🍭CHAPTER12🍭
[JANICA]
Minulat ko ang mata ko at kasalukuyam pa din akong nasa couch sa hospital na pinagconfine-nan ng lalakeng abno.
Tinignan ko ang relo ko napakamot ako sa ulo ko dahil 3:30 am palang at sabi sa balita may pasok na daw ngayon kaya dali-dali akong umuwi sa bahay.
Naabutan ko ang mga maids na natutulog pa gusto ko sana silang gisingin kaya lang baka mga pagod.
Naligo na ako at nagpalit na ng uniform.Kasalukuyan naman akong nasa kwarto habang kumakain ng chocolate chips na nagiisang pagkain na ready to eat sa pridyeder.
[RAFAEL]
Napamulat ako sa mga tapik.Kinusot-kusot ko ang mata ko.
Nananaginip ba ako nandito si Mama at Papa pero hindi ko naman sinabe sa kanila ang nangyari sa akin.
"Rafa are you ok?"alalang tanong sa akin ni Papa.
"Yes pa ayos na ako"nakangiting tugon ko.
"Nagagawa mo pang ngumiti nasaksak ka na loko ka talagang bata ka!"sermon sa akin ni Mama habang binabatukan ako.
"Aray ko Ma!"
Inilabas ni Papa sa paper bag ang mga dala nilang pagkain.
"Ayan!Kumain ka ng marami ha!Hindi kita papalabasin dito!"banta sa akin ni Mama at itinapat niya ang kutsara na may lugaw sa bibig ko.
"Ma!Ako nalang hindi na ako sanggol!"inagaw ko ang kutsara na hawak ni Mama.
"Nako!Pasalamat ka at ikaw ay naalagaan ng Mama mo hindi tulad ng kapatid mong si Venice"nakasimangot na sabi ni Papa
Venice is my younger sister 2 years ang agwat ng aming edad sa isa't-isa.Nasa Korea siya para matupad daw ang pago-audition niya sa mga sikat na Entertainment.
Ewan ko ba sa kapatid ko kung bakit mas gusto niya pang maging sikat na k-idol eh...Kung maari naman siyang mag-aral dito at tulungan sila Mama at Papa sa business ng pamilya namin.
"About kay Venice kailan nga po pala siya babalik dito?"tanong ko.
"Ang sabi niya ay sa susunod na buwan pa"nakakibit balikat na sagot ni Papa.a
"WHAT!Edi ibig sabihin hindi siya pumasa sa pago-audition niya kaya babalik siya dito haysh!Venice!Venice!Venice!"natatawang ika ko.
"Nako!Wag mong pag tawanan ang kapatid mo atleast sinubukan niya!Ikaw dun ka na kaya tumira sa Lola mo sa Seoul ha!"lecture sa akin ni Mama
Ppsssshhh...Half korean kase kami.Si Mama ang Full korean sa amin but diretso na siyang magtagalog at si Papa naman ay full filipino.Minsan pumupunta kami sa korea para dalawin sila halmeoni(Lola) at si halabeoji(Lolo).
Akalain mo isang Full korean at Full filipino ay nakatadhana sa isa't isa ang layo din ng korea sa pilipinas kaya ang laki ng pinagtataka ko paano kaya sila nagkakilala.Hmmmm???Nevermind.
"By the way papasok na po ako"sabi ko at tumayo pero agad naman akong hinarang ni Papa.
"Hindi pa magaling yang sugat mo kaya mahiga ka diyan"utos sa akin ni Papa habang nakakunot ang noo nito.
Napabuntong hininga nalang ako at muling humiga.
~÷~
Tanghali na at nakahiga pa rin ako nagpaalam sa akin sila Mama na ipagluluto daw nila ako ng pagkain at babalikan din daw nila ako agad ako.Hindi ako mapakali sa pwesto ko nariyan na ang
dumapa,tumagilid,tumiyaya,
halos tumuwad na nga ako.
Para sa ikakaginhawa ng sarili ko hindi ko talagang kaya na hindi siya makita.Madali akong nagsuot ng sapatos ko at nag padischarge pwede naman na daw kase akong lumabas.
[JANICA]
Recess na namin ngayon at mabuti nalang at magkakasama kaming magkakaibigan.Nakapwesto kami sa pinakadulo na table sa cafeteria,Kasalukuyang kumakain kami ng sandwhich ng biglang dumating ang tatlong kaibigan ni Rafa.
"Hello girls!"nakangiting bati sa amin ni Luke sabay pumwesto sa tabi ko na kaharap ni Glare.
"Hi!!!"bati ni Kylene at binatukan ko naman ito.Malende!
Umupo si Hans sa tapat ni Kylene tapos si Florence naman ay sa tapat ni Dria.
At alam niyo ba kung nasaan ako?
Nasa kabilang table lang naman inako na kase ng mga lalakeng iyon ang pwesto ko eh!Kagagaleng!
Meron ba akong hindi nalalaman dito na sila-sila lang ang nakakaalam.
Hhhhmmmmm....I smell something fishy.
"EHEM!"Tumikhim ako ng malakas para malaman naman nilang may tao rin sa kabilang table.
Lintik lang hindi nila ako pinansin.
Hindi ko na tinapos ang pagkain ko ni hindi nga ako nakakagat halos mabusog na ako sa pagtitinginan nila.
"Pppssshhh..."padabog akong tumayo at sinakbit ko ang bag ko.
Dinala ako ng mga paa ko sa hindi ko malaman kung nasaan ba ako.
"Butiki!"napalundag ako ng may humawak sa balikat ko.
"I'm here!"nilingon ko naman siya at napangiti.
"Oh!?Rafa nandito ka na!"napayakap ako sa kanya ng mahigpit.Hindi ko alam kung bakit ko siya niyakap para bang hinatak niya ako ng hindi man lang hinawakan.Ay!Ewan parang may magnet.
"Namiss mo naman ako baby ko"nakangising sambit niya.Agad ko tinanggal ang kama ko sa pagkakayakap sa kanya.
"Oy!Hindi kaya!"palusot ko kahit na nararamdaman ko na ang init na ng mukha ko.
"Sus!Hindi nga!"asar niya sa akin.
Agad ako naglakad ng nakalagay ang dalawang kamay ko sa mukha ko.Ramdam ko na nasa likod ko siya.
"Opppsss!Teka!Teka!"hinila niya ang bag ko.
"Bakit na naman!"mataray kong tanong.
"Bakit mo nga pala ako iniwan kanina?"tanong nito sa akin habang hawak-hawak pa din ang bag ko.
"Bakit ano bang pake mo?"Iritang tanong ko.
"Tinatanong kita ka wag mo akong sagutin ng tanong!"alam kong naiirita na siya sa pagsasalita niya.
Tinanggal ko ang kamay niya sa bag ko at dali-daling lakad papalayo.Hindi ko siya nilingon nagpatuloy lang ako sapaglalakad ko.I think i need to go to my last subject.
Pagkarating ko doon as unexpected wala pa akong kaklase na nandito so it means maaga ako ngayon pero paano.Tinignan ko ang relo ko 1 hour pa bago mag-time.Matagal-tagal na paghihintay din ito.Idinukdok ko ang aking ulo sa arm chair.
Napaisip na namam ako sa nagawa kong pag w-walkout kay Rafa kanina.Bigla na naman uminit ang mukha ko at parang may mga paru-parong nagsisipagliparan sa loob ng tiyan ko kaya ako ay napapangiti.Biglang napalitan ng simangot ang ngiti sa aking labi.
Hindi niya ako pwedeng makitang namumula ng ganito dahil alam kong hindi ito dapat.Isa siyang playboy at alam kong pinaglalaruan niya lang ako.Pasensya na kabisado ko lang ang mga galawan ng mga lalakeng yan.
Kaya sa loob ng maraming taon dalawang lalake lang ang minahal ko isa na doon si papa at si------sino nga ba ulit yun hmmmm....Ayun si Tristan na sinaktan ang damdamin ko.
Oh....Well kasalanan ko naman eh!Nagpaka behave ako at hindi man lang ako nagpaka-dulas para masabi ko sa kanya ang nararamdan ko ppssshhh....Wala na akong pake sa kanila ok na ako mga bibi hahahaha.
•TO BE CONTINUED•
MS.CHIMIEYAH'S NOTE
Dont call me baby charrroooottt!I mean don't call me Ms.Chimieyah ok na ako sa name na Chimie/Chimay/Sige na nga pang pawala ng umay 'Chimoy' hahahaha keme.Enjoy reading at sana binasa niyo ito maraming salamat Chimie!Chimiewah!Chimiewah!<3
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top