CHAPTER 3


Chapter Three

Pagkatunog ng bell hudyat na lunch break na ay isa-isa nang nagtayuan ang mga kaklase ko. Sina Renz at Kevin ay pumunta na rin sa pwesto ko pero nanatili akong nakayuko sa armchair ko. Natatamad akong kumilos.

"Hoy Reck, wala kang balak mag-lunch? Himala, patay gutom ka 'di ba?" pang-aasar sa akin ni Kevin tsaka ako tinapik sa balikat.

Walang gana ko syang tiningnan tsaka salo ang baba na itinukod ang siko ko sa mesa.
"Buhatin mo ako pre, tinatamad akong gumalaw," sagot ko sa malamyang tono.

"Uh, excuse me po?" sabay-sabay kaming napalingon sa nagsalita na nasa pintuan ng classroom. Taga-kabilang section sya base sa pagkakatanda ko, kaklase nga yata sya ni Les.

"Bakit? Anong kailangan?" masungit na tanong ni Renz sa babae.

"M-May ibibigay lang po sana ako, ano.. heto," nahihiyang sagot nito tsaka bahagyang itinaas ang hawak na paper bag.
Mabilis namang lumapit doon si Kevin na halatang mang-uusisa.

"Kanino ibibigay? Wala na kasing tao rito, kami na lang mag-aabot," sabi pa niya at tsaka kinuha na ang paper bag.

"Uh, kay Reck po sana 'yan. Niluto namin sa Culinary," nakayuko na 'yong babae tsaka mabilis na sumulyap sa akin.
"Aalis na po ako, sana magustuhan.. mo," dagdag niya habang namumula ang pisngi tsaka umalis na.

Tigagal namang napatingin sa akin si Kevin na hawak pa rin 'yong supot. Nakangisi na sya nang maglakad palapit sa akin at napapailing pa.

"Lakas mo talaga ano? Pa-share naman ng sikreto mo," pagbibiro nito bago ipinatong sa mesa ko ang dala.

Nang buksan ko 'yon ay isang tupperware ang bumungad sa akin na may lamang palabok. Transparent kasi 'yong container. Ah, oo niluto nga raw pala niya 'to.

"Tikman mo na pre, mukhang masarap naman," komento ni Kevin bago naupo sa harapan ko. Maging si Renz ay interesado rin yatang malaman ang magiging reaksyon ko.

Dahil medyo nagugutom naman na rin ako at hindi naman masamang kumain ng pagkain na bigay ng iba, binuksan ko na 'yong tupperware at kinuha ang kasamang tinidor.
Akmang isusubo ko na iyon nang..

"Kaya naman pala wala sa canteen, nakain na pala," inis ang mukha ni Les nang hablutin sa akin ang tinidor. Agad niya ring kinuha 'yong tupperware at itinapon sa malapit na basurahan.

"Galing-galingan mo pa, Reck. Tatanggap ka na lang ng luto ng iba, sa kaklase ko pa." dagdag niya pa at tsaka ako sinampal.

Mabilis na syang umalis at nang lingunin ko ay kasama pala niya sina Annie at Shai. Pareho rin silang mukhang dismayado.
Bawal na ba tumanggap ng pagkain mula sa iba? Sayang naman kasi, ano?

"Masakit ba pre?" natatawa si Renz nang tingnan ko kaya mabilis akong napahawak sa pisngi kong sinampal ni Les. Hindi naman masakit, sapat lang para matauhan. Mas masakit 'yong ideya na nasasaktan si Les dahil sa kagaguhan ko.

"Bahala kayo riyan, sundan ko lang bebe ko," paalam ko at tsaka ko sila iniwan ni Kevin.

Twenty minutes na lang ang lunch break, hindi ko pa rin makita si Les. Wala sya sa classroom at nang makausap ko sina Shai at humiwalay raw sa kanila ito.
Saan ba sya pwedeng pumunta? Punyeta. Bahala nang hindi maka-attend ng klase, yawa.

"Les.." tawag ko ng makita ko sya sa clubroom nila. Bukod sa field at library, dito lang naman kasi sya pwedeng tumambay.

"Oh, ba't ka nandito?" halatang asar pa rin sya dahil agad niya akong inirapan pagkakita niya sa akin.

"Hindi ko naman kasi gusto 'yong nagbigay noon, sayang lang kaya tinanggap ko. Isa pa, pinaghirapan niya 'yon, nagugutom na rin ako kanina.." paliwanag ko tsaka tumabi sa kanya.

"Nagugutom pero ang tagal kitang hinintay sa canteen tapos wala ka? Hwag mo akong dalihan ng mga ganyang rason, Reck." kontra niya at umismid pa.

"Ha? Tinatamad kasi akong kumilos. Kaya nga nandoon din sina Kevs at Renz kasi sinasamahan nila ako at ina-aya na kumain," pagpapaliwanag ko pa na ikinalingon niya.

"May sakit ka ba?" nag-aalala na sya at tsaka hinawakan ang noo ko.
"Hindi ka naman mainit ah," komento niya na para bang nahuli niya akong nagsisinungaling.

"Wala naman kasi akong lagnat, ayos lang pakiramdam ko kaso nga tinatamad akong gumalaw. Boring, gano'n."

"Ah, kaya no'ng may nag-alok sa 'yo ng pagkain, tanggap lang? Paano kung may lason 'yon? Eh di namatay ka?" nayayamot na naman sya at tsaka ako tinulak sa balikat.
"Napaka-pabaya mo ano?" puna niya pa at napailing.

"Para namang may lalason sa akin? Gayuma baka pa," komento ko nang nakangisi na ikinaasar niya lalo.

"Sige magpagayuma ka lang, makikita mo hinahanap mo," naka-amba na sya ng suntok at seryoso ang mukha.

"Nakita ko na hinahanap ko Les, nasa harap ko na nga. Tsaka kahit hindi mo ako gayumahin, patay na patay pa rin ako sa 'yo.." sinserong sabi ko pero tinawanan niya lang.

"Kadiri ka Reck, ang corny ha? Gutom lang 'yan, teka.."
She paused for a moment and get something beside her. Paperbag din 'yon.

"I was waiting for you 'cause I'll give you that. Tapos narinig ko na lang mula sa mga kaklase ko na may nagbigay raw sa'yo nong niluto nila sa Culinary." naiirita ang boses nito dahil sa naalala kaya agad ko ng kinuha ang paperbag na hawak niya.
Baka mamaya ako na naman mapagbuntunan ng inis niya.

"Ano ba 'to? For sure masarap 'to kasi luto mo."
I get the container from the paperbag and what's inside is a carbonara.

"Pasta kasi topic namin sa Culinary ngayon, kaya gan'yan." paliwanag ni Les tsaka napayuko nang bahagya.

"Tikman ko na ha?" excited ko ng kinuha ang tinidor tsaka sumubo ng carbonara.
Shit.
"Luto mo? Duda ako, ang sarap beb.." nakangiting sabi ko kasi totoo naman.

"Oo nga, parang sira 'to," nahihiyang sagot niya tsaka itinabi sa akin ang tumbler niya.
"Baka mabulunan ka, ang daldal mo."

"Ikaw? Kumain ka na ba?" tanong ko kasi pinapanood niya lang akong kumain.

"Tapos na, busog na ako." nakangiti na rin sya ng sumagot bago ipakita sa akin ang ilang balat ng biscuits at empty bottle ng juice.

"Mabuti hindi ka nagpalipas, magagalit ako kung sakali," puna ko at ipinagpatuloy ang pagkain.

Mabilis pang lumipas ang ilang minuto at saktong tapos na ako sa pagkain nang tumunog ang bell.

"Hatid na kita sa classroom nyo, tara.." aya ko sa kanya na ikinatango niya agad. Nilinis niya lang 'yong lalagyan tsaka kami lumabas ng clubroom.

May iilan pa ring estudyante sa hallway na pabalik na rin sa kani-kaniyang classroom.

"Salamat ulit sa carbonara, Les. Seryoso, masarap. Next time ulit," sinserong sabi ko na ikinapula niya ng pisngi.

"M-Malamang.. as if namang may bibigyan akong iba? Sige na, punta ka na sa room nyo. Ingat," bahagya niya pa akong itinulak palayo bago sya kumaway at pumasok sa classroom nila.


Natapos ang maghapon nang katulad ng normal na araw. Halip na sa sakayan lang ay inihatid ko si Les sa kanto malapit sa kanila kasi marami syang dalang cooking equipments na ginamit niya sa Culinary subject nila. Ayaw ko namang mas mahirapan sya kung magbabyahe pa. Masyadong maraming bitbitin.

"Reck, anong kukuhanin mo sa Senior high school?" tanong ni Papa habang kumakain kami ng hapunan.
Kumpleto kami sa hapag dahil ayaw ni Papa nang hindi sabay-sabay na kumakain lalo na at lahat naman kami ay nasa bahay na.

"Academic track po. Science, Technology and Engineering Management." tipid kong sagot bago ibinalik ang tingin sa plato ko.

"So ipagpapatuloy mo pala ang Engineering course sa college?" tanong niya ulit na sinagot ko na lang ng pag-tango.
Mukha namang natuwa sya sa pagtugon ko at ipinagpatuloy na rin ang pagkain. Sina kuya na ang tinanong niya ukol sa kani-kanilang trabaho.

Hindi naman sobrang istrikto si Papa pero seryoso syang tao. Responsable ring asawa at tatay sa amin kaya nakakakonsesnsya rin kapag na-disappoint mo sya. Aminado akong mataas ang standard niya pero satisfying pa rin kapag may ina-aprubahan syang desisyon namin na pang-sarili. Katulad na nga lang ng balak kong kuhanin na kurso sa kolehiyo.
Oo, maloko akong tao at palabiro pero hindi naman ako tipong puro kalokohan lang ang alam. Fair enough, my grades are in good terms and not a failure. Mahirap din magbukakbol kasi graduating na ako ng Junior High School.

"Saan ka pala magsi-Senior High School Reck?"
Sa tanong ni Papa ay medyo napaisip din ako. Bahagya ko syang nilingon tsaka alanganing ngumiti.

"Ah, pag-iisipan ko pa po.." tumango lang si Papa bago nag-banggit ng ilang school na nag-ooffer ng senior highschool program.
Hindi ko naman magawang sumagot ng konkreto dahil.. hindi pa namin namin napapag-usapan 'yon ni Les. Kung saan sya ay gusto kong doon din ako. Wala namang masama roon.

  "Ah, saan mo ba gusto?" tanong ni Les habang kausap ko sya through vc. Magkasalubong ang kilay niya at naghihintay ng sagot ko.

"Hindi ko rin alam, depende kung saan ka." simpleng sagot ko na lang dahil wala rin talaga sa isip ko ang magdesisyon.

"Hmm, sa pinakamalapit na lang tayo. Alangang lumayo pa ay ganoon din naman ang ituturo. Tingin mo?" pag-konsulta niya sa akin bago bahagyang naghikab.

"Sige, basta susundan lang kita. Tulog na tayo?" aya ko dahil namumungay na ang mga mata niya.

"Uh-hmm.." tipid niyang sagot tsaka pumikit.
"Goodnight, Reck.."

"Goodnight, Les.." I just take a screenshot of us before ending the call.
She's just so irresistible.

It was already last week of October and the end of year is nearly approaching. Pero ang mas pinaghahandaan ko ay ang birthday ni Les sa susunod na buwan.
Hindi naman sya 'yong materialistic na babae kaya hindi rin mahalaga sa kanya ang regalo. Mas nag-aalala ako na baka hindi ko sya makasama sa araw na 'yon kasi pamilya niya ang kasama niya.

"Ayain mo ng date, pre. Tapos gumala kayo, ganoon." suhestyon ni Kevin kaya agad ko syang binatukan.

"Siraulo ka ba? Ni wala nga kaming label tapos date agad? Tsaka ayaw nga sa akin ng mga ate niya, baka kuyugin ako ulit ng mga 'yon," sagot ko at mas lalong namroblema.

"Itakas mo na lang, tulungan ka namin. Diba pareng Renz?" sagot ulit ni Kevs pero tiningnan lang sya ni Renz na blangko ang ekspresyon ng mukha.

"Napaka-supportive mo pare, napakalaking tulong ng pananahimik mo.." pambabara ni Kevin at tsaka napailing. Natawa naman ako dahil bigla syang sinapak ni Renz.

"Nag-iisip kasi ako, hindi tulad mo puro ka riyan suggestions palpak naman.." seryoso na sabi ni Renz bago nanahimik ulit.

"Ano, wala ka pala Kevs. Ginagalit mo pa si Renz," pang-aasar ko na at mas nag-isip.
Kasalukuyan kaming nasa malapit na park sa bahay namin. Bigla kasing nambulabog 'tong dalawa at nag-aya na kumain ng Lomi roon sa suki naming kainan.

"May naisip ka na Renz? Kunwari ka pa wala ka namang isip. Display lang utak mo 'di ba?" maya-maya ay pang-aasar ni Kevin kaya masama syang tiningnan ni Renz.

"Ikaw kailan ka tatahimik? Daig mo pa ang inahing manok na putak ng putak," sagot nito na ikinatawa ko ng malakas.

"Burn, bro. Burn! Kevin zero, Renz one point!" tila announcer na sabi ko at tsaka tumawa.
Buti na lang rin at hindi bugnutin 'tong si Kevin. Sa amin kasing tatlo ay si Renz ang pinaka-maikli ang pasensya. Si Kevs puro talaga salita, kaya rin sya maraming 'bebe' kasi magaling mambola.

"Uwian na mga pre, may nanalo na." nakangisi na si Kevin tsaka tumayo mula sa sementadong upuan kung saan kami nakapwesto.

"Baka pag-uwi mo mag-iiyak ka ha? Hayaan mo na pre, bawi ka na lang next life.." dagdag pang-aasar ko sa kanya tsaka sya tinapik sa balikat.

"Siraulo, baka ikaw. Kapag na-busted ka ni Les hwag kang iiyak sa amin ha?" sagot nito tsaka ngumisi.

"Tara na hoy, alas otso na rin. Uuwi na ako," paladesisyon na sabi ni Renz bago tumayo.

Walang ilang minuto ay sabay-sabay na kaming umalis para umuwi. Medyo gumagabi na rin kasi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top