CHAPTER 13
Chapter Thirteen
Frustrated kong isinubsob ang mukha ko sa unan at tsaka tuluyang dumaloy ang luhang kanina ko pa pinipigilang kumawala. Ang sakit, solid.
Bahala na, basta uuwi ako at pupuntahan siya; hindi pwedeng gano'n na lang 'yon. Ang tagal ko syang hinintay tapos ganito lang rin sa huli? Hindi ako papayag, aayusin ko 'to kahit parang wala naman na talaga siyang pakialam.
Pursigido kong kinuha ang bag na dala ko rin kanina tsaka binuksan ang closet. Kumuha lang ako ng isang signature shirt tsaka jeans na susuotin ko pag-uwi, nasa ganoon akong pwesto nang;
"Anong ginagawa mo?" nagtataka ang mukha ni kuya Binoy habang pinapanood ako. Saglit naman akong natigilan at hindi alam ang sasabihin, pasimple ko ring pinunasan ang pisngi ko dahil baka bakas pa roon yung pag-iyak ko kanina. Paniguradong aasarin n'ya lang ako kapag nalaman niyang iniwan ako ni Les para sa iba.
Ka-close niya si Lesley eh, ilang beses na nga itong napasama sa mga vlog niya. Feeling gwapo kasi sya tapos ay may YouTube channel na medyo marami na ring subscribers. Madalas niya pa akong bwisitin sa mga content n'ya dahil tahasan niyang binibiro si Les na huwag daw rurupok sa akin.
"Ano, uuwi ako ulit. May kulang pa raw kasi sa requirements ko kuya." pagsisinungaling ko at iniwasan ang tingin niya.
"Siraulo ka ba Reck? Ano bang tingin mo, na malapit lang ang previous school mo tsaka hetong unit ko? Three hours ang byahe, tapos mahirap din ngayon kasi halos rush hour na. Kapag hinayaan kitang umuwi pa sa oras na 'to, ako ang papagalitan ni Papa. Bukas ka na lang umuwi." pinal ang tono ni kuya kaya kahit labag sa loob ko ay napatango na lang ako.
Ayaw ko namang pati sya ay madamay dahil sa kalokohan ko. Panigurado kasing sesermunan din sya ni Papa kapag nagkataon. Pero..
"Luluwas ako ng alas cinco bukas kuya, urgent kasi talaga 'yon."
"Bahala ka, basta hwag lang ngayon." komento niya at tumalikod na sa akin. May ibinulong pa sya pero hindi ko naman na narinig dahil masyadong mahina.
Nakatulog lang ako pagkatapos noon, alas siete na ng gabi nang magising ako at nanatili lang sa kwarto ko. It's already passed ten o'clock by now; I didn't eat dinner because how would I? Nakatitig lang ako hanggang ngayon sa conversation namin ni Les at mas nakakapanghina na binura na n'ya lahat. She cleared our nickname, the set theme and even the emoji.
Sana gano'n lang kadali tanggalin pati yung sakit. Maski ang profile picture niya na ako ang pumili ay pinalitan niya. The mysterious "XI-XXIV" on her bio was changed into "Just Existing". Required ba 'yon sa bawat break up?
I checked my account and there's nothing that much. Hindi naman kasi ako mahilig mag-post. Puro kalokohan na mentioned sharedpost lang nina Kevin at Renz ang karamihan ng nasa timeline ko. Pati pala tagged photos no'ng graduation na si Shai ang nag-upload.
Ang display photo ko naman ay anino lang namin ni Les na magkahawak-kamay noong minsang tumakas kami para mag-date. The caption was:
"With my sunshine while watching the sunset."
Nanlalata akong naupo sa kama at napasulyap sa whole body mirror na nakadikit sa closet. I timidly smile because I look like a mess. Kaya siguro ako iniwan?
Moreno ako eh, 'yong kasama niya kasing lalaki sa department store ay maputi. Kung ganoon pala ang labanan, sana sinabi niya. Nakalunok sana ako ng sangkatutak na glutathione.
"Reck! May pinasa akong link, panoorin mo." sigaw ni kuya na tingin ko ay nasa salas pa rin.
"Baka kagaguhan 'yon kuya! Inosente ako!"
The sudden ring of my phone caught my attention, aba at nag-video call pa ang loko.
"Oh, miss mo ako? Katamad mong maglakad, parang ang layo mo. Sanaol marami pambayad sa wifi," komento ko habang pilit umaaktong normal. As much as possible, I don't want anyone to know about what happened between me and Lesley.
Hindi pa naman kami officially off, babawiin ko pa sya.
"Panoorin mo nga 'yong nasa link. Gago, bilis! Magbabago buhay mo, promise!" singhal niya tsaka ngumisi. Agad na rin niyang tinapos ang tawag.
Link pala 'yon ng recently uploaded vlog niya. Hindi man ako interesado ay tinatamad ko pa rin 'yong ini-play dahil curious ako sa sinabi n'ya.
"May iba na, Reck." clip iyon ni Lesley mula sa video call namin kanina.
Mabilis napalitan ng introduction sa channel niya ang nasa screen pagkatapos ay ang mukha na ni kuya ang naroon.
"Dahil bored na naman ako, may gagawin akong kalokohan. Bale, sorry in advance brad pero hindi ko 'to ideya. Heto evidence teka.."
Then a private conversation flash on the screen.
Lesley
Kuyaaa! Help me po
Nelson
Saan? May problema ba? About ba kay Reck, teka gago 'yon may ginawa ba sayo?
Lesley
Hindi po, kasi I have plan. May gagawin po sana ako. It's just that, I need your help kuya, pls pogi ka naman eh
Nelson
Anong trip ba 'yan?
"See? Malinis ang kamay ko. Wala akong kasalanan," then he kiddingly wash his hands and dry it with a towel..
"Alright, so ang content natin ay.."
PRANK #102 : RECKLES NO MORE FT. RECK THE SADBOI (Pinagpalet sa Malapet Prank)
"Tang ina!" sigaw ko pagkabasa roon tsaka sinugod si kuya sa labas. Nakatutok ang camera niya sa akin at walang hampay sa pagtawa.
"Sabi ko sa 'yo magbabago buhay mo di ba? Ano, nayanig ba?" pang-aasar niya pa at nagvi-video pa rin.
"Gagu mo! Kailan pa 'yon?!" halo-halo ang emosyon na tanong ko pero tinawanan n'ya lang.
"Panoorin mo kasi ng buo, dali na. LT ka brad, seryoso."
Naupo na lang ako sa sofa katabi niya tsaka ini-play ulit ang vlog niya.
Planado pala lahat. Nakaka-gago.
"Maganda si Les pero hindi kami talo, ang cringe kasi pareho kami ng bet. Mwah!" sabi no'ng lalaki na yumakap kay Les sa department store tsaka kunwari pang nag-flip ng buhok niya kahit maikli naman 'yon.
Bwiset.
May mga hidden camera sa store, pati 'yong cashier ay kasabwat nila. Alam nilang darating ako dahil taksil si kuya. Tanda ko nga na tinanong niya ako sa balak ko at nasabi kong susorpresahin ko si Les sa part-time job niya.
"Hudas 'yan? I feel betrayed!" reklamo ko pero nagkibit-balikat lang si kuya.
The next scene divert my attention, si Les iyon na may ipinapakitang bote ng eyedrops.
"I'm not into acting, shems kinakabahan ako. What if I failed? Saulado ko na ang script na ginawa ko pero grabe ang nerbyos ko. Shoot, I hope mapaniwala ko sya, wish me luck."
She then exasperatedly exhale as she started typing on her phone. When she show it at the recording camera, it was her chat before we started talking through video call. Bago iyon ay nagpatak muna sya ng eyedrops sa mga mata. Shit.
And then what comes next is our conversation that was screenrecorded, may mga ini-cut lang. Because we're in a secret relationship, right? So the prank make it looks like we're just having a mutual understanding at ipinagpalit nga niya ako sa malapit.
"Puta, kaya pala pinalagay mo 'yong hoodie sa kwarto! Grabe na talaga 'to," puna ko ulit dahil may hidden camera rin sa kwarto at naka-record pati ang pagkalugmok ko sa kama, hanggang sa kausap ko si Les at lalo na no'ng naiyak ako. Medyo malayo naman ang anggulo kaya parang dumapa lang ako roon out of frustration. Pero kitang kita rin nang nagmamadali akong tumayo at kumuha ng damit sa closet.
"Les, sinungaling oh. Urgent daw na kulang pang requirements. Sigurado ka na ba talaga sa kapatid ko?" sabi ni kuya pagkatalikod sa akin. Iyon pala ang ibinulong n'ya kanina.
"It's a prank, Reck. Don't be mad, my engineer." si Les iyon matapos ang buong kalokohan nila.
"So, to make it official.. PRANK #102 : RECKLES NO MORE FT. RECK THE SADBOI (Pinagpalet sa Malapet Prank)"
Then a sound of drumrolls as something appeared playfully together with confetti effects, it says:
SUCCESSFUL!
"Grabe na sakripisyo ko ha? Magkano ba commission ko rito? I even took a day off para ma-edit 'yong scene mula kahapon. I edited the remaining parts today for freaking four hours straight! Rush na rush?" pahayag ni kuya at napalitan na ng mukha ni Lesley ang nasa screen.
Nagpasalamat din sya kay kuya Binoy bago nag-request na i-like 'yong video at mag-subscribe sa channel nito.
The whole thing is a damn. Grabe naman effort nila para lang mang-prank? And hell, it's 23rd of May. Nakalimutan kong monthsarry namin bukas!
It all sinked in and I'm not mad to anyone. Lalo pa at sobrang daming naabala para lang magawa ang prank na 'yon. Grabe ang pinuhunan nilang pagod at panahon. It's just too heavy to absorb, 'mind-blowing at nerve-wrecking' ika nga.
"Call her bro, h'wag ka ng mag-thank you sa akin. The prank is a blast, okay na ako roon." pagyayabang ni kuya Binoy bago kinuha ang laptop nya at pumasok sa sariling kwarto.
Paniguradong napagod ang loko. He does not drink, kaya medyo nagulat din ako ng sabihin niyang may hangover sya kaya hindi pumasok sa trabaho. Hindi ko na lang ini-big deal dahil baka may pinagdadaanan sya. I respect personal space and privacy.
It's passed eleven when I checked the time before calling Lesley which she answer very fast. Na para bang hinihintay niya na iyon. Ang lawak ng ngiti niyang bumungad sa akin bago umiwas ng tingin.
"Hi beb! It's a prank" then she giggles. Pero nanatili akong seryoso at nakatingin lang sa kaniya. Upon noticing that, she awkwardly laugh and guilt took over.
"Galit ka.. po?"
"Why would you call me 'beb', may iba na hindi ba?" I tried so hard to say those as pain flicker on her eyes.
"Hindi naman kasi.." and she's loss for words. Hindi niya alam ang sasabihin.
"Kalahating taon na pala nang maging tayo. Ang ganda naman ng regalo mo," I stare at her but she can't even look back.
"It's supposedly funny, beb. I didn't mean to hur—"
"I love you, Les. Joke lang, try ko nga lang din mag-acting. I'm sorry I forgot about our day.." as the clock strikes twelve, I look at her passionately.
"Happy monthsarry, beb."
"I love you, Reck. Pero aminin mo, unforgettable naman 'di ba?" kumutitap ulit ang mata niya tsaka mapaglarong ngumiti.
"Masakit Les, pero ang gaan sa pakiramdam no'ng prank lang pala. Damn, naglilista na ako sa isip ko paano kita mababawi. I even imagine kidnapping you and locked you in a secluded island with me then—"
"Nagwa-wattpad ka na ba?" tumatawang tanong niya na mariing nakatitig sa akin.
I absentmindedly brush my nape as I let a mischievous smile escape on my lips.
"Uh, medyo. Naku-curious kasi ako sa mga binabasa mo." pag-amin ko na medyo nahihiya.
"Dapat na rin ba akong maglaro no'ng nilalaro mo? Welcome to mobil—"
"You don't have to, beb. Sapat ka na, sobra pa nga. Ano ka, Rebisco?" pagbibiro ko na tinawanan naman niya.
How can I live without her when she's my own definition of 'life' instead.
Nakalipat na ako sa university dormitory at halos saulado ko na rin ang mga pasikot-sikot rito sa syudad. Simple lang ang kwarto na laan para sa akin, hindi sobrang laki at hindi rin naman gano'n kaliit. Sakto lang para sa isang tao.
Pagpasok ng silid ay bungad agad ang single bed at kahanay nito ang built-in closet na sumasakop sa pader. Sa kaliwang parte ay malawak naman ang bintana dahil ang kwarto ko ay nasa pinakadulo ng mahabang pasilyo. Iyong sa iba kasi ay katapat ng main door ang bintana dahil ang kanan at kaliwang pader ay nagsisilbing dibisyon pa sa mga kahilerang kuwarto— kaso ayaw ko ng ganoong style. Si Papa na lang ang nakipag-negotiate sa mga staff para heto ang makuha kong silid.
Nasa kanang panig pala ang lababo, lutuan, mesa at pinto para sa banyo.
Kumbaga, ready to use na ang kwarto. Kailangan ko lang mamili ng groceries kasi hindi naman na sagot ng university 'yon. Nakakatuwa lang na may cooking set na rin dito kaya hindi na ako mamomroblema kung paano magluluto. Mayroon ng double burner gas stove, rice cooker at mini-water dispenser. Nakalagay sa cabinet na nasa itaas ng lababo ang maliit na kaserola pati kawali, nakasabit naman sa rack ang stainless kitchenware gaya ng spatula at sandok.
"Hi 'nak, nandiyan ka na ba?" may bahid ng pag-aalala ang tono ni Mama kaya naman nginitian ko agad sya bago sumandal sa headboard ng kama.
"Inihatid po ako ni kuya Binoy, pero hanggang gate na lang siya. Hindi naman kasi ako Kinder na kailangan pang ihatid sa mismong harapan ng pinto kung saan ako pupunta. Nagkaroon lang po ng maikling orientation tapos ay nakuha ko na po sa registrar ang room number ko pati 'yong key card at I.D. Nandito na po ako ngayon sa dorm," kwento ko na mataman naman niyang pinakinggan.
"Ang sabi ng Papa mo no'ng nakausap n'ya ang staff diyan, pagkain lang naman ang kailangan mong problemahin dahil nakahanda naman na raw ang facility para sa mga estudyante. Totoo ba?"
"Opo 'Ma, teka room tour ko kayo." pinindot ko ang back cam button at tsaka ako tumayo mula sa kama. Inisa-isa ko ang mga gamit at tumango-tango naman si Mama na halatang satisfied sa nakikita.
"Ayos naman nga pala, mabuti naman. Aba, hindi rin kasi biro ang tuition fee nila." komento niya matapos kong ilibot sa buong kwarto. Kumpleto rin pala ang toiletries at may shower pa sa banyo.
"Private university naman kasi 'to, Ma. Malamang mahal talaga tuition," sagot ko bago bumalik sa pagkakaupo sa kama.
"Bueno, ingat ka lagi. May mini-grocery store naman d'yan kaya roon ka lang bumili ng kailangan mo. Ingat, 'nak.."
"Sige po, Ma. Kayo rin po," at tinapos na niya ang video chat.
Hindi pa rin ako komportable kasi hindi naman ako sanay nang mag-isa tapos ako pa ang solong mag-aasikaso ng sarili ko. Damn, ngayon ko mas na-appreciate ang aruga ni Mama pati kabaliwan nina kuya kahit sobrang ingay nila.
Hindi ko naman puwedeng tawagan si Les kasi first day ngayon ng klase niya at may kopya naman ako ng schedule niya kaya hindi ko na muna sya inaabala. She's still in her class by now.
Samantala, bukas pa naman ang official start ng klase rito sa PIU kaya may buong maghapon lang ako para i-set up ang mga gamit ko. Kahit tuloy napipilitan ay maayos ko ng isinalansan ang mga damit ko sa closet. May hanger na rin doon kaya hindi ko na kailangang mamroblem para sa mga damit na hindi pwedeng tupiin. Ang school uniform naman ay maayos nang nakahanda, plantsado na iyon pagka-deliver pa lang ng isang staff kanina.
Tatlong piraso ang provided uniform para sa bawat estudyante tapos ay isang pares ng uniform na pang-P.E. Kada Wednesday ay may nakatalaga ng staff para kuhanin ang maruruming uniform at sila na ang bahalang mag-laundry. Kailangan na lang 'yong i-pick up ng estudyante sa designated area tuwing Biyernes kasabay ng uniform na kailangan ulit labahan. Pero 'yong ibang mga labahin tulad ng damit-pambahay ay kami na ang bahala.
Katulad ng sabi ni Mama ay may mini-grocery store naman sa loob ng campus. This facility just offer the basic needs of an individual. Tipong hindi mo na kailangang lumabas ng university kasi mayroon na naman halos lahat ng kailangan mo dito sa loob. May ATM Machine pa nga akong nadaanan kanina habang papunta rito sa dorm.
Ilang saglit pa ay nagpalit na ako ng Gray hoodie tsaka asul na jogging pants at tsinelas; mamimili lang naman ako kaya hindi naman na kailangang pumorma. May campus map na binigay sa amin kanina pagkatapos ng brief orientation kaya hindi naman na ako maliligaw kahit sobrang lawak ng facility. Isa pa, may mga nakadikit naman kasing navigation signal at directions sa ilang poste na nasa pathways. Basta marunong kang magbasa ay wala ka ng problema.
Mini-grocery store? Mali yata.
Gagu, eh ang lawak pala nito! Walang upper floor pero sobrang laki naman at ang daming mga istante. May guard sa labas tapos ay glass wall kaya kita mo agad ang mga tao sa loob. Typical, mall atmosphere gano'n.
Kumuha na lang ako ng basket na nakahilera sa labas dahil hindi naman sobrang dami ng bibilihin ko para gumamit pa ng cart. Balak ko sanang tuwing dinner lang magluto, sa cafeteria na lang ako magb-breakfast at lunch dahil baka ma-late ako kapag ako pa ang nag-ayos ng agahan ko. Naalala ko tuloy si Renz at Kevin dahil madalas nila akong asarin na latecomer noong Junior high school. The vibes of independency that this university offer kinda feels like you're in college. Well, magkahiwalay lang ang dorm ng College sa Sr. Highschool pero ang facilities nila ay para na sa lahat kaya marami ka talagang makakasalamuha na kung sinu-sino.
"Key card I.D., Sir." tanong ng guard pagtapat ko sa pwesto niya kaya agad ko naman 'yong ipinakita sa kaniya. Nang maidaan sa scanner at ma-confirm ay ibinalik naman na n'ya iyon sa akin.
Our clipped student I.D. was chained with our room's key card. Heto 'yong mahirap maiwala kasi hindi ka makaka-access sa mga facilities kapag wala kang ganito. Hindi rin naman pwedeng dayain kasi may barcode. Indeed, this place is just superficial.
Pero mas masaya kung nandito sana si Les. For sure matutuwa 'yon sa mga facility.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top