29

Chapter twenty-nine: Weak shit


Niyaya niya kami uminom? What the? At alam niyang nandun kami? Ang dami kong tanong Avalon. Pero may atraso ka pa sa amin, nakita ka nila Cassian noong kinidnap kami ng Remington at Stellards.


"Kung sino pa yung weak shit siya pa yung nagaya uminom." Sabi ni Hailey at sumunod na lang sa amin sa paglalakad.


"Hahahahahaha!" Tawa ni Avalon. "I'm sure you all have questions, kaya idaan na din natin sa inuman. Alam ko naman na narinig niyo eh. At magtatago nalang kayo sa likod pa ng kotse ko, nakita ko din mga anino niyo. Ganyan ba kayo sa trabaho niyo ngayon Ravenna? Pinalit mo ko sa tatlong bugok na hindi naman ata marunong lumaban." Sabi niya at biglang kumuyom ang kamao ko.


Kapag naaalan ako ng pasensya baka masuntok kita kaya umayos ka.


Napagusapan namin sa dorm namin na lang uminom. Nauna kami kay Avalon dahil kukunin niya pa daw yung alak sa apartment niya. Malapit lang naman daw yun.


Inayos namin yung sala at nilabas din nila Hailey yung chichirya para gawing pulutan. Pumasok na lang bigla si Avalon. Wala na akong paki doon.


Tiningnan ko dala niya.


"Cuervo?" Tanong ni Ryota.


"Bakit? Reklamo?"


"Wala naman, d'yan ako nalasing eh. Pero marami naman tayong iinom." Sabi ni Ryota at natawa. Ang pwesto namin ay pabilog at nakaupo kaming lahat sa sahig. Si Avalon ang kumuha ng first shot.


"Spill your questions. Habang sober pa ako." Sabi niya at kumuha ng chichirya.


"Who was that girl?" Tanong ni Cassian.


"Brooklyn Buenavides." Sagot niya.


"Matanong ko lang, 'di ba hindi ka naman dito sa campus nag aaral? Bakit parang simula nang magkita na tayo ulit nandito ka na parati." Tanong niya.


"Hindi nga ako nag aaral dito, pero parati ako nandyan because of my Dad's death. Tumutulong ako maghanap kung sino ang pumatay. Kahit alam kong ako yun." Sabi niya at nagshot ulit.


Shot ko na kaya nilagok ko yun.


"What is your relation to that boy? Brooklyn has been claiming her boyfriend." Tanong ko.


"I was his girlfriend, I think ako yung kabit. He never told me that he had a girlfriend, nalaman ko lang din nito." Sabi niya.


"What's the name of that boy?" Tanong ni Calyx.


"Arkin Gonzalez." Sagot ni Avalon.


"Why did you kill him?" Taas kilay na tanong ni Cassian.


"I told you that my dad hacked into your company right? Nalaman kong tinulungan ni Arkin si daddy. Alam ko na agad na haharangan to sa plano kong tulungan ang companya niyo." Sagot ni Avalon.


"Kapag nakakuha kami ng sapat na ebidensya na nagpapatunay na ikaw nga ang pumatay kay Alferez. Will you be willing to get killed?" Tanong ko, at natigilan naman siya.


"You're going to kill me." Sabi niya, at naluluha na siya. Come on wag ka magpaawa. "Yes, I'm willing. Sasamahan ko na buong pamilya ko pati boyfriend ko sa langit." Dagdag niya.


"Impyerno kayong lahat." Singhal ni Kaede. At natawa naman si Avalon. How can she laugh when she is about to be exterminated?


Biglang nag sink in yung sinabi niya. Lahat? "What do you mean by lahat? Where's your mother?" Tanong ko.


"I also killed her..." This girl is fucking mental!


"Nung nakita nung pulis yung katawan. Hindi ba nila nakita yung bala?" Tanong ni Hailey.


"How did you know that I killed him with a gun?"


"Because we have a video, that time I thought you really had changed because of the act that you did. Pero hindi we saw you with the Remingtons. Nung na kidnap kami." Sabi ko at shinot na yung alak.


"No, they didn't see the wound. Kasi after I shot him, I replaced all of his clothes with new ones and taped up the wound." Sagot niya.


"Why did you kill your mother?" Tanong ni Cassian. I'll give him credit, marunong na siya mag interrogate.


"Kasi nalaman niyang ako ang pumatay kay daddy, she was going to turn me in to the cops. So inunahan ko na siya, I killed her." Sagot niya.


Nagisip ako ng nagisip. I know that she can't do this, alam kong may awa pa din siya. Pero ano nangyari. "Were you on drugs when you did all the killing?" Tanong ni Ryota. Yes! Tama, drugs. Drugs can make you so fucking high, and different. That's why we didn't continue doing it.


Nanahimik si Avalon. Silence means yes. "Kailan huli mong gamit?" Tanong ko.


"After my mom's death. I stopped. I was heartbroken back then kasi mas pinili ni Arkin si Brooklyn. I was mad dahil sa pinaplano ni daddy na pabagsakin kayo, I was scared kasi ituturn in ako sa police. All that happening at the same time kaya nagising ako sa katotohanan at tumigil sa drugs." Sagot niya.


"You're afraid na mapunta ka sa presinto pero hindi ka takot mamatay? Hindi ba't mas malala yung pagkamatay kaysa sa presinto." Tanong ni Calyx.


"Well, yes your correct. Pero ano pa ipaglalaban ko kapag nakalaya ako? Wala. So it's better of dead." Sagot ni Avalon.


"That's why Alferez's family refused to take an autopsy report. Kasi ikaw nalang ang representative ng pamilya niyo." Sabi ko.


"We're slowly connecting the dots." Bulong ni Cassian saakin.


"What were you doing at the back, when we were being kidnapped?" Tanong ni Hailey.


Shumot muna si Avalon bago binuka yung bibig niya "Nothing, I was just observing. Hindi lang kasi grupo niyo ang may gustong pumatay sa mga Remington at Stellards. Grupo ko din." Sagot niya.


"Magiging kalaban ba namin yang grupo mo sa launching? I'm sure alam mo din ang tungkol doon." Tanong ko.


Umiling siya. "We're just after them, pero kapag kayo na ang umatake samin. Di kami magdadalawang isip patayin kayo." Sabi niya at shumot ulit.


"Puro ka banta wala naman gawa." Singhal ni Cassian.


Natawa si Avalon. "Honey you haven't seen me fight have you?" Sarkastikong tugon ni Avalon.


After 30 minutes. As usual bagsak na ata si Avalon. "Is she even breathing?" Tanong ni Calyx.


Biglang umangat ang paningin ni Avalon saamin. She squinted her eyes at tumawa.


"Ano.... shot pa!" Sabi niya at tumayo at sumayaw na.


"Do you know kung saan ka nakatira?" Tanong ko.


"Sa tapat na apartment, sa harap ng campus." Sagot niya. Wala kaming tama lahat, kaya inutusan namin na yung boys ang maghatid sa kanya.


After 20 minutes bumalik na sila.


"That girl was a nightmare." Sabi ni Cassian.


"Dude, she had fallen about 10 times habang papunta doon sa apartment niya." Sabi ni Ryota.


"Kumakanta pa habang naglalakad. At bigla na lang tatawa minsan. That girl is creepy." Sabi ni Calyx at kinamot ang ulo.


"First time nating maaga uminom ah." Sabi ni Kaede habang nagliligpit.


"11am to 5pm." Sagot ni Hailey. Oo, nung naubos kasi namin yung Cuervo naglabas pa si Avalon ng Red horse.


"Partida dinadaya pa tayo ni Avalon sa inuman pero siya pa din yung bagsak." Natatawang sabi ko.


"Inaantok na ako." Sabi ni Cassian at nagpout.


"Maligo ka muna, ako din. Tsaka tayo matulog." Sabi ko at tumayo.


"Sabay na tayo maligo." Malanding sabi niya, pinalo ko naman siya sa kamay.


Habang naliligo ako, sobrang bigat na ng katawan ko. My body clock is so fucking messed up. Sa madaling araw gising tapos hapon tulog.


Nakaligo na kami parehas kaya diretso na kami doon sa kama ko at nahiga. Nakita kong tulog na yung apat. Naligo sila doon sa dorm ng mga bebe nila. Nagsabay kaya sila? Tsk ano ba iniisip ko.


Tumalikod ako kay Cassian at pinikit ang mata ko. Nagulat ako no'ng niyakap niya ako sa likod. I felt secured, and I felt my happiness cuddle me.


"Hey, are you still awake?" Mahinang tanong ko baka kasi magising pa yung iba.


"Yeah, but I'm really tired. Pero nandyan ka, so parang nagchacharge na ako kapag kayakap kita." Sabi niya at naginit naman ang pisngi ko.


"Aren't you afraid? Sa Heart of hell? First time niyo doon at alam kong hindi kayo tatantanan ni daddy. Pahihirapan ka doon." Sabi ko at mas humigpit yakap niya.


"I'm not afraid to face any battle, as long as you're here with the process. Nandito ka kaya nawawala yung kaba, at takot ko. Instead napapalitan ito ng lakas ng loob." Sabi niya at contented na ako sa sagot niya kaya pumikit na ako ulit. Pero nagsalita pa ulit siya.


"So kapag nawala ka sa mundo ko, guguho din ako. So don't leave me Ravenna." Dagdag niya.


"I won't leave." Sabi ko at feeling ko nakatulog na siya.


I won't leave, don't worry.


But if something comes up... I can't promise anything.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top