🍌CHAPTER8🍌

[JANICA]

Natalisod ako sa batong nakaharang.

"Putang***!!!"isang malutong na mura ang kusang lumabas sa bibig ko ng biglang lumapit sa akin si Rafael.

"Wala na nahabol kita!Ikikiss mo dapat ako dito oh!"tinuro niya ang pisngi niya isang malakas na sa sampal ang dumampi sa pisngi ni Rafael.

"Ouch!"sigaw nito habang hinahaplos ang pisngi niya.

"Ayan na ang kiss ko gusto mo isa pa?"tanong ko ng bigla itong tumayo at tumakbo papalayo.

"Pagnahabol kita isa pang sampal ang matatanggap mo mula sa akin kumag ka!"sigaw ko habang hinahabol siya.

Pagkatapos ng walang humpay na sampalan nagpasya na kami ni Rafael na umuwi para makapagpahinga daw ako at para makalimutan lahat ng nangyari.Pagdating namin sa bahay nakitingin sa amin sila manang na nagaalala.

"Nako!Yung alaga ko bakit na mumugto yang mga mata mo?"natatarantang tanong sa akin ni yaya.Lumapit ako sa kanya at niyakap siya tinapat ko ang bukha ko sa balikat niya at humagulgol.

Si yaya ang naging saksi ng lahat tungkol sa pagkakaibigan namin ni Tristan at siya lang ang nakakaalam na may gusto ako kay tristan.

"Yaya ikakasal na siya"dineretso ko na ang pagsasalita ko hindi naging alintana ang paghagulgol ko.

"Huwag ka ng umiyak!Hayaan mo kalimutan mo nalang siya"

"Yun na nga yaya eh!Gusto ko naman na talagang kalimutan siya kaso invited pa ako sa kasal nila next month"

Pinunasan ko ang luha ko gamit ang aking kamay at pinahid ito sa pantalon ko.

"Huwag kang magalala nandito lang ako lagi para sayo lalo na ngayon kailangan mo ng karamay baka magsuicide ka nalang bigla"inakbayan ako ni Rafael at ngumiti ito.Kinurot ko naman ang tagiliran niya.

"Oo nica nandito lang kami ng mga parents mo,kaibigan mo at ako"nakangiting sambit ni yaya habang unti-unting may luhang lumalabas sa kanyang mga mata.

Pagkatapos ng mga advice nila sa akin umakyat ako sa kwarto ko sabi kase ni Rafael uuwi na daw kase siya.

Napatingin ako sa cellphone ko at lumitaw ang number ni Tristan na tumatawag agad kong sinagot ang tawag.

"Hello?"

"Janica I'm so sorry"-Tristan

"F-for what?"

"Im sorry kung hindi man lang kita nasabihan tungkol sa lahat ng ito.Sorry kase nagpakamanhid ako matagal na rin naman akong may gusto sayo kaso hindi nalang ako umamin dahil ayokong masira ang pagkakaibigan natin.Patawarin mo sana ako."-Tristan

Muling bumagsak ang luha ko tinakpan ko ng isang kamay ko ang aking bibig.

"Ma-ma-matagal mo ng alam!?Pero bakit hindi mo sinabe sa akin ha!Tapos sasabihin mo kung kailan malapit ka ng ikasal ha!"

"Hindi ko siya mahal magpapakasal lang ako sa kanya para sa bussiness namin ayun ang utos sa akin nila mommy at wala na daw akong magagawa kundi pakasalan ko si Veronica at kailangan  matutunan ko siyang mahalin"-Tristan

"What!The fuck bakit mo sila sinunod!Meron kang karapatan para pumili kung sino ang papakasalan mo hindi mo dapat sila sinusunod!"

"I'm sorry janic mahal na mahal kita wag mo na sana akong intindihin unahin mo nalang muna yang sarili mo hayaan mo nalang ako Im so sorry"-Tristan

"Pero tris----"bigla niya akong binabaan ng tawag.Ibinaba ko ang cellphone ko at pinunasan ang aking luha.

"Ay puting kabayo!"napatalon ako sa kama ko ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang gwapong kumag na nakasuot ng apron

"Itim na kabayo este kumain ka na nagpatulong ako kay manang para magluto ng paborito mong nilagang baka"nakangiting sabi ni Rafael habang bitbit ang tray ng pagkain.

Nangiti nalang ako ng naisipan nilang ipagluto ako ng paborito kong nilaga.

Biniba ni Rafael ang tray sa side table ko.

"Kumain ka ng mabuti ah..."nakangiti nitong sambit.

"Hindi ka pa ba uuwi gabi na oh..."

"Ano ba yan pinapauwi mo na ako nakakapagtampo ka naman hmp."nagpout ito at nagcrossed arm.

"Eh!Kung hindi ka pa uuwi sabay na tayong kumain!"nakangiting aya ko sa kanya agad naman siyang ngumisi at umupo sa tabi ko.

"Hindi na hihintayin nalang kitang matapos then uuwi na ako"nakangiting sagot niya sa akin ngumiti rin naman ako.

"Bakit ka na naman umiyak?"ano naman ang ibig sabihin niya.

"Ah....ito wala lang yan hahahaha natirang buhos lang niyan huling-huli na yan"pilit akong ngumit.

"Promise yan ah!"kantiyaw nito sa akin.

Pagkatapos kong kumain nagulat ako ng halikan niya ako sa noo,At nagpaalam na uuwi na daw siya.

"Rafael teka lang!"sumigaw ako at nagmamadaling bumaba para maabutan ko siya.

"Yes!Baby ko?!"lumingon siya sa akin at binigyan ako ng ngising nakakaloko.Tumakbo ako papalapit sa kanya at niyakap siya.

"Salamat!Salamat sa mga oras na nandito ka sa tabi ko habang ako ay nagiisa at lumuluha sana wag kang mag bago"sinagot niya ang yakap ko at hinaplos-haplos ang aking buhok.

"Basta yung promise mo ha...Huli na yon ayokong nakikita kang umiiyak nanghihina ako"corny nitong lalakeng ito.

"Sige na umalis ka na ingat ka ah!"natatawa kong sambit.

"Tsk!Pinapaalis no na talaga ako noh!Sige hindi na ako babalik!"nakangusong sabi niya.

"Joke lang!"hinila ko siya at hindi sinasadyang naglapat ang aming labi.

Sssyyyeeettt!Aksidente lang ang lahat promise hindi ko ito binalak na siya ang makakakuha ng first kiss ko!

"Ah-ay!Sorry!"lumayo ako sa kanya pero isang ngisi ang sumilay sa kanyang labi.

"Isa pa nga please!"ngumiti ito at isang sampal ang natamo niya mula sa akin.

"Tsk!Umuwi ka na nga!"sigaw ko sa kanya.

"Ito na nga hmp!"bubuksan niya na ang pinto ng kotse niya ngunit lumingon ulit siya sa akin"Hindi mo ba ako hihilahin ulit?"seryosong tanong niya.

"Pffftt!Layas tigilan mo nga ako hahaha!"

Padabog siyang sumakay sa kotse niya at pinaandar tinanaw ko siya hanggang sa ito ay tuluyan ng maglaho sa dilim.Nakangiti akong pumasok sa kwarto ko at pabagsak na humiga sa kama.

"Haysh!Hindi ko maintindihan ng dahil kay rafa natuto akong tumawa kahit na may problema grabe hindi talaga ako makapaniwala sa mga bagay na kayang gawin ng kumag na iyon pero naiinis ako dahil sa aksidenteng iyon nakuha niya ang firstkiss ko very wrong!"sambit ko sa kawalan habang nakatingala sa kisame.

Napatingin ako sa side table ko at nagulat ako ng may nakita akong boquet of flowers.Sino naman ang naglagay nito hindi ko man lang ito napansin ko.

•TO BE CONTINUED•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top