23

Chapter twenty-three: How it happened


I was weak. After everything went black, all I felt was nothing. I feel like I was in hell. I was feeling hot, and having the feeling of sweating.


I was awake but couldn't open my eyes. I felt someone carried me, bridal style. And I know that it was him. Somehow I felt a little light. Nawala ang onting bigat na nararamdaman ko.


But still, hinang hina pa din ako. Kaya nakatulog ako sa pagkabuhat niya saakin


I woke up at my bed with Cassian beside me. Hindi ako naging uncomfortable. Instead I was craving his attention. Hinayaan ko siyang yakapin ako sa likod kasi alam kong napagod din siya para lang iligtas kaming tatlo.


Can't wait to say yes to this guy, but bawal pa. Gusto ko munang wala nang issues o mga taong gustong pumatay saakin.


I checked the clock it's 2:00 in the morning. And I can't sleep, so instead tumayo ako at nagdahan dahang lumabas ng kwarto para walang magising saamin.


Pagkasara ko ng pinto tumalikod ako at pumunta sa couch at nagisip.


Hindi pwedeng hindi namin isipin ang totoong dahilan kung bakit kami nandito sa university na to. We still need to finish the case of Alferez in our company.


Alferez was attorney's friend kaya binigay sa amin ang mission na ito. One of the reasons also kung bakit ayaw ko kunin ito for the first place is because of Mafia.


Mahirap nang dalhin ang mga problema namin sa Mafia war sa labas kasama ang mga inosente.


"Why are you up?"


"Puta ka!" Pabulong na sigaw ko nang marinig ang boses ni Cassian. "Nagising lang ako," sabi ko at umupo naman siya sa tabi ko.


"Nagpapahinga ka dapat."


"Mayroon naman na akong kaunting pahinga, besides ikaw dapat ang magpahinga." Sabi ko at pininch ang cheeks niya.


"Nah, if you're not sleeping I am not going to be sleeping." Niyakap niya ako. Sweet. My heart is melting ack!


"'Di mo pa ba ako sasagutin? Naiingit na ako kay Ryota oh." Sabi niya at natawa ako.


"I love seeing you smile." Sabi niya at ginulo ang buhok ko.


"Patience, Cassian. If you truly like me, you would wait."


"Inaantok pa ako." He said and pouted.


"Pipitikin ko yang nguso mo." Banta ko, at lalo pa siyang nagpout.


"Kiss muna." Sabi niya, at bumuntong hininga ako. And gave him a peck on his lips.


"Tara, tulog na tayo ulit." Sabi ko at sabay kaming pumasok sa kwarto.


Nakatulog kami ulit.


Nagising ako ng 6:45 am at naamoy ko ang breakfast. Ang bango niya, sino nagluto?


Lumabas ako ng kwarto, at nakita kong si Ryota na nakatopless at may appron. Ang daming alam. Siya ang nagluto ng breakfast. Kaede husband material jackpot ka dyan.


"Kaede sabihan mo nga jowa mo na magsuot ng damit, tsk." Sabi ko at umupo sa tabi ni Hailey. Nilibot ko ang kwarto at wala siya.


"Nasa cr yung hinahanap mo." Sabi ni Calyx, luh pano nalaman na hinahanap ko yung mokong yun.


"Bukas na pala alis natin." Sabi ni Kaede.


"Yeah, two days one night." Sabi ni Hailey.


"Anong oras daw tayo lilipad?" Tanong ni Calyx.


"Tanong mo kay Superman." Sabi ko, at tumawa naman silang lahat.


"We can fly whatever time we want. We're going to be using the private plane of our company." Bawi ko.


Nakita kong lumabas si Cassian sa banyo at ngumiti siya saakin nang makita niya ako. "Good morning." Bati niya.


"Good morning." Sabi ko din, umupo siya sa kaliwa ko at inakbayan ako.


"I suggest na umalis tayo ng madaling araw para makarating tayo doon ng maaga." Sabi ni Ryota.


"Sure." Sabi ko at tinext si daddy kung anong oras kami susunduin ng private plane. Doon kasi sa may taas ng school kami susunduin at nakapagpaalam na din naman na kami. Pinagpaalam rather.


"May nahanap na ba kayong evidence para kay Avalon?" Tanong ko, kasi baka nakalimutan na nila na mayroon pa kaming ibang kailangang problemahin.


"I found Amity's phone in the dumpster. We can look at it since she was also at the crime scene. Right?" Sabi ni Calyx.


"Open it." Sabi ko, at pinagmasdan siyang buksan ang ziplock na nilalaman ang phone.


"It's locked, and has a password." Sabi ni Calyx.


"Let me try." Prisinta ni Cassian. Hinawakan niya ito at nilagay ang daliri sa finger sensor at bumukas ito. Yeah I forgot, Amity is his ex. Pero okay lang yun, patay naman na yung tao wala na akong karibal.


I wasn't mad, the past is the past.


"Nalaman na ba kung sino ang pumatay kay Amity?" Tanong ko.


"We don't know, the school has been really silent about it." Sagot ni Hailey.


"I think it's Avalon again." Sabi ni Kaede.


Tiningnan ko siya sa mata.


"Look hindi ganon ka tanga si Avalon para hindi malaman na may nakakita at nakapagrecord sakanya. I'm sure after Alferez death hinanap niya 'yung taong yun tsaka pinatay." Pageexplain niya.


"There is a video." Sabi ni Calyx.


Pinlay nila yung video and it was just black. Pero may tunog. I can hear Amity's rapid breathing, and it feels like she has been running.


"I can hear gunshots." Sabi ni Amity.


"I think there is a girl after Professor Alferez. They have been running all over the woods and I have been here trying to document things for the school's article and paper." Sabi nito, journalist siya ng school? Wow.


"They stopped running, I need to get closer."


"Dad, you have to stop what you are doing." Sabi ni Avalon.


"You don't know anything, so stay the fuck out of this Avalon!" Inis na sigaw nung Alferez.


"I can't dad, you cant just fucking kill the owner of Hendrix corporation and steal all of their belongings and give it to Ravenna's ate!" Sigaw din ni Avalon.


"Who's Ravenna? What are they talking about? This girl is Alferez's daughter? I'm so confused right now." Sabi ni Amity.


"I'm doing this for us anak, kulang na tayo sa pera at baon tayo sa mga utang. So please 'wag ka nang mangi-alam." Sabi ni Alferez.


"That doesn't explain for you to do this. You can have a part time job. And also yung mga binibigay ko sainyo, was it not enough?" Tanong ni Avalon.


"Wow, years kitang sinoportahan nung sumali ka sa 'Mafia' anak. Pero ngayon wala ka na doon, pwede ko nang patayin si Hendrix." Sabi nung Alferez.


"If you can't accept a warning, well let's deal with it. I'm sorry dad, I love you so much. But for the sake of the company, let's just say the whole Mafia world. You will have to die and accept death. Because as I said I will not let you step on Hendrix's." Malamig na sabi ni Avalon tsaka namin narinig ang malakas putok ng baril. At doon naputol yung video.


"This proves as evidence. I think this will not be enough." Sabi ni Kaede.


"I agree, we need a picture. We need to find someone who was at the scene and have taken pictures." Sabi ni Hailey at tumayo.


"She really did that to save us." Wala sa sariling sabi ko.


"Should we change our decision? Let her back in our group, but still have doubts about her because I saw her with the Remingtons kagabi." Sabat ni Cassian.


"What?!" Sigaw naming tatlo.


"So that's why familiar yung babaeng nakatayo lang sa bandang likod ng warehouse." Calyx.


"Yeah I saw her too. I thought it was just an imagination. Pero kayo din pala, Avalon didn't do anything bad to us. Tumayo lang siya at nanood." Ryota.


Napamasahe ako sa ulo ko, ganun din sila Kaede at Hailey.


"This girl is fucking messing with my mind." Inis na singhal ni Kaede.


"I thought she's good, and back for nothing. Pero kumampi padin siya sa masama? Ano ba naman talagang mundo oh." Sabi ni Hailey at hinampas ang unan.


"Let's just relax. At magimpake na lang para bukas. It's our reward, pero kailangan pa din natin magdala ng guns just in case may sumunod sa atin at tangkang patayin tayo." Seryosong sabi ni Cassian.


What bullshit is this, Avalon?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top