03

Chapter three: Warm Welcome


Hindi na ako nakatulog kakaisip ng unang gagawin namin sa lunes. I was assigned to whom? Cassian? Tch, ang baho ng pangalan. He has Piercings, pero nagtataka ako kung badass to or whatsoever na tawag nila sa kanya, dapat may tattoo din hindi ba?


It's currently 3 am. At hindi pa din ako makatulog. UGH!

 Mayroon akong nakalimutan itanong, ano ano dadalhin namin equipment at damit? Kaya naisipan kong tawagan si daddy.


[Hello?] Gulat tanong nito.


[Mr. Hendrix sino yan?] Narinig ko ang isang tinig ng babae, malanding tono ito. Tch.


"What the fuck dad?! What the hell are you doing at this time of the hour with a woman?!" Malakas na sigaw ko.


[Honey calm down, what do you need?] Pagiiba niya ng usapan.


"I'm here to ask you what the three of us will be going to need while we are in that learning facility or bullshit school." Singhal ko.


Bahagyang natawa siya. [You're just like your ate.] Mahinang sabi niya sa linya, pero hindi ko na ito pinansin.


Dahil buong buhay ko ni hindi ko man lang nakilala si ate. Or let's just say sa picture ko lang siya nakilala. Ate saw me when I was a newborn baby pero umalis daw siya. Hindi namin alam kung saan napadpad. Hindi man lang nila ako pinakilala sa kanya.


[You called this late, just to ask that?] Natatawang sabi niya. [I am hoping that you will execute this mission in under 5 months. So bring all of your clothes with you, and also bring knives, pistols, sniper for Hailey, bombs. All of our equipment you can bring, but don't get caught bringing these weapons inside the school. And also promise me one thing.] Sabi ni dad.


"Hmm, what is it?" Seryosong tanong ko sa linya at napatayo ako papunta sa veranda ng bahay namin.


[Cover your identity. Kapag mayroon nakaalam na kayo ay kabilang sa kumpanya natin wag kayong magdalawang isip na patayin sila.] Seryosong usal niya.


[Wala kayong ibang pagtitiwalaan kung hindi ang isa't isa. Hindi din ka pwedeng magkaroon ng kasintahan, because you are the heiress of our company don't let your emotions out yet. And also wag muna kayo gumawa ng katarantaduhan sa first week niyo. At ang pagkakaalam ko, may interview muna kayo bago pumasok. Kahit isang representative lang ang sumagot sa headmistress.] Pageexplain nito, as if I would fall in love with someone.


Naisip kong si Kaede nalang ang sumagot ng interview na yun.


[Also, aalis na kayo mamayang hapon 4pm. Estimated dating niyo doon sa university ay 7pm. Kailangan kasing dumating kayo doon nang halos tulog na ang lahat or ang mga professors. Dalhin niyo ang kanya kanyang kotse. 10 minute walk kasi ang dorm buildings papunta sa Main building e alam kong gusto mo laging maangas kayong tatlo. Magiingat kayo doon, at uulitin ko. Keep your identity low-key. Wag kayo masyado mangagaw ng atensyon. Bye, magbasta ka na mamaya.]


Ibinaba niya na ang linya. 'Di ko nalang namalayan at nakatulog nalang ako.


"What the hell?" Sigaw ko ng maramdaman kong may malamig na tubig na bumuhos sa mukha ko. Binuksan ko ang mga mata ko at nakita kong si Kaede at Hailey tumatawa. Inirapan ko nalang sila "Ughh" Ungol ko. "What time is it?" Tanong ko at kinusot ang mata ko.


"1pm." Sagot ni Kaede at ikinagulat ko iyon.


"What?! 1pm, eh 'di ba aalis na tayo mamayang 4 o'clock?! Nabasta mo na ba mga gamit niyo? Tangina nakalimutan kong sabihin sainyo ang mga--"


"Hey, stay calm. Your dad contacted us earlier. Basta na lahat ng gamit," Sabi ni Hailey.


"Basta na lahat ng gamit NAMIN, eh yung sayo?" Pagdidiing tanong ni Kaede.


"Tch." Singhal ko at tumayo para buksan ang cabinet ko at hinila yung maleta ko.


"Ilang maleta dala niyo?" Tanong ko habang nagtutupi ng damit.


"Isang malaking maleta, tatlong backpacks," Sagot ni Hailey.


"Isang maleta, dalawang bag," Sabat ni Kaede.


"Hati hati tayo sa mga baril ah, hindi pwedeng sa isang sasakyan lang. Para kapag nahuli yung mga baril ni Hailey, meron pa sa amin ni Ravenna, 'di ba?" Pangasar na tanong ni Kaede.


"Bakit naman ako nadamay sa usapan, eh kung patayin ko na kayo dito mismo sa kwarto na to." Pananakot ni Hailey.


"Tingnan nalang natin kung marunong ka pa humawak ng baril." Sabi ko habang isinasara yung maleta ko.


"Oo nga, ang huling madugong mission natin 1 month ago. Marunong ka pa ba bumari--"


Naputol ang pagsasalita ni Kaede sa gulat dahil biglang binaril ni Hailey ang glass window ko at nabasag iyon. "I might say that I still know how to handle a gun." Mataray na sabi ni Hailey.


Nilabas ko ang phone ko. "Hello? Yes, please fix my bedroom window. Ahh yes, the reason is it was shot by a gun. Fix this before the sun sets." Sabi ko sa telepono at tinapunan ng masamang tingin si Hailey na blangko ang expression.


"Maliligo lang ako, tapos biyahe na tayo," Sabi ko at tumalikod. "And also, try not to break anything else," Malamig kong sabi.


Kung kilala talaga ako ng mga ito, alam nila na mainit ulo ko kapag ang tono ng boses ko ay malamig. And it takes about 5 days bago ako bumalik sa dati kong sarili. Nainis lang ako, sa dami ng pwedeng basagin yung window ko pa talaga, tss.


I wore a maroon leather skirt, white shirt, and black leather jacket. I also wore thigh bands on my thighs under my skirt in order to hide my knives.


"Weapon check." Sabi ni Kaede. Kasalukuyang nasa labas na kami ng bahay ko, at nakabasta na ang mga kotse namin. Pinafull tank na ni daddy ito kaya good to go na.


Kapag ako ay wala sa mood, si Kaede ang laging papalit sa amin. Kaya kung ako sa inyo, wag na wag niyo akong babadtripin.


"Vests, knives, pistols, ak47, shotguns, bullets, sniper." Tumango nalang ako sa sinabi ni Kaede dahil kumpleto na ako.


"Hailey, sundan mo lang ang kotse ko. Baka kasi maligaw ka." Pagsasabi ni Kaede kay hailey at sumakay ng kotse.


I have my own way of getting there. At ako na ang bahala. I can use GPS, maps or anything. Pero I have a great memory, when it comes to direction. Dati na akong napadpad sa Halton University, dahil may nakasparing ako doon habang hindi pa ako official member ng corp ni daddy.


Biglang tumawag si Kaede, chineck ko muna kung kasama si Hailey. Hindi naman kaya sinagot ko ang tawag.


[Ravenna!] Sigaw nito, naka connect ang phone ko sa kotse ko kaya sobrang lakas ng sigaw nito.


"Oh?" Inis na tanong ko.


[Wala lang, pakalmahin mo nga yang ulo mo. Take a fucking chill pill would you, bakit tuwing tatawag ako sa kotse kailangan mo ng chill pill, anyways. Ako na magsosorry para kay Hailey. Baka imbis na patayin natin ang pumatay sa Professor na yun baka kayong dalawa pa magpatayan. Si Hailey din kasi nagiba ang mga galaw niya.]


"Panong iba?" I asked in a monotone.


[Well, Her attitude is like. Uh, when she is concentrating to hit a target. Wala siyang pake sa paligid niya.]


"Let her be. Let's just leave it here." Sabi ko at ibinaba ang telepono.


Pinaandar ko ng mabilis ang kotse ko hoping na mawawala din ang mga nasa isip ko. Ano ang ipra-prioritize ko pagdating sa school? Pagaaral muna, o ung madugong bakbakan na agad? Kapag hindi ako nagaral laglag ako sa university. Kailangan ko ng time management dito.


Napansin kong may sticky note sa bandang compartment ng passenger seat kaya kinuha ko ito.


Dorm number is 257

Good luck with

Everything.

Stay under, Ms. Hendrix

Jane, Alastair.

-Attorney


I crumpled the paper at binuksan ang bintana at tinapon ito. Easy to remember naman. 257. I texted Kaede the number


To: Alastair

B.E.G.


We have different types of code. When we have numbers, we count them using the alphabet. Complicated but can learn.


From: Alastair

N.O.T.


After 2 hours of driving. I can see it, our university. Ang laki niya grabe. Pang mayaman talaga ang itsura. Pumasok kami sa campus at hinarang muna kami ng security.


Nakatago lahat ng baril namin sa ilalim ng aming mga upuan kaya mahirap yun makita. Naka lapgaskaming tatlo sa security at dumiretso kami sa tapat ng dorm building namin. Habang nagpapark may nakita ako lalaki, naka all black, nakalagay ang hood ng jacket niya kaya hindi ko ito nakita ng maayos.


Weird, diba lights out na dapat? Well what will I expect, sino ba namang susunod sa lights out na 7pm? Papasok na sana kaming tatlo sa dorm namin para magayos ng gamit ng may marinig kaming malakas na kalampog.


"Was that gunshots?" Tanong ni Hailey.


"No," Iling ko. "May bumagsak na malaking gamit." Pageexplain ko.


Sinundan namin kung saan nanggaling yung tunog. Nakakita kami ng apat na lalaking nagtatalo. Sa aking palagay hindi sila nasa iisang grupo, ngunit magkakalaban ang apat.


"Tangina mo, aminin mo na ikaw ang pumatay!" Sigaw nung isang lalaki at tinutukan niya ito ng kutsilyo.


Napailing si Hailey at nagtago sa likod ko, halatang takot sa kung anong susunod na mangyayari.


"'Wag nga kayo magsisihan, wala sa ating lahat ang pumatay." Sabat nung isang lalaking naka red na hoodie.


"Pare parehas lang naman tayong apat ng pakay, magkampihan na lang kaya tayo." Suggestion ng isa.


"Tss, forget this night ever happened. Babalik tayo sa normal bukas na parang walang nangyari ngayong gabi." Sabi ng pinaka matangkad na lalaki at tumalikod. "And I have a feeling na hindi lang tayong apat ang nakarinig nito. Kaya kung nandito ang ibang presensyang tinutukoy ko. Stay out of this." Dagdag nito.


Naramdaman niya kami?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top