08

Chapter eight: Falling



Alas-kwatro na ng umaga, at ni isa saamin hindi pa natutulog. We are summing up all of the open clues that we got. As much as possible, we already want to close the mission. Hindi ko alam kung ilang araw ko pa kayang manatili dito e.


"Aren't we going to open this envelope about Amity?" Tanong ni Hailey at umiling kami ni Kaede. Marami pa kami ginagawa, and we can do that later.


"Mamaya na," sabi ni Kaede at nagsulat ulit sa records namin. Nagsulat na ulit si Hailey, mukhang seryoso na din siya. Naka tatlong shot kami ng tequila para magising para sa pag iimbestiga.


"As of the moment, wala pa rin tayong mismong suspect or lead na mapapatunayan nating guilty sa pagkapatay ni Professor Alferez." Sabi ko at napamasahe sa ulo. Puro kasi dead end ang nahahagip namin.


Natahimik kaming tatlo, tumigil sa pagsusulat at pagbubuklat ng mga papel dahil may narinig kaming kakaiba. "Can you guys hear that?" Tanong ni Hailey at isinenyas na wag umimik at makinig.


It was a slow beeping sound. Tumayo si Kaede at sinundan kung saan ito nangagaling. That was weird, wala naman 'yung tunog na 'yon kanina.


"Tsk." Singhal ni Kaede, nakita niya na.


"Somebody's spying on us..." Sabi ni Hailey. Kumuha si Hailey ng baril at kinasa ito, at binaril doon sa cctv camera. Sino naman ang tangang maglalagay niyan diyan?


I sighed, "Check the tracker chip if there's any. Hailey open your laptop, I'll track this chip and I want you to exterminate this shit." Walang ganang sabi ko.


Pagod na pagod na ako. Ayoko na.


Sino ba kasi hindi mapapagod sa ginagawa namin? Paikot ikot lang kami sa kaso! We don't have concrete evidence yet.


"Here," Inabot saakin ni Kaede yung chip. Nilagay ko sa laptop ni Hailey yung chip.


"You guys start on Amity, I'll do this," Sabi ko habang nilolocate ang chip. Napansin kong complicated siya, uhh.


"Amity isn't her real name, I knew it," Sabi ni Kaede habang binabasa yung information. Tama rin ang hinala ko, she was suspicious so I knew that she was lying.


"Her name is Adriella Mira." Sabi ni Hailey, habang nagtatake down ng notes. "She is diagnosed with a stutter, what?" naguguluhang pagbasa ni Hailey.


"She has a disorder." Sabat ko habang nagtatype pa din.


"She is one of the people who killed professor Kirk. Last 3 years ago." Sabi ni Kaede, ah so 4th year na siya? O umulit? Bakit ba kasi kailangan namin 'tong gawin? Wala naman kaming pake d'yan sa Adriella na 'yan e!


Nanahimik yung dalawa kaya ipinagpatuloy ko na lang yung ginagawa ko. I typed different codes to access it but only one accepted it's the code 'R.H.K.'


Bakit 'yan? code namin yan eh.


Tumingin ko sa orasan at alasais na, may pasok pa kami mamayang 10 am.


"Uhhh," I yawned. "The chip is located at the next building dorm," Sabi ko at tinanaw ang building.


"Hailey, come here," Tawag ko sa kanya, "You see that person on that room?" Tanong ko sa kanya at tumango siya. "Give him two warning shots, left shoulder and right leg, now." Sabi ko at tumango siya at kinuha yung sniper niya.


Narinig ko ang dalawang beses na pagbaril at kasa niya. It's done. Pumunta na ako sa kama at natulog. Nagising ako sa sikat ng araw na tumatama sa aking mukha.


Pagtingin ko sa relo 9:30 na.


Tumayo ako at inuga ang dalawa dahil tulog na tulog pa sila. Nakapag bihis na ako, I just wore a simple thing...


I know it's not my forte but I wore baggy jeans and a red crop top.


Pagkalabas ni Hailey sa CR nagulat agad sa suot ko. "Definitely in for a change you think?" Natatawang sabi ni Hailey.


"Ang init na kasi ng leather, maiba naman you know?" Sagot ko sa kanya. Sobrang init kasi sa katawan kapag magsusuot ka ng leather tapos nasa ilalim pa ng initan.


"Mauna na ako," Paalam ko sa kanila.


Pupuntahan ko si Cassian sa dorm niya. Alam kong siya ang may pakana nung CCTV pakulo niya. Kapag hindi siya, I'll just have to find out who has a bandage on.


Wala nang katok katok at pumasok na ako sa dorm niya, laking gulat ko nang makita kong nakatapis lang siya ng towel sa pambaba.


Agad akong umiwas ng tingin at namula ako. Wala siyang kahit na anong sugat. Bakit? Hindi ba siya yun? Alam kong dito ang itinuro nung chip.


I heard him chuckle. "What do you want, Kleine? Miss me much?" Tanong niya sa akin at hindi pa rin ako makatingin ng diretso sa kanya.


Lumapit siya sa akin at idinikit ako sa pader. "Tell me." Bulong niya sa tenga ko.


"Why d-did you put a CCTV in our dorm?" Nauutal kong sambit. I could feel my face burning and turning red.


"Oh that, I just want to protect you from your ate, or something." Sagot niya, at kumunot naman yung noo ko.


"Bakit? Kaya ko ang sarili ko." I said in a monotone.


"You don't know what are the things she's capable of," He answered and placed his head on my shoulder. Ano problema nito?


"Hey! Ano bang problema mo?" Tanong ko sa kanya at inalis ang mukha niya sa balikat ko.


"I want someone like you by my side." Sabi niya, at bahagyang napangiti naman ako ng walang dahilan. "You're smiling? Ako ba ang dahilan?" Tanong niya at ngumiti din.


Ravenna, no.


"Maybe, basta. I don't need your help as of the moment. Kaya ko nga ang sarili ko. And sorry nga pala," Sabi ko at kumunot ang noo niya.


"Saan naman?"


"Dahil natanggal ka sa grupo ng ate ko dahil sinigawan mo siya dahil sa ginawa niya sa akin. You know, you didn't have to do that. A boy like you, going to protect me from what?" Natatawang sabi ko. He was a bad boy! I don't want to involve myself in a person who's a possible murderer.


Not that I don't kill people, but... we only do that because that's what we think is right. Lumungkot ang mukha niya, and daming mong drama Cassian.


Tumingin ako sa relo ko at 9:45 na. "I have to go, I have a class in 15." Sabi ko at humiwalay sa pagkahawak niya sa aking braso.


"Sabay na tayo," Sabi niya, at ngumiti. Nakahawak ako sa bag ko at nagisip. Wala namang mawawala sa akin kapag sumangayon ako, 'di ba?


I sighed and nodded. Nagkaroon naman ng kulay ang mukha niya.


Cassian, 'wag ako.


Please.


Pumasok siya sa kwarto at mabilisang lumabas din. Bilis magbihis ah. Tumayo na ako sa pagkakaupo ko, at nagabang na sa may pinto.


Agad naman siyang sumunod sa akin at kinuha yung bag ko. "Ang weird mo," Mahinang sabi ko and stifled a smile.


"Ano type mo?" Tanong niya nang makalabas kami ng dorm building niya. Hindi ko naman siya sinagot dahil para saan pa? It was an unnecessary question.


Marami na agad na estudyante ang nagtitinginan.


"Masyado kang sikat 'no? 'Yung mga fangirls mo, baka biglang tusukin mata ko habang natutulog," Biro ko and he just rolled his eyes.


"Try ka lang nila saktan," pagbabanta niya and I raised a brow.


"Ano naman gagawin mo?"


"Papatayin ko sila," Sabi niya at naglabas ng kutsilyo.


Natawa naman ako sa kanya bago hawakan ang kanyang nilabas na kutsilyo, baka kasi may makakita pa sa amin!


"Itago mo yan—" Natigilan ako sa sinabi ko dahil nagbeep ang earpiece ko. Inilagay ko yun sa tenga ko, napansin yun ni Cassian pero hindi na siya natanong.


"Nakikita ko kayo ni Mr. Priam, Ravenna. Ano na nangyari sa no boyfriend policy ng daddy mo?" Natatawang sabi ni Hailey.


"Oo nga, kita ka namin. Update mo kami kung ninang na kami ah." Biro ni Kaede.


"S.U.H.I.J.B.M.R.N.A.F.T.R.H.K.P.S.B.F" Sabi ko sa earpiece ko, at narinig yun ni Cassian. Tumawa siya.


"Pa." Sabi niya, at tumawa ulit. Ibinaba ko yung earpiece at tumingin sa kanya.


"Ha?"


"Shut up, he is just beside me right now and for the record hindi ko pa siya boyfriend," Pagdidikta niya sa code letters ko.


"Paano?"


"Simple, I know you won't use complicated codes so yeah acronyms," Sabi niya pa. "Pa. So magiging pa lang?" Dagdag na tanong niya.


Naginit naman ang pisngi ko bago magkibit balikat, "Ewan."


"'Wag ka mamula dito. Sa kwarto ko nalang." Biro niya pa ulit.


"'Wag ka mahiya sa akin," Sabi niya at iniharap ako sa kanya. "Can we be friends?" Tanong niya.


I sighed. "Hindi pa ako sigurado kung kaya kong mag open pa sayo. For starters, you poisoned me with your stupid kiss. And then you will tell me that you want to be friends?" Sarkastikong tugon ko. And he smiled before turning to me.


"I'm sorry, I was under your ate that time, okay? Basta I want to be friends sa ayaw at sa gusto mo," Sabi niya pa at tumango nalang ako at nagpatuloy lumakad.


"We'd be good together, don't you think?" Nagsalita muli siya at tumigil ako sa paglalakad. Sinalubong ko naman ang kanyang mga mata. His dark eyes.


"No." Iling ko.


"Why?"


"Because I'll break your heart," Seryosong sagot ko.


"Maybe I'll break yours."


"Nobody breaks my heart," Sagot ko at kinuha na sa kanya ang bag ko at nauna nang maglakad.


Hindi ako pwedeng mahulog, Cassian.


Bawal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top