kevin ang cellphone niya sa Bluetooth speaker tsaka sya nagpatugtog ng rock music. Abala naman si Shai sa pagkain ng chips habang nanonood kay Renz na naglalaro ng mobile games.

Maya-maya ay nagtatalo na naman sina Annie at Kevin dahil masyado raw maingay ang tugtog pero ayaw naman palitan ni Kevs ang kanta.

"Ang cute nila, 'di ba?" komento ni Les bago ko naramdaman ang pagsandal niya sa balikat ko.

"Nakakatawa pa rin sila. Hindi yata matatapos ang araw na hindi nag-aaway 'yang dalawang 'yan." pagsang-ayon ko sa sinabi niya tsaka natawa.
"Inaantok ka na ba? Hatid na kita sa kwarto n'yo nina Annie." alok ko dahil nang sulyapan ko sya ay nakapikit na.

"Hindi pa naman ako antok, tsaka gusto ko pa kasi kayong kasama." sagot niya bago tumingin sa akin at ngumiti.
Inakbayan ko na lang sya at hindi sumagot kaya mas sumiksik sya sa akin.

"Ain't never felt this way, can't get enough so stay with me." saglit na tumingala si Les para tingnan ako pero nginitian ko lang sya at nagpatuloy sa pagkanta.

"It's not like we got big plans, let's drive around town holding hands."

"Hmm?" she murmured as she let go from me to have my full view.

"And you need to know, you're the only one.. alright, alright."

"Bola, Reck." pambabara niya sa lyrics ng kanta bago ngumiti ng malawak.

"Ayaw ko na, bola lang pala." kunwaring nagtatampo na sabi ko kaya agad niyang hinawakan ang kanang kamay ko at inipit gamit ang dalawa niyang kamay.

"Sing it, dali na beb." malambing na sabi niya bago itinapat ang palad ko sa pisngi niya.

"And you need to know, that you keep me up.. all night, all night.. Oh, my heart hurts so good.. I love you babe.. so bad, so bad."

Nanatiling nakatitig sa akin si Les na tila aliw na aliw, akmang uulitin ko na ang huling linya nang;

"Oh, my heart hurts so good, I love you babe.. so bad, so bad." dugtong niya tsaka ngumiti.
"Dito ka dali," hinila niya pa ako bago sinalubong ng yakap.

Sa ikinikilos niya ay hindi ko tuloy maiwasang maalala ang katotohanan. I will be leaving her soon.

And yes, it hurts. So bad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top