CHAPTER 8


Chapter Eight

First week na ng April at wala ng ginagawa ang mga estudyante at halos pumapasok na nga lang para sa natitirang memories na gusto nilang bauunin bago matapos ng Junior High School.
Sa sunod na linggo na ang Moving Up Ceremony or Graduation.

Nitong nakaraan ay madalas na lang kaming magkakasama nina Shai, Annie, Les, Kevin at Renz sa open ground o hindi kaya ay dito sa canteen. Katulad na lang ngayon na alas nueve pa lang ay nakatambay na agad kami  rito habang kumakain.
Si Kevin ang pasimuno dahil hindi pa raw sya nakain ng agahan.

"Ang KJ no'ng mga teacher na tuloy pa rin ang klase gayung gawa naman na ang mga report cards. Ano 'yon? The show must go on?" reklamo ni Renz na halatang mainit na agad ang ulo.
Napuna kasi sya kanina no'ng Math instructor namin dahil nahuli syang natutulog.

"Ba't ka kasi nagpahalatang tulog ka? Siraulo ka talaga pre," puna ni Kevin habang pinipigilan na tumawa.

"Tingin niya ba may makikinig pa sa mga x at y niya? Hinihintay na nga lang natin maka-graduate tapos todo turo pa sya.." dagdag ni Renz at yumuko na sa mesa namin.
Hindi na sya interesado na makipag-argumento kaya nagkatinginan na lang kaming lima bago pinigilang matawa.

"Sa Emilio kayo, 'di ba Les?" tanong bigla ni Shai bago tumikim sa milk tea na in-order niya kanina.

"Oum, STEM si Reck tapos HUMSS ako. Bakit?" tanong din ni Les bago ako sinulyapan na tila ginagarantya kung may ideya ako sa biglaang pagtatanong ni Shai.
Nagkibit-balikat na lang ako kaya ibinalik niya ang tingin sa kaibigan.

"Uh, mali lang siguro ako? Akala ko kasi ay may nabasa ako sa isang university page, nevermind." tumatawang sagot ni Shai bago sya sumulyap sa akin na parang may alam sya.

Praning na yata ako?

Hindi naman na nag-usisa si Les dahil busy na ulit sya sa pagbabasa ng dala niyang Academic book tungkol sa Philippine Constitution.

"Reck, pakisuyo naman sa basurahan." tawag ni Shai sa akin maya-maya bago iniabot ang walang laman na milktea cup.

Hindi na ako nagtakang ako ang inutusan niya, si Renz kasi ay nakayuko pa rin sa mesa samantalang si Kevin at Annie ay kasalukuyang nagtatalo.

Kinuha ko naman na ang cup at tsaka naglakad patungo sa labas dahil nandoon ang pinakamalapit na trash can. Bago pa ako makabalik ay nakasalubong ko rin naman sya sa may pintuan.

"Tingnan mo, lalabas ka rin pala inutusan mo pa ak—"

Naputol ang sinasabi ko ng iharap niya sa akin ang screen ng cellphone niya. Nakabukas iyon sa Facebook page ng University kung saan ako pilit pinag-exam ni Papa. Nakapost na pala ang listahan ng mga pumasa at kasama roon ang pangalan ko.

"Shit.."

"Oo, shit ka Reck. Kapag nakita 'to ni Les, ano na lang mararamdaman niya? Napakakampante niya na sa iisang school kayo. Ba't ka nag-take ng exam sa PIU? Akala ko ba ay sa Emilio na kayo?" seryoso na ang tono ni Shai at halatang dismayado.

Sa kanilang tatlo nina Les, si Shai talaga ang parang counterpart ni Renz. Tahimik pero intimidating. Si Annie at Kevin naman 'yong parehong mga kwela at magaling mang-asar.

"Si Papa ang may gusto na sa Philippine Int'l University ako. Agaran 'yong desisyon at alam ko na alam mong istrikto ang tatay ko. Nangatwiran naman ako tsaka tumanggi kaso parang hindi naman na niya kinailangan ang opinyon ko." mahinang paliwanag ko bago napasandal sa pader.

"At anong balak mo kay Les? Hindi mo sya sasabihan? Paano pala kung sya 'yong makakita nitong announcement ng PIU? Ayusin mo na agad Reck, kung ayaw mong mawala sya sa 'yo dahil lang sa paglilihim mo." may diin ang pagsasalita ni Shai bago ako iniwanan at bumalik na sa loob.
Halatang disappointed sya at naiinis.

Ilang segundo pa akong tumitig sa kawalan bago ako napahinga ng malalim tsaka sumunod sa kanya sa loob.
Tang ama, bakit kasi kailangan pang magkaganito?

  Kinagabihan, inihanda ko na ang sarili ko sa magiging reaksyon ni Les dahil sa sasabihin ko.

Hindi lang naman 'yon issue na magiging LDR kami kasi kaya ko namang pumuslit para makita sya kahit linggo-linggo pa. Wala akong pake sa haba ng byahe. Ang problema rito ay 'yong pagsira ko sa "plano" naming dalawa.

"Inaantok na ako, Reck. Kanina mo pa akong tinititigan lang, akala ko ba may sasabihin ka kaya ka nag-aya ng VC?" komento ni Les bago kinusot ang mata at tsaka tumitig sa akin.

"Ang seryoso ah, may namatay ba? Halah, not a good joke. Pasensya," mabilis niya ring sabi bago tumagilid sa higaan at humarap sa akin.

"Problema, beb?" malamyos ang boses na sabi niya bago ako hinintay lang na magsalita.

"Uh, ano.. enrollment pa ba sa school na sinasabi ni Ate Yhanie?" panimula ko pero agad nagsalubong ang mga kilay niya.

"Hindi ko alam kasi hindi naman na ako nagtanong, bakit? Gusto mong doon na lang tayo?" puno ng kuryosidad na tanong niya at mas inilapit sa mukha ang screen ng cellphone. Parang mas napalapit din tuloy sya sa akin.

"Gusto mo ba roon, beb? Nalaman ko kasi doon mo naman balak mag-enroll talaga kaso nagbago lang nitong naging tay—"

"Labas ka na sa desisyon ko, Reck. Worthy ka naman kasi, ayos lang." mahinang sabi niya na parang napakadaling bitawan ng pangarap niya dahil lang sa akin.

Am I really worthy?

"Heto lang ba pag-uusapan natin? Inaantok na ako beb," reklamo niya ulit tsaka pumikit.

"Les.. nakapasa ako sa.. PIU," sa unang dalawang salita pa lang ay mabilis na syang napamulat at tumitig sa akin.

Nang matapos ko ang sinasabi ko ay agad kumunot ang noo niya at hindi ako makapaniwalang tinitigan.

"I'm sorry beb," kinakabahan na dugtong ko pa at ine-expect na papatayan na niya ako ng call.

But instead.. she smile.

"Mataas standard ng PIU kasi balita ko 'yon lang admission exam ang kailangang ipasa tapos diretso hanggang college na as long as maintained ang grades na required ng estudyante. Meaning, matalino ka talaga beb. I'm so proud of you." mas humihina ang boses niya hanggang sa mag-offcam na sya.

"Les.. si Papa kasi.."

"Alam ko, hindi ka naman.. magdededisyon ng gan'yan kung sarili mo lang. Naiintindihan ko, Reck." putol-putol at mahinang tugon niya mula sa kabilang linya.
Alam kong umiiyak na sya at pinipigilang magpakawala ng hikbi.

"Les, hwag mong tuparin mag-isa 'yong plano na tayong dalawa ang gumawa. Mag-enroll ka sa school na sinasabi ni Ate Yhanie, 'yung dream university mo. Alam kong malayo pero... malayo rin naman ako," nanghihinang pangungumbinsi ko sa kanya habang nakatitig sa camera ng cellphone.

I didn't turn off my camera. Gusto kong makita niya 'yong sincerity ko habang kausap niya ako kahit pa hindi ko kita ang reaksyon niya.

Few more minutes before I heard some scratching sound until she turn her camera on.

Maayos ang hitsura niya bukod sa ilong na medyo namumula pa senyales na kagagaling nga lang niya sa pag-iyak.

"Distansya lang naman 'yung malayo, ano? Ayaw ko namang sawayin mo 'yong magulang mo dahil lang sa akin. Isa pa, 'yong best lang ang gusto nila para sa 'yo, lahat naman ng magulang gano'n.." nakangiting paliwanag ni Les para ipakitang nauunawaan niya 'yong sitwasyon.

"Yung hindi ko pag-eenroll ko sa dream university ko, sariling desisyon ko na 'yon kaya magkaiba ang kaso natin." dagdag niya pa at tsaka tiningnan ang reaksyon ko.

Yes, it's another case as she sacrifice her personal ambition just for 'our plan'. Sariling desisyon niya 'yon pero ako rin naman ang dahilan. Mas pinili niya ako kaysa sa pangarap niya.

Somehow I know she's still hurting because I can't chose her contrary to what she did.
It's just.. I can't. Napakawalang kwenta ko sa parte na 'yon.

At this very moment, Les was doing all her best to support me and encourage me to accept my father's decision when in fact she's already bleeding inside.
  Bakit ba kasi ang selfless niya?

"Hindi na rin naman matutuloy 'yong orihinal na balak natin kaya sana i-pursue mo na lang 'yong plano mo bago pa nagkaroon ng tayo. Sa gano'n, kahit papaano mapapalagay ako kasi gusto mo rin yung.. pinili mo," malumanay na sabi ko pero ipinagkibit niya lang ng balikat.

"Les.." babala ko pero malamya lang syang ngumiti.

"Susubukan ko, bahala na. Hindi ko alam, Reck." pag-amin niya tsaka umiwas ng tingin.
Naiwang nakatagilid 'yong cellphone samantalang nakatitig na yata sya sa kisame.

"I don't have any back up plan. I just realized that recently I rely too much of my life on you. Hatid-sundo, simple dates, reviewing, Senior High School choice and even my schedule." pag-iisa-isa niya hanggang sulyapan niya ako sandali at agad ding umiwas ng tingin.

"So does it mean we will also breach the agreement about College? Kasi sa PIU ka na magte-take ng Engineering 'di ba?" biglang lumungkot ang boses niya at hindi naman ako agad nakasagot.

"I.. I don't know, Les. Putcha, hindi ko na alam, sorry." naguguluhan na sagot ko sa sobrang hiya sa kanya.
Ang bigat sa pakiramdam na iiniwan ko sya sa ere; sa planong kaming dalawa ang gumawa.

Paano ba naman kasi ay balak naming sa same university rin sana mag-aral sa College.

"Les, alam kong sobra na kung hihilingin ko pero.. pwede bang sa PIU ka na lang rin mag-College?" kinakabahan na tanong ko pero agad ding napalitan ng pagtataka nang mapait syang ngumiti sa akin.

"Hindi natanggap ang PIU ng tranfereees, lalong hindi ng mga estudyante na hindi sa kanila nagtapos ng Senior High. Diba nga SHS Admission exam lang ang meron sila tapos wala ng College entrance examination? Last batch na rin ng exam 'yong ini-take mo, sira ka Jereckson.." nagpakawala ng mahinang tawa si Les pero kulang 'yon sa sigla.
Halos hangin lang na agad nabura.

Oo nga pala. Nyeta. Peste rin kasi ng patakaran sa PIU, ang epal.

"Kakayanin naman natin 'yong LDR, napaka-basic," dugtong niya at tsaka ngumiti.

"Paano ka?" malungkot na tanong ko habang tila pinipiga 'yong puso ko. Napakalayo ng mga nangyayari ngayon sa plano naming dalawa.

"Anong paano ako? Syempre ako na bahala sa sarili ko. Basta alagaan mo rin sarili mo roon, ha?" sagot niya at tinitigan na ako.

"Mami-miss ko 'yong mga kalokohan mo, 'yong pangbbwisit mong bumubuo rin sa araw ko. Lahat naman actually, I will miss everything about you.. about us," she emotionally said as her tears flow.
Tuloy sa pag-agos 'yong luha niya pero nakangiti sya sa akin.

"Hindi naman tayo matatalo ng distansya lang, duda ako. Baliw na baliw ka kaya sa akin," pagyayabang niya pa tsaka natawa ng bahagya at pinunasan ang luha.
Sa hitsura niya ngayon ay gusto ko syang yakapin, ako ang dahilan kaya sya umiiyak. Nasasaktan sya.

"Sobrang baliw na baliw, SPO1.." pagsang-ayon ko sa sinabi niya kaya mas lalo syang natawa.

"Proud 'yan because?" pang-aasar na niya bago suminghot.

"Kadiri, Les ang dugyot mo," biro ko na kaya agad syang nag-off ng camera. Sunod ko na lang narinig ay ang pagsinga niya kaya agad akong napatawa.

"Baka sa kumot ka na suminga ha?" pang-iinis ko pa kaya nang mag-on sya ng camera ay 'yong rolyo ng tissue ang bumungad sa akin.

"Kita mo 'yan? Hindi mo alam 'yan kasi wala kayo n'yan," pagyayabang niya bago itinapat sa mukha niya ang camera.

"Tulog na tayo beb, ang sakit na ng mata ko.." mahinang sabi niya na halatang pagod.
'yong mata niya medyo namamaga na nga.

"Goodnight beb, I love you.." sagot ko na ikinangiti niya.

"Babye, I love you Reck.. lagi." then she hurriedly cut the call as she burst into tears.
Iyakin talaga. Ang galing niyang magpanggap na ayos lang sya basta kaharap niya ako kahit pa sa totoo lang ay sobrang nasasaktan na sya.

As the call ended, I stare at my phone for a moment with my heart's still beating so wild as I needed to gasp for air. Iyong luhang kanina ko pa pinipigilan ay agad kumawala hanggang sa nagtuloy-tuloy na.
Wala pa mang nangyayari ay namimiss ko na agad sya ng sobra.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top