🍏CHAPTER10🍏

[JANICA]

Dinala ako ni Rafa sa isang hindi basta-bastang restaurant i mean mahal ganon.

"What do you want maam and sir?"nakangiting sabi ng waiter na may dalang menu.

"I want garden salad"sagot ko at ipinakita ang order.

"Ah!Ako naman!Uhm....Ano nga ba teka lang uhm......Ayun!katulad ng sa kanya"napakamot ito sa batok niya.Daming sinabe pareho lang naman pala kami ng order pppsshhh...

"Ayun lang po ano po ang drinks niyo?"

"Mango shake"sagot ko habang nakatingin kay Rafa na namimili pa.

"Me too!"sagot niya.

Tsk!Inggitero!

"Sino ang magbabayad nito?"nakangiti kong tanong habang nakatingin sa kanya.Kasalukuyan kaming nag a eye to eye.

"Yung unang pumikit siya ang ang magbabayad!"masigla niyang sagot.

"Tignan mo yun oh!"tinuro ko sa kanya ang labas at kinurap-kurap ko ang mata ko ng maraming beses"Wal---ikaw ha!Maduga ka!"bigla siyang humarap at mukhang nakita niya ako hihihi.

"Eeewww!Cheater!"pangaasar nito sa akin.

"Playboy!"

"Cheater!"

"Friendzone!"

Bigla akong natigilan sa sinabi niya.Kinuha ko ang bread knife na nakalagay sa harap ko at itinutok sa kanya.

"Hep!Hep!Easy joke lang!"

Pinanlikisikan ko siya ng mata.

"Isa pang magbabanggit ka ng ganyan puputulin ko na talaga yang dila mo gamit ang bread knife na ito!"

Binaba ko ang bread knife na hawak ko at inisnab siya.

"Uy!Joke lang baby ko sorry na"

"Baby mo ulol!"

"Joke lang talaga hindi ko nauulitin yung salitang 'Friendzone'Hehehehe"

"Gago!"

Dumating ang pagkain namin,Habang ako ay kumakain si Rafa ay hindi pa nagsisimulang kumain dahil tinitignan niya ito na animong may lason ang ipapakain sa kanya.Hayuf!Talaga itong lalakeng ito!

Pasubo na ako ng biglang naglumitaw ang pangalan ni Kylene na tumatawag sa cellphone.Sinagot ko ang tawag agad namang bumungad sa akin ang lakas ng tili ng babaeng nirerape este ni Kylene.

"Bes!Nagde-date pala kayo bat hindi mo man lang kami ininform ha!"-Kylene

"Huh!"

Inikot ko ang paningin ko sa paligid baka minamatiyagan lang kami ng mga bruha.

"Pppfffttt!Wag ka ng mag diney!"-Glare

"Deny!Yun tanga!"-Dria

"Eh!Ayun yung basa ko sa dictionary eh!"-Glare

"Teka nasan ba kayo!?"

"Nandito kami oh!Nasa labas papasukin mo naman kami!"-Kylene

Tumungin ako sa labas at nakita ko si Kylene na nakangiting nakatayo habang ang dalawa naman ay naghahampasan ng pocket dictionary.

"Ppffttt!Pasok na!"

Binaba nito ang tawag at pumasok samantalang ang dalawa ay naiwan sa labas dahil sa katangahan na ginagawa nila.

"Bes!"tili ni Kylene.

"Sshhhh....bawal ang maingay dito"bulong ko nagcrossed arm naman ito.

"Eh!Bat nandito ka!"nakangising tanong niya.

"Fuck you!"sinamaan ko siya ng tingin.

Tumingin ako kay Rafa na hindi pa rin talaga kumakain.Umupo kami at biglang pumasok ang dalawa na naghahampasan pa din ng dictionary.

"Tanga mo talaga D-E-N-Y deny ang basa diyan hindi D-E-N-I-Y no read no write ka ba?Kung ano-ano kase ang iniisip mo hindi mag-aral ng mag-aral ppsshhh!Ginigigil mo ako!"

"Tanga ka din pala Dria!Eh!Ayun nga ang pagkakabasa ko eh!Gagi!"

"Ppppfffttt!Hali na nga kayong dalawa!"bulyaw ni Kylene na ikinatinag naman ng dalawa.

"Rafa???"tawag ko habamg tinatapik ang balikat niya.

"Grabe napakafresh pala ng mga gulay nila dito"nanlaki ang mata niya ng makita ang tatlo"HOLY SHIT!".

"H-hi rafa!"malambot na sabi ni Kylene.

"Hi!Kylene!"nakangiting bati ni rafa at nakipag appear kay Kylene.

"Close kayo?!"nakangiting tanong  ko habang kinukurot ang tagiliran ni Kylene.

Lalandi pa itong isang to eh!

"Syempre!Classmates kami niyan sa last subject then lagi ka nga niyang kinekwento eh!"

"Kylene!Hahahaha!Kylene!"tumatawang may halong gigil na sambit ko.

"Hi-hindi k-kaya!"nanginginig na tugon niya.

"So!Ikwinento  mo pala ako sa kanya napaka galing mo talaga!"hinatak ko ng mahina ang buhok nito.Gigil niya ako eh!

"Kain na tayo!"nakangiting sabi ni Glare habang nilalantakan na ang pagkain ko.

"Pfffttt!Oy iluwa mo nga yan kay baby ko yan eh!"saway ni Rafa kay Glare kaya itinigil niya ang pagsubo ng salad.

"No thanks kainin mo na yan may laway mo na eh!Hahahahahaha!"natatawa kong sambit.

~÷~

Pagkatapos naming kumain nagpasya na ang tatlo na umalis magm-mall pa daw kase sila kaya kami na naman ni Rafa ang magkasama papunta sa hospital hindi sa bahay.

~÷~FLASHBACK~÷~

"Nica mauuna na kami ha!Magm-mall pa kase kami uy!Rafa ingatan mo ang bff namin ha...Uupakan kita"ika ni Dria na may pagbabanta.

Umalis silang tatlo.Nagpaalam ako kay Rafa na pupunta ako sa restroom para mag-ayos.Pagpasok ko sa restroom walang katao-tao dito,Tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ko ang aking sarili.

"Miss?"

Lumingon ako sa isang lalakeng nakatayo sa may pintuan kung saan ako lalabas.

Hindi ako nagsalita naglakad ako papalabas pero hinaharang niya ako.

"Teka ano bang problema mo?!"tinulak ko siya pero nanatili ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

Itinulak niya ako papasok pilit ko siyang tinutulak pero masyado siyang malakas.

"Tigilan mo ako lumayo ka sa akin!"sigaw ko pumasok ako sa isang cubicle at inilock ito.

Kinakalampag niya ang pinto"Lalabas ka o ako ang papasok diyan"tumatawa niyang sambit.

Umupo ako sa toilet sa sobrang takot ko ay hindi ko mapigilang umiyak,Tinakpan ko ang bibig ko para hindi nito marinig na umiiyak ako.

"Janica!!!"

Maslalo akong napahagulgol ng marinig ang boses na iyon.

"RAFAEL!!!"

Napasigaw ako sa mga kalabog lamang ang narinig ko.Nagaalala ako kay Rafael ang sikip sa dibdib.

"Lumayas ka ditong hayop ka!"narinig ko ang sigaw ni Rafael at ang pagtakbo ng lalake.Pinunasan ko ang luha ko.

Lumabas ako at naabutan kong nakasandal sa pader nakangiti itong nakatingin sa akin.Lumapit ako sa kanya at niyakap siya,Napatingin ako sa kamay ko na may dugo tinignan ko ang braso niya kung saan tuloy-tuloy na umaagos ang dugo.Inalalayan ko siya para makatayo sa tingin ko sinaksak siya sa braso ng walang hiyang hayop na yun.

~÷~END OF FLASHBACK~÷~

Sa mga oras na ito ako ang nagdadrive ng kotse niya pinahiga ko siya doon sa passenger seat.Nagpapasalamat ako dahil nahuli na din iyong lalakeng iyon.

"Rafa wag kang pipikit jusme!Hindi ko alam ang sasabihin ko sa mga magulang mo na may ari pala ng kinainan natin baka ako ang pagbayarin sa lahat ng kinain natin!"sambit ko habang nakatingin sa kalsada.

"Pft!Akala ko pa naman concern ka sa akin!"sigaw niya habang nakahawak sa braso niya.

"Eii...Basta wag kang bibitaw malapit na tayo ha!Kumapit ka lang!"ika ko sa kanya saka pinaharurot ang sasakyan walang mga traffic signs akong pinansin lahit ang traffic light ay inisnob ko lang.

Ilang minuto pa lang ay nadala ko na si Rafael sa isang malapit ng hospital mga 10 km away sa kinainan namin.

Habangn nasa loob ng emergency room si Rafa hindi pa din ako mapakali halos iumpog ko na ang ulo ko sa pader dahil sa kaba baka kase mamatay siya o hindi kaya ay mag 50/50 kinakabahan ako.

•TO BE CONTINUED•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top