CHAPTER 15

A/N: It took months before I managed to update, I'm so sorry for the delays. My workload were just really heavy, more than that.. the nature of my job is really demanding. But I will try harder to keep this story going, before it's anniversary I am aiming for it to be complete!
Thanks for the constant support, keep safe fellas!
-sapphirearies

Chapter Fifteen


First and second half of second semester of Grade 11 passed like a whirlwind. Si Lesley ay nasa honor list pa rin at s'yempre sobrang proud ako sa kaniya. I also tried my best to excel at my chosen track as I wanted to be worthy enough for her, ayaw ko rin naman na ma-disappoint sa akin si Papa kung sakali. Hanggang ngayon ay di pa rin ako gaanong kinikibo ni kuya Binoy dahil sa nalaman nga n'ya na pagpuslit ko pauwi lagi dahil kay Les. Pasalamat ko na lang at hindi n'ya ako isinumbong kina Papa.

Semestral break na ngayon at nandito ako sa bahay dahil dito rin naman kami sama-samang sasalubong sa Bagong Taon na buong pamilya.


“Jereckson, okay ka lang ba sa dorm n'yo? Pumapayat ka yata, 'nak,” nag-aalalang turan ni Mama nang tabihan n'ya ako habang nakatambay sa terrace. Kasalukuyan kong itino-tono ang bagong biling gitara ni Kevin na ipinapa-ayos nga n'ya sa akin.

“Po? Okay naman po ako. Marami naman po laging stock na pagkain kasi weekly naman ako mag-grocery, tsaka sobra pa nga po sa sapat 'yong allowance na ipinapadala n'yo ni Papa.”

“Nagpapahinga ka pa ba? Mukha kang pagod,” puna n'ya pa bago ako tinitigan sa mata.

I avoid her gaze as I don't want her to notice that I'm kinda lying at her. Nakakapagod 'yong set up namin ni Les sa totoo lang, sobrang hirap lalo na noong exam week namin. Kailangan ko ring magtipid dahil naglalaan ako ng pamasahe para sa pag-uwi ko rito linggo-linggo. My supposedly rest every weekend were spent with me escaping to meet Lesley. Pero okay lang, s'ya naman kasi ang pahinga ko mismo.

“Kung may problema ka, h'wag kang mahihiya na magsabi sa akin ha? Mama mo ako, alam ko kapag may bumabagabag sa 'yo,” then she smile at me genuinely. Tumango na lang ako at ngumiti rin bago itinuon ang atensyon ko sa hawak na gitara.

Not too long after, she then decided to enter the house and leave me. Napabuntong-hininga naman ako agad bago nagpasyang tawagan si Lesley. I'm not sure if she will pick it up as she told me beforehand that she will be busy today.

“Hey! Uh.. hello?" Excited ang tono n'ya ng sumagot at naghintay ng ilang segundo.
“Reck? Beb?” I just listen to her voice as I can't find the right words to utter.

“Hey.. akala ko busy ka?”

“Oo nga, pero tumawag ka kasi. May problema ba?” nag-aalala na ang tono n'ya at kasabay noon ang pag-notif mula sa Messenger na nagrerequest s'ya na mag-transfer sa video chat. Naka-voice call lang kasi.
I press the on-cam button then smile to wash away her worries.

“Sabog ka ba? Ang aga-aga, beb.” puna komento n'ya habang nakatitig sa akin.

“Narealize ko lang, we've been together for thirteen months beb. Hindi ka ba nagsasawa?” I asked out of nowhere. Mukha naman s'yang nabigla ng bahagya dahil ang seryoso ng tanong ko.

We celebrated our anniversary last month, tapos nitong nakaraang 13th monthsarry namin ay busy naman kasi nasa family gathering kami dahil December. Time just really fly so fvckin fast.

“Ba't bigla mong naitanong? Napapagod ka na ba?” she asked in an uncertain manner. She's looking at me intently too.

“Hindi sa ganoon, I'm just wondering. Mula elementary kasi ay nakabuntot na ako sa'yo. Baka mamaya ay nauumay ka na pala sa kapogian ko, eh di magpapa-pangit muna ako para may thrill.” she just laugh with what I said then shook her head.

“Nasisiraan ka na naman ng ulo, hmm kumain ka na ba ng lunch?”

“Yup, ikaw ba? Itino-tono ko lang 'tong gitara ni Kevs kasi dadaanan na n'ya mamaya bago s'ya lumuwas.

“Hindi rito magnu-New Year si Kevin? Akala ko ba magpi-picnic tayong anim sa plaza?”
She's pertaining to the plan we arranged as a get-together before New year's Eve. Balak sana naming mag-picnic sa town plaza kasama ang buong tropa tutal umuwi kaming lahat dito sa probinsya mula sa sari-sarili naming university commitments. Si Lesley nga lang kasi ang naiwan sa lugar namin at nag-aral sa Emilio Integrated Senior High School at bibihira kami makumpleto. Hindi kasi click lagi ang schedule kaya puro random chats at group video call na lang kapag free time.

“Nagkaproblema raw kasi sa report card n'ya, failed s'ya sa isang subject this grading ng second sem. Aayusin n'ya para di sya ma-hassle pagbalik natin ng final grading.”

“He can't have a fail grade, baka hindi s'ya ma-admit sa university na gusto n'ya.” she said bothered. Alam kasi naming pareho na kahit medyo parang sabog lagi si Kevin ay seryoso naman ito sa pag-aaral mula no'ng unang araw pa lang ng pasukan nitong Grade 11. He's preparing for his future, so are we. Kasi iyon naman ang purpose kaya nadagdag itong dalawang taon at pinalitan yung Basic Education Curriculum.

“Inaayos naman na n'ya, kailangan lang nang proof na nag-submit s'ya. May track record naman s'ya kaya madali na 'yon.”

“Mabuti naman. Ikaw ba? You will pursue Engineering sa college?” she asked with a smile.

“Oo naman, 'yon din kasi ang gusto nina Papa. Eh, ikaw SPO1 pa rin?”

“Yup, I will chase that title, beb. You know how much I wanted to prove myself anyway.”

Lesley is a fine woman, she's an epitome of simple, with moral and pure lady. But she's also fierce and courageous, she wanted to prove the world that woman like her is also capable of doing acts just like what guys does. Matapang, sobra.

“I will build our own house, you have the sketch right?” what I said just make her cheeks flush.

“H-Hey, siraulo! Huwag mong sabihin, h'wag kang magplano kasi baka ma-jinx. Nakakainis ka naman, Reck!”

“Anong jinx jinx ka riyan? We'll make it happen, ano ba?”

“Kahit pa! Tsaka na tayo magplano about future kapag naka-graduate na tayo ng college. Five years pa 'yon, imagine that!”

“Oh, limang taon lang? Napaka-basic naman. Basta one thing's for sure, you're the one I wanna marry. Kung hindi ikaw, h'wag na lang.”

The way she look at me suddenly change until there are visible tears forming at the corner of her eyes. The crybaby, cutie.

“I love you, Reck. I.. you're...” she sniff while trying to form her sentence.
“Ikaw lang rin ang gusto kong pakasalan, it may sounds surreal but I no longer wanted to invest with anyone. It's just you, sa'yo lang.” she then smile widely while sniffling.

“I love you most, Lesley.”



Patuloy ang pagsigaw ni Annie habang pilit namang tinatanggal ni Shai ang kapit nito sa kan'ya. She's hiding behind her, trying to elope from Kevin who's currently holding a bug.

“Parang tanga, Kevs! Bobo ka ba?! Ilayo mo nga kasi 'yan!” sigaw ulit ni Annie habang nakatago pa rin sa likuran ni Shai.

“Nasasaktan ako, Annie! Ano ba?” the other complaint as she's kinda grabbing her with force.

“Salagubang lang pala katapat mo ha? Ilabas mo ngayon ang tapang mo,” pang-aasar ni Kevin at mas lalo pang humakbang palapit sa dalawa.

“Bwisit ang ingay. Hoy Kevs aba!” nakikisali na si Renz tsaka hinila sa braso si Kevin, kinuha n'ya ang hawak nitong insekto tsaka itinapon pero lumipad din naman sa ere.

“Ang epal mo talaga, Renz! Hindi ka naman inaano ah!” naghuhurumentado na si Kevin tsaka agad na humakbang palayo. Mukhang maghahanap ulit ng salagubang ang gago. Si Annie naman ay nakaupo na sa nakalatag na picnic blanket at tinitingnan ang mga chips na nakahain doon.

“Okay ka lang?” Renz asked Shai as she's busy checking her arms. May mga red marks doon dahil sa higpit ng pagkakahawak ni Annie kanina.

“Saks lang, okay lang. Don't worry..” she answered afterwards.

“Sinong may sabi na may pake ako? Worry mo mukha mo,” supladong komento ni Renz bago umalis, naiwan namang tulala si Shai na medyo mukhang napahiya.

“Reck, saan na si Les? Akala ko ba kanina pa s'yang papunta raw?” tanong ni Annie na nakapagbukas na pala ng Potato Fries.

“Teka, saglit..” I timidly smile at her then get my phone, akmang ida-dial ko na ang number ni Lesley nang may humablot noon mula sa kamay ko. When I look up who get it;
“Sinong tatawagan mo ha? 'Yong iba mo?” Les blurted out with a teasing smile.

“Oo eh, kaso h'wag na lang pala kasi nandito ka na.” malakas n'ya akong hinampas sa braso tsaka tiningnan ng masama. Her dagger eyes were on me.

“Nakakahiya naman, oh tawagan mo na. Baka nakakaabala ako, diyan ka na muna.” and she stormed away then sit beside Annie. Natatawang sinundan ko na lang s'ya tsaka ako naupo rin sa tabi n'ya. I cling my arms around her waist and put my chin on her right shoulder.

“May toyo ka na naman, hey beb.. abunjing abunjing?” pagbibiro ko at mas hinigpitan ang yakap sa kan'ya.

“Fvck, PDA! Nakakadiri naman! Ang sakit, nilalanggam ako. Ouch!” komento ni Annie bago tumayo at kunwaring kinakamot ang binti niya. She then sit beside Shai who's currently laughing at her reaction.

“Patusin mo na kasi si Kevin, baka kayo talaga ang true love!” Shai added pissing her off.

“Mamatay na lang ng dalaga kaysa patulan 'yong ugok na iyon!”

“Sinong ugok?” Kevin appears out of nowhere and smiling devilishly.

“Ika—” and she was interrupted with her eyes wide open.
“What the hell! Tang ina mo, Kevin!” agad na tumayo si Annie at humakbang palayo dahil may hawak na naman si Kevs na salagubang at nakaamba iyon sa kaniya. Ilang sanga kaya ng puno ang inalog ng gago para makakita noon?

“So sino ngang sinasabi mo na ugok?”

“Si Renz! Actually ang pangit nga rin n'ya, kaya nagtataka ako ba't s'ya naging crush ni Shai.” then she smile playfully.

“Anong crush?” Lesley gaze at Shai who's as red as tomato now, she sounds betrayed because she's clueless about the issue.

Napatuyo na tuloy si Shai na di magkanda-ugaga ang histura.
“No, Les! Marites lang talaga 'yang si Annie! She's just making up stories, hindi kami talo ni Renz!” kinakabahan na depensa nito na kumukumpas-kumpas pa ang kamay na akala mo ay nagka-class reporting.

“Maka-hindi ka naman talo, parang luging lugi ka kapag nagustuhan mo ako ah? Baliktad yata, nerdy mo kaya.” Renz seems offended then hissed. Shai then buffer for few minutes then smile.

“Imposible na magkagusto ako sa'yo, at ganoon ka rin sa akin. That's what I mean kasi, tropa kaya tayo rito. Bro code, please!” and she shook her head before sitting again and focus on her phone. Ni hindi na n'ya ulit sinulyapan sinoman sa amin.

“Annie, Kevs, maghahagisan na lang talaga kayo ng salagubang? Maghugas ka ng kamay mo p're,” sabi ko na lang para mawala 'yong medyo nakakailang na sitwasyon bago isinandal ang noo ko sa balikat ni Lesley. I'm sitting at her right side.

Nasunod ang original plan namin na magkita-kita, mabuti na nga lang at naayos agad ni Kevin 'yong naging problema n'ya sa school.

“Renz, paabot naman n'yang gitara ni Kevs.” pakisuyo ko bago 'yon kinuha. I take my hands off Les waist and position the guitar on my lap.

“Can I call you baby?” then I started strumming. “Can you be my friend?” I met Lesley's stare and let myself get drown with it.
“Can you be my lover up until the very end? Let me show you love, oh, I don't pretend..” and I smirks at her, remembering how she used to shoo me away by being slightly rude.

“Stick by my side even when the world is givin' in, yeah... Oh, oh, oh, don't... don't you worry.. I'll be there, whenever you want me..” while plucking, everyone then respond with my smile, feeling the vibe and ready to sing along.

“I need somebody who can love me at my worst.. No, I'm not perfect, but I hope you see my worth.. 'Cause it's only you, nobody new, I put you first..” everyone sang in chorus as if we're on a music video.

  “And for you, girl, I swear I'll do the worst,” I slowed that line then, drop the song while still humming. Nasa gilid ko na rin ang gitara at tsaka ko hinawakan ang kamay ni Les.

“Hanga ka na naman sa boyfriend mo? Baka isang araw pikutin mo na lang ako ha?” pagbibiro ko kaya mahina n'ya akong tinapik sa pisngi.

“Wake up, Engineer. You're daydreaming,” then she giggles.


***

Sounds of someone giggling wake me up, medyo sumasakit din ang leeg ko kaya bahagya akong bumalik sa kasalukuyan.

“Papa, wake up! We're here at Baguio! We'll go picking strawberries, I'm excited!” sigaw ni Alex habang inaayos din ang pink n'yang bonet. She's beside me while I'm at the driver's seat, leaning on the headrest.

Nasa Baguio nga pala kami dahil nag-file ako ng leave dahil balak ko nga na mag-out of town trip kaming buong pamilya. Kasalukuyan kaming naka-stop over sa tapat ng isang convenience store. The same shop where I used to spent time with Lesley when we're on Junior highschool, ibang branch nga lang 'to.

“Ang kuya mo? You're mom?” I asked upon noticing that we're the only one in the car.

“Kuya needs to pee so Mama assist him. There!” nakanguso pa s'ya ng itinuro ang establishment na hindi kalayuan ang pwesto kung saan kasalukuyang nakaparada ang sasakyan.

“Your Mom left you here?” naguguluhan na tanong ko dahil sa pag-aalala. Angel and I knew how naughty and playful Alex could be. Why did she left our daughter here while I'm sleeping? She should've wake me up first!  Paano kung naisipan ng bata na lumabas ng kotse? We're near the highway at the unfamiliar city, for pete's sake! Danger is freakin' every where!

“No, Papa. She left me here with you po, sabi mo nga bilisan lang nila. Are you dreaming pa ba?”

“Ah, inibilin ka n'ya sa akin?” I asked then she answered with couple of nod. Nakangiti pa s'ya at nakatitig sa akin.

Now, why am I accusing my wife just like that? Ang bobo ko, ako pa pala 'yong naging pabaya eh. I fell asleep maybe because of being too tired in driving. Hindi pa rin naman nakakabalik ang mag-ina ko kaya power nap lang siguro 'yon, napaidlip lang kumbaga. Kasi kung matagal na akong nakatulog, naabutan na sana nila ako na ganoon ang hitsura at paniguradong masesermunan ako ni Angel.
Nang sulyapan ko ulit si Alex ay napansin kong nakasuot s'ya ng seatbelt habang hawak ang mga ginagawa n'yang maliliit na origami, one hundred heroin yata iyon. By the way.. yeah, now I remember buckling her the seatbelt because she doesn't know how to remove that, with that I have the assurance na hindi s'ya makakaalis sa pwesto n'ya kahit umidlip ako. I'm kinda witty on that part.

“Hello, Angel? Nasaan na kayo ni Ash?” tanong ko makalipas ang labinlimang minuto na wala pa rin sila.

“Just wait, love. I think Ash' stomach ain't fine, kanina pa sya pabalik-balik sa restroom. I bought him medicine naman na, nandito lang kami sa waiting area while still contemplating if he will be fine.”

“What is he doing at the moment?”

“Online games, mana kasi sa'yo.” then she chuckle. “Hey, Ash your papa is worried about you.” dinig kong sabi n'ya sa background.

“I'm playing, ma! Matatalo ako eh,” he complained making her mom laugh more.

“Hear that? Ganoon ka rin lagi noon! Grumpy!” then she hissed. Natawa na lang rin ako habang inaalala ang sarili ko noon.

But lot of things have changed, it was too distant from how it was before. Especially when it comes to “who I am with” right now. Lesley was already unreachable for me and I've been married with Angel for years. Hindi na mababago ang katotohanan na 'yon.

***

Habang kumakain ng agahan matapos ang New Year's Eve, hindi ko alam pero kakaiba 'yong katahimikan sa mesa. Kumpleto kami ngayon dahil umuwi rin rito yung panganay sa aming magkakapatid na kina lola naman nakatira. Naiilang man ay hindi ko naman alam ang dapat sabihin para mawala 'yong eerie atmosphere.

“Jereckson..”

Mabilis akong napalingon kay Papa dahil sobrang seryoso ng boses niya. Ewan ko rin pero napansin kong pasimpleng hinawakan ni Mama ang kamay n'yang nakapatong sa mesa.

“Bakit po?”

“Hanggang kailan mo kami balak gaguhin?”

“Ano pong ibig n'yong sabi—”

“Nobya mo na ba si Lesley ha!? Anong katarantaduhan 'yong ginagawa mo? Kung gan'yan din pala, tumigil ka na. Sinasayang mo lang ang oportunidad, nilulustay mo lang ang pera ko para sa wala!”

“Pa, baka may valid naman pong paliwanag si Reck. Hayaan n'yo po muna s'yang magsalita..” sabat ni kuya Binoy pero inismiran lang s'ya ni Papa.

What the fvck is happening?

“Wala akong pakialam sa rason n'ya, it's his future that at stake right here!” hindi na nakasagot si kuya Binoy at napalingon na lang sa akin bago umiling. He's looking at me as if he already warned me about it. And that makes sense, hindi naman magagalit ng ganito katindi si Papa maliban na lang kung... alam na n'ya.

“Kumalma ka muna Nelson, makinig ka muna.” alo ni Mama kay Papa sa gilid bago rin ako tiningnan na parang hinihikayat magsalita at lakasan ang loob.
Kuya Binoy's real name is Nelson, he's the junior of the family though I am the youngest. Nasa kan'ya lagi ang pabor ni Papa kasi responsable s'ya at di marunong sumuway; he's like the good and gold son. Pero kung mukha ang pagbabasehan, maraming nagsasabi na ako ang pinaka-kahawig ni Papa sa aming magkakapatid.

“Sumagot ka, Jereckson. Nobya mo na ba si Lesley?”

I don't know what to say as I'm fvckin nervous. Hindi pa pwede, bawal pang mag-boyfriend si Lesley kaya nga low-key lang ang relasyon namin at 'yong barkada lang namin ang may alam. Other than that, no one. Si kuya Binoy rin pala..
As much as I wanted to tell the whole world that she's mine, I cannot. I shouldn't because it will fireback to us negatively.

“Mahal ko po siya..” matapang na sagot ko bago sinalubong ang galit na titig ni Papa. This is the safest but the most genuine answer I could say for now. I don't want to put her at risk, also with tons of judgements. Sa paningin kasi ng lahat ay bata pa kami, na hindi dapat itinutuon ang panahon at oras sa mga ganitong bagay. We were fed up by the pressure to focus on preparing our future.

Papa met my gaze and just aggressively shook his head after staring with me for few minutes. Alam kong hindi ako ang paboritong anak at ako ang pinaka-pasaway pero 'yong paraan ng pagkadismaya n'ya base sa reaksyon n'ya ngayon ay para bang wala na akong pag-asa. As if I'm his biggest disappointment. When it's about relationship, it is me who got involved at such a young age. Si kuya JM kasi ay naka-focus kina Lolo at Lola, si kuya Binoy ay kulang ang oras sa kakatrabaho, tapos si kuya Bronson naman ay nagka-interest lang mag-girlfriend nitong pinatunayan na n'ya na kaya n'ya ang sarili; he's a working student and he's providing for his needs.
Ako, na dependent pa.. ang naunang nakipagrelasyon, hindi ko naman masisisi si Papa bakit ganoon na lang ang inis n'ya.

“Pack your things.” iyon lang ang sinabi ni Papa bago tumayo at naglakad papasok ng kwarto nila ni Mama.

“Diyan ka lang, unawain mo na lang muna ang Papa mo.” bilin ni Mama bago sumunod din paalis.

Silence envelop the dinning after that. Si kuya Bronson ang naunang kumibo dahil sa pagtawa n'ya ng pagak.

“Mahal ha? Ang aga mong humarot, 'tol.” puna n'ya na halatang nang-aasar.

“Siraulo ka, pogi ko kasi.”

“Uuwi na ako, pasabi na lang kina Mama't Papa. For sure hinihintay na rin ako nina Lola, mas kailangan ako roon.” sabat ni kuya Jomerson bago tumayo.

“Kuya, kakapunta mo lang dito ah. Magdadamdam naman si Mama n'yan, hindi mo na nga rito sinalubong ang Bagong Taon eh.” kontra ni kuya Binoy na may katotohanan naman. He just arrived here earlier today as he celebrate New Year's Eve with our grandparents; they are the one who raised him so he's much attached to them than us.
Alam naman naming lahat 'yon.

“Ayusin n'yo muna problema rito, basta pasabi na lang.” at wala na ngang nakapigil sa kan'ya ng dumiretso s'ya palabas.

“May date pa rin ako, d'yan na muna kayo.” at umalis na rin si kuya Bronson.

Nang tingnan ko si kuya Binoy ay seryoso na rin 'to habang matamang nakatitig sa akin.
“Alam ko ang iniisip mo, na tama ka? Alam ko na kuya, hindi mo na kailangang sabih—”

“Buti alam mo, tss. Sabi ko kasi sa'yo na ayusin mo ang buhay mo.” pambabara n'ya sa akin.

“Wala namang mali ah, wala lang akong choice. Wala akong kontrol sa desisyon kung saan ako magsi-senior high, hindi naman ako pinayagan ni Papa na rito na lang. Eh di sana hindi ko na kailangang—”

“Kay Papa ka magpaliwanag. Magtino ka na kasi,” tugon n'ya bago ako iniwanan. Maybe to contemplate for my actions?

Kinagabihan, ipinatawag ako ni Papa sa veranda sa second floor kung saan ako madalas tumambay. He's sitting stiff while watching my steps, few minutes have passed before he even clear his throat and look at me.

“Bawal kang lumabas mula ngayon, ihahatid kita sa PIU night before the return of the classes just to make sure you will not elope to meet someone again. I will also assign a staff from the University to takeover your groceries and stocks. Hindi mo na kailangang bumili ng pagkain mo sa dorm. Hindi na rin ikaw ang personal na magbabayad ng tuition mo, I will do it myself. The allowance will only be through debit card I will give you so there's no way you can cash out from it.”

“Pero kailangan ko rin naman po ng cash, paano kung may emergency contributions na hindi naman pwedeng sa inyo ko pa pabayaran? Group study expenses? O kapag nagkakayayaan na kumain sa labas? Gumala?”

“Hindi ka nasa PIU para maglibang, nandoon ka para mag-aral. Itatak mo 'yan sa kukote mo.”

His harsh and straightforward words caught me off guard. He's really into it. Ginagawan n'ya talaga ng paraan para di ako magkapera na magagamit ko para makita si Les. Damn!

“I will monitor your routine of going outside PIU using the access on your keycard I.D. Focus on your studies, Jereckson. Kung ayaw mo, ngayon pa lang ay sabihin mo na, h'wag mo ng sayangin ang oras ko. Ang Mama mo lang naman ang nakiusap para pagbigyan kita.”

“Naiintindihan ko naman po.”

“Ang cellphone mo?”

Surprised with what he asked, I just gaze at him unbelievably.

“I am in control of everything that you have as I am the one who provided you that. Wala ka pang maipagmamalaki, patunayan mo muna ang sarili mo.”
Hesitant, I hand him over my phone which he immediately get. Inilagay n'ya 'yon sa bulsa bago nagpasyang umalis.

What the fvck? Ano ako? Bata? Grounded, ganoon? Shet! Lesley was clueless about everything, I don't want to stress her out so I didn't tell her what happened earlier. Kanina ay magaan pa rin ang pakikipag-usap ko sa kan'ya dahil ayaw kong mahalata n'ya na may problema. Pero, paniguradong magtataka 'yon kung bakit hindi ko man lang s'ya kino-contact. Bwisit naman oh!


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top