CHAPTER 1
Chapter One
Nagmamadali kong isinuot ang polo ko tsaka bumaba ng hagdan, hindi na ako nag-abalang magpaalam kina Mama dahil late na ako sa klase. Nang ma-start ang makina ay mabilis ko ng pinaandar ang motor patungo sa school.
Patay! Late na naman!
Diretso sa parking area ay tinakbo ko na ang corridor nang makasalubong ko sina Renz at Kevin. Hindi sa pagyayabang but we're a trio of good looking guys.
"Pre, ba't nagmamadali ka?" nagtatakang tanong ni Kevin habang busy sa cellphone niya.
"Gago, wala bang klase?" tanong ko na ikinangisi nila.
"Siraulo ka, wala. Homeroom ngayon kaso wala naman si Sir." natatawa na si Renz tsaka ako pabirong hinampas sa balikat.
"Relax, pre. Tara na lang sa canteen, may bagong chix daw," aya ni Kevin tsaka ako inakbayan.
Seriously, these guys are pair of trouble. Si Kevin ang chickboy samantalang si Renz naman ang short-tempered. Nonetheless, they're still nice. Hindi kami nambu-bully kasi kami 'yong nambubugbog sa bully.
"Puro babae nasa utak mo, kaya bagsak sa semi-finals eh. Ayusin mo buhay mo Kevs," pangangaral ni Renz tsaka sinapak si Kevin.
"Babawian ko lang 'yon, basic. Kung may matino man sa ating tatlo hindi ikaw 'yon Renz kaya tumigil ka sa kakasermon." kontra nito at gumanti ng suntok sa braso.
"Manahimik kayo, tss. Ako pinakapogi tapos pinakamatino, case closed." pakikisali ko tsaka nauna nang maglakad. Hinabol naman nila ako kaya napilitan akong tumakbo.
Daig pa ang mga bata!
"Hoy Reck, ang kapal ng mukha mo! Gagu ka latecomer ka nga lagi!" sigaw ni Renz sa kahabaan ng hallway habang tumatakbo pa rin.
"Inggit ka lang! Porke hindi uso sa 'yo beauty rest!" pang-aasar ko at mas lalong nagmadali dahil aabutan na nila ako.
"Yabang ng kumag!" singhal ni Kevin at.. shit!
"Anak ng— halah sorry!" hindi malaman ang gagawin ay agad kong tinulungang tumayo iyong nakabangga ko. Sina Kevs at Renz naman ay pansamantalang nanahimik sa isang tabi.
Nang makilala ko kung sino sya ay halos lamunin ako ng lupa sa sobrang kahihiyan.
"Uy Les!? Ano.. pasensya ka na. Okay ka lang?" nag-aalalang tanong ko habang inaalalayan pa rin sya.
Lesley is my childhood best friend. Alam naman niyang gusto ko sya kaso sabi niya hindi niya ako gusto. Isa pa, noong elementary kami ay iba ang sinabi niyang 'crush'.
Ngayong highschool, ewan ko na lang. Basta ako? Sya pa rin ang gusto ko.
"Ba't kasi dito kayo naglalaro? Ano 'to? Taya-tayaan? Highschool na kayo tapos—"
"Opo na SPO1, sorry na nga po." pagputol ko sa panenermon niya tsaka kumindat. I often call her SPO1 as it is her dream to be a policewoman, kaya matapang.
"Reck! Umayos kasi kayo!" reklamo niya at tsaka pinulot ang ilang libro na nabitawan niya. Pinigilan ko naman sya sa ginagawa at ako na ang kumuha ng mga 'yon.
"Bakit pala kayo nasa labas?" tanong ko na lang para makaiwas sa pagkainis niya. Kasama niya rin pala sina Shai at Annie. Trio rin sila.
"May ipinapakuha lang si Ma'am sa amin," si Annie na ang sumagot bago alanganin na ngumiti. Alam niya kasing wala na sa mood ang kaibigan niya.
"Tara na, baka mapagalitan na tayo.." si Shai na 'yon at tumango na lang sa akin.
"Anong kukuhanin nyo? Ba't tatlo pa kayo? Hindi ba kaya kapag isa lang?" sabat ni Renz na nakakunot ang kilay.
Sa tanong niya ay medyo na-curious din ako kaso ayaw ko nang mas uminit ang ulo ni Les kaya mabilis ko syang siniko sa tagiliran.
"Wala syang sinasabi, ingat na lang raw kayo." bwelta ni Kevin at binigyan si Renz ng warning shot.
Hindi na sumagot sina Lesley at naglakad na palayo. Nang malayo na sila ay tsaka nakatikim ng hampas mula sa amin ni Kevin si Renz.
Ang gago ng walangya!
"Bobo mo talaga Renz! Kita mo ng asar na nga 'yong tao tapos ginanon mo pa. Ewan ko sa 'yo, hindi kita talaga kilala," naiiling na reklamo ni Kevs at hinampas ito ulit.
"Ano bang mali sa tanong ko? Kayo ang bobo," hindi pa rin gets ni Kevin kaya mas nilakasan ni Renz ang pagsapak sa kanya.
"Nagtataka talaga ako paano ka namin naging kaibigan," tila dismayadong banat ko at napahawak sa ulo. Malakas naman ang tawa na pinakawalan ni Kevin.
"Legit, pre. Nakakahiya sya," dagdag nito at inakbayan ako tsaka nagpatiunang maglakad. Bahala na si Renz.
"Punyeta, ano nga kasi? Gago nyo!" sigaw nito at tsaka sabay kaming binatukan ni Kevin.
Shit, ang lakas!
"Pikon ka na n'yan?" biro ko tsaka ngumisi.
"Gunggong ka Reck, kaya hindi ka naka-crush back." ganting pang-aasar niya naman.
"Hindi mo sure, Renz.." ngisi ko at swabeng namulsa.
"Hindi ka updated, pre. May pag-asa na yata 'tong manok natin," si Kevin 'yon na parang proud na proud sa akin.
Mga siraulo.
"Ah, lihiman naman na pala. Sige, stay strong." pagda-drama ni Renz at tinalikuran na kami.
Natatawa naman ay mabilis namin syang binatukan ni Kevs at pinagtripan.
"Sad boy ka? Kadire!" tukso ni Kevin bago nag-scroll sa cellphone niya. Maya-maya pa ay halos sabay tumunog ang phone namin ni Renz.
Nang i-check ko ang notification ay agad akong natawa roon. Paano ba naman kasi ay ini-tagged pala kami ni Kevin sa post niya. It says:
'Ah lihiman naman na pala. Sige stay strong.'
-Renz sadboi
"Burahin mo 'yon, Kevin! Nakakahiya baka kung sinong makakita!" reklamo ni Renz at hindi malaman ang gagawin. Pilit niyang hinahanap ang "Remove tag" button kaso hindi niya makita.
"Bahala ka r'yan, napaka drama mo kasi. Tara na, Reck nagugutom na ako. Libre mo ako ha kasi ni-back upan kita kanina sa bebe mo." yakag ni Kevin at hinila na ako papunta sa canteen.
Habang naglalakad kaming tatlo ay kulang na lang na harassin ni Renz si Kevs para i-delete nito iyong post. Sa huli, pumayag rin naman si Kevin basta ililibre sya ni Renz.
Wala nang naging importanteng ganap sa maghapon, boring pa rin mag-turo ang mga teachers na walang ibang ginawa kundi magpa-kopya ng sangkatutak na sulatin. Buti nga at hindi napapagod 'yong class secretary namin, biruin mo buong araw na lang na nagsulat sya sa blackboard.
Simple lang kasi ang school na pinapasukan ko, pangkaraniwan na Municipality Highschool lang. Old-school ang style ng pagtuturo pero unti-unti naman nang ina-adapt ang makabagong paraan. Pero puro pa rin kami textbooks at portfolio.
Hindi ko kasama sina Renz at Kevin dahil balak nilang dumaan sa malapit na computer shop. Si Lesley naman ay sasamahan ko pa at ihahatid sa may sakayan niya pauwi.
"Uy, Shai si Les nandyan pa?" tanong ko sa kaibigan ni Lesley nang sumilip ako sa classroom nila. Nagwawalis kasi 'to ng sahig at nasa unahan.
"Ha? Nauna nang umalis. Medyo mainit nga ang ulo kasi may nagsabi sa kanya na pupunta ka raw computer shop kaya hindi mo sya maihahatid. Nagrereklamo kanina rito ba't daw hindi mo man lang sya sinabihan."
Sa kwento naging kwento ni Shai ay mabilis na akong umalis matapos magpasalamat. Shit, galit na naman si SPO1!
Tinakbo ko na ang daan patungo sa parking area at agad hinanap ang— nasaan na ba 'yong susi?!
"Bwisit naman oh, kung kailan nagmamadali!"
Halos itaob ko na ang bag ko ay hindi ko pa rin mahanap 'yong susi ng motor. Bahala na nga!
Kakaalis niya pa lang naman siguro ano? Maabutan ko pa.
Tinakbo ko na ulit ang daan papunta sa sakayan habang dina-dial ang number ni Les pero naka-off ang phone niya.
"Walang kwenta!" singhal ko at ibinulsa na ang cellphone.
Hinihingal man ay mas binilisan ko pa nang;
"Les.."
Nakasalubong ko sya pagliko sa kanto at pareho lang kaming nagulat.
"R-Reck.. ba't ka tumatakbo? Naghahabulan na naman ba kayo nina Renz?" saglit pa syang tumingin sa likuran ko pero nakakunot ang noo na bumalik ang tingin sa akin nang makitang wala naman akong kasunod.
"Wala naman sila ah?"
"Gaga, hinahabol kita." kinakapos ang hininga na sagot ko at nanlalambot na napahawak sa tuhod. Talo ko pa ang sumali sa marathon!
"Ba't mo naman ako hinahabol? Akala ko ba pupunta kayong computer shop? Tsaka, nasaan ang motor mo?" sunod-sunod na tanong niya na parang nang-i-interrogate ng suspect sa krimen.
"Teka, hihinga lang ako ha? Saan ka pala papunta?" tugon ko at tsaka pinakalma ang sarili. Hindi biro 'yong tinakbo ko, peste.
"Uhm, heto tubig baka kasi ma-dehydrate ka ay kasalanan ko pa. Balak ko sanang bumalik sa school kasi may tatanong ako kay Shai." alok niya sa bitbit na tumbler tsaka sinagot ang tanong ko.
Nahihiya man ay kinuha ko na 'yong tubigan at tsaka binuksan. Nauuhaw na rin talaga kasi ako. Ayaw ko namang mamatay nang hindi man lang napaparamdam gaano ko sya kamahal.
Corny, puta.
Ilang minuto pa ay umayos na ang pakiramdam ko kaya hinarap ko na sya.
"Hindi ako sumama kina Kevin sa computer shop pero niyakag nila ako. Uunahin ko pa ba naman 'yon kaysa sa 'yo? Sa susunod kasi tanungin mo muna ako kaysa lumayas ka agad. Galing ako sa classroom n'yo tapos wala ka, buti naikwento sa akin ni Shai 'yong nangyari," paliwanag ko tsaka sya marahang pinitik sa noo.
"Tara na, hatid na kita. Tampo agad, akala'y pagpapalit ko sya para sa gala. Akin na 'yang bag mo, ako na magdadala." aya ko at tsaka kinuha ang backpack niya. Nagpapaubayang ibinigay naman niya 'yon kasi alam niya naman na hindi ako papayag kapag tumanggi pa sya.
"Pupuntahan pa ba natin sina Shai sa school?" tanong ko nang maalala na balak niya sanang bumalik sa eskwelahan kaya ko sya nakasalubong sa daan.
"Hindi na, bukas na lang. By the way nasaan pala ang motor mo?" pang-uusisa niya nang magsimula na kaming tahakin ang daan patungo sa sakayan ng jeep.
"Ah, hindi ko kasi makita 'yong susi kaya iniwan ko na. Balikan ko na lang mamaya," kwento ko at bahagyang napakamot sa ulo.
"Susi? Hindi ba nilagay mo kanina sa wallet mo?" nagtatakang sagot niya. Agad ko namang kinuha ang wallet ko at tama nga sya.
"Halah, ba't nandito 'to? Hindi ko naman nilagay 'to, ikaw ba ang nagla—"
"Ulyanin. No'ng nagkabangga tayo kanina sa corridor, nilagay mo 'yan sa wallet mo bago mo pinulot 'yong mga libro ko. Baka hindi mo maalala kasi instinctive action mo lang 'yon." paliwanag niya na medyo tumango pa.
"Hindi ko talaga tanda. Alam mo namang sa bulsa ko lang o kaya'y bsta ko lang ishinu-shoot sa bag ko 'yong susi," bwelta ko kasi baka isipin niya talagang makakalimutin ako o kaya'y salaula sa gamit.
Ayaw ko ma-turn off sya sa akin.
"Hmmm." tipid niyang sagot at nanahimik na. Sa daan na sya naka-focus.
"Uh, Les?" nahihiyang tawag ko kasi may naalala ako. May gusto lang akong linawin.
"Oh, miss mo agad ako?" nang-aasar na sagot niya bago mabilis na sumulyap sa akin.
"Alam mo naman na nililigawan na kita, ano?" tanong ko na nagpahinto sa kanya sa paglalakad.
Nabigla ko yata sya?
"Nangliligaw ka?" namumula na ang pisngi niya pero magkasalubong ang kilay.
"Oo, hindi ba? Nakailang sabi naman na ako sa 'yo. Dapat ba.. nagpaalam pa ulit ako?" tanong ko ulit tsaka yumuko.
Damn, nakakahiya.
She then suddenly burst into laughter. Nang tingnan ko sya ay wagas ang pagtawa niya at kunwari pang pinunasan ang luha sa gilid ng mga mata niya.
"Siraulo ka, Reck. Ba't hindi mo nilinaw?" tanong niya at tinapik ako sa balikat at nauna nang maglakad.
"Les, ano nga? Bawal ba?" pangungulit ko habang nakasunod sa kanya.
"Alam mo, akala ko okay na tayo? I mean—"
"Ha? Tayo na?" pag-uulit ko sa sinabi niya, teka.. nabingi yata ako?
"All along that's what I thought. Tsaka, kailangan ba ng label? Well, nanliligaw ka pala sige lang," nakangisi na sya nang lumingon sa akin.
Trying to hide my smile, I follow her and just remain silent. Fvck, ganito ba kiligin ang lalaki?
Ligaw lang pala, basic. Sa ilang taon nga parang araw-araw ko na rin syang nililigawan dahil sa mga pinag-gagagawa ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top