CHAPTER 7


Chapter Seven


  Bumaba na ako para sa agahan pagkatapos kong maligo. Asul na polo shirt ang napili kong isuot tsaka maong jeans. Naka-tucked in iyon at pinaresan ko ng leather shoes. Magpapalit din naman kasi ako mamaya ng safety shoes pagdating ko sa construction site.

"Good morning, love. I cooked your favorite for breakfast, si Ash tapos nang kumain. He just ate pancakes and his chocolate drink. Kain na tayo?" nakangiting bati agad sa akin ng asawa ko pagpasok ko pa lang sa dinning area.

Si Alex ay nakaupo na at matyagang naghihintay sa hapag habang abala sa origami niya.

"Yeah, let's eat.." tugon ko bago hinila ang isang upuan at pumwesto na roon. Tila nagulat naman sya na sasabay akong kumain ng agahan kaya tensyonado syang naupo sa kabilang upuan katapat ko. Tinabihan niya kasi si Alex sa kabilang panig ng mesa.

Madalas kasi ay umaalis ako sa bahay nang hindi na kumakain ng agahan kaya iilang beses lang nila akong nakakasabay sa hapag. Moment like this is just too rare for all of them.

"Papa's going to eat with us? Sayang kasi kuya finished his meal already. We should have finally eat together as a whole," komento ni Alex bago nagsimulang kainin ang cereal niya na nasa bowl.

Mabilis naman akong tiningnan ni Angel; my wife, at tsaka itinuon ang pansin sa bunsong anak namin.

"Baby, you know that Papa's busy right? His work was demanding and time-consuming, pero he's keeping up naman 'di ba?" paliwanag niya para ipaunawa ang sitwasyon kay Alex.

"Alam ko po, it's just that I'm happy today," she gave a genuine smile for her mom then to me.
Somehow, I kinda feel like I was stabbed in chest.

Malaki na nga yata ang pagkukulang ko sa kanila bilang ama. At alam kong mas malaki ang pagkukulang ko kay Angel bilang asawa.
When was even the last time I gave her gifts that's not occasion-based?

I can't even remember. Kasi hindi naman niya ako kailanman sinumbatan sa mga pagkukulang ko. Nananatili syang umuunawa at nagtitiis.
I guess I just really mess big time with my family. Wala akong pinagsisisihan paano ako napapunta sa puntong ito ng buhay ko pero mali rin naman na napapabayaan ko sila.

Angel just as her name, save me. She saved me. She was there through my darkest phase, at the most chaotic state of my life. When everyone given up, she came along and gave me hope.
When I loss her, she arrived.

***

"Hindi naman ako bothered sa exam kasi mataas naman ang nakuha kong score pero--- hey, nakikinig ka ba?"
Naputol ang pagkukwento ni Les at naka-arko ang kilay na sinundan kung saan ako nakatingin. Nang makitang 'yong babaeng papalapit sa amin ang tinitingnan ko ay mabilis niya akong sinikmuraan.

"Kaya naman pala, Jereckson," naiinis na sabi niya tsaka ako masamang tinitigan.
Buti na lang talaga hindi nakakamatay ang titig ano?

"Les naman, ikaw lang naman maganda para sa akin," malambing na sambit ko bago tinangkang hawakan ang kamay niya.
Dahil nga wala sya sa mood ay tinampal niya ang kamay ko at tsaka ako inambaan ng kamao niya.

"Ako lang? Baka nga kung wala ako rito ay nilapitan mo na 'yon, sige lang Reck. Paghusayan mo," banta niya bago kinuha ang bag niyang nasa tabi ko.

Nasa convenience store kasi kami ulit at katatapos lang kumain ng merienda. Medyo na-stress daw kasi si Les ngayon dahil last day na ng final exam tapos ay puro core subjects ang magkakasunod sa naging schedule nila.
Uwian naman na at tapos na ang final examination.

Inaya ako nila Kevin mag-arcade pero auto-pass ako nang mag-rant sa akin si Les sa chats hanggang alukin ko sya na ililibre ng ice cream dahil iyon ang comfort food niya. Natutuwa naman syang sumama sa akin.

Last week na nga pala March at sa second week naman ng April ang graduation namin kaya halos lahat talaga ng estudyante ay abala.
Maliban sa akin kasi ang pogi ko. Chos.

Naipasa ko naman na kasi lahat ng requirements, nakapag-exam na rin for finals. Clearance na lang talaga tsaka graduation day ang hinihintay ko.

"Oh, iiwanan mo ako? Les naman! Joke nga lang, inaasar lang kita ano ba?" habol ko sa kanya pero nang tingnan niya ako ulit ng masama ay tinikom ko na ang bibig ko.

"Mga rason mo, sala sa hulog. Dagdagan mo pa kasalanan mo ha?" halatang iritable na sya kaya hindi na lang ako nagsalita.

Sinundan ko na lang sya sa tabi ng kalsada habang naghihintay sya ng masasakyan samantalang magkasama kaming pumunta rito sakay sa motor ko.

"Hatid na kita, baka kung anong mangyari sa 'yo kapag nagbyahe ka. Paniguradong mapapagalitan ako ng mga ate mo, kasi kahit naman na-warningan ako ng mga 'yon alam naman nila na hatid kita lagi.."
Sa halip na ngumiti ay inismiran pa ako ni Les bago ako hinarap.

"Ah, kaya mo lang ako hinahatid kasi takot ka kina ate?" nang-aakusa na tanong niya tsaka ngumisi.

Ba't ba para syang imbestigador kung umasta? Ano bang problema niya?

"Hindi gano'n beb, ano ba. Nasa mood ka bang mang-away? Tama na, sorry na. Bati na tayo," sumusukong sabi ko bago humakbang palapit sa kanya.

"Sorry na? Napilitan ka gano'n?" puna niya ulit at mas ini-emphasize pa ang salitang 'NA' sa sinabi ko.

Frustrated na akong napasapo sa noo bago huminga ng malalim. Uso ba ang toyo ngayon?

"Parang ready ka ng magpatiwakal, ano itutulak na kita sa kalsada?" komento niya bago ibinalik ang tingin sa paghihintay ng masasakyan.

"Baka hindi? Itulak mo raw?" naghahamon na sagot ko bago lumapit sa kanya. Umuurong naman sya habang nakatitig sa mata ko.

"D-Doon ka nga, Jereck para kang sira!" singhal niya pero hindi ko sya sinunod. Iilang pulgada na lang ang pagitan namin ng hawakan ko sya sa braso at hilahin papalapit.

"Ikaw nga lang maganda sa paningin ko, at kung may humigit man.. wala akong pakialam. Sila ba mahal ko? Ikaw naman 'di ba?" mahinang sabi ko bago ngumiti.
Namumula ang pisngi at tila nagulat sa ikinilos ko ay nanahimik naman na sya.

Nang hilahin ko sya papapunta sa parking lot ng convenience store kung saaan nakaparada ang motor ko ay aalma pa sana sya pero;

"Hwag kang aalis, subukan mo lang at iuuwi talaga kita sa bahay namin.." seryosong sabi ko kaya agad din syang natigilan sa tangkang paglayo.

Inabala ko naman ang sarili sa pagbubukas ng toolbox ng motor ko at nang ilabas ko roon ang isang paper bag ay agad na napasulyap sa akin si Les.

"Nakalimutan mo ano? Happy 4th monthsarry, beb.." bati ko bago i-abot sa kanya ang maliit na paper bag.

Ilang segundo pa syang hindi kumurap bago nahihiyang nagtakip ng mukha gamit ang mga kamay niya.

"Shit, I'm sorry beb nakalimutan ko!" sabi niya at nanatiling nakayuko. Pansin ko rin ang panginginig ng balikat niya at pasimpleng pagpupunas ng mukha.
Damn, she's crying.

"H-Hey, okay lang. Busy ka sa schoolwork, natural lang 'yon kasi running for honor ka. Naiintindihan ko naman, Les. Shit, hwag kang umiyak oy!" nagpa-panicked na alo ko sa kanya tsaka sya marahang hinagod sa likod.

Iniiwasan niyang tumingin sa akin.

"Les, kaya nga dalawa tayo sa relasyon. Dapat may isang uunawa, kaya ayos nga lang.." pagpapatahan ko pa sa kanya bago i-abot ang panyo ko.
Kinuha naman niya 'yon at tsaka humihikbing pinunasan ang masaganang luha na naglalandas sa pisngi niya.
'Yong ilong niya pulang-pula na.

"Occupied ako ng gawain pero hindi ko dapat nakalimutan, hindi justifiable 'yon. Walang acceptable na rason lalo na kung importante 'yong involved," litanya niya tsaka ako tiningnan.
"I..  I love you, Reck. Seryoso ako sa 'yo, hwag mo sanang iisipin na hindi ka mahalaga kasi—"

And I just shut her by pulling closer as my arms envelop her.

"Shh, best drama queen award goes to Lesley. Sa 'yo na ang tropeo at korona kaya manahimik ka na. Hwag ka ng mag-speech, kasi sa dulo naman isa lang sasabihin ko. Mahal din kita at paulit-ulit kong sasabihin na ayos lang. Hindi mo naman sinasadya, busy ka lang talaga.." nakakaunawang sabi ko bago sya mabilis na dinampian ng halik sa noo.

Ramdam ko na 'yong pagpipyesta ng kung ano sa tyan ko, hindi lang 'to paru-paro.. buong zoo na yata?

"Uwi na tayo, baka isipin ng mga ate mo ay itinanan na kita," pagbibiro ko na bago sya bitawan.

"Uh-hmm.." mahinang tugon niya naman bago kinuha ang paper bag na iniabot ko sa kanya.
Ngumiti muna sya ng bahagya bago umiwas na naman ng tingin.

"Happy monthsarry, beb.." dagdag niya pa at tsaka pumikit ng mariin at kinagat ang ibabang labi dahil sa hiya bago naglakad palapit sa motor ko.

Nang humarap sya ulit sa akin ay parang walang nangyari na hinagis niya sa akin ang helmet ko, mabuti't nasalo ko.

Fvck.
How can she be so damn attractive then change into her normal self in just a split of seconds?
Ni hindi pa nga kumakalma ang puso ko na epekto ng pagkakayakap ko sa kanya!

"Jereckson, ihahatid o magbabyahe na lang ako?" untag niya ulit bago tila naiinip na nag-cross arms pa.

Napailing na lang ako bago sya nilapitan at marahang tinapik sa ulo.

"Opo na SPO1, hahatid na nga po.." pagbibiro ko na ikinatawa niya.

"Goods," komento niya pa bago isuot ang sariling helmet.

  Pagkauwi ko pa lang ay nakakapagtakang nakaparada na sa garahe ang sasakyan ni Papa gayung alas cinco pa lamang. Alas siete pa dapat ang dating niya.
Napabilis tuloy ang pagtatanggal ko ng sapatos bago iyon inilagay sa shoe rack.

Nadatnan ko si Mama at Papa na nasa salas, lalapit na sana ako para magmano pero napatigil ako ng tingnan ako ni Papa na halatang seryoso.

"Jereckson, unahin mo ng magbihis at may pag-uusapan tayo.." salubong agad niya bago inimuestra ang kwarto ko.
Nang sulyapan ko si Mama ay mabilis naman ang naging pagtango nito sa akin na tila sinasabing sumunod na lang ako.

"Opo Pa," sagot ko bago nagmamadaling pumasok sa kwarto.

Shit, ano ba kasing nangyari?

Pagkahubad ko ng school uniform ay mabilis na akong naghagilap ng damit pambahay.
Kung anong nasa ibabaw na tupi ng damit sa closet ay iyon na lang ang isinuot ko. Tiningnan ko muna ang repleksyon ko sa salamin at nagpakawala ng malalim na buntong-hininga bago nagpasyang lumabas.

Nang makalapit ako kay Mama at Papa ay nag-mano lang ako bago itinuro ni Papa ang katapat na sofa. Naupo naman na ako roon.

"Saang Senior High school ka nga nag-enroll?" diretsong tanong ni Papa bago ako tinitigan sa mata. Pilit ko namang ibinalik ang tingin niya at pinanatiling seryoso ang hitsura.

"Sa pinakamalapit po sa atin, doon po sa Emilio Integrated Senior High School," sagot ko bago kinakabahang napaupo ng tuwid.

Nakapag-enroll na kasi kami pareho ni Les sa school na 'yon noong nag-opening for enrollment kasi limitado lang ang slot. Humanities and Social Sciences and strand na kinuha niya samantalang Science, Technology Engineering and Mathematics naman ang akin.

Teka, wala naman balak na iba si Papa ano?

"Mag-pull out ka na kasi sayang ang slot na na-okupa mo. Doon ka mag-aaral sa private school sa kabilang syudad. May private dorm din naman sa loob ng campus kaya hindi ka na mapapagod sa layo ng byahe. Kung ayaw mo naman ay doon ka sa apartment ng kuya Nelson mo makisama dahil iisang lokasyon lang din naman," tuloy-tuloy ang paliwanag ni Papa sa pinal na tono at parang hindi naman na kailangan ang opinyon ko.

Teka, punyeta?
Ano?

Si Les agad ang naalala ko dahil paniguradong malulungkot 'yon at masasaktan. Shit.

May offer nga sa kanya si Ate Yhanie para doon sya sa malayo mag-aral pero tinanggihan niya dahil sa napag-usapan namin na roon kami sa Emilio.

"Pa.. naka-enroll na ako, hinihintay ko na nga lang maka-graduate. Ayos naman ang pagtuturo sa Emilio, mataas ang passing rate sa college entrance examination ng mga graduates nila. Tsaka mas convenient na dito na lang ako, ba't lalayo pa po?" pangangatwiran ko pero parang walang narinig si Papa at nanatiling nakatingin sa akin.

"Private University na ang papasukan mo Jereckson, pagka-graduate mo roon ng Senior High School ay diretso ka na sa kursong gusto mo sa kolehiyo. Wala ng Entrance examination, maliban sa admission exam ngayong Senior High School. Sa Lunes ka magte-take ng exam kasi last batch na 'yon at sasamahan kita para makita mo ang facility."

"Pa.. kaya ko namang pumasa sa Entrance exam ng ibang sikat din na university. Alam kong kilala 'yong school na sinasabi n'yo pero talo ko pa ang nakakulong kapag doon ako nag-aral. Halos pitong taon na roon lang ako? Ano ako preso?" tugon ko pero tumayo na si Papa bago sinimulang tanggalin ang necktie niya.

"Para rin sa future mo 'to, maghanda ka na para sa Lunes. Aasahan kong makakapasa ka," bilin niya sa tila nag-uutos na tono tsaka tinahak na ang daan papasok sa kwarto nila ni Mama.

Fvck.

"Ma.." tawag ko pero marahan na lang akong tinapik ni Mama sa balikat.

"Makinig ka na lang anak, kilala mo naman ang Papa mo.." komento niya at tsaka sinundan si Papa.

Paano ko ngayon 'to sasabihin kay Les? Damn!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top