CHAPTER 5


Chapter Five


  Kasalukuyan kaming nasa labas ng school ground dahil tapos na ang klase, nagmemerienda lang kami at nakikigulo sa ibang estudyante na nasa hilera ng mga street food vendor.
Kasama ko sina Shai, Les, Annie, Kevin at tsaka si Renz. Madalas namin 'tong gawin dati dahil magkakatropa naman na rin kami, medyo busy lang talaga kami nitong nakaraan kaya ngayon na lang ulit nagkasama-sama.

"Ang takaw mo sa kwek-kwek, Shai. Kaya lumolobo na rin yang pisngi mo," pang-aasar ni Kevin kay Shai na sinamaan lang nito ng tingin.

Kung magkasundo kami ni Les, para namang aso't pusa ang mga 'to. Magulo kapag nagkasama-sama kasi mga ayaw patalo. Dati nga ay binibiro namin sila na may mga gusto sa isa't isa kaso hindi raw. Ngayon may kani-kaniya silang jowa at support lang namin.

"Hindi ko seseryosohin sinabi mo Kevs, hindi ka naman kasi talaga kaseryo-seryoso," ganting pang-aasar ni Shai maya-maya at itinuloy na ang pagkain.

"Kalmahan mo, Kevs. Babae 'yan ha?" dagdag panunukso ko tsaka natawa.

"Babae ba? Hindi halata pre, mas malakas pa sa aking kumain," hindi papatalo na sagot ulit ni Kevin bago uminom sa palamig niya.

"Ah, hindi halata teka.." susugod na sana si Shai kaso pinigilan sya ni Annie.

"Kalmahan mo sis, baka mamaya umiyak pa 'yan kapag pinatulan mo," awat nito at tsaka isinubo ang kikiam.

"Sino kayang iyakin?" nakisabat na rin si Renz na nanonood lang kanina. Si Les naman ay panay lang ang tawa at iling.

"Mabulunan ka, tuwang tuwa ka riyan ah?" puna ko sa kanya bago i-alok ang isang baso ng palamig na tinanggap naman niya.

"Ang lakas kasi talaga nilang mag-asaran buti at hindi sila napipikon," paliwanag niya at tsaka natawa na naman. Tuloy pa rin kasi sa pagtatalo 'yong apat.

"Alam nyo, apat tayo pero ba't feeling ko tayo pa 'yong third wheel dito?" puna ni Annie sa amin ni Les kaya napatingin na sa amin ang lahat.

"Malisyoso ka Annie, nananahimik kami ni Reck dito," kontra ni Les at pasimpleng uminom.

"Ay may kayo? Kailan pa? Last chika mo wala ah?" pang-uusisa na rin ni Shai na balak yata kaming pagtulungan.

"Wala nga, ang epal nyo. Sina Kevs at Renz kaaway n'yo 'di ba?" reklamo ko naman at itinuro pa sina Kevin na tahimik nang kumakain ng siomai.

"Hoy gagu pre, napaka-supportive naman, solid.." sarkastiko ang pagkakasabi ni Kevin na sa tingin ko ay balak na akong batukan.

"Idinawit tayo dahil sa sa bebe niya, i-F.O. na natin Kevs. Ipamigay na nga natin 'yan," suhestyon ni Renz na tinanguan naman ni Kevin.
Mga gunggong!

"Les, una na kaming umuwi ha? Hahatid ka naman ni Reck." maya-maya ay paalam ni Shai matapos bayaran 'yong kinain nila.

"Hmm, daya. Sige lang, ingat kayo," magiliw na sabi ni Les bago niyakap 'yong dalawa.
Ilang saglit pa ay kaming apat na lang ang natira nina Renz.

"Alangang pumapel pa kami? Una na rin kami pre, ingat sa inyo este ingat kayo.." paalam na rin nina Kevin tsaka nagbayad diretso layas.

"Ayos ah, iniwan tayo?" naiiling na sabi ni Les at magbabayad na rin sana kaso pinigilan ko. Ako rin naman kasi ang nag-aya sa kanya rito.

"Reck, epal.." babala niya pero naiabot ko na ang bayad. Wala na tuloy syang nagawa.

"Sa susunod hayaan mong ako ang magbayad ng kinain or binili ko. Ilang beses na natin 'tong pinagtalunan, Reck.." sermon niya habang papunta kami sa parking lot ng school.

"Opo na SPO1. Minsan lang naman kasi," paliwanag ko tsaka ibigay sa kanya ang helmet na para naman talaga sa kanya. Kaya dalawa lagi ang dala ko kasi may laan nang isa para sa kaniya.

"Kapag tayo na, hati na tayo sa gastusin. Depende sa presyo," dagdag ko pa bago sumakay. Umangkas naman na sya sa likuran.

"Reck.. alam mo naman 'di ba?" nanghihingi ng paunawa na sagot niya.

Alam ko naman, dama ko naman na gusto niya rin ako kaso ayaw niya pang mag-commit. Bukod sa mapapagalitan sya ng mga ate niya, baka makagulo lang kasi.. bawal pa.

"Intindi ko naman, okay lang. Hindi naman natin kailangang magmadali," tugon ko bago sya sinulyapan. Tumango naman sya ng ilang beses dahil doon bago humawak sa beywang ko.
With that, we leave the campus and I sent her home. Hindi pala, sa kanto lang ulit malapit sa kanila. -___-

  Dalawang linggo na agad ang lumipas at ilang araw na lang ay huling buwan na ng taon.
Malamig na ang simoy ng hangin dahil nga yuletide na.

"Magpa-Pasko ka yatang single, pre?" biro sa akin ni Kevin tsaka ini-flex ang lockscreen ng cellphone niya. Isa sa mga babae niya.
I mean, girlfriend niya.

"Walang gano'n, siraulo 'to," sagot ko na lang bago napaisip. I know she likes me, and I respect that she's still uncertain about us but.. hindi pa ba sya kumbinsido na seryoso ako?
Ay potek, ano bang iniisip ko?

"Si Renz patahi-tahimik lang pero may bebe rin 'yan, diba pre?" hindi pa rin tumitigil sa pang-aasar si Kevs tapos hetong si Renz tumango pa bilang pag-sang ayon sa sinabi niya.

"May reto ako sa 'yo, Reck. Taga-kabilang academy, maganda tsaka sikat tapos talen-- ano ba?!" sigaw niya ng batukan ko sya.

"Anong pake ko, Kevin. Alam mo namang si Les lang ang gusto ko, siraulo ka," bwelta ko tsaka tumayo.
Nakakaasiwa mga kalokohan nito.

"Hanapin ko lang bebe ko, yawa kasi dinedemonyo ako ng isa riyan," naiiling na paalam ko tsaka naglakad na palayo. Hindi naman kumontra si Renz at natatawa na lang sa ginawa ko kay Kevs. Medyo napalakas yata banat ko?

"Napaka-loyal mo kasi, pre. Kapag iniwan ka n'yan baka mabaliw ka!" sigaw pa ni Kevin pero hindi ko na pinansin.
Asa naman syang iiwan ako ni Les. Syempre hindi.. sana. Tang ama baka nga masiraan ako ng bait kapag gano'n. -__-

"Annie, si Les?" tanong ko kay Annie nang makarating ako sa classroom nila, nakatambay kasi sya sa hallway nila. Last class na pero pinayagan nang lumabas ang mga estudyante kasi may general assembly naman ang mga teacher. Kaso nga lang ay hindi pa pinapayagang lumabas ng school ground ang kahit sino.

"Pasok ka na lang sa loob, nasa desk niya yata kasi may tinatapos na activity," sagot nito at tsaka tumango.
Bahagya na lang akong ngumiti bago sinunod ang sinabi niya. Pamilyar na rin naman kasi ang klase nila sa akin. Bawat break time at lunch time kasi ay pinupuntahan ko si Les para i-check kung kumain na ba sya. Buti nga hindi sya nauumay sa pagmumukha ko? Teka, hindi nga ba?

"Uy, sipag naman this girl. Mine na po," mahinang bati ko nang nasa tapat na ako ng upuan ni Les. Masyado syang busy sa ginagawa kaya hindi na napansin ang pagdating ko.

"Halah, ba't ka nandito? Teka.." ililigpit na sana niya ang ginagawa pero naupo na ako sa bakanteng armchair katabi ng pwesto niya.

"Hwag na, dito na lang. Tapusin mo na 'yan," saway ko at tsaka sya tinitigan.

"Nakakahiya, hindi ka naman taga-rito," puna niya na ang tinutukoy ay ang pagkakaiba namin ng section.

"Mas sanay na nga yata mga kaklase mo sa akin kaysa sa 'yo mismo," pagbibiro ko tsaka kinawayan ang ilang kakilala sa kaklase niya.

"Oy Reck, ikaw pala 'yan bro," bati pa no'ng isa na ikinailing na lang ni Les.

"Sinusuhulan mo mga 'yan noh?" pang-aasar niya tsaka nagsimula na ulit magsulat.
Nakasalamin sya at nakatali ng mataas ang buhok, messy bun yata tawag doon. May ilang hibla rin kasi ng buhok ang nakakalat sa mukha niya. The view was just so fascinating.

"Lesley, hindi ka ice cream pero baka matunaw ka na," panunukso ni Shai nang mapansin kami bago lumabas ng classroom.
Maang naman na napatingin sa akin si Les na halatang hindi narinig ng ayos ang sinabi ng kaibigan.

"Ang ganda mo raw kahit haggard, sana all daw," komento ko na lang na tinugon niya ng kibit-balikat.
Halatang rush 'yung ginagawa niya kasi roon lang sya nakatutok. Okay lang, sapat na sa akin iyong nandito sya. Kasama ko, katabi ko.

  "Hmm, too young too dumb to realize.." as I started humming Les suddenly glance at me with an imaginary question mark on her head.

"That I should have bought you flowers.. and held your hand," then I smile at her.
Slowly, she seems like realizing what I'm doing. Akala ba niya tumutula ako?
Ngumiti lang sya sa akin tsaka ipinagpatuloy na ang ginagawa.

"Should have gave you all my hours.. when I had the chance," masyadong malungkot nga pala 'yong kanta. Nakakairita.
Medyo nahalata yata niya na humina lalo ang boses ko kaya napatingin ulit sya sa akin.

"Take you to every party 'cause all you wanted to do was dance.." with our gaze lock into each others, I sing those lines.

"Now my baby's dancing.. but she's dancing with another ma—"

"Hindi mangyayari, Reck. Imposible," kontra niya sa lyrics at tinapik ako ng mahina sa pisngi.

"Akala ko ba si Renz ang sad boy sa tropa nyo? Ba't papalitan mo na yata?" komento niya tsaka ako tinitigan.
Ewan ko pero sumisikip ang dibdib ko. Paano kapag nawala sa akin ang babaeng kaharap ko? Hindi ko kaya.

"Hoy? Ayos ka lang ba?" untag niya ulit tsaka marahang sinapo ang noo ko.

"Matino ka pa?" tawag niya ulit na tinanguan ko lang ng bahagya.

"Opo, sige na tapusin mo na muna 'yang ginagawa mo," komento ko bago ngumiti ng tipid. Nag-aalangan man ay itinuloy na niya ang pagsusulat at paminsan-minsan ay sumusulyap sa akin para siguro siguraduhin na maayos lang ako.

Ilang minuto bago tumunog ang bell hudyat na uwian na ay natapos na rin naman si Les sa ginagawa. Nagmamadali pa syang tumayo pero hinawakan ko sya sa kamay.

"Saan ka?" nagtatakang tanong ko bago tumayo na rin.

"Ipapasa to 'to kay Sir, hanggang ngayon na lang kasi pwede," pressured na sagot niya pero hindi ko pa rin binitawan ang kamay niya.

"May general assembly ang mga teacher diba? Akin na, ako na magpapasa.." alok ko bago akmang kukuhanin ang ilang papel na hawak niya.
Nagpapaubaya naman na niya iyong ibinigay sa akin.

"Hintayin mo ako rito, sabay tayong uuwi," bilin ko bago tumakbo palabas ng classroom nila. Magulo sa hallway kasi kani-kaniya ng labas ang mga estudyante para umuwi. Tapos na rin ang meeting kasi may natatanaw akong ilang teacher na palabas na rin dala ang gamit nila.
Shit.

Nang i-check ko ang papel ay Science activities pala iyon, pareho ang teacher namin sa subject na 'to kaya kilala ko kung sinong hahanapin. Sa Laboratory lagi nakatambay si Sir Alday kaya roon na ako dumiretso.

"Good afternoon Ma'am, nasa Lab pa po si Sir Alday?" bati at tanong ko sa isang teacher na ang pagkakaalam ko ay taga-Science Department din.

"Naku, nagsarado na sya ng Lab, hijo. Tingnan mo baka nasa parking lot na iyon at pauwi na," sagot niya kaya matapos magpasalamat ay mabilis na akong tumakbo patungo sa parking lot.
Damn, ang layo pa!

"Sir Alday! Sir!" halos isigaw ko na ang buong lalamunan nang makita ko si Sir na papasok na ng kotse niya. Tang ama!

Mabuti narinig niya naman ang pagtawag ko at hinintay niya akong makalapit.

"S-Sir.. k-kay... Lesley po ng Grade-10, Section 1," hinihingal na sabi ko bago iabot ang papel sa kaniya.
Saglit pang tila nag-isip si Sir bago iyon tanggapin at tingnan. Bahagya syang ngumiti pagkatapos.

"Sige ayos na, pwede ka ng huminga.." biro ni Sir bago ako marahang tapikin sa balikat tsaka pumasok na sa kotse at tuluyang umalis.

Relieved that I didn't failed, bumalik na ako sa classroom nina Les at naabutan ko syang nasa labas na. Sarado na kasi ang classroom nila.

"Natagalan ba? Sorry.." paumanhin ko agad bago kuhanin ang dala niyang bag.
"Sina Shai at Annie?" hanap ko sa dalawa niyang kaibigan. Sya na lang kasing mag-isa ang nadatnan ko.

"Pinauna ko na kasi may dadaanan pa sila, okay lang naman kasi ikaw naman kasama ko," paliwanag niya tsaka ako nilapitan.
"Thank you pala, Reck.." nakangiti ring dagdag niya pa bago kami naglakad papunta sa parking lot.

"Ay, gago! Iyong bag ko!" bulalas ko nang maalala na nasa classroom ko pa nga pala ang gamit ko. Bobo, ang potek!

"Hinahanap ka kanina nina Renz, baka dala 'yong bag mo?" kwento ni Les kaya agad kong nag-message sa group chat naming tatlo nina Kevin.

To: Mga Pogi Only
  Hoy nasaan ang bag ko? Yawa! Naiwan ko sa classroom!

Renz Pogi
Nasa motor mo na, salamat sa mga pogi mong tropa

Kevs Pogi
Mahal ka namin pre, labyu

To: Mga Pogi Only
Mga gago! Pero salamat, kileg ako @Kevs Pogi
Thank you rin @Renz Pogi

Pagkatapos kong i-send iyon ay nag offline na ako. Natatawa tuloy ako sa naka-set naming nickname pati sa pangalan ng group chat. Si Kevin ang may pakana noong lahat.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top