CHAPTER 10


Chapter Ten


Suot ko na ang puting toga at hawak ko naman ang graduation cap sa kaliwang kamay. Inihahanda na ni Papa ang sasakyan samantalang abala pa si Mama sa paghahanap ng kung ano sa shoulder bag na bitbit niya.

Nabuksan na ni kuya Bronson ang tarangkahan at ini-start na ni Papa ang makina pero nanatili akong nakatayo sa terrace.

"Reck, ano hindi ka sasama?" natatawang biro ni kuya sa akin tsaka itinuro ang sasakyan. Nasa loob na rin pala si Mama at prenteng nakaupo na sa tabi ni Papa.

"Sabi ko nga sasakay na," untag ko tsaka nagsimulang maglakad. Solo passenger ako sa backseat.

"Wala na bang nakakalimutan?" tanong ni Papa bago ako sinulyapan sa rearview mirror.

"Okay na po ako, tara na po." tipid na sagot ko bago nagpakawala ng buntong-hininga.

"Para kang bibitayin kaysa gagraduate, 'nak." puna ni Mama tsaka tumawa.

"Kabado lang po." tugon ko na ikinatango na lang nila.

Habang nasa byahe at palalapit kami ng papalapit sa school ay lalong bumibigat ang pakiramdam ko.

Nakarating kami ng mas maaga kaysa kailangan kaya inihatid ko na muna sina Papa sa assigned seat nila. Nilibot ko naman saglit ang stadium para hanapin sina Renz pero hindi ko sila makita.

"Hoy, Reck. Sina Tita?" kasabay ng pagkalbit sa braso ko ay ang pagsipot ni Annie sa harapan ko na ang hinahanap ay sina Mama.
Lahat naman kasi sila ay kilala ng pamilya ko dahil ilang beses ko na rin silang naikwento sa bahay.

Contrary to her usual boyish style; medyo feminine ngayon ang ayos ni Annie. Nakapailalim sa Toga na suot niya ang hanggang tuhod na asul na dress na pinaresan ng itim na high heels sandals. Required din kasing naka-formal attire lahat ng estudyante.

"Nakaupo na sila, sina Tito ba?" tanong ko rin na ang tinutukoy ay ang parent niya.

"Nasa pwesto na rin nila. Teka, nasaan sina Kevin?" tanong niya pa at saglit na luminga-linga sa paligid.

"Hindi ko nga makit—"

"Reck!" kasabay ng sigaw na 'yon ay ang pag-akbay sa akin ni Renz.

"Sinapian ka ba?" natatawang tanong ko sa kanya. Katulad ko ay naka coat din sya at tie sa loob ng Toga.

"Picture tayo, guys." si Shai iyon na may hawak ng camera. Kulay pula naman ang suot niyang dress at katulad ni Annie ay may light make-up din sya. Kasunod niya si Kevin sa likuran.

"Ba't magkasama kayo?" pang-uusisa ni Renz sa dalawa kaya agad nagsalubong ang kilay ni Shai dahil tila nag-aakusa ang tono nito.

"Pakialam mo ba?" pambabara n'ya bago ibinaling ang atensyon sa amin.
"Anyways, heto kasing si Kevin ginawa akong photographer." reklamo pa ni Shai tsaka ipinakita sa amin ang camera niya kung saan sunod-sunod ang shots ni Kevs.

"One, two, three.. four, five. Kulang pa, nasaan si Les?" bilang ni Kevin sa amin tsaka umikot ang tingin sa stadium.

"Present," kasabay ng pagsagot na 'yon ay ang pagdating ni Lesley. Kulay itim na minidress ang suot niya at nakalugay ang buhok na medyo kinulot ang laylayan.
Suot niya rin ang iniregalo ko noon sa kanya na kwintas. Silver necklace with a butterfly pendant is what I gave her during our fourth monthsarry; which she actually forgot.

She looks stunning. But well, kahit naman anong ayos niya ay maganda sya. Pero iba pa rin talaga ang dating kapag ganito ang hitsura niya. It was as if a natural beauty was preserve.

Ilang saglit pa akong natigilan habang pinagmamasdan siya at natauhan lang ng sumigaw si Kevin.

"Oh, kumpleto na!" anunsyo nito tsaka biglang may kinausap na kapwa namin estudyante sa gilid.
Lalaki iyon at siguro ay isa sa mga kaibigan niya sa ibang section. Talo pa kasi ni Kevin ang lalaban ng Mr. Congeniality sa dami ng kakilala sa campus.

"Akin na 'yang cam mo Shai. Pwesto ka na rito dali." tawag ni Kevs tsaka niya ito hinila sa kamay.
Nang iabot ni Kevin ang camera sa napakiusapan n'yang kumuha ng litrato namin ay agad namang bumitiw sa pagkaka-akbay niya sa akin si Renz bago pumwesto sa gilid ni Shai.

"Ako riyan, Renz." reklamo ni Kevin pagbalik niya pero tila walang narinig si Renz. Walang nagawa ay sa gilid na lang ni Annie ito tumayo.

"Wow, tangkad mo tombi. Mukha ka ring babae ngayon," sita agad nito nang makalapit na kay Annie at mapansin ang ayos nito.

"Mukha ka ring tao," nakakapagtakang kalmado na sagot ni Annie bago umiwas ng tingin.

"Tara na, beb. Any minute magsisimula na rin kasi ang ceremony," at hinila na ako ni Les sa tabi nina Shai para sumama sa picture taking.

"Game na, everyone.. smile." kasabay ng signal na 'yon ni Kevin ay ang mahinang shutter sound ng camera.

"Isa pa, bro. Wacky naman," pahabol pa ni Kevs sa inutusan niya kaya natatawa na lang kaming gumaya ng mag-peace sign sya sa camera.

"Salamat bro, congrats ulit sa atin." kasabay noon ay ang pagtapik niya sa balikat ng lalaki at tsaka kami hinarap.

"May group photo na tayo. By pairing naman, gusto nyo? Unahin na natin 'yong laging nilalanggam," paladesisyon na sabi pa ni Kevin tsaka ibinalik kay Shai ang camera.
"Ikaw na Ms. Photographer. Baka puro reklamo 'yang si Reck kapag ako ang nag-picture sa kanila ni Les." bwelta nito at tsaka pumwesto sa likuran ni Shai.

"Nakakaasiwa ka, Kevs. Lumayo ka nga, baka makita tayo nina Mommy tapos kung anong isipin," itinulak pa sya ni Shai nang akbayan niya ito.

"At least pogi ang mapapa-link sa 'yo. Aarte ka pa ba— Ano ba Renz!?" reklamo niya naman nang hilahin sya ni Renz sa kabilang tabi.

"Nakatingin dito 'yong ex mo. Baka isipin pa na ipinagpalit mo sa kanya si Shai. Mapapahamak si— uh, basta." agad ng hinagilap ni Renz ang cellphone tsaka nagkalikot doon.

Ang weird nila.
Tsaka, wala na naman palang jowa si Kevin? Sabagay, para lang naman syang nagpapalit ng damit kung magpalit ng girlfriend, wala na palang nakakapagtaka roon.

"Graduates, kindly line up for the entrance march." anunsyo ng host ng program.

"Reck, Les tingin dito dali!"

"Baki— Shai!" reklamo ni Les dahil bigla kaming pinicture-an ni Shai at baka mukha kaming ewan doon.
Ba't kasi nanggugulat?

"Cute naman Les, don't worry. Tsaka marami na kaya kayong stolen shots dito. Ise-send ko na lang mamaya sa inyo." pangangatwiran nito tsaka humilera na sa linya ng section nila.

"Una kayo kasi Section 1, congrats sa atin beb." sambit ko ng tingnan ako ni Lesley na parang ayaw pa ngang umalis sa tabi ko.

"Yup, congrats to us." mahinang bati niya tsaka dahan-dahang binitawan ang kamay ko dahil sya na lang ang kulang sa linya nila at tinatawag na ng iba niyang kaklase.

Nang humakbang sya palayo ay ewan ko ba at medyo kumirot ang puso ko.
She's drifting away from me and the sight was just nostalgic.

Pagkapila niya ay lumingon pa sya sa akin saglit at kumaway. Gumanti naman ako ng ngiti bago pumunta na sa pwesto ng section namin.

Pagdating ko ay tinapik agad ako nina Kevin at Renz sa balikat dahil magkakasunod lang kami sa linya.

"Congrats sa atin, pre. Mabaog na ang makakalimot sa isa't isa," natatawang sabi ni Kevs.

"Congrats mga siraulo." ganting bati ko tsaka sila nginitian.

"Hwag na mag-Congrats, pasang awa lang naman kaya gagraduate," nang-aasar ang tono ni Renz na busy pa rin sa cellphone niya.

"No'ng nagpaulan ng pagiging suplado, bitter at mainitin ang ulo panigurado naligo ka pa sa baha, ano pre?" puna ni Kevs kaya napabaling dito ang atensyon ni Renz.

"No'ng nagpaulan ng pagiging bolero, babaero at madaldal, masyado mong ini-enjoy ano?" nakangising sabi nito kaya agad kaming natawa ni Kevs.

"Basta ako, no'ng nagpaulan ng pagiging loyal, matino at mabait, naglalakad ako noon sa kalsada tapos wala akong payong." pakikisali ko sa kanila kaya pareho silang nangunot ang noo.

"Baka no'ng nagpaulan ng kasinungalingan kamo at tsaka kayabangan?" pagtatama ni Kevin sa sinabi ko.

"Ay oo pre, naalala ko na kasama pa nga kitang nag-swimming sa baha noon." pambabara ko kay Kevin na mabilis sinang-ayunan ni Renz.

"Oo magkasama kayo, lagnat ako noon kaya nasa bahay lang ako, natutulog." komento pa nito at tsaka natawa.

  Simpleng lunch lang sa isang restaurant na buo kaming pamilya ang naging selebrasyon para sa graduation ko, pagkatapos noon ay umuwi na rin agad kami sa bahay.
Sumunod lang sa restaurant sina kuya JM, kuya Bronson at kuya Binoy dahil si Papa ang may gusto na kumpleto kami. It's just a simple meal excluding the drama and cheerful congratulations. Hindi naman kasi talaga 'sweet' ang pamilya ko; we're open with one another as my father avoid to create any gap thou we're not vocal with our feelings. We're not that emotional towards one another.

Sabihin na lang na iba ang paraan namin para ipadama na nag-aalala kami sa isa't isa.

Kanina, katulad nga ng inaasahan ay wala ng sapat na oras ang tropa pagkatapos ng graduation rites dahil may kani-kaniyang plano na ang bawat pamilya at agad umalis ng venue. Mabuti pala at nakapag-picture na kami bago ang program dahil kung hindi ay wala sana kaming remembrance man lang na magkakasama sa araw ng pagtatapos namin ng Junior high school.

Ngayon ay nasa terrace lang ako habang nag-i-scroll online. Busy pa sina Les at maging sina Kevin dahil may handaan pa sila sa kani-kanilang bahay.

"Ready ka na?" tanong ni kuya Binoy bago naupo sa tabi ko. Hindi man malinaw kung anong sinasabi niya ay natukoy ko naman kaagad ang ibig niyang sabihin.
Tungkol 'to sa pag-alis ko.

"Kahit naman hindi ako handa, wala akong choice." sagot ko bago umiwas ng tingin.

"Sundin mo na lang si Papa, para rin naman sa ikabubuti mo ang desisyon niya," paliwanag nito tsaka ako marahang tinapik sa balikat.

"Gano'n na nga."

"Next day na ang luwas ko. Magbabyahe lang dapat ako katulad ng nakasanayan kaso nag-insist si Papa na maghatid dahil kasama nga kita. Naka-pack na ba ang mga gamit mo?"
Naging mabilis ang paglingon ko dahil sa sinabi niya tsaka nagsalubong ang kilay.

"Sa sunod na araw na? Akala ko ba ay sa Biyernes pa?"
Ang plano ay kasama niya nga akong bumalik sa lugar kung saan sya nag-i-stay pero apat na araw pa dapat 'yon mula ngayong Lunes.

"Hwag ka sa akin magreklamo, si Papa ang may sabi. Magho-Holy week daw kaya mas maaga tayong dapat lumuwas para iwas traffic at hassle."

"Hindi pwede, kuya! Shit, may plano pa ako sa susunod na mga araw." reklamo ko pero napailing na lang sya.

"Si Papa ang kumbinsihin mo." pagkasabi noon ay tumayo na sya tsaka ako iniwan para mag-isip.

Bukas ay paniguradong magiging abala pa rin si Les para maglinis dahil sa naging selebrasyon ngayon kaya sana ay magkikita kami sa sunod na araw pa; Miyerkules.
Kaso, aalis na pala kami sa araw na 'yon. Damn.

Pati ba naman last day na makakasama ko sya ay hindi pa matutuloy?

Pilit kong pinakalma ang sarili tsaka nag-isip ng balak sabihin kay Papa. Sana lang talaga ay makumbinsi ko sya na kahit isang araw pa kaming manatili rito. Nang pumasok ako sa loob ng bahay ay nasa salas siya at nanonood ng News report sa TV. Si Mama naman ay nasa kusina dahil nagluluto na ng hapunan.
Magulo pa ang isip ko kaya nanatili akong nakatayo sa tapat ng pinto nang bigla akong sulyapan ni Papa.

"May sasabihin ka ba, Jereckson?" seryoso ang tono niya at halatang naghihintay.

"Pa, nabanggit po ni kuya na balak nyo raw na sa sunod na araw na kami samahang lumuwas?" kinakabahan man ay sagot ko na agad nakapukaw ng atensyon nya.
Hininaan niya kasi ang volume ng TV at tuluyan nang pumaling sa direksyon ko.

"Nasabi rin naman siguro niya kung bakit ganoon ang plano ko, hindi ba?"

"Opo, kaso Papa.. may gagawin pa kasi ako sa araw na 'yon. Kung pwede ho sana ay sa kinabukasan pagkatapos noon tsaka na lang tayo.. umalis? Sa Huwebes?"

Mataman niya akong tinitigan na tila tinatantya ang sinabi ko.
Pero ilang sandali pa ay bumalik na ang pokus niya sa panonood.

Mukhang wala syang balak na pagbigyan ako. Nanlulumo akong tumalikod na para pumunta sa kwarto ko nang tumikhim siya kaya agad akong napahinto.

"Isang araw lang. Pagkatapos noon, sa ayaw mo at sa gusto ay luluwas na tayo." pinal ang timbre ng boses niya na ni hindi ako pinag-aksayahang tingnan man lang.

"Opo, isang araw lang." sambit ko tsaka ilang beses pang tumango.

Malamya akong naupo sa kama pagkapasok ko sa kwarto at tsaka napalingon sa picture frame na naka-display sa mesa katabi ng kama.
Group photo namin iyon at ang isa pa ay stolen shot naman namin ni Les. Nakangiti kami sa isa't isa habang magkahawak kamay; iyon 'yong oras bago sya pumunta sa pila nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top