CHAPTER 4
Chapter Four
It is first week of November at birthday na ni Les kinabukasan. Linggo kaya paniguradong sasamba muna sya at pamilya niya bago kumain sa labas o kung ano man. Magkikita naman kami kasi pareho lang kami ng dako ng sambahan.
"Okay na, Reck?" tanong sa akin ni Renz habang nakatambay kami sa basketball court sa lugar namin, syempre kasama rin namin si Kevin.
"Oo, pre. Magustuhan kaya n'ya?" kinakabahan na tanong ko kasi mula naman noon hindi ako gaanong nakakapag-effort kapag birthday ni Les. Kahit gusto ko sya, medyo agwat ako kasi may iba naman syang gusto. Hindi ko sya mapormahan pero alam naman niya na may nararamdaman ako sa kaniya. Vocal ako sa bagay na 'yon.
"Hindi mo naman kasi pwedeng bonggahan ang gagawin mo sa birthday ni Les, ekis ang teddy bear, chocolate at flowers kasi uusisain lang sya ng mga ate niya kapag gano'n," komento ni Kevin na sinang-ayunan ko naman.
Kapag gano'n ang ginawa ko ay mamomroblema pa si Les paano niya 'yon iuuwi nang hindi sya pagdududahan ng mga ate niya. Sakit lang sa ulo.
"Sabi ko nga 'yong simple na lang," pinal na tugon ko at napaisip. Magugustuhan naman niya siguro?
"Kailan mo pala balak ibigay? Bukas ba pagkatapos nang pagsamba nyo?" tanong ni Renz na medyo nagpalito rin sa akin.
Hindi ko rin alam.
"Baka sa Lunes na lang? Depende. Baka hindi rin ako makalusot sa mga ate niya bukas? Masyadong protective mga 'yon," pinanghihinaan ng loob na pag-amin ko. Totoo naman kasi, kada nasa paligid ako ay sobra ang pagbabantay nina ate Alice kay Les. Hindi ko naman kikidnapin kapatid nila, lalong hindi ko itatanan.
Maliban pala kapag sumama si Les? Chos.
"Lunes? Tapos na birthday niya kapag gano'n, siraulo.." untag ni Renz at halata na tutol sa sinabi ko.
"Baka bukas na lang ng hapon. Bahala na, mahalaga maibigay ko," pressured na sagot ko at tsaka kinalikot ang cellphone.
To: Les <3
Uy beb, may lakad ba kay |
Hindi pa ako tapos sa pagtatype ay dinelete ko na. Gusto ko nga palang isipin niya na nakalimutan ko na birthday niya.
Pasado alas onse naman na kaya iba na lang ang ichachat ko sa kaniya.
To: Les <3
Busy ako kasi may tatapusin akong activities tsaka project, ipapasa na kasi sa Monday. Kumain ka ng lunch ha?
Pagkasend ko noon ay nag offline na ako. As much as possible, I wanted to limit my interaction to her today until tomorrow. Para naman kapani-paniwala 'yong acting ko.
"Oh, ba't para ka riyang pinagsakluban ng langit at lupa?" tanong ni Kevin ng itago ko na ulit ang phone ko at nilaro na lang ang bolang katabi ko.
"Tatanungin ko sana si Les tungkol sa schedule niya bukas kaso kunwari nga pala nakalimutan kong birthday niya." tipid na paliwanag ko at tsaka tumayo.
"Daming ek-ek sa buhay, Reck. Seryoso ka talaga noh?" ani Kevin tsaka inagaw sa akin ang bola.
"Oh, laro na. Dami nyong arte!" sigaw ni Renz bago agawin din ang bola at tumakbo na sa court, sumunod naman na kami ni Kevin.
Mga siraulo.
Kinagabihan, medyo masakit ang katawan ko dahil sa katarantaduhan nina Renz. Iyong laro kasing basketball ay masyado pa nilang ginawang laro. -__- Naging wresting na nga yata 'yon sa kaka-steal ng bola.
Parehong palaban, ayaw magpatalo ng mga yawa.
"Busy ka? Kita ko myday ni Kevin, naglaro kayo ah? So kapag sa kanila hindi ka busy?" bakas ang pagkairita sa boses ni Les habang kausap ko sya sa video chat. Gunggong din talaga si Kevs, punyeta.
"Ni-aya kasi nila ako. Tapos na ako noon sa gawain ko kaya sumama ako," mahinahong paliwanag ko kahit na natatakot na rin ako kasi halatang seryoso si Les.
"Oh, tapos ako ni hindi mo man lang maisipang replyan? Online ka rin ngayon tapos puro ka shared post pero hindi mo ako sini-seen. Kung hindi ako tumawag hindi kita makakaus—"
"Miss mo ako noh? Galit na galit, gustong manakit?" nakangising tukso ko sa kanya habang nanenermon.
Ang gand pa rin niya kahit na naiinis.
"Hindi kita miss! Nakkainis, bahala ka nga!" singhal niya bago pinatay ang tawag.
Hindi man niya aminin, alam ko naman na mahalaga na rin ako sa kanya. Mula pagkabata nasa tabi na niya ako. Nasa iisang school kami noong elementary kaso hindi rin kami magkaklase. Grade four kami noong nalaman ko na may "crush" sya sa isa sa kaklase niya. Iniisip ko nga noon ba't hindi na lang ako?
Kahit ngayong highschool naka-sunod pa rin ako lagi sa kanya. Puro asaran lang pero aminado naman ako mula pa noon na gusto ko sya. Grade eight kami no'ng nalaman ko mula sa madaldal niyang kaklase na crush niya rin ako. Since then, wala ng ibang lalaki na napa-link sa kanya.
Binibiro ko sya mula rin noong Grade eight na liligawan ko sya kaso hindi naman niya sineseryoso. Recently lang talaga nagkaroon ng parang "mutual understanding", medyo nagma-mature na rin kasi kami. Kaunti na nga lang ay graduate na kami ng Junior High school.
Masyado mang maaga para sabihin pero sya lang talaga 'yong gusto kong makasama hanggang pagtanda. Corny man pero seryoso ako. First love ko sya, sa kanya ko unang naranasan lahat. Selos, tampo.. lahat. Kaya gusto ko sya na rin 'yong huli.
Hindi naman ako tulad ng iba na hindi marunong makuntento sa isa. Sapat na si Les, sobra pa nga.
To: Les <3
Tutulog na ako, goodnight beb.
Fr: Les <3
Tutulog ka na talaga? Ang aga pa
Hindi ko mapigilang mapangiti pagkabasa ng reply niya. Naiimagine ko kasi na nakasimangot na naman sya. Paniguradong naiinis na yon kasi akala niya hindi ko tanda na ilang oras na lang ay birthday na niya.
To: Les <3
Pagod ako maghapon, masakit din katawan ko, Les. Magpahinga ka na rin
Pagka-send ko noon ay nag-offline na ako. Hihintayin ko pa rin namang magpasado alas dose kasi magvivideo ako bilang patunay bukas na hindi ko naman nakalimutan. Ayaw kong manuyo ng kainaman.
Yakagin ko na lang sina Renz maglaro para hindi ako antukin. Alas dies pa lang kasi, dalawang oras pa akong maghihintay. Through phone call, ini-dial ko na si Renz kaso hindi sya sumasagot kaya si Kevin na lang ang tinawagan ko.
"Yow, Kevs? Laro tayo.." diretsong sabi ko pagkasagot niya nang tawag.
"Sakto pre, tapos na bebe time ko. Invite mo ako, ranked game ba?" sagot niya mula sa kabilang linya.
"Classic lang, iwas antok. Si Renz ba tulog na? Tinatawagan ko hindi naman sumasagot ang potek," tanong ko sa kanya.
"Baka naka-game mode. Nagsabi kanina na maglalaro raw sya. Ni-aya ako kaso bebe time kaya tinanggihan ko," paliwanag nito at medyo natawa.
"Sige, open na ako." pagkasabi ko noon ay pinatay na niya 'yong tawag kaya ini-open ko na rin ML ko.
Alas sais ang pagsamba at maaga ang simula kaya alas cinco pa lang ay gumagayak na ako. Medyo bangag pa rin ako kasi nga hinintay ko pang lumipat ang petsa kagabi.
Pasado alas siete, natapos na ang pagsamba kaya balak ko na rin sanang umuwi pero..
"Reck.." nabigla man sa paglapit sa akin ni Les ay nagawa ko namang ngumiti. Wala ba ang mga ate niya?
"Uy, hello? Kamusta?" pilit kong pina-kaswal ang tono tsaka ngumiti ulit.
"Uuwi ka.. na? Agad?" alangan ang boses niya at medyo malungkot na rin. Hindi ko tuloy magawang tingnan sya sa mata kasi nakokonsensya ako.
"Oo, marami pa palang output na nakalimutan kong tapusin. Wala ka bang kasama? Ihatid na kita," alok ko sa normal na tono kahit ilang beses na akong napalunok sa kaba.
"Hindi, ano.. hwag na, kalimutan mo na lang. Ingat ka pag-uwi," mahina na ang boses niya nang sabihin yon tsaka ngumiti ng malamya. Mabilis na rin syang tumalikod tsaka naglakad palayo. Sinalubong sya ng mga kaedaran namin na kaibigan din naman namin pareho.
Narinig ko kanina sa mga kasamahan namin na may salu-salo raw kina Les kasi birthday nga niya. Siguro iimbitahan niya ako kaso may tampo kaya hindi na lang niya itinuloy.
Pagkalapit niya sa mga 'yon ay marahan syang tinapik ng isa sa likod tsaka ako sinulyapan ng masama. Hindi ko naman kasi nakalimutan, ba't parang ang laki ng kasalanan ko?
Nakauwi na ako sa bahay nang tumunog ang cellphone ko katulad ng inaasahan. Tumatawag si Les sa Messenger, video chat.
"Hoy Reck! Nakakainis ka!" sigaw niya agad pagkasagot ko tsaka bahagyang suminghot. Naka-off cam sya pero rinig ko naman.
"Inano kita, beb?" nakangiting sabi ko na parang clueless sa reaksyon niya.
"Sira! Nakita ko na yung.. thank you, super appreciated. Kailan mo ginawa 'yon?" pang uusisa niya bago nag-on cam. Nagpupunas pa sya ng mata at halatang kagagaling lang sa iyak.
"Nagustuhan mo?" kinakabahan na tanong ko nang maalala ang regalo ko sa kanya.
"Sobra, salamat.. Reck," sinserong sabi niya pa at ngumiti ng pagkatamis. She then show off my gift to her, scrapbook 'yon na ako mismo ang gumawa.
"Saan mo nakuha 'yong idea? Effort ka because?" panunukso niya pa bago ipatong ang cellphone sa mesa.
"Ang cute ko rito, saan mo ninakaw pictures ko ha?" usisa niya habang ipinapakita ang ilan sa childhood photos niya.
Usually noong elementary days iyo, meron ding magkasama kami sa school playground o hindi kaya'y kapag may program.
Lahat nang pictures ay mula no'ng mga bata kami hanggang pumasok ng high school. Nakakapagod hagilapin lahat ng 'yon pero worth it naman dahil kita ko kung gaano niya na-appreciate.
"Hindi ko maibigay sa 'yo kaya pinakialaman ko na lang bag mo, sorry.." paliwanag ko kasi palihim ko lang talaga 'yong inilagay sa tote bag niya kanina pagkatapos ng pagsamba. Sa bag niya na 'yon nakalagay 'yong mga files na importante kasi secretary din sya sa Church.
Pumasok pa nga ako ng dressing room ng babae para mailagay ko 'yon kahit na medyo pinagtinginan ako ng iilang nakakita. -__- Mabuti walang nagsumbong kasi kilala naman ang pamilya namin na respetado at may moral.
"Pumasok ka sa dressing room? Doon ko kasi iniwan ang bag ko. Halah, buti walang nakakita sa 'yo?" nagulat na si Les at nakatitig na sa akin.
"May nakakita, wala namang nagsumbong. Mabait kaya ako," mayabang na sabi ko at ngumisi pa.
"Pwede naman kasing ibigay, puro kaartehan. Joke, thank you talaga. Ang ganda nito, sobra.." komento niya ulit bago isinara ang scrapbook.
"Ay, send ko pala sa 'yo 'yong video ko kagabi. Hinintay ko pa rin mag-12 midnight kahit hindi kita kachat. Hindi ko makakalimutan birthday mo Les, imposible.."
With that I sent her my video greeting. Habang pinapanood niya 'yon ay kita ko rin ang reaksyon niya at ilang beses syang tumawa dahil sa mga sinasabi ko sa video. Not until she watched the last part where I sing her an OPM song "Kasama Kang Tumanda".
Her eyes then became teary while smiling. Ang ganda pa rin niya, sobra na nga 'yong pagkabog ng dibdib ko habang pinagmamasdan sya.
"Sasamahan kahit kailanman,
Mahigit kumulang, 'di mabilang.." pagsabay ko sa video kaya mabilis syang napatingin sa akin.
"Tatlumpung araw sa isang buwan,
Umabot man tayo sa 3001.."
Ngumiti ako sa kanya pagkatapos noon na sinuklian niya rin ng pagngiti.
"Birthday ko tapos pinapaiyak mo ako? Buang ka, Reck?" reklamo niya pero hindi naman seryoso.
"At least tears of joy 'di ba? Happy birthday, Les.." bati ko sa malumanay na boses na habang pinapanood ko syang ayusin ang hitsura niya.
Her nose is running red and her eyes are puffy but she still looks beautiful, nonetheless. Yun bang ganda na walang make up, natural lang.
"Thank you.. beb," mahinang sagot niya pero sapat lang para marinig ko. Ang lawak tuloy ng iningiti ko at talo ko pa ang nasisiraan ng bait.
Tinawag niya akong beb, shit. Ang sarap talaga pakinggan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top