13

Chapter thirteen: The truth


Kaede's Point of view


A part of my heart ached when I heard Ravenna asked her dad if I was her sibling.


Hindi ko din alam eh, pero impossibleng ama ko yung daddy niya kasi mas nauna akong maipanganak kaysa kay Ravenna. September siya pinanganak, ako March. Pero isa ang alam kong maaring anak niya. Si Kaelyn, my younger sister. Pero hanggang ngayon hindi pa din alam ni mama ang ama niya, o baka nagsisinungaling si mama. Aish ginugulo niyo utak ko.


Parehas kaming pumasok ni Ryota sa interrogation, kaya nagtaka ako pero hindi ako naglabas ng emosyon. Bahala na siya kung mapagalitan.


Parehas lang naman ang mga itinanong kaya natapos naman kaagad.


"Thankyou Ms. Kaede and Mr. Ryota you may leave, and please call in the last two people." Sabi ni Attorney habang nagsusulat doon sa binder niya.


May pa ganyan pa silang nalalaman tsk.


"Have you decided yet?" Biglang tanong ni Ryota saakin, at tumingin diretso sa mga mata ko. Bakit parang ang gwapo niya ngayon? Nakakatunaw yung tingin niya. No Kaede wag ka muna bumitaw sa pagkahawak mo sa pride mo.


Hindi ko muna sinagot ang tanong niya at nikingon sina Cassian at Ravenna. Palihim na tinitingnan ni Cassian si Ravenna habang natutulog ito, diba dapat si Cassian ang nakasalampak kay Ravenna? Narinig ko kasi na nagsinungaling ata si Cassian.


Nako Cassian wag mo bigyan si Ravenna ng dahilan para magduda sayo kung gusto mong sagutin ka niya.


"Cassian, pasabi nalang kay Ravenna sibat na ako. Baka hindi muna ako bumalik ng ilang araw." Seryosong sabi ko at nilingon ulit si Ravenna.


"Ingat, Ryota dude." Baling niya kay Ryota at nagtanguan ang dalawa.


Nauna akong maglakad, iniisip kung paano ko ioopen kay mama yung topic. "No." Sabi ko kay Ryota at gumilid ang tingin niya na mukhang naguguluhan.


"I haven't decided yet." Pag explain ko.


"Kailan mo balak magdecide?" Nakangusong tanong niya, at natawa naman ako ng kaunti. You really know how to brighten up my mood.


Ang weird talaga na kaming tatlo, nagkaroon ng mga manliligaw na suspects pa namin. Hindi ko alam kay Ryota, hindi niya sinabi na liligawan niya ako. Ang sabi niya deretsohang tanong na kung gusto ko ba siyang maging boyfriend.


Kung wala lang talaga ako sa mood at naiinis ako sa mga ginagawa niya sa una palang sinabihan ko na siya ng no.


"Bakit mo ba ako nagustuhan?" Wala sa sariling tanong ko. Naglalakad kasi ako papunta sa parking para idrive ang kotse ko. I'll go where my car takes me.


"I don't know... Maybe because you stand out?" Di siguradong sagot niya.


"Stand out.. kung yun lang si Ravenna na lang dapat." Seryosong sabi ko at kumunot naman ang noo niya.


"Sorry nga pala kung nasaktan ko si Ravenna." Sabi niya at bumuntong hininga. "Bago ko siya iligtas doon sa ate niya noong nakidnap kayo, ginulpi pa namin siya ng mga alaga ko." Dagdag niya.


"Bakit niyo ba kasi sinaktan? Inano ka ba nung kaibigan ko?" Pigil inis na tanong ko at tiningnan siya deretso sa mata.


"She was trespassing our property. And binaril niya nga binti ko nun eh, pero mabilis akong nakarecover." Sabi niya at ngumiti. "Kasi kung hindi, edi hindi ko nasilayan ang ganda ng mata mo?" Malanding sabi niya.


Namula ako pero agad akong umiwas ng tingin, baka kasi mapansin niya. I heard him chuckle. "Why are you red, love?"


"Hindi ako red, tao ako." Pilosopong usal ko.


"Bakit ka ganyan?!" Sigaw niya, tss ano ginawa ko sayo.


"Bakit?"


"Kapag good mood ako, binabadtrip mo ko. Tapos ang hilig mo pa mamilosopo! Ayaw ko sa ganyan!" Tuloy tuloy na sigaw niya.


Ang sakit sa tenga ng sigaw mo, aish! "Ayaw mo pala sa ganyan, edi tigilan mo na ako. Kung hindi mo tanggap ang personalidad ko, sorry. Kasi hindi ko kayang magpanggap bilang your perfect girl." Sunod sunod kong sabi at nanlaki ang mata niya.


Hinawakan niya ang kamay ko. "I'm kidding, wow Kaede. You're like the realest person I've ever met. You're so transparent. And I like that." Sabi niya.


Nakasakay na ako sa kotse ko, at tumingin naman ako sa kanya. Naka pout na agad, tss. Ang cute hahahaha!


"Can I come?" Nakangusong sabi niya.


I sighed and smiled. "Do you want to come?"


"Fuck yeah!" Sigaw niya tsaka binuksan ang pinto sa passenger seat.


"'Di naman kailangan mag mura-" sabi ko pero. "Putangina!" Sigaw ko dahil may nagulungan akong malaking bato. Tumawa naman siya.


"Hahahahhaha!"


"Saan ba tayo pupunta?" Tanong niya, iniliko ko muna ang manibela ko tsaka sumagot.


"Titigil tayo sa kung saan maubos ang gas ko." Seryosong sabi ko.


"Paano kung sa gitna tayo sa kalsada matigilan? Ano gagawin mo? Wag na wag mo ko pagtutulakin ng kotse ah." Natatarantang sabi niya.


Natawa naman ako, bakit lagi mo kong napapatawa? Nahahawa na ata ako ng kaweirdohan nito. Tsk.


"Pag pala may sumunod sa atin, at kumidnap sa atin. Magparaya ka nalang." Seryosong sabi ko.


Hindi ako tanga para magpakidnap pero gusto ko lang malaman reaction niya.


"Bakit hindi ka lalaban? Dapat kahit takot ka sa isang bagay, wag mo ipakita. You won't survive life if you wouldn't take risks. Lahat ng bagay na itra-try mo may kasamang risk. And You only live once, kung masugatan ka man isipin mong malayo yan sa bato."


"Tss, 'di ka nagiisip pano kung sa mismong bato ka nagalusan? Sige edi walang sense yung speech mo na YoLo" natatawang sabi ko.


Nanahimik siya at nagtaka ako. Bat biglang natahi ang bibig nito.


Laking gulat ko nang bigla niyang hawakan ang baba ko at iniharap sa mismong mukha niya. I tuned on auto pilot kasi baka madisgrasya kami nito.


Nilapit niya nang nilapit ang mukha niya hanggat sa halikan niya ako sa labi ko.


Ang lambot ng labi niya, and it's warm.


Dahan dahan niyang inalis ang mukha niya saakin at ngumiti. "Thank you." Huh? Bat siya nagte-thankyou?


"First kiss kita." Pagaamin ko, at namula ako bigla. I should be honest diba?


Tumango siya sa akin at ngumiti. Kahit napapasaya niya ako, hindi pa rin mawala sa isip ko si Mama at si Kaelyn.


Kaya di ko nalang namalayan na doon na pala papunta ang kotse ko, hindi naman umiimik si Ryota kaya bahala siyang maghintay sa passenger seat.


Natauhan siya siguro noong hinalikan niya ako, pero aaminin ko ang sarap ng halik niya. And part of me craves more, pero bawal nga muna. Hindi ko hahayaang matapakan ang pride ko.


Inaantok ako, pero bawal ako matulog kasi tulog din ang katabi ko. Ang cute mong matulog.. I pinched his cheeks at namula ito kaagad, mestizo naman pala hehe.


Ilang minuto pang lumipas, nandoon na kami sa street namin. Hininto ko ang kotse doon sa tapat ng bahay namin dati.


Call me the worst child, pero nagpaalam naman ako kala mama bago ko ituon lahat ng prioridad ko sa Mafia. Lumabas ako ng kotse at sumunod naman si Ryota.


"Baby bakit ka bumaba?" Hindi ko siya sinagot, at pinansin. Baby pa nga. I knocked two times.


Bumungad sa akin ang isang magandang babae, makinis, maputi, mahaba ang buhok.


Hindi ko napigilan ang sarili ko at napayakap sakanya. "A-ate?"


"Anak, sino ba nasa pinto?" Isang pamilyar na boses ang nagsalita.


"Anak?" Sabi niya.


Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko. "Sorry, sorry nawala ako ng halos anim na taon." Unang mga salita na nanggaling sa bibig ko.


"Anak, 'wag ka umiyak. Naiintindihan naman namin ikaw. Sino naman ang kasama mo?" Tugon ni mama kay Ryota.


"My suitor. I guess. Hindi iyon ang pinunta ko Ma. I need to confirm something." Seryosong sabi ko.


"Pasok kayo," sabi ni mama. At sumunod naman si Ryota na inakbayan ako. Nawala ang kaunting kaba na namuo sa sarili ko noong inakbayan niya ako.


"Ma, tapatin mo ko. You had an affair with... Ravenna's dad?" Straightforward kong sabi.


"Uh.. oo, pero anak matagal na yun—"


Pinutol ko siya. "At ang tatay ni Kaelyn si Hendrix?"


"Malaki ang pagkakamali ko..."


"Bakit hindi mo man lang sinabi? Putangina naman, bakit mo kailangan ilihim yan? Ma, bakit?" Tumulo na ang mga luha ko. Hindi ko na kayang pigilan. Hindi pwedeng sa lahat ng bagay magpipigil ka.


Pinisil ni Ryota ang kamay ko, pero wala hindi ko kayang kumalma. Nagulat ako nang may marinig na batang umiiyak. May bago ka nanamang anak, ma?


I laughed sarcastically, "Hindi ka pa rin nagbabago, ma. Bakit ba binibigay mo sa kung sino sino ang katawan mo-"


"Hindi yan sa akin." Pigil ni mama, at nag angat ng tingin. Napalitan ng seryosong mukha ang kinakabahan kanina.


"Sa akin yan." Singit ni Kaelyn. Nalaglag ang panga ko.


"Nauna ka pa talaga sa akin." I said coldly. "Ginagago niyo ba ko? Kaelyn. Your fucking 18 years old. Kailan mo pinagbuntis yang anak mo, 17?!" Galit na sabi ko. At tiningnan siya derekta sa mata.


"Kabataan ang pag asa ng bayan, ano yan? Gumagawa pa yung kabataan ng mas maraming kabataan. Bullshit!" Malakas ulit na sigaw ko.


"Tangina, saan ako nagkulang? Saan—" nagulat ako nang biglang humampas saakin ang kamay niya.


"Don't you dare talk to me as if you were here. I was 11 when you left. Tapos ngayon babalik ka? Ano ang naitulong mo sa pamilya namin, sa pamilya ko? You were never there to support me. All I had is mom. I needed a sister, pero wala ka." Sabi niya.


"You're still a kid and you don't know anything. At kung makapagsalita ka kung ano ang naitulong ko sainyo, I provided you almost everything. 30k a month plus allowance niyo kapag may extra akong pera. And you're here telling me na wala akong naitulong?" Pigil inis na sabi ko at napahiya ko naman siya.


"Sobrang dami ko nang pinoproblema, sobra na. Tapos eto... I think it was a mistake na dumalaw ako." Sabi ko at tumayo na sa pagkakatayo.


Palabas na kami ng bahay ni Ryota, pero may naramdaman akong kakaiba.


Nagulat nalang ako nang may biglang sumaksak sa tagiliran ko at napahiga ako.


Fuck!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top