CHAPTER 16
Chapter Sixteen
Habang inaayos ang bag ko na may laman ng damit at mga pabaon ni Mama, tahimik lang na nakamasid si kuya na nakaupo sa shotgun seat. Si Papa naman ay pasulyap-sulyap lang mula sa rearview mirror, seryoso pa rin ang bukas ng mukha.
“Aalis na po ako, salamat po sa paghahatid. Ingat po kayo pauwi.”
“Reck, phone mo.” kinuha ko iyon mula kay kuya tsaka tuluyang lumabas ng sasakyan. Hihintayin ko pa sana silang maunang umalis kaso may pagdududa sa tingin ni Papa kaya napabuntong-hininga na lang ako bago tinalunton ang daan papunta sa entrance gate ng university.
Walang bantay sa guardhouse kaya dumiteretso na lang ako. Nang marating ko ang entrance ng dorm ay bahagya pa akong natigilan dahil hindi ko alam kung saan ko nailagay ang keycard I.D. ko.
“What the fvck..” naiinis na bulong ko habang tinatamad na binuksan ang backpack ko. May traveling bag pa kung nasaan ang iba kong damit na si Mama ang nag-ayos. Hindi ko tuloy hahanapin kung saan 'yon napasuksok.
“Hi, Je!” sa lahat naman ng pinakaayaw kong makita ngayon, ba't bigla pa s'yang sumulpot?!
“H'wag ngayon, Max. Wala ako sa mood para magtimpi sa'yo.”
“Ang highblood mo naman, what's the prob?” she playfully added.
Hindi ko na lang s'ya pinansin at tsaka mas napabunton ang inis sa paghahanap ng letseng keycard I.D., bwisit naman.
“Let me help you, ano bang hinahanap mo?”
“Wala ka ng pake.”
Nang manahimik ang paligid ay nakaramdam ako ng ginhawa sa pag-aakalang nilubayan na n'ya ako pero..
“What the fvck, Max?!” bulyaw ko ng makita ko kung ba't pala s'ya nanahimik sa gilid. My clothes and things are everywhere! Makalat na nakabunton sa cemented bench ang ilan sa damit ko, ang iba ay nasa balikat n'ya mismo.
“Woah, may cassette tape ka? Ang old-fashioned mo naman!” natatawa pa s'ya habang tinititigan ang cassette tape na hawak. That's a gift from Lesley!
Agad ko 'yong hinablot sa kan'ya at tsaka s'ya tinabig palayo, napaatras naman s'ya at muntik pang matumba dahil sa gulat. I aggressively grab my things while putting it all inside the bag, abashed of all the mess that Max have made! Pinagtitinginan na kami ng dumaraan, ang kalat kasi. Talo ko pa ang napalayas ng dorm!
“Pasensya na ang kalat, gusto ko lang namang makatulon—”
“Paano ka tutulong eh hindi mo nga alam kung anong hinahanap ko?! Tang ina naman Max, sinabi ko na sa'yong tantanan mo muna ako sa mga kalokohan mo!” may diin na sabi ko sa pinakamahinang paraan na kaya ko. I still don't want to embarrass her with all the passerbys.
Kinuha ko na lang ang hoodie ko na nakapatong din sa upuan nang biglang nalaglag mula roon ang keycard I.D. na kanina ko pang hinahanap. Mabilis na akong dumiretso sa scanner at pumasok sa loob nang hindi s'ya nililingon. She wasn't even able to utter any word tho and if ever she did, I don't freakin' mind.
“Reck! Sama ka? Mag-Samgyup kami!” tanong ni Kian at umakbay pa sa akin.
“Pass, may gagawin pa ako.” tipid na sagot ko bago sya pabirong hinampas sa tiyan, napaagwat naman s'ya agad tsaka tumawa.
“Dali na, napaka epal naman nito! G?”
“Gago, may gagawin nga ako! Sino bang mga kasama?”
“Ano, taga-kabilang section lang.” tipid na sagot n'ya at napakamot pa sa batok.
“Teka, may pinopormahan ka ba roon?”
“Luh, ulaga! Bahala ka na nga riyan, marites ka na? Epal!” pag-iwas n'ya at tsaka ako iniwanan.
Tumayo na lang rin ako tsaka umalis para magpahinga, masyadong nakakapagod 'yong mga nangyayari recently.
Biyernes na agad ngayon at bukas dapat ay magkikita kami ni Les. Bale, ganoon pa rin pala ang inaasahan n'yang set up lalo na at sabi ko'y babawi na lang ako dahil hindi ko na s'ya napuntahan ulit nang mga sumunod na araw matapos ang pagsalubong sa Bagong Taon. Hindi ko naman masabi na grounded ako noon.
“Saan tayo bukas, beb? Arcade? Mall? Plaza? I miss you!” halatang excited s'ya habang magkausap kami sa video call. Nakahiga lang ako sa kama habang nakatitig sa kaniya.
How can I tell her I cannot come?
“Sabihin mo kung saan so alam ko kung anong dapat suotin! Mamaya mag-arcade na naman tayo tapos naka miniskirt ako!” natatawang reklamo n'ya habang inaalala ang ilan sa mga epic escapades namin noong isang taon.
“Les, may sasabihin sana ako.” I let out a sigh as I watched her reaction. Her eyebrows bump and look at me intently.
“Ano 'yon? Ang seryoso mo naman,” puna n'ya tsaka naupo at dinampot ang phone, nakapatong lang kasi 'yon sa bedside table habang ipinapakita n'ya sa akin kanina ang mga damit n'ya. She wants me to choose what she should wear for tomorrow.
“May group study kasi kami, para sa long exam next week.”
“You mean we cannot meet tomorrow?” she asked kind of confused.
“Kahit gusto ko.. hindi talaga kaya. Pasensya na, beb.”
She understandingly smile and nod her head then return the phone on the table. Kinuha n'ya ang mga damit n'yang ipinapakita sa akin kanina na nakapatong na sa kama tsaka iyon isa-isang ibinalik sa cabinet.
“Marami pa namang next time, focus ka muna sa exam n'yo beb. You shouldn't have a fail remarks on your card, magagalit ang Papa mo,” she said in between.
“Oo naman, magiging Engineer pa kaya ako at magpapatayo ng bahay natin,” I said overconfident then smile so wide.
“Woah, planado yarn? Tantanan mo nga ako, Reck.” komento n'ya at umiling pa bago isinabit ang hawak na hanger.
“Ba't ba ayaw mong maniwala? I meant what I said.”
“Ayaw ko nga ng ganoon, paulit-ulit na lang tayo sa topic na 'to. We'll never know what will happen in the future.”
“You're my definition of ‘future’, Lesley.”
Agad s'yang natigilan sa sinabi ko tsaka bahagyang natawa. Lumapit s'ya sa camera ng phone at tsaka umaktong susuntukin ako.
“Don't be so drown of me, Reck. Paano kung.. may plot twist pala 'yong story natin? What if there's a different plan ahead our path. You must be open to possibilit—”
“Ikaw ang pangarap ko, ikaw lang Les. Magpapakasal tayo, magkaka-pamilya at magkasamang tatanda. Iyon lang ang mangyayari, wala ng iba.” I stated firmly while staring at her.
“Bahala ka nga. Ang kulit mo!” she surrender with her flustered cheeks.
“Kinikilig ka lang eh, oh! Ba't ka nag-off cam?” puna ko tsaka humagalpak ng tawa.
“Bwisit ka, manahimik ka na nga!” at tsaka n'ya pinatay ang video call. I just ended up laughing on my bed and continue teasing her through chats.
Habang hinihintay ko si Kian na magpalit ng P.E. uniform n'ya mula sa locker's area ay naramdaman ko na lang na may kumalbit sa akin. It's a guy and as far as I know, taga-kabilang section s'ya.
“Bakit, p're?” I asked curious.
“Nasa loob ba si Taiga?” the guy asked upfront.
“Oo, bakit?”
“Pakisabi na lang na hinahanap s'ya ni boss. Kamo ay sa dating gawi.” pagkasabi noon ay umalis na 'yong lakaki kaya hindi ko na nalinaw iyong sinabi n'ya.
“Reck! Oh, ba't nakatunganga ka riyan?” Kian asked when he caught me looking at the hallway where the guy vanished.
“May lumapit kasi sa akin na taga-kabilang section, pinapasabi sa'yo na hinahanap ka raw no'ng boss, basta ganoon. Sa dating gawi raw?”
“Ah, iyon ba? Hayaan mo na lang.” then he shrugged his shoulder then pull me through my neck.
“Papatayin mo ba ako? Gagu!” puna ko sa higpit ng pagkaka-akbay n'ya sa akin tsaka ko s'ya itinulak palayo na ikinatawa n'ya ng malakas.
“Ang seryoso mo kasi! Tara na nga, baka simula na 'yong P.E. class.” nauna na s'yang maglakad patungo sa gym kaya binalewala ko na lang din 'yong weird na lalaki kanina.
Nang makarating kami sa Gymnasium ay maayos ng nakaupo ang mga kaklase namin. Pero..
“Ba't may taga-TVL dito?” puna ko nang mapansin si Max at ang mga kaklase n'ya na nasa katapat namin ng pwesto.
“Si Sir Cuenca rin daw kasi ang P.E. teacher nila. Aalis si Sir mamaya tapos vacant time naman daw ng section na 'yan kaya isinabay na lang kaysa may ma-miss na lesson.”
“Assessment lang naman ngayon di ba?” naguhuluhan na tanong ko. Hindi kasi talaga ako komportable na nasa paligid si Max. She's annoying!
“Performance activity.” sagot ng class president namin tsaka isa-isang chine-check ang attendance ng klase.
“Reck, partner tayo ha?” sabi ni Kian pagkalapit sa akin na todo ngisi pa.
“Ano raw bang gagawin?”
“Table tennis daw, hindi ako marunong noon.” reklamo n'ya pa tsaka napakamot sa batok.
“Tingin mo naman marunong ako?” pambabara ko na tinawanan n'ya lang.
“Attention everyone, your class president will announce who's your pair.” sigaw ni Sir habang nasa gitna mismo ng court.
“Sana sa chix ako mapatapat,” bulong ni Kian at pumikit pa. Siraulo talaga.
“Akala ko ba tayo ang partner?” pang-aasar ko at tumawa.
“H'wag na lang, Reck. F.O. muna tayo. Future love life ko ang nakasalalay dito.” pag-kontra n'ya at lumapit na sa class president namin para mangulit at malaman kung sinong kapartner n'ya.
“Alright everyone, si Sir ang nag-decide sa pairings ha? Kung may reklamo kayo, sa kan'ya kayo magsabi.”
Everyone agreed in unison while anticipating to know who's their pair. Nang magsimula nang sabihin ang nakalista ay..
“Fvck? Mixed ba sa kabilang section?” puna ng isa na itatanong ko na rin sana. May ibang pangalan kasi na binanggit as partner kaso ay hindi naman namin kaklase.
“Oo nga, kaya kilalanin n'yo na agad kung sinong kapartner n'yo tapos mag-strategize na kayo.” parang naiinis nang sagot ni Pres.
Ayos lang kahit sinong kapartner ko basta huwag lang si—
“Jereckson and Maxine Angel.”
Fvck?
“Sino? Ay gagu hindi p'wede, teka!” reklamo ko na gulat pa rin kaya masama akong tiningnan ni Pres.
“Huwag ka sa akin magreklamo, Reck.”
Para tuloy akong pinagsakluban ng langit at lupa, bwisit. Sa lahat naman, ba't s'ya?
“Tingnan mo nga naman, kung sino pang pinaka-ayaw mo.. s'ya pang napatapat sa'yo,” panunukso ni Kian nang lapitan ako.
“Mukhang ang saya mo ah? Sino bang sa'yo?”
“Iyong captain lang naman ng table tennis noong highschool tapos ang hot pa, sorry ha?” pagyayabang n'ya bago ako tinapik sa balikat at iniwanan.
Nang lingunin ko ang pwesto nina Max kanina ay nagkakagulo na sila sa paghahanap kung sinong kapartner nila. I scanned the place to look for her but she's nowhere to be found.
“Sabi na kasi sa'yo na mag-ingat ka, 'yan tuloy.” I heard someone yelling that caught my attention, tsaka ko napansin na si Max pala 'yon habang pinapagsabihan no'ng isa sa mga kaibigan n'ya.
Maxine's shirt is a mess, namantsahan iyo ng kung ano at halos kumalat mula dibdib hanggang laylayan ng damit. Hawak niya iyon at tila iniiwasan na lumapat sa balat n'ya.
“Malagkit nga, hindi ako makakapaglaro ng ayos kapag ganito.” sabi pa n'ya na parang naluluha na.
“May extra shirt ako kaso hindi ko iyon sinusuot kasi medyo hakab sa katawan. Kasya naman siguro sa'yo kaso fitted.” her friend commented.
“Okay lang 'yon, samahan mo na ako so I can change before the game.” tumango na lang 'yong babae at maglalakad na sana sila palayo pero may biglang may lumapit sa kanila na kaklase ko.
“Hello, ikaw po si Erich ng TVL?” my classmate asked while looking at Maxine's friend.
“Halah kuya, opo. Bakit po?”
“Tayo po kasi ang pair sa table tennis, actually kanina pa po kitang hinahanap. First game po kasi tayo.”
She looked surprise upon hearing those, she's thorn and don't know what to do. Max needs her but she must also do the activity, malaki ang percentage noon sa grades.
“Pumunta ka na sa game, ako na ang bahala kay Max. Just tell her the code of your locker.” I butt in to their conversation then nod at my classmate.
“Tara na po? Baka magka-deduction pa tayo.”
Nag-aalangan man ay lumapit na ulit 'yong babae kay Max tsaka may ibinulong. Maxine then nod her head and sign a thumbs up probably to assure her that she's alright.
“Galingan mo Erich!” sigaw n'ya pa nang iwan s'ya ng kaibigan.
Nang tuluyan nang makaalis ang dalawa ay di ko maiwasan na mapailing.
“Tara na, baka mamaya hanapin na rin tayo. We're the partner in activity in case you're not aware,” seryosong sabi ko at nauna nang maglakad.
“B-Bakit tayo?” she asked while following me.
“Anong kinalaman ko? Tanungin mo si Sir Cuenca, nakaka-bad trip nga.” mas binilisan ko na lang ang paglalakad dahil habang tumatagal na kasama ko s'ya ay mas lalo akong nayayamot. At some point, I honestly don't want to treat her this way but I can't stop myself.
She's too immature on my perspective. Tingin ko, s'ya pa rin 'yong pasaway na Max na nakilala ko almost five years ago.
“I'm sorry. Makikipag-palit na lang ako.” she said in a low voice, when I look at her.. she's looking downwards.
“Manahimik ka na nga lang! Tsaka sa daan ka tumingin, baka madapa ka pa at mapagbintangan akong itinutulak ka. Bilisan mo na nga,” reklamo ko at tsaka s'ya hinatak sa kamay bago mas binilisan ang paghakbang.
Ilang minuto pa ay nasa locker's area na kami, pumunta s'ya sa assigned area nila bago kinuha roon ang t-shirt na sinasabi ng kaibigan n'ya.
“Magpapalit lang ako.” sabi n'ya bago ako iniwan para pumunta sa girl's changing room. Mabilis lang din naman at lumabas s'ya roon na nakapalit na nga kaso..
“Masyadong fit sa'yo.” puna ko tsaka nag-iwas ng tingin. The shirt's hugging her curves, bwisit.
“Uh, ano.. maliit nga raw 'yong size nito kaya ayaw isuot ni Erich. She already bought a new set.” paliwanag n'ya na halatang alangan ang tono. She looks even more helpless and on the verge of crying.
There's a policy kasi na bawal um-attend ng P.E. class kung hindi rin naman naka-P.E. uniform. Kahit pa jogging pants or shirt pa rin ang suot pero hindi naman 'yon ang uniform talaga ay hindi pa rin tatanggapin sa P.E. class.
“Bakit kasi nadungisan 'yong uniform mo?!” frustrated na sabi ko sa kan'ya bago pumunta sa locker's area namin. Inihagis ko sa kan'ya ang varsity jacket ko na natataranta naman n'yang sinalo at tsaka ako nauna ng maglakad palayo.
I'm fvckin pissed with her clumsiness. Kung maingat lang sana s'ya, hindi marurumihan ang uniform n'ya. She don't have to wear that small size shirt tapos mukhang paiyak na dahil halatang di s'ya komportable! Sana hindi ko kailangang mamroblema kasi wala rin naman akong pake.
Hindi ko na s'ya nilingon at nang makabalik ako sa Gymnasium ay may ongoing game pa. Sinalubong naman ako ng kaibigan ni Max na bakas ang pagtataka kung ba't mag-isa ako.
“Nasaan si Max?”
“Kasunod ko lang siguro, ewan.” tipid na sagot ko tsaka s'ya nilampasan.
“Max! Hey, you alright?” dinig kong sigaw n'ya pagkalampas ko. When I glanced at them, I saw Max wearing my jacket.
“Saan ka ba nagsusu-suot, Reck? Wala ka no'ng game ko.” puna na naman ni Kian habang tila may hinahanap sa paligid.
“Panalo kayo?” tanong ko na lang tsaka naupo na sa bleachers.
“Oo naman, papatalo ba naman ako?” pagyayabang n'ya tsaka ako inabutan ng bottled water. Agad ko naman 'yong kinuha at ininom.
“Ano bang lineup? Matagal pa ba ako?” tanong ko sa kan'ya dahil hindi ko alam kung pang-ilang set ba ako lalaro.
“Ang alam ko after ng current game, kayo na. Ay, speaking of.. table tennis player pala si Max? Congrats na agad sa high grades!” bati n'ya na para bang humahanga pa at napaka-swerte ko.
“Pakialam ko?” but I don't know why a smile crept from my lips.
“Good game, Max! Ang galing mo, buhat na buhat si Reck!” masiglang bati ni Kian nang matapos ang laro at salubungin kami.
“Hoy hindi naman, magaling din naman si Je.. I mean si Reck.”
“Naku, huwag ka ng magsinungaling at baka maniwala 'to at lumaki pa ang ulo. Ace player ka naman sa table tennis club, just admit it.” komento ulit ni Kian na malawak ang ngiti.
“Baka 'yong ulo ko na ang lumaki, Kian.” tumatawang sabi ni Max at pabiro pang hinampas ito.
Hinila ko na si Kian ng hindi kumikibo kaya natigilan na rin sila sa pag-uusap.
“Ba't ba, p're? Kung wala kang Lesley, iisipin ko nagseselo—aray!” reklamo n'ya ng tumama sa kaniya iyong ibinato kong bote ng mineral water na wala ng laman.
“Nandyaan 'yong basurahan, nakaharang ka.” paliwanag ko na totoo naman, the trash bin's behind him. Itinapon na lang n'ya roon iyong bote at kinuha na rin ang bag n'ya bago tumabi sa akin.
Nanahimik na lang ako bago ini-chat si Lesley. I send her a photo of the Gymnasium with a message saying it's our P.E. class. Hindi naman s'ya online kaya naisipan ko na lang na mag-scroll. Nasa kalagitnaan pa lang ako ng mapansin ko iyong mga nakatambak na friend request sa account ko, dahil bored ay naisipan ko na lang na i-check iyon. I accepted my classmates and newly meet people here in the university while I deleted randomly sent request.
Natigilan na lang ako ng makita ang friend request ni Max na noong last April pa naka-stuck. I let go of a heavy sigh before accepting it. Nang bumalik ako sa newsfeed ko ay ewan ko ba pero naagaw na naman ang pansin ko ng bagong upload na Facebook story niya. It's a mirror shot of her while wearing my jacket in the changing room, the caption says:
“You may act tough but you're still kind. Thank you so much, J!” 💓
The next day, pagdating ko sa classroom ay namalayan ko na lang na pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko ang upuan ko. The reason is that there's a paperbag on it and a box with a ribbon.
“Ang aga naman ng Valentine's mo, Reck. Mid of January pa lang!” panunukso ng isa sa mga kaklase ko kaya agad ko s'yang pinakitaan ng middle finger salute sign.
“Saan ba 'to galing?” tanong ko sa kanila pero halos lahat sila ay nagsabing hindi nila alam. Nandoon na raw iyon pagdating nila.
I immediately get the paperbag and saw a familiar thing inside, it's my varsity jacket. Ang box naman ay may lamang apat na chocolate cupcakes. There's a card inside the box and it says;
Reck,
I know you hate my presence and as much as possible you don't want to see me. That's why it's the only way I can show my gratitude for your kindness yesterday. Thank you for lending me your jacket, I baked you this cupcakes as a sign of my sincerest appreciation. Hope you'll like it!
—M
I don't have to think twice to whom it came from, s'ya lang naman pinahiram ko ng jacket ko. At, taga-Bread and Pastry s'ya so malamang marunong s'ya mag-bake.
“Hey, saan ka pupunta bro?” tanong na naman ng isa sa mausisa kong kaklase nang makita akong papalabas ng classroom dala ang box.
“Magtatapon ng basura.”
“Itatapon mo 'yan? Ano bang laman?”
I open the box and they immediately got confused upon seeing the cupcakes.
“Sayang naman, pwedeng sa amin na lang?”
Mga buraot talaga. I just get the card to avoid any issue then lend them the box which they immediately get. Babalik na dapat ako sa upuan ko nang maalala ang hawak kong card, I tear it apart before throwing to the trashcan. Mahirap ng ma-link sa iba, lalo na at LDR kami ni Lesley. I don't want her to end up questioning my faithfulness with her.
========================================
A/N: As much as I can, I will update weekly. Thank you for those who's continuously reading this novel of mine!
You guys are highly appreciated. I am planning to complete this before its anniversary, yay! Manifesting :">
~sapphirearies
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top