11
Chapter eleven: Suitors
Nagising ako sa isang pamilyar na amoy, plus points dahil ang bango ng amoy mo.
I woke up in his bed with the same clothes, he took off my makeup and boots. Pero, some part of me feels that this is wrong... Alam ko bawal talaga.
Nakita ko yung note sa bedside table niya.
Good morning Ravenna!
I took you to my dorm last night, pagod na pagod ka na kasi at sabi mo sa dorm ko nalang. I can't change your clothes sorry, but I took off your boots and make up. I also slept on the couch if you're wondering. Pahinga ka pa, may gamot dyan at tubig inumin mo na. I'll be back at lunch time. May breakfast ka na diyan, and also maligo ka na. Mabaho ka na, wear my shirt and sweatpants. See you :))
Napakagat ako sa sarili kong labi para pigilang ngumiti, kinikilig ata ako.Tumayo ako at nagunat. Himala at hindi ako inaabala nung dalawa, pero okay lang yun. Break ko naman eh, pero tinext ko sila.
To: Jane, Alastair
Good morning guys, thank you sa hindi pagabala. I'm safe with Cassian. Bukas doblehin ko nalang gagawin ko, and also kagabi nung lasing kami parehas ni Cassian si Amity nagmamasid ulit. Please keep a close look on her.
Agad naman nagreply si Hailey.
From: Hailey
Kamusta ang love birds? Magisa ako ngayon sinamahan ni Kaede si Ryota eh. May sasabihin daw ewan, bubuksan naman daw ni Kaede ang earpiece niya kaya maririnig natin. Pero ang tagal naman niyang buksan.
Kahit sa chat talaga ang ingay.
9:30 ako nagising, at 11:30 pa ata lunch ni Cassian.
Pumasok na ako sa cr, at naligo. Ginamit ko ang body wash niya na sobrang bango, I smell like him. Sinuot ko yung sweatpants niya at shirt at grabe sobrang baggy ng porma ko.
Nagpicture ako sa salamin at sinend yun kay Cassian. He replied 'You look great, wait for me. Kain ka na ng breakfast.'
Ready na ba ako mag commit? Nagbeep ang earpiece ko, Kaede sana maayos to.
"Bakit ka ba kasi dikit ng dikit saakin?" Inis tonong tanong ni Kaede. "Aray!" Sigaw ni Kaede.
What the fuck is he doing to her? "Bakit mo ko sinugatan?" Malamig na tonong tanong niya.
"Kasi gusto kita," Sabi ni Ryota.
Is this even real? Kaming tatlo, sabay sabay atang mahuhulog.
How ironic.
Silang dalawa ni Hailey nalang kasi dapat, hindi pa ata kasi ako handang masaktan. Yun kasi laging nangyayari sa isang relasyon hindi ba? Magloloko yung isa tapos iiyak naman yung isa. I've already experienced many heartbreaks, wag na dumagdag to. Heartbreak from when my mom left me, heartbreak from when my dad was suffering and so on.
Narinig ko ang isang malakas na tunog, sa linya.
"Bakit mo 'ko sinapak?!" Tanong ni Ryota. Para silang aso't pusa. Well the more you hate the more you love. haha! Corny ko ngayon.
"Wala, bawian lang. Ano susugatan mo ako tapos ikaw wala. Dapat patas lang." Sabi ni Kaede na feeling kong pabiro.
"Good little girl, you're always picking a fight with me.... Gusto mo 'ko 'no?" Tanong ni Ryota.
"Bumabawi lang ako, ikaw ang nauuna bumabawi lang ako." Sabi ni Kaede.
"You know that I'm bad," sabi ni Ryota at narinig ko pa siyang bumuntong hininga. "But you're spending the day with me." Dagdag ni Ryota.
Hindi ko alam pero kinikilig ako sa kanilang dalawa. Hindi umusal si Kaede.
"What do you want from my world? Bakit sa tuwing aayain kita sa kung saan diretso payag ka naman agad?" Tanong ni Ryota.
"Kasi baka wala sa oras ay makapatay ka, pero parang wala ka namang papatayin eh." Biro ni Kaede.
Nagbeep sa ibang linya ang earpiece ko kaya nilipat ko iyon kay Hailey.
"Aalis din ako mamaya kasama si Calyx, wag ka na umuwi sa dorm kasi mukhang tayong tatlo wala din doon. I will just turn on my earpiece din, so that marinig niyo ang lahat." Sabi ni Hailey at ibinaba, numalik ako kala Kaede.
Nakakakilig sila mag usap, I'm happy kasi napapalambot na ata ang puso ni kaede dahil kay Ryota, sa lahat ng nagkagusto kay Kaede. Si Ryota palang ang nakakapilit kay Kaede na magsalita at magbiro.
"Bad little boy, that is what you're acting like but I really don't buy it." Sabi ni Kaede, ah so bawian na sila sa salita.
"Mama mo, I don't really buy." Sabi ni Ryota at natawa si Kaede.
See, tumatawa siya. "Tch." Singhal ni Kaede.
"So ano? Can I be your boyfriend?" Sabi ni Ryota, nakikinig na ako sa kanila at tutok na tutok nang biglang patayin ni Kaede ang earpiece niya, tss sama mo Kaede. Kinikilig ako dito eh.
Tinext ko siya 'Say yes' Pero hindi nagreply.
Nakaidlip ako sa couch at nagising ako sa pagaalog sa akin ni Cassian. "Lunch na." Sabi niya, at tumango ako. Blanko ang expression ko ngayon kasi bagong gising ulit.
"Noong bagong lipat kami sa dorm, mayroon kaming narinig na kalampog. At nung nilingon namin yun, may apat na lalaki, na nagbabantaan kung sino ang pumatay kay Prof. Alferez." Paninimula ko. Tumaas ang kilay niya at sumubo ng kanin.
"Ikaw ang isa doon, at yung nagsabing naramdaman mong hindi lang kayo ang tao doon?" Tanong ko.
"Yeah, ako 'yun. Why'd you ask?"
"Kaya kami pumasok sa school para malaman kung sino ang pumatay kay Prof Alferez, ayaw ko nung una pero kailangan kasi mawawala ang posisyon ko sa kumpanya. At malaki din ang benefits namin dito."
"It's good that you accepted this, kasi kung hindi hindi ako magkakaroon ng sapak na galing sa pinaka magandang babae sa paningin ko." banat niya.
"Ang baduy," Sabi ko at tinapik braso niya. We both chuckled.
"Pwede na ba natin lagyan ng label?" Sinserong tanong niya.
"Halos isang linggo mo palang ako kilala, alam kong hindi ka lang sigurado.." Sabi ko at bigla niya naman akong hinawakan sa kamay, at hinalikan ito.
"Maghihintay ako, tulungan ko nalang kayo sa paghahanap. Kasi pati kami ng grupo nagiimbistiga." Sabi niya.
"Yung tatlong lalaki na kasama mo, Si Calyx, at Ryota yung dalawa. Sino yung isa?"
"Austin, siya ang pinaka inosente sa amin. Why are we talking about them?" Tanong niya at hinawi ang buhok sa mukha ko.
"Kasi 'di ba sinabi ni dad kagabi na isa ka sa leads namin sa pagkamatay ni Prof Alferez. Kasama din doon si Calyx, at Ryota. And ang malala pa, By partner pa ang nangyari, dahil si Calyx nagkagusto kay Hailey, at si Ryota nagkagusto din kay Kaede." Sabi ko at bumuntong hininga.
"Parang nararamdaman kong, we're being set up. At kasama ka din sa may pakana. Tell me my prediction is incorrect." Sabi ko.
"Yes, you're wrong. Okay, I like you. And they probably like each other as well but let's not worry about them. Ang unahin natin ay yung kung anong meron sa atin." Sabi niya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
"Last na talaga." Sabi ko, at tumaas kilay niya. "Bakit mo binantaan si Amity?"
"Kasi siya ang nakita namin sa crime scene." sabi niya at natigilan ako. Ikaw na ba ang susi Amity? "Ayaw ko nang pag usapan, next time na ulit.." Sabi niya at alanganing ngumiti.
"Pwede bang dito muna ako magstay? Walang tao sa dorm namin. Aalis si Hailey kasama si Calyx, at si Kaede kasama na si Ryota. Manliligaw na nga ata nila yun eh." Sabi ko at bahagyang natawa.
"E 'di ligawan din kita, papayag ka ba?" Tanong niya, sasagot na sana ako nang biglang may nagsalita sa earpiece.
"Say yes, Ravenna!" Sigaw ni Kaede at hailey.
Fuck! naka on pala yung akin. Pinatay ko kaagad iyon, at nilingon si Cassian.
"Do you always have that on you?"
"Yes," Sagot ko.
"Dito ka na lang magstay, makakasama kasi kita. Wala na akong pasok sa hapon," Sabi niya at umakbay sa akin. Tumango na lang ako. "I'm already courting you." Sabi niya at tumango ako.
Umabot na ng gabi, at si Cassian ay naglalaro sa pc niya at ako ay nakahiga sa kama niya. Nagbeep na ang earpiece ko, si Hailey na.
Salit salitan kami 'no. Friendship goals na kami hahaha! Taga support sa lahat ng katarantaduhan namin sa mundo. "Do you like what I did?" Tanong ni Calyx.
Para akong nakikinig sa podcast na love story.
"Cassian, 'di ba kaibigan mo si Calyx. Pakinggan mo to dali!" Kinikilig ko sinabi.
Isang pares kasi yun, pero kami nila Kaede at Hailey isa lang. Pero kapag may nawalang isa extras naman 'yan.
Nilagay ko sa tenga niya ito. "The place is cool," masayang sabi ni Hailey.
"There is something I need to tell you." Sabi ni Calyx.
"Ano yun?"
"I feel like nothing was real, until I met you... Binago mo ako ng sobra sa madaling panahon," Sabi ni Calyx.
Hailey giggled, kinikilig yung sniper namin.
"I feel like we connect and I really get you..." Kinakabahang sabi ni Calyx.
"'Wag kang mahiya, ako lang to nililigawan mo." Asar ni Hailey.
Bumuntong hininga si Calyx. "If I say that you're a beautiful girl would it upset you?"
"Ang baduy ni Calyx, mas nakakakilig pa ako diyan 'di ba?" Singit ni Cassian.
"Shh. 'Wag kang panira ng moment," I rolled my eyes.
"Bakit naman ako magagalit, you gave me a compliment." Usal ni Hailey.
"Because the way you looked tonight silhouetted, and I'll never forget this beautiful person beside me." Sabi ni Calyx.
"Calyx kinikilig ako." Pagaamin ni Hailey. Straightforward kasi tong si Hailey kaya nailalabas niya nasa isip at nararamdaman niya.
"Naalala mo nung sinuntok mo ko bago mo tinanggap na liwagan kita." Calyx chuckled. "Your fist touched my heart, and I won't let anything in this world keep us apart."
I knew that time, na deserve nila ang isa't isa. Kaya pinatay ko ang piece ko. Nakahiga ako sa kama ni Cassian at siya naman ay nakasandal sa headboard.
"Napansin ko lang, pare parehas ng simula ang love story or something naming tatlo, or hindi muna ako included." Paninimula ko at ngumuso siya.
Ryota and Kaede's I can feel that Kaede also likes Ryota pero ayaw pang aminin. Pasigaw ang paguusap nila pero I know that deep nahulog na din yung dalawa sa isa't isa. Hailey and Calyx's Sweet. Sobra, pati asin lalanggamin ganon. Their status or relationship seems way normal. Mine and Cassian's di ko alam. I feel like it's one sided, and unrequited. Na parang siya lang may gusto.
"Ibahin mo yung atin, lagyan natin ng thrill yung sa atin." Sabi ni Cassian at nagnakaw ng halik sa pisngi ko.
Wait for me to fall in love.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top