🍇CHAPTER3🍇
[JANICA]
Lumingon sa direksyon namin si President at kinindatan niya ako agad ko namang ibinaling ang tingin ko sa iba.
Iba yung babe niya kanina ha....
Tsk!Playboy se koya!
Pumwesto kaming tatlo sa may lamesa sa dulo tumayo naman ako para magorder.
"Tuna Sandwhich at Pineapple juice please!"nagmamadaling order ko sa cashier napansin ko kase nakatingin sa akin si President.
Kinilabutan ako ng may humawak sa balikat ko sasampalin ko na sana kaso ikinagulat ko kung sino ang humawak sa akin.
"Can we talk?"malambot na tanong nito sa akin.
Nangatog naman ang tuhod ko na parang gusto na nitong bumigay.Tinignan ko siya at umiling-iling,Pagkakuha ko ng order ko dali-dali akong naglakad patungo sa table namin.
"Oh!Bakit wala kami?"tanong ni Glare.
"Oonga!"ika ni Kylene habang nakatapat sa kanyang taenga ang cellphone niya.Tsk!.
"Subukan niyong kayo ang mag-order doon imbis na nakaupo kayong dalawa jan!"mataray na sagot ko sa dalawa.
"Sus!Sungit tara nga Glare order tayo!"aya ni Kylene habang nakangisi sa akin.
Problema ng dalawang yun!
Halos mabilaukan ako ng tumabi sa akin si President na dala-dala ang kanyang tray.
"Can i???"tanong niya habang nakataas ang isang kilay.
"Of course aalis na din naman ako eh..."bago ako tumayo ay agad niya akong hinila paupo.
"Wag mo naman akong iwan dito!"ika niya.
Nagtinginan ang ang mga estudyante sa loob ng cafetiria.
Jusme!Baliw na ba siya?
"Sorry i have to go!"pagpapaalam ko bago tumayo.
"Teka sandali lang!Napakasungit mo naman"nakapout niyang sambit.
"Ano ba?!Sabi ko ng aalis na ako eh!"iritang sigaw ko sa kanya.
"Hep!hep!Janica kaya pala ayaw mong magpaligaw dahil ba sa kanya?!"napalingon ako kay Kylene na nakatayo habang may hawak na tray.
"Hoy!Pre!Siya ba?!"tanong ni Hans.
"Oo pre siya nga!"sagot ni president
"Uhm!Ano kase eh...Wala ni hindi ko nga alam ang pangalan niyan eh..."sagot ko habang lumalayo kay President.
Tinignan ako ni Glare ng masama at pinalupot ang kanyang braso kay Kylene .
"I'm Rafael Real the president of this university and the hearthrob"mahangin niyang pagpapakilaka sa sarili niya.
Napasinghap naman ako,Umupo sa harap namin sina Hans at Kylene na parang close na close na sila sa isat-isa umupo naman si Glare sa gilid ko.
"Uhm...Rafa kaibigan ko nga si Janica Heartuez"pagpapakilala ni Kylene sa akin.
Nakakainis na nga itong katabi ko dumagdag pa itong isang ito na pinakilala ako ng buong-buo pa ang pangalan ko hmp!
"Glare let's go!"aya ko sa kanya.
"Teka hindi pa ako tapos kumain oh!"iritang sagot nito.
"Mamaya ka nalang kumain!"utos ko sa kanya habang nagmamadali.
"Patapusin mo nga naman kase siyang kumain"suhestiyon sa akin ni Rafa at hinawakan ang kamay ko pinilit kong tanggalin ang kamay niya pero maslalo niya pa itong hinigpitan.
Hindi ko talaga maalis ang mata ko sa dalawang butiki na naglalampungan sa harap ko halos ibalibag ko sa nguso nila ang tray ko sa gigil,Mag isa akong tumayo at naglakad hindi na nila akong napigilan sa pagaalis.Sinuot ko ang cap ko at pumunta sa locker para makapagpalit ng damit.
~÷~
"Ssshhhiiiitttt!"napasigaw ako ng pagbukas ko nito ay napakarami na namang mga sulat,bulaklak,at tsokolate ang nasa loob nito.
"Katatapon ko lang ng iba kahapon ah!"gigil na sambit ko habang inuumpog ko ang ulo ko sa pinto ng locker.Nagbago na ang isip ko pumunta nalang ako sa Cr at humarap sa salamin,pagkatapos kong ayusin ang sarili ko dali-dali akong pumunta sa next subject namin ni Glare.
-----
Pagkatapos ng last subject namin agad naman akong pinatawag sa may park may meeting daw kase lahat ng mga Muse sa lahat ng section.Jusme bakit naman kase ako pa ang naging muse ng section namin!
Inayos ko ang cap ko at wala sa sariling naglakad patungo sa park.Umupo ako sa bench nagpalinga-linga ako sa paligid kahit isang babae ay wala akong makita napakamot naman ako sa ulo ko.
Sa di kalayuan natanaw ko ang isang lalakeng may dalang bulaklak.
"Hi???"
Bati sa akin ni Rafael at inabot sa akin ang isang boquet of roses hindi ko ito kinuha.
"Nakwento pala sa akin ng kaibigan mo na madami ka daw manliligaw pero ni isa wala ka daw sinagot?"natatawang tanong nito at umupo sa tabi ko.
"Kylene!!!Isasarado ko na talaga yang bunganga mo bukas!"inis na sambit ko.
"Hah?"nakangising tanong ni Rafael masyado na talaga siyang FC kakakilala lang ko lang naman sa kanya kanina.
"Pppsshhh!Lumayo ka nga sa akin!"taboy sa kanya ng umupo siya sa tabi ko.
"Sungit mo!"ika niya at nagcrossed arm.
"Honey!"sigaw ng babae na palapit sa amin.
Honey?Babe?Yung isa pang babae?Tsk!Babaero!
"Yes?Honey?"malambing na sagot ni Rafael.Malande!
Tumayo ako at naglakad papalayo.
What the hell!?
Napatalon ako ng may mga estudyanteng lalake ang nasa labas ng kotse ko.
"Tsk!Anong gagawin ko?"sambit ko sa kawalan at nagpabuntong hininga habang lumalakad.
Napatingin sa akin ang mga lalake at nagsiayos ng kanilang uniform.
"Lumayo nga kayo sa kotse ko!Langya!"gigil na sambit ko habang pinanlalakihan sila ng mata.
"Gusto mo bang ipagdrive kita?"
"F.Y.I hindi na ako bata para ipagdrive noh!"sagot ko.
"Date tayo?"
"Bakit hindi mo nalang idate ang sarili mo ha!"ika ko at pumasok sa kotse ko.
Pinaandar ko ito ng mabilis hindi ko sinusunod ang mga limits o traffic lights ang importante lang ay makauwi ako.
"Im home"bati ko at dumeritso sa kwarto ko.
"Señorita may pinuntahan po na bussiness trip ang mommy at daddy niyo!"sigaw sa akin ni Manang.
"Ok!!!"tipid na tugon ko at binuksan ang notebook ko isang papel ang napansin ko pero hindi naman ako masyadong naglalagay ng mga papel sa dito eh.
Nanlaki ang mata ng mabasa ang nakasulat sa papel.
•TO BE CONTINUED•
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top