🍯CHAPTER11🍯

[JANICA]

Matapos ang paghihintay ko sabi ng doktor ay maayos lang daw ang lagay ni Rafa dahil mababaw lamang daw ang sugat nito at hindi ganoon kalalim.Napa buntong hininga nalang ako at pumasok ako sa room kung saan siya nagpapahinga.

Pagpasok ko sa kwarto naabutan ko siyang natutulog at nakabenda naman ang kanyang braso,Lumapit ako sa kanya hinaplos haplos ang kanyang malambot na kulay itim na buhok.Napasapo naman ako sa noo ko bakit ba ako nagiisip ng ganito.

"Sige ituloy mo lang"

Nagulat ako ng bigla siyang nagsalita nakangisi pa itong kumag na ito.

"Hayuf ka!"hinampas-hampas ko siya sa braso.

"A-a-aray!Ang sakit!"ika niya habang tinitignan ako ng masama.

"Pfftt....Mababaw lang pala yang sugat mo eh!"tumawa ako habang siya naman ay nakakakunot ang noo.

"Aray ko ang sakit talaga kasalanan mo to eh!Kung hindi lang talaga kita iniligtas!"sumisigaw niyang sumbat sa akin napayuko naman ako"At kung hindi lang kita mahal"dugtong niya ng mahinahon.

"Sorry na!Sorry na!"

"Oh!Joke lang bakit ka umiiyak diyan papangit ka"nakangiting pinunasan niya ang luha ko.

"Eh!Ikaw naman kase eh!"hinampas ko ang dib-dib niya.

"Wag kang manansing papayagan naman kitang hawakan ang abs ko eh!"

Sinampal ko siya.Aba ang kapal baga naman sabihing nanansing ako.

"Maiwan ka na nga diyan bahala ka!"inayos ko ang damit ko saka tumayo.

"Hindi naman ako papayag na
Sorry lang ang sasabihin mo sa akin"bigla niya akong hinila at tinignan ng masama.

Ano bang gusto ng isang'to!

Nilingon ko siya at binigyan siya ng isang plastic na ngiti.Ngiting hindi totoo.

"Huh?Ano ba ang gusto mong gawin ko?"umupo ako sa tabi niya.

"Uhm...Pagsisilbihan mo ako pakakainin,babantayan,aalagaan ano ok lang?"isang ngisi ang sumilay sa kanyang labi.

Naknang kabayo tong lalakeng'to!

"Okay!"Tumango ako at tumayo.

"Teka saan ka pupunta???"

Nilingon ko siya ulit at binigyan ng isang matamis na ngiti.

"Bibilan lang po kita ng pagkain Boss!Amo!Manager!"lumabas ako ng iniwan siyang nakatulala.

Pakyu 100x kainis yung bugok na iyon gagawin pa akong care giver niya kayang-kaya niya naman ang sarili niya pppssshhh!!!

~÷~

Dumiretso ako sa boarding house na malapit sa university na pinapasukan ko minsan dito din ako umuuwi lalo na't kapag tinatamad na talaga akong magbiyahe sa punyetang traffic na yan at ako lang din ang nandito wala ako ibang ka room mate dito.Bago ako pumunta dito dumaan muna ako sa super market para makabili ng maluluto ko para sa bugok alam kong magtatagal pero hayaan mo siya kaya naman non ang sarili niya hindi naman na siya sanggol eh!

Magluluto ako ng carbonara para sa kanya at garlic bread,Pagkatapos kong magluto at maayos ang dadalhin ko ay agad kong tinignan ang cellphone ko.

"Nasan ka na nagugutom na ako?"

"Magpapakatiwalag na ako dito sa sobrang gutom!"

"Kinain ka na ba ng lupa!?"

"Aamagin na ako dito!"

"Baby i miss you balik ka na hindi na ako galit"

"Wag mo akong patayin sa gutom nica!"

Bigla akong natawa sa mga text at voice mail sa akin ni Rafael sa totoo lang hindi ko alam kung maawa ba ako sa kanya o natatawa hahuhahuhahu.

Lumabas na ako at sumakay sa kotse ni Rafael sensya na ayokong magcommute eh!Hindi bagay sa diyosang tulad ko hehehe!

Nang makarating na ako sa hospital kung saan nakaconfined ang bugok.Naabutan ko siyang nakaupo habang nakatingin ng diretso ang kanyang mata sa may bintana.Ni hindi man lang ito kumibo inilagay ko ang pagkain sa lamesa na nasa gilid ng kama niya at ibinaba ang kurtina ng bintana.

Tumingin siya sa akin na nagtataka.

"Teka?Sino ka bakit ka andito hindi naman kita kaano-ano ha!Siguro kidnapper ka noh?!"dinuro-duro pa niya ako na animo'y nakakita ng akyat bahay.

Jusme!Sa ganda kong ito mukha ba akong akyat bahay!

"A-ako to si Janica kilala mo ba ako?"

Umiling-iling siya habang nakacrossed arm.

"Hindi kita makikilala kung hindi mo ako pakakainin!Gutom na gutom na ako janica halos matunaw na din ng acid ko sa tiyan ang mga laman loob ko at ang mga balon-balunan dahil wala ng ibang laman itong tiyan ko kundi acid"nakapout nitong sabi nang nakakunot ang noo.Natawa ako sa sinabe niya akala ko naman ay totoo na.

"Mabagal kaseng kumilos ang mga tao sa restaurant na pinagbilhan ng pagkain mo tapos traffic pa tapos nasiraan pa ako ng makina tapos------"hindi ko na itinapos ang pagsisinungaling ko sa kanya dahil agad niya itong pinutol.

"Oo na sige na"ika niya habang tinuturo ang pagkain.

Inilabas lo ang dalawang tapper ware na yung isa ay carbonara at yung isa naman ay garlic bread.Isa-isa ko itong binuksan inilabas ko rin ang kotsara at tinidor kong may panda favorite ko kase yun wala kayong pake.Inabot ko sa kanya ang tapper ware ng carbonara ngunit pinagmamasdan niya lang ito.

Sira ulo naman pala ito!Kala mo naman lalasunin ko siya.

"Hindi mo ba ako susubuan?Hindi ko magalaw ang kamay ko"sambit nito habang nakatingin sa akin.

"Kaliwang braso mo lang naman ang may sugat hindi ang dalawa mong braso atsaka braso yan hindi kamay bugok!"natatawang sambit ko.

"Eiiii....Subuan mo nalang kase ako!"

Kundi baga naman sira ulo itong bugok na ito!Magpapasubo pa sa akin akala mo walang kamay hmp!

"Sige na nga ito na nga!"napakamot ako sa ulo ko kinuha ko ang tinidor na hawak niya at saka sinubuan siya.

Pasakit talaga itong kumag
na ito!

"Teka baka labag sa damdamin mo yang pagsusubo sa akin ha!Baka sumakit ang tiyan ko!"nakapout niyang tanong habang ngumunguya siya.

"Hala hindi tuwang-tuwa pa nga ako eh..."nakangiti kong sabi sa kanya"Sarap mong salaksakin ng tinidor"bulong ko.

"May sinasabe ka?"nakataas na kilay niyang tanong.

"Abay wala kumain ka nalang!"tugon ko habang sunod-sunod kong isinubo sa kanya ang lahat ng carbonara di bale ng mabulunan siya.

Pagkatapos ko siyang pakainin nagpasya na akong magpaalam sa kanyang uuwi na ako dahil medyo gabi na rin kase at umaambon baka maabutan pa ako ng malakas ng ulan sa paguwi.Inayos ko ang mga tapper ware sa papaer bag na dala ko.Patayo na ako sa couch ng bigla niya akong binato ng unan ng agad ko namang ibinato pabalik sa kanya.

"Iiwan mo ako?!"gulat na tanong niya.

"Aba!Hindi naman ako siguro all around sayo noh!Baka naman pwede akong magpahinga uuwi muna ako"paalam ko.

"Janica dito ka lang hindi ko kaya ang sakit ah!Aray!"ika niya habang nakahawak sa braso niya.

Hindi sana ako maniniwala pero nang lumingon ako sa kanya ay nagulat ako dahil may mga luhang tumutulo galing sa kanyang mata.

"Masakit ba saan?"ika ko habang hinahaplos ang braso niya.

"Wag ka ng umalis please"nakapout nitong pagmamakaawa sa akin.

"Sira!Saan ako matutulog ha!"pagkatapos kong magsalita ay biglang bumuhos ang napaka lakas na ulan.

"Oh!Ayan pati ang langit ay gusto kang pigilan"nakangising sabi niya habang yakap yakap ang unan.

"Pppfffttt!No Choice kainis nalang"pumunta ako sa couch at humilata binuksan ko rin ang T.V.Ang sabi sa balita hindi pa daw titila ang bagyo ngayong gabi tuwang-tuwa naman si Rafael sa nalaman niya na halos pati ang taenga niya ay pumapalakpak.

Pero mamayang madaling araw daw ay titila na rin ito tinignan ko si Rafael na kanina ay masigla na ngayon ay nakabusangot na hahahahaha buti nga!

Pinatay ko ang t.v gusto ko na kaseng matulog pagod na pagod na ako hindi naman na siguro magaalala sila manang dahil tinext ko na sila na sa dorm ako matutulog.Tumingin ako kay Rafael na kasalukuyang natutulog.

Kapal talaga nito hindi man lang ako binigyan ng kumot at unan pasalamat siya na medyo may kalakihan ang couch dito kung hindi itutulak ko siya sa sahig tapos ako ang hihiga sa kama.

Humiga ako sa couch napatingin sa kulay puting kesame dahan-dahang bumababa ang talukap ng mata ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

~÷~

=MS.CHIMIEYAH'S NOTE=
ANNYEONG!PINAGPAPATULOY MO PA BA ANG PAGBABASA NG AFIWTP???

KUNG "OO" MARAMING SALAMAT CHIMIE NAAAPRICIATE KA NG AKING MALIIT NA HEARTUE SA PAGINTINDI MO SA AKING EWAN KUNG ANO BA ITONG STORYA NA ITO KEME!

AT KUNG "HINDI" MALAMANG PA SA ALAMANG HINDI MO ITO MABABASA KAYA SALAMAT DIN ATLEAST SINAVE MO SA LIBRARY MO AT KAHIT PAPAANO AY SINILIP MO TAMA BA HEHEHE.

SALAMAT CHIMIES LABYAH!ENJOY READING!!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top