CHAPTER 14


Chapter Fourteen

Dumiretso na ako sa loob ng store at tsaka hinanap ang Frozen goods section. Wala akong balak magluto ng kung anu-ano kaya 'yong mga instant at ready to eat lang ang bibilhin ko. Tamang prito lang, gano'n.

"Bobo, nasaan ba yung hagdan nila rito, ba't kasi 'to inilagay sa mataas?!" reklamo ng kung sino habang pilit may inaabot mula sa itaas ng istante. Masyado syang okupado sa ginagawa kaya hindi niya napansin na nasa tabi niya na ako. The woman only look at me when I get the product she's been trying to reached for quite some time already.

"Hoy akin-"

Damn. Ba't nandito siya?

"J-Je.." she blurted stuttering with her eyes wide open, her lips was slightly apart too.

"Uy.. ah dito ka?" parang tanga na sambit ko dahil na rin sa pagkabigla.

"Malamang kasi kaharap mo nga ako 'di ba?" pambabara na niya bago umirap.

"Oh, pandak kasi. Thank you ha?" I commented teasingly as I put the product in her cart.

"Heh, you're welcome!" she then smile not minding my sarcastic remarks. Nakangiti na naman siya ng malawak pero nilampasan ko na ang pwesto niya.

"Anong strand mo, Je?" tanong niya habang pilit na sumasabay sa akin at tulak-tulak ang cart niya.

"Hindi ko sasabihin," tipid kong sagot tsaka tumigil sa tapat ng mga chiller. Binuksan ko iyon at kumuha ng ng mga naibigan ko tulad ng hotdog, sausage at patties.

"Frozen? Gusto mo ipagluto na lang kita lagi?" alok niya pa habang pinapanood ako sa ginagawa.

"Bawal ka sa dorm namin, Max kahit pa kilos lalaki ka,"
True to that, magkahiwalay talaga ang dormitory ng babae sa lalaki. Sa main door sa ground floor noon ay may scanner din kaya talagang occupiers lang ang puwedeng pumasok. May security guard din para maiwasan ang hiraman ng keycard I.D. at magloko.

"Sinabi ko bang sa dorm mo ako magluluto? Ikaw ha, just tell me kung gusto mo akong kasama. I can adju-"

"Ang ingay mo, nakakarindi." inis na putol ko sa sinasabi niya. Sakto namang tumunog ang cellphone ko kaya napabaling na roon ang atensyon ko kaysa makipag-argumento kay Maxine.

"Hello beb, kamusta?" sagot ko dahil tumatawag si Lesley. Naka-uniform na sya; Cream long sleeves blouse and pleated knee-length light Brown skirt. It has checkered designs that are red and green.
Nakalugay ang buhok niya at nakasuot pa rin sya ng salamin.

"Boring. Walang kamatayan na 'introduce yourself', parang Junior high school pa rin kaso iba na ang set ng subjects. Akala ko naman style College na kapag Senior highschool." litanya niya na halatang dismayado base sa pagkakakunot ng noo.

"Relax, SPO1. Pero ang ganda mo pa rin kahit naiinis."

Maxine instantly hissed that's why I glanced at her. Nag-muestra naman siya na aalis na, mukha bang may pakialam ako? Binawi ko na lang ang tingin ko sa kaniya at ipinagpatuloy ang ang pagkuha ng ilan pang Frozen products.

"You're buying stuff? Akala ko ba nasa dorm ka?" nagtatakang tanong ni Les nang makita ang ginagawa ko.

"Beb, may grocery store kasi rito sa loob din ng campus. Daig ka 'no?"

"Ay shems, legit ba? Sanaol may sariling grocery store sa university."

Pagkatapos ko sa pagpili ay iba namang produkto ang hinanap ko. Tinulungan naman ako ni Les dahil hindi ko rin kabisado ang mga dapat bilhin. Hindi kasi ako nakapag-inventory bago pumunta rito. Basta ang nasa isip ko ay bigas, mantika at ulam lang ang kailangan ko tapos ay solved na. Malay ko bang kailangan pa n'yang ipaalala ultimo 'yong toothpaste? Hindi ko kasi sure kung mayroon ba sa sink sa loob ng banyo noon, pero tanda ko ay may body soap naman at shampoo sa rack.

My first time of uh.. shopping ain't a disaster tho. Muntik lang pala dahil sa asungot na si Maxine.

Ang hirap masanay mula paggising mo na nakaayos na lahat tapos pagdating mo sa school ay may kaibigan ng sasalubong sa 'yo. I chose to sit near the back door of the room as I silently observe my surrounding. Dalawa ang pinto ng silid, isa sa tapat ng harapan at isa rito sa likuran. The purpose is to avoid stampede when going out.
Malapad ang built-in whiteboard sa unahan at pwede ring gamiting reflector sa projector kung may reporting. Bukod doon ay may 48" flat screen TV din na nakakabit sa itaas na a ng whiteboard.

Wala na 'yong nakasanayang set up ng teacher's table sa harap, kasi ang nakalaang table ay nasa likurang bahagi na ng klase. At katulad ngayon, bawat subject teacher naman kasi ay madalas nakatayo sa unahan at nag-oobserba. Sabi nga nila, "facilitator" na lang sila dahil kailangan naming masanay na kami na ang nagle-lecture sa pamamagitan ng reporting.

Nag-check lang ng attendance at nagpapasa ng index card na may pangalan namin para sa grading sheet 'yong teacher namin sa "Earth and Science" tapos ay hinayaan na n'ya kami. Bilang respeto ay mahina naman ang pag-uusap ng mga kaklase ko. We're thirty-five in class, female are only ten. Expected naman na 'yon kasi iilan lang naman talaga kadalasan ang mga babae sa STEM strand.
Hindi crowded ang classroom at fully air-conditioned pa kaya komportable naman. Dahil wala naman akong makausap ay inaantok tuloy akong yumuko sa armchair ko. Bawal naman daw kasing gumamit ng phone unless necessary sa klase.

"Hey, bored ka?"

I look at the guy with glasses who just talked to me and lazily nod my head.
"Oo, p're."

"Nakita mo na ba ang Computer Lab nitong university? Gusto mo puntahan natin?" tanong niya ulit na nakakuha ng atensyon ko.

"Malaki ba?"

"Ma'am, masakit raw po ang tiyan ni Jereckson. Sasamahan ko lang po sya sa clinic," he shouted that caught the attention of the class. Gagu ng pota!

Our teacher glance at me so I instantly act like stumbling in pain.
"Masakit nga Ma'am, pwede po ba?" tanong ko pa habang nakangibit.

"Take him to the clinic, Taiga. Make sure to show me a check-up slip."

"Opo, Ma'am." at inakay na nga niya ako.

Nang makalayo kami sa classroom ay agad kong binitiwan ang tiyan at tumayo ng tuwid.
"Paano 'yong check-up slip? Siraulo, mapapagalitan tayo."

"Eh di magpa-check up ka. Mahalaga may slip tayong maipakita mamaya. Pero ngayon, sa Computer Lab muna tayo." then he smirks.

"Ano nga pala.. Reck na lang itawag mo sa akin. Hindi ako sanay kapag kumpletong pangalan ko pa eh," I added casually.

"Ako rin. Kian na lang, mas sanay ako sa gano'n. Epal si Ma'am kasi nag-lastame ba naman, pauso. Kian Angelus Taiga talaga kasi complete name ko, pota." litanya niya na ikinatawa ko.

"Siraulo ka, p're."

"Tagal na, since birth." he replied proudly. Mukhang hindi lang ako ang nag-iisang gago na naligaw sa university na 'to ah?

Nasa second floor pa pala ng main building na nasa gitna ng campus ang Computer Lab at katabi noon ang Library. Sa ground floor naman ang clinic at ang Dance hall na salamin ang pader kaya kitang kita ang ilang nagsasayaw ng hip-hop sa loob. Hanggang six floor ang building na 'to at nandoon sa pinakataas ang Dean's office.

"Saan ang faculty room dito, Kian?" tanong ko dulot ng kuryosidad.

"Buong fourth floor, Senior high school faculty ang nandoon. Sa Fifth floor naman ang College administration." kwento niya na halatang pamilyar na sa lugar.

"Eh sa third floor anong mayroon?"

"University clubs. Nasa lampas sampu ang club nila rito, pwedeng mag-join kahit sino."

"Ah, gets.."

"Heto na, p're." nakangiting sambit niya bago buksan ang isang pinto.
"Pero teka.." pinagmasdan niya akong maiigi at agad kumunot ang kilay na ipinagtaka ko.

"Bakit?"

"Nasaan ang keycard I.D. mo?" tanong niya na mas nagpakunot ng noo ko.
Agad ko sanang ipapakita ang I.D. kong naka-clip sa left pocket ng suot kong uniform kaso wala iyon doon.

Damn.

"Halah, gago! Nawawala!" bulalas ko tsaka tiningnan ang dinaanan namin.
"Shit pare."

"Tanga, legit ba? Nawawala nga?" seryoso na rin ang hitsura niya habang pinapanood ko.

"Hoy oo nga, pota teka check ko sa hallway." at tinalikuran ko na sya. Ilang sandali pa ay nasa tabi ko na ulit sya.

"Report na natin sa Lost and Found Org." suhestyon niya na tinanguan ko na lang kaya sasakay na sana kami ng elevator dahil nasa ground floor din iyon.

"Uh, Je? Is that you?" naging mabilis ang paglingon ko sa tumawag sa akin at agad naman syang lumapit.
Si Maxine, nakasuot sya ng apron at hairnet. Nang tingnan ko ang pintong pinanggalingan n'ya ay "Cooking Lab" ang label na nakapaskil doon.

"Anong kailangan mo?" kaswal na tanong ko dahil ayaw ko namang magmukhang bastos lalo na at may mga kasama sya na nakamasid sa amin.

"Mukhang ikaw 'yong may kailangan sa akin," nakangiti sya ng nakakaloko tsaka itinaas ang key card I.D. ko na hawak niya.

"Ba't nasa iyo?" nagtatakang tanong ko bago iyon hablutin sa kaniya.

"Napulot ng classmate ko sa ground floor no'ng papunta kami rito."

"Pasabi salamat." tugon ko tsaka tumango.
"Tara na Kian," tawag ko naman ng tingnan ko ito.

"Saan kayo?" pang-uusisa pa rin ni Maxine na kay Kian na nakatingin dahil nahalata na yata n'yang hindi ako interesadong makipag-usap sa kaniya.

"ComLab," sagot nito.

"By the way, I'm Maxine from TVL track. Sa Bread and Pastry strand." she introduce herself with a smile.

"Ano, Kian pala. Sa STEM kami ni Reck.." pakilala rin nito bago ako sulyapan.


Damn.

"Ang daldal mo. Gagu tss," reklamo ko bago nagsimula ng maglakad at iniwan sila roon.

"Badtrip ka? Ex mo ba 'yon? Mahal mo pa?" tanong nito nang sundan ako.

"Ba't mo sinabi ang strand natin? Paniguradong madalas ko 'yong makikita sa STEM building." naiinis na dagdag ko pa bago i-scan ang keycard I.D. ko pagpasok ng Computer Lab.
Nang tuluyan na kaming makapasok ay nanahimik naman na si Kian at hindi na ako tinanong.

Malaki 'yong loob ng Computer Lab, maayos na naka-linya ang mga desktop na nakapatong sa isang mahabang mesa. Dalawa ang column na may tig-limang row. Bawat row ay may sampung desktop.
Sumatutal, nasa isandaang computer lahat ng pwedeng gamitin ng mga estudyante. Iilan na lang halos ang napunta rito sa ComLab kasi may access naman lahat sa university WiFi. Mas convenient naman na kasi talagang gamitin ang cellphone.

"Ganda ng facility ano? Mabilis din net nila rito," pagmamalaki ni Kian bago naglakad sa pinakamalapit na desktop. Sa pamamagitan ng keycard I.D. ay malaya n'ya iyong na-open at tsaka sya nag-browse.
"See?"

"Oo na, oo na. Hindi pa ba tayo babalik?"

Fifteen minutes na lang kasi ay tapos na ang klase namin sa Earth and Science. Baka magtaka si Ma'am at masyado na kaming nagtagal.

"Heto na nga p're," sagot niya tapos ay ini-turn off na ang PC. Umalis naman na kami at pumunta sa clinic para makakuha ng check-up slip.

Tawa naman ng tawa ang loko dahil muntik na kaming paghinalaan ng assigned nurse roon dahil ang pangit ko raw um-acting.
Well at least I have someone to talk to through Kian's identity.

Semi-final examination na namin sa isang linggo. Halos tatlong buwan na agad ang lumipas mula ng magsimula ang Senior High school classes. Ngayon ay kasama ko si Lesley dahil katulad ng napag-usapan naman naming set-up ay palihim ko siyang pinupuntahan.

"Tapos na 'yong exam namin, kampante naman ako kasi kasama sa reviewer ko iyong mga nasa questionnaire. Kayo ba?" kwento niya nang nakangiti bago sumandal sa balikat ko.
Maingat ko naman syang inakbayan, nakatambay lang kami rito sa plaza.

"Next week pa ang scheduled examination namin. Sisiw 'yon, kayang kaya. Matino naman kasi akong estudyante roon, magagalit si Papa kapag pumalpak ako eh."
She then glance at me worried.

"Ayos ka lang ba? Kapag may hindi ka maintindihan sa lessons n'yo, ask for help. Sa kaklase mo or kahit sa akin mismo, malay mo makatulong ako?"

"Sira ka, beb. Pang-Essay ang skills mo. More on Science kami. Kaya mo?" pagbibiro ko kaya agad syang napaismid. She even cross her arms while pouting.

"Ako na nga nagvo-volunteer tumulong tapos nilalait mo pa ako."

Maagap ko syang hinawakan sa magkabilang balikat at tsaka pilit iniharap sa akin. Umiiwas kasi sya at ayaw akong tingnan.

"Pabebe 'yan?" pang-aasar ko pa kaya bigla niya akong tinitigan ng masama, hindi ko tuloy mapigilang matawa.
"Chill, beb. Miss mo lang ako," I added teasingly causing her to roll her eyes.

"Nakapag-aral ka lang sa private university, mas yumabang ka na lalo. Epekto ba 'yan ng polluted air doon?" naiinis na turan niya pero hinigit ko na sya palapit tsaka yinakap.

"Hindi, epekto 'to ng walang Lesley sa tabi ko lagi." bulong ko at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa kaniya. Mas sumiksik naman sya sa akin.

"May PMS ka, Reck? Ang moody mo." nang-aasar na puna niya bago gumanti ng yakap.

"Bawal kong ma-miss girlfriend ko?"

"Wala akong sinasabi.." she whispered softly.

Everything feels light when I'm with her. Nawala na sa isip ko 'yong naging argumento ko kay kuya Binoy dahil nalaman niya ang pagtakas ko papunta rito.
Ayaw niya akong kunsintihin pero hindi niya rin naman ako magawang isumbong kay Papa.

Parang gago kasi, sa iisang bus pa kami napasakay pareho no'ng nakaraan na nanggaling din ako rito.

He confronted me through call but I keep denying not until he said:
"Naka-blue na hoodie ka, backpack at Jeans. Tanga ka ba Reck? Pasahero rin ako ng bus na nasakyan mo pauwi. Walang nabanggit sina Mama na uuwi ka, kaya saan ka galing?"

"Wala kuya, praning ka lang."

"Hintayin mo ako riyan sa university." Few more minutes, he really arrived and I just met him outside the dormitory.

"Si Lesley ba ang rason? Palihim kang nauwi sa probinsya para puntahan siya?" he asked straightforward but I chose not to answer.

"Nasisiraan ka na ba ng bait ha?! Paano kung maaksidente ka habang nasa byahe? O kaya may mangyari sa 'yo na di inaasahan, ha? Clueless kami sa mga ginagawa mo. Ano, gugulatin mo na lang kami? Kampante sina Mama at Papa na nasa dorm ka lang. Nahihibang ka na ba?!" litanya niya agad pero mahina ang boses. He's doing his best to act calm when he really look pissed off.
Disapproval is visible with how he look at me.

"Nag-iingat naman ako kuya. Kung aksidente 'yon, hindi ko na kontrolado." pangangatwiran ko pero mas lalo lang nagtiim ang bagang niya.

"Kapag nalaman 'to ni Papa, ikaw rin ang mahihirapan. Hindi pa nga kayo legal ni Lesley puro na kayo kalokohan. Nagsasayang ka ng oras, ng pagod."

"Nag-aaral naman akong mabuti, kuya. Hindi naman ako nagpapabaya, tsaka wala naman akong ginagawa na kalokohan. Oo, mali 'yong pag-uwi ko ng palihim pero iyon lang 'yon. Hindi ko lang talaga kasi kaya na malayo si Les. Tsaka, alam naman natin na si Papa rin ang dahilan kaya napapunta ako sa ganitong sitwasyon. Ayaw ko naman dito ah, sya lang ang mapilit."

"Umayos ka Jereckson. Magtino ka, ayusin mo 'yang buhay mo." he sounds so serious when saying those then he walked away.

"Hey, beb.. you're spacing out," puna ni Lesley na nakatitig na pala sa akin ng mataman.

"Ha? Wala 'yon. May naalala lang ako, Les."
Hindi man halatang kumbinsido ay tumango na lang sya tsaka ngumiti. I know she value my privacy just as how I respect her.

"Malapit ng mag-five o'clock, uuwi ka na?" bigla ay naging malungkot na ang tono niya tsaka napatitig sa cellphone niya. As if she's anticipating the time to slow down.

"Time's up na, beb. I needed to go," then I smile half-heartedly as I grab for her hands over her lap.
"Hindi pa rin ako nasasanay na magpaalam sa'yo kahit paulit-ulit naman kitang.. naiiwan."

I've been sneaking out to meet up with her almost every week for three months now. Lumuluwas ako ng alas cinco ng madaling araw, tatlong oras ang byahe kaya mga alas otso ng umaga ay kasama ko na sya. Tuwing alas sais ang last trip ng bus pabalik sa city kaya five o'clock pa lang ay bumabyahe na ako papunta sa bus station. Syempre nakakapagod, kung iisipin nga ay lugi 'yong pamasahe na ginagastos ko para sa siyam na oras lang na nakakasama ko siya.

But she's all worth it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top