🍑CHAPTER7🍑

[JANICA]

Pagkatapos kong kumain tumayo na ako para makapagayos at umalis ng bigla na naman niya akong pinigilan.

"Aalis ka na?Ihatid na kita"nakangiting suhestyon niya.

"Pfffttt!Ayoko nga!"umiling-iling ako.

Hinawakan niya ako at isinakay sa kotse niya hindi ko alam kung papaano niya ako nadala dito ng ganito kabilis.

"Ibaba mo ako!"pilit kong binubuksan ang pinto ngunit nilock ito ng kumag.

"Tsk!Saan ka pupunta baby?Sasamahan kita"nakangiting sabi nito.

"Sa Cafe!"sagot ko.

"Ay!Ang galeng dire-diretso ang sagot noh!"nakasimangot na sambit niya.

Pagdating namin sa Cafe bumaba ako sa kotse at pumasok sa loob.Inilibot ko ang mata ko sa buong Cafe hinanap ko siya.

"Tan!!!Tan!!!"tumakbo ako at niyakap ko siya ng pagkahigpit hindi ko mapigilang mapahagulgol.

Matagal ko ng gustong gawin ito ngunit lagi nalang akong nabibigo.

"I miss you so much!"ika nito at sinagot ang pagkayakap ko.

"I miss you too"bulong ko.

"Ehem!Ehem!Baby!"napalingon ako kay Rafael na kapameywang.

Kumawala si Tan sa yakap ko at pinunasan ang mga luha ko sa mga mata.

"Boyfriend mo?"tanong ni tan tan ng nakangiti.

Nagkibit balikat ako at ngumiti"Hindi ko nga kilala yan eh!Teka sino kaba?"humarap ako kay Rafael ng nakataas ang kilay.

Lumapit si Rafael sa akin at hinawakan ang kamay ko"Yes!Boyfriend niya ako!I'm Rafael Real"mahanging pagpapakilala nito pilit kong tinatanggal ang kamay niya pero mahigpit ang pagka hawak nito.

"Ok tara maupo tayo!"nakangiting sabi ni Tan

"Teka pare ikaw ba sino ka ha?!"mayabang na tanong ni Rafael siniko ko ito sa tagiliran at pinaningkitan ng mata.

Wala kang karapatan para sigawan ang first love ko nyeta ka!!!

"I'm Tristan Arys ang childhood bestfriend ni Janic"nakangiting pagpapakilala niya at inilahad ang kamay nito na tinabig ng kumag.

"Balita ko marami daw nanliligaw sayo ha...pero wala ka daw kahit isang sinagot"

"Oo kase wala naman akong balak na ipagpalit k-----"hindi ko naituloy ang pagcoconfess ko ng takpan ni Rafael ng kamay niya ang bibig ko.

"Ibigsabihin non hindi niya daw talaga ako ipagpapalit sa iba!"nakangising sambit ni Rafael Inilapit ko ang bibig ko sa taenga niya"Pagkatapos nito hindi ka na muling masisikatan ng araw gago ka"bulong ko sa kanya.

"Sweetheart!"napalingon ako sa babae na naglalakad patungo sa amin.

Rafael isa rin ba ito sa babae mo?

"Hi Sweetheart!"lumapit kay Tristan ang babae at hinalikan niya ito sa pisngi.

"Sorry Sweetheart nalate ako traffic kase eh!"nakangiting sambit ng babae at inayos ang kanyang brown na buhok.

"Ok lang Sweetheart.Uhm....Rafael at Janica she is Veronica Guevas my girlfriend"nakangiting pagpapakilala ni Tristan kay Veronica.

"No!His Fiance nice to meet you!"dugtong ni Veronica at ngumiti ng nakakaloka.

Nakipag kamay naman sa kanya ang kumag ako naman ay ngumiti ng napakapait.

Janica,Veronica shhhhiiiiitttt!Ang sakit!Ang tagal ko siyang gustong makita tapos haysh!Engage na siya sa isang babaeng lamang lang ng isang paligo sa akin!

"Invited ka nga pala sa wedding namin next month ha...Dont forget!"nakangiting ipinalupot niya ang kanyang kamay sa braso ni Tristana at ipinakita niya ang sing sing na nakasuot sa kanilang dalawa.

"I'm sorry we have to go may date kase kami eh!Congrats sa inyong dalawa Mr. And Mrs. Arys halika na baby!"bago ako tumayo binigyan ko sila ng isang plastic na ngiti.Hinatak ko si Rafael na kumakaway sa dalawa.

"Tsk!Nakakabusit!"padabog akong sumakay sa kote ni Rafael.

"Oh?!Bakit Highblood ka!"tanong niya.

"Tsk!Dalin mo nga ako sa tabing dagat punyeta hindi ko na kaya!"naiiritang sigaw ko na halos ingudngod ko ang ulo ko sa bintana.

Pinaandar niya ang kotse niya binalot kami ng katahimikan hindi ko na alam kung ano na ang mangyayari sa akin.

"Bakit ka umiiyak!"napatinag ako ng magsalita si Rafael.Kinapa ko ang pisngi ko na basang-basa sa luha na umaagos galing sa akin mga mata.

"Wala tears of joy lang'to masaya kase ako sa kaibigan ko"sa mga sakit na nararamdaman ko isang pekeng ngiti nalang ang ipinakita ko.

Itinigil niya ang kotse niya sa tabing dagat walang tao sito kaya tamang-tama lang ito para sa pagdadrama ko.Bumaba ako sa kotse at tumakbo malapit sa dalamapasigan.

"Napakatanga ko!Bakit kase hindi ko pa inamin sayo ang nararamdaman ko simula pa noong bata tayo!Pero ang tanga mo din naghanap ka pa ng iba ito lang naman ako oh!Nagmamahal sayo napakatanga mo!Napakatanga ko din dahil tinago ko ang pagmamahal ko sayo at kung kailan ako nagkaroon ng lakas ng loob para aminin sayo saka pa dumating yang Veronica na yan!"nanghuna ang tuhod ko bigla akong napaluhod ako sa buhanginan at humagulgol.

"Hindi ka tanga"lumapit siya sa akin at tinulungan akong makatayo.Hinarap niya ako sa kanya yumuko ako dahil ayokong makita niya na mahina ako.

"Hindi ka tanga siya ang tanga dahil napaka manhid niya hindi ka man lang niya inisip na mas matagal ka niyang nakasama at kilala kesa sa babaeng yun!At alam kong hindi kayo ang nababagay noong aamin ka ay pinigilan kita dahil nakita ko ang singsing niya pinigilan kita dahil ayokong mapahiya at masaktan ka!"nalinawan na ako sa ginawa ng bugok kanina napagtanto ko na para din pala sa akin yun.

Napayakap ako sa kanya inilagay niya ang ulo ko sa balikat niya.Hindi ko pa ding mapigilan ang pagtulo ng luha mula sa aking mata masyado pa itong masakit parang tinatanggal ang puso ko.Itinaas niya ang mukha ko.

"Pupunta ka ba sa kasal nila?"tanong nito habang pinupunasan ang pisngi ko.

"Hindi ko pa alam hindi ko pa kase kayang makita na sila ang magkakatuluyan"umihikbing sagot ko.

"Magparaya ka na hindi para sa kanya kundi para sayo palayain mo na ang sarili mo sa nakaraan at humarap ka na sa kasalukuyan"ika nito at muling niyakap ko.

Napakainit ng paki ramdam ko sa yakap ng lalakeng ito napakatahimik na tanging paghampas lang ng tubig sa pangpang at ang hangin lamang ang naririnig namin.

"Napasarap ka ata sa pagyakap sa akin noh!"bumitaw ako sa pagkayakap ko sa kanya.Tinignan ko siya ng masama."Sush!Joke lang payakap pa nga!"dugtong nito.

"Ish!Lumayo ka nga sa akin!"tumakbo ako papalayo hinabol naman niya ako.

"Pag nahabol kita ikikiss mo ako ha!"natatawang sigaw nito.

"Gago!Ikiskis mo yang nguso mo sa pader!"sigaw ko at hindi ko mapigilang matawa.

•TO BE CONTINUED•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top