34
Chapter thirty-four: Training 3
"Okay everyone, I want you all to dry up. I'll give you 45 minutes to change back to your training attires." Tumingin si ate sa relo niya at ngumiti bago kami iwan.
Pumasok ako sa shower room, ganun pa din. There is red stains in the mirror, walls, and floors. Hindi pa din nila nalilinis. I asked myself sino gumagamit ng training ground na to nung wala kami. I mean sino yung ibang nagtraining dito nung nakaalis na kaming apat.
I just wore a sports bra, and high waisted workout shorts. Alam kong pagkalabas ko sermon agad bungad sa akin ni Cassian. Pero sobrang init talaga.
Tumutulo pa ang tubig galing sa buhok ko, wala naman kasing blow dryer dito kaya hindi ko matutuyo yung buhok ko.
Lumabas ako ng banyo at nag aayos ng gamit ko, nagsuklay na din ako. Tsaka ako lumabas ng cell ko.
Paglabas ko, nakatingin na nga agad si Cassian saakin. Ikaw kokotongan ko kapag pinagpalit mo pa ako ng damit. Umiling siya at pumasok sa kwarto nila. Lumabas din kaagad siya na may dalang... Jacket?
Inabot niya sa akin yung track jacket.
"Alam mo na mainit pinag gaganyan mo pa ako." Inis na sabi ko, at tumalikod sa kanya.
Umupo ako doon sa gitna ng warehouse na to, malaking warehouse naman kasi to, galing pa to sa dating boss ni daddy. Nakakawalang gana magkwento. So let's not talk about it.
"Come on, alam mo na ayaw kong magsusuot ka nang ganyang puro balat kita." He said in a deep voice. Naiinis ako Cassian. Inis kong kinuha yung jacket niya at sinuot.
"Ngayon nalang ako susunod sayo, tandaan mo Cassian. Manliligaw ka pa lang. 'Wag mo nga 'kong masiyadong i-manipulate! Nakakasawa yung ganun Cassian. I find it cute at first pero naririndi na ako!" Inis na sabi ko at nanlaki naman ang mata niya. Natigilan din siya sa mga salitang binagsak ko sa kanya.
Iniwan ko siya doon at lumapit kay ate. "Ano? Hindi pa kayo LQ na kaagad?" Asar na tanong niya sa akin.
Nakita kong lumapit din si daddy saamin. "Anong nangyari sayo Vesper?"
"I'm fine dad."
"She's not, I think yang nilapit mo kay Vesper ayaw niya. Hindi niya pa nga sinasagot pero kung magaway sila minsan sa simpleng bagay daig pa magasawa." Sabat ni ate. Dad let out a heavy sigh and faced me. He held my shoulders para makuha ang atensyon ko.
"Anak, I'm not good at making pep talks. Pero ang payo ko lang sayo. Intindihin niyo ang isa't isa. Yan ang nangyari sa amin ng mommy niyo kaya kami nagkahiwalay. Nung nalaman niya tungkol kay Kaelyn, she freaked and slapped me without letting me explain." Sabi ni daddy at hinawakan ang baba ko para iangat ulit ang tingin ko sa kanya.
"Ano ba nangyari? Baka naman sobrang babaw niyan?"
"Ayaw niya ng suot ko, pinag jacket pa ako para matakoan daw yung balat ko. Eh ang init init nga eh." Reklamo ko. Tinanggal ni daddy ang jacket ko.
"Maayos naman ah? Normal lang naman yang ganyang suot sa lugar natin ngayon." Sangayon ni daddy sa akin.
"'Di ba? Kung ikaw ayos lang sayo to edi dapat walang problema sakanya. Daig niya pa ata ikaw kung manermon." Sabi ko at kinuha yung jacket. Sinuot ko padin yun kasi baka mas lalong lumaki problema namin sa isa't isa.
Oo, ayaw ko din na galit siya saakin. Pero hindi ko na napigilan sarili ko kanina eh. "Hala... Baka natatabaan na siya sayo kaya pinatatakpan sayo yang taba mo." Asar ni daddy.
Pinalo ko siya sa braso kaya nagtawanan kaming tatlo nila ate.
Nakangiting bumalik kaming tatlo doon sa gitna, kumpleto na sila doon. I saw Cassian with his grumpy face. Nakakunot lang noo niya habang nakatingin saakin. Galit nga to. Matinding suyuan to.
"So wala naman na tayong gagawin. Gabi na din naman, so you can now rest. Or explore Heart of Hell. You still can't eat, or touch your phones. At wag na din kayo magswimming baka magkasakit kayo." Ngumiti sa amin si daddy bago naglakas paalis.
Hinatak ako ni ate papunta doon sa office niya.
"Tangina, Vesper ano ginawa mo? Bakit pati sa'kin ang sama ng tingin? Parang papatayin ako kanina nung mga palit palit niyang tingin ah. Ayusin mo 'to, kung hindi baka ako na mismo pumatay sa sarili ko." Sabi ni ate at tinulak ako palabas.
"Tss. Ang oa mo ate—" natigilan ako nang mabangga ko si Cassian. He just looked at me coldly bago nagpatuloy lumakad.
I felt guilty sa mga nasabi ko. Ravenna ikaw nagsulat nito kaya ayusin mo to. Pumasok nalang ako sa cell ko at humiga. Natutulog na si Kaede at Hailey kaya natulog nalang din ako.
Nagising ako ng alanganing oras. I checked my watch it's 3:47 in the morning. Hindi na ako binalikan ng antok kaya lumabas ako ng kwarto.
Nagulat ako nang makita ko si Cassian na nakaupo sa isang bench. Nilingon niya ako sandali at binaling ang atensyon sa kawalan.
I sighed at lumapit sa kanya. "Hey."
Hindi siya umimik at tumingin lang saakin, tinaasan pa ako ng kilay. Tss, ang kapal. Nilagay ko yung kamay ko sa bulsa nung jacket na binigay niya sa akin.
"Why are you still wearing that? I thought it's hot." Sarkastikong tanong niya at umiwas ng tingin.
"Sabi mo kasi eh, kasi baka mas lalo ka pang magalit." Sabi ko at nagpout, sana makuha kita sa ganto ko.
"Tsk, sabi ko? 'Di ba manliligaw mo lang ako?" He sarcastically scoffed.
"Sorry na kasi, I regret everything. Naunahan lang ako ng emosyon ko. I didn't mean anything."
"Then you should have said that earlier." Tumayo siya at tumalikod saakin. Papunta na siya sa kwarto nang pigilan ko siya.
"Please."
Nagulat ako nang tanggalin niya ng padabog ang kamay ko.
"Do you still want me to continue courting you? Cause if you don't want to, titigil ako. Ayaw kong napipilitan ka nalang." He said coldly.
"Yes." Sagot ko.
"Parang ayaw mo na eh, parang sawang sawa ka na agad sa akin kahit hindi pa nagsisimula ang totoong relationship natin." Sabi niya at dabog binukas sara ang pinto sa mukha ko.
Wala akong choice kung hindi matulog na ulit. Nagising ako sa isang sipol.
Naghihikab akong lumabas ng kwarto, sumunod sa akin yung dalawa.
"Get up, sleepy heads!" Sigaw ni daddy.
"8:30 na! This morning work out tayo, full body. Kaya follow me sa gym."
Agad naman kaming sumunod kay daddy, ganun pa din si Cassian. Cold. Nasa likod kaming tatlo, nauuna si Cassian.
"Ayos lang kayo?" Tanong ni Hailey.
"Yeah, just a little fight. Nothing more." Depensa ko agad.
Biglang lumapit sa amin si Ryota.
"Vesper, ano nangyari sa inyo? Nagbreak na kayo agad kahit di pa kayo nagsisimula? Kaninang madaling araw kasi nagising ako at nakita ko si Cassian na umiiyak ata di ko alam. Pero ang lungkot niya ngayon sobra. Sana maayos niyo to." Agad si Ryota bumalik sa pwesto.
Nakarating kami doon sa gym at dumami equipment doon.
"Each and everything is 100 repetition. There's water there. Dapat matapos niyo to before 12." Sabi ni daddy at iniwan na ulit kami. Nandoon din si ate na nagtre-treadmill na.
Pumwesto ako sa gilid niya at tumakbo na din. "Update?" She asked. I sighed.
"Tried talking, but it didn't work." Tipid kong sabi.
"Yeah right, tinitingnan ka nga niya ngayon. Concerned?" Natawa siya. Takang lumingon ako may Cassian at nagtama paningin namin kaya umiling siya.
Nag weight lifting din ako. Dumbbell press den. At kung ano ano pa. Mga 10:45 na at natapos na ako. I was drinking water nang mapansin kong nakatitig na naman sa akin si Cassian. I can see him in my peripheral vision.
Lumingon ako sa kanya, and smiled. He rolled his eyes at nagpunas ng pawis.
Nachempohan ko ulit siyang nakatingin kaya tumingin din ako. This time hindi niya tinangal ang tingin niya, it's like we were fighting with our eyes.
His eyes were like communicating with mine.
"Hooo.." sabi ni Calyx.
"Dude may staring contest bang included sa training?" Asar na tanong ni Ryota.
Parehas kami ni Cassian tumingin ng masama doon sa dalawa.
Tumaas kamay nung dalawa. "Alam niyo, this is too childish. Mag usap nalang kayo." Sabu ni Kaede.
"I tried to, pero tinataboy ako eh." Parinig ko.
Umiling si Cassian. "Pano pa kami magkakaayos kung siya na mismo ata ang may ayaw sakin?" Inis na tanong ko.
Pinunasan ko ulit pawis ko bago isuot yung jacket ni Cassian at padabog lumabas ng gym.
Naglalakad ako papunta sa kwarto nang may humila sakin, at pinasok ako sa kwarto namin.
Si Cassian pala. He pinned me on the door. And looked at me dead in the eyes.
"Fuck!" Sigaw niya.
"Hindi ko na kaya, Ravenna." Sabi niya at mukhang naluluha na ata.
"I can't stay mad at you, pag hindi kita kausap parang unti unti kumukupas mundo ko. I can't stand the feeling of you being mad at me." Sabi niya at tumingin sa akin.
I just hugged him in the waist. And he hugged me on the neck.
"Sorry din." Sabi ko. At hinigpitan niya yakap saakin.
I leaned in to him and gave him a kiss. He wasn't responding at first pero he dominated my lips when he used his tongue, he was sucking on my lower lip. Naging medyo aggressive yung kissing namin kaya kumalas ako.
"I love you."
I don't know if I can say it back yet.
But I do know that I will.
Soon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top