CHAPTER 29[FINALE]

[JANICA]

"Pppffttt!Tagal naman ng nga bruhang iyon!"gigil na sambit ko sa kawalan habang sinisipsip ko ang aking ikalimang Frappe.Nandito ako sa Cafe na malapit sa amin at ang Cafe ng palagi naming pinagtatambayan.Nakakainis talagang makipag kita sa tatlong iyon ang kukupad nila.

"Ma'am ito po yung blueberry cheese cake niyo"ika ng waiter at inilapag ang isang slice ng cake sa lamesa ko.

Pasubo na ako ng cake ng bigla akong napatigil dahil sa mga babaeng nagtatawanan sa labas ng cafe.

"Hey!Janica you're here!Kanina ka pa!"bungad sa akin ni Kylene.Itinuloy ko ang pagsubo sa kutsara.

"Well....kakarating ko lang din naman ata"sarkastikong sabi ko at binigyan sila ng akward na smile.

"Oo nga naman Kylene tignan mo nga may lima ng baso ng frappe diyan sa lamesa niya gaga ka ba!Edi malamang kanina pa siya dito!"iritang sabi ni Dria at binatukan si Kylene.Lumapit ang dalawa habang ang isa naman ay ito nilalantaka na ang cake ko.Sino pa ba edi si Glare.

"Pppffttt!Hina mo Kylene kojic naman di ba na kanina pa siya nandito!"tumatawang sabi ni Glare natawa na din kaming tatlo.

"Glare ang boba mo talaga logic yun hindi kojic bes!"tumatawang sabi Dria.

Mamimiss ko itong mga babaeng ito.

Si KYLENE GEOLIF
na napaka tsismosa at the same time sosyalera.

Si DRIA PIERT na nerd at laging nagpapakangudngod sa mga libro sa library.

Si GLARE DRUIX na slow at ang pinaka sa aming apat siya din ang nagpapasimuno ng kabaliwan sa aming magkakaibigan.

Nagulat ang tatlo ng bigla ko silang niyakap.Sinuklian din naman nila ako ng mas mahigpit na yakap.

"Bessy!Talaga bang iiwan mo na talaga kami ha..."dismayadong sabi ni Glare.O!M!G!She is crying.

"Hindi ko naman kayo iiwan babalikan ko din naman kayo e!"iyak-tawang sabi ko.

"E!Bessy paano naman si Rafael hindi ka ba magpapaalam sa kanya?"tanong naman ni Dria.

"Nako!Hayaan mo siya masaya na sila ni Queeny sa isa't-isa noh..."kunwari na masayang sabi ko.

"Janica!Sasabunutan kita jan e!Sinungaling ka!Anong masaya!Walang sasaya!"sigaw ni Kylene.Binatukan naming tatlo si Kylene sa pagsigaw nito.

Pagkatapos naming kumain at magbonding magpaalam kami sa isa't isa.

-

"Anak!Wake up!Malelate ka na sa flight mo nako!"pagmamadali sa akin ni Mama.

"Huh?Bakit anong date na ba?"mahinahong tanong ko.

"March 30!Am i right?"sarkastikong sagot ni papa.

Mapabangon ako at dali-daling ibinato ang kumot ko sa kama ko.Dali-dali din akong naligo.

Kailangan ko ng magmadali jusme patay na naman ako sa traffic niyan baka mamaya hindi pa ako matuloy sa pagpunta sa States sayang naman.

[RAFAEL]

Hindi ko maintindihan ang mga sinabe ko kay Janica noong may pagkakataon pa ako para magpaliwanag sa kanya pero sinayang ko sa isang tango.

Hindi ko naman kase talaga mahal yung demonyitang iyon sa totoo lang ay pinagtutulakan ko pa ito papalayo.

"Rafa!"sigaw ni mama habang tumatakbo.May sunog ba?Shit!Kinakabahan ako!

"Ma!Ano ba!Kumalma ka nga pwede ba?!"iritang sabi ko.

Huminahon si mama.

"Anak!"pabitin ni mama sa akin.

"What?!Mama pinapakaba mo lang ako!"iritang sabi ko.

"Si Janica!"pabiting muli ni mama.

"What!"sigaw ko.Maslalo akong kinabahan.

"Paalis na siya!"pasigaw na sagot ni mama.

"What!Why!and where!"sunod sunod na tanong ko.Grabe parang hindi ko na kaya hirap na akong huminga.Parang may nagtutulak sa akin para magtungo sa kanya.

Bigla akong tumayo at tumakbo patungo sa Airport hindi ko alam kung bakit hindi ako naka kotse ngayon natatanga na ata talaga ako.Ilang beses ko na siyang tinawagan at tinetext pero wala talagang sumasagot nito at nagrereply dito.

[JANICA]

Pagkatapos kong ayusin ang mga gamit ko dumiretso ako sa kusina para kumain.

"Anak kumain ka palage doon sa states ha...Wag kang magpapalipas ng gutom baka magkasakit ka doon wala kami para alagaan ka"malambing na sabi ni Papa habang hinahaplos ang ulo ko.

Mamimiss ko sila.Hindi ko mapigilang maluha hindi ko ba alam kung tears of joy ba ito o talagang luha ng kalungkutan.

"Anak!Lagi mong inumin yung vitamins mo ok!"paalala ni Mama.Niyakap ko silang dalawa at hinalikan sila sa pisngi.

"Mamimiss ko po kayo mama at papa kung pwede lang nga na hindi na ako tumuloy"humahagolgol kong sambit.

"Señorita!May tumatawag po sa telepono mo!"sigaw ni manang habang tumatakbo papalapit sa akin.Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ito.

58 missed calls
30 texts
From:Rafael

Jusme!Ano ba ang nangyayari aa lalaking ito.Biglang nagvibrate ang cellphone ko lumabas dito ang isang unknown number.Sinagot ko ito.

"Hello"ika ko.

"Janica?Im Queeny!"masiglang sambit nito.Hindi ako sumagot at aktong ibaba ko na ito ay bigla siyang nagsalita muli.

"Im sorry sa pagsira ko sa relasyon niyo ni Rafael.Im sorry talaga.Im sorry baby sis hindi niya naman kase ako gusto e....Nasayang lang ang effort ko para sirain kayo tapos haysh!Nakakainis ka talagang babae ka!Bwisit bakit ba kase walang makapantay sayo ha!"iritang sabi nito.Bigla akong nalinawan sa pagpapaliwag niya.So sinira nga niya at hindi na siya mahal ni Rafael Grrrrr.....

"Shit!Queeny thank you sa late mong information ha!Salamat!"sarkastikong sabi ko.Naluha ako habang tumatawa.Shit!Ano ito tears of joy.

"You're welcome sissy!"tumatawang sabi nito at ang tawa niya hindi basta basta she laugh like a evil."By the way.Ingat ka sa flight mo ok!Dapat pagbumalik ka dito buo ka pa ha!"dagdag pa nito at ibinaba na ang tawag.Kakaiba talaga iyong babaeng yun

Tatanggalin ko na nga sana ang telepono ko sa aking taenga ng bigla na naman itong nagvibrate.Hindi ko na ito inaalis sa taenga ko.

"Janica!"sigaw nito na halos mabingi na ako sa speaker ng cellphone ko.

"Rafael!Nasaan ka!Bakit parang ang ingay ata jan?!"tanong ko.

"Nasa airport!Ikaw ba nasan ka?"nagtatakang tanong niya.

"Shit!Anong ginagawa mo diyan?!Nasa bahay ako"pasigaw kong tanong.

"Janica gusto ko lang naman humingi sayo ng sorry sa sinabe kong may gusto pa ako kay Queeny----"pinutol ko agad ang sinasabe niya.

"Hindi na kailangan pinapatawad na kita at sinabe na yun sa akin ni Queeny na hindi mo nga daw ako kayang ipagpalit sa iba"tumatawang sabi ko na may halong pagtulo ng luha.

Nagulat ako sa biglang tumunog na busina mula sa labas.

"Nasa labas ako"ika nito.Dali-dali akong lumabas at niyakap siya.

"Im sorry baby ko!Sorry talaga wag ka nang umalis please!"ika niya habang mahigpit ang pgkayakap sa akin.Mabilis na tumulo ang mga luha sa aking mukha.

"I'm sorry Rafael buo na ang pasya ko."umiiyak na sabi ko.Tinggal nito ang pagkayakap sa akin at iniharap niya ako sa kanya.

Pinunasan niya ang luha ko at hinalikan ako sa pisngi.

"Ok baby basta palagi kang magiingat doon mahal na mahal kita"ika nito sabay yakap ulit sa akin.

"Rafael pasensya na kung pwede ba ay mag cool off muna tayong dalawa"mahinahong wika ko kasabay ng paghiwalay sa pagkayakap niya.

"Kung ano ang gusto mo doon ako at kung para din ito sa ikabubuti natin"lumuluhang sambit niya.

"Salamat sa pagintindi Rafael"binigyan ko siya ng isang pekeng ngiti.

"Well!Request ko naman oh!Ako na ang maghahatid sayo sa airport"nakangiting suhestiyon niya habang pinupunasan ang luha niya.

Kinuha ko ang mga gamit ko at nagpaalam na kela mama at papa.Niyakap ko sila at niyakap ng mahigpit.Lumabas ako habang hinahatak ko ang aking mga maleta.Oo!As in maleta.

Tinulungan ako ni Rafael at kinuha niya ang isa.

Nilagay niya ito sa likod ng sasakyan.

"Salamat"mahinhin na sabi ko.First time to bessy nag m-Maria Clara ako!

"O!Siya!Halika na baka mahuli ka sa flight mo!"atat na wika nito.Sumakay ako sa kotse niya at umupo doon sa passenger's seat.

"Maraming salamat Rafael sana wag kang magbago"bulong ko sa hangin ng nakatingin sa salamin.

Nakarating kami sa airport ng mabilis hindi ko na nga namalayan na narito na pala kami natatakot ako na baka sa pagbalik ko ay may iba na siya.

Natatakot ako na baka makahanap siya ng iba.Kung pwede ko lang ipahinto ang oras ay matagal ko na itong ginawa para makasama siya ng matagal pa.

"Tara na!"ika niya at pinagbuksan ako ng pinto.Bumaba ako at inayos ang aking damit.Tumingala ako at tumingin sa langit.

Nasa harap na ako ng eroplanong sasakyan ko.Hindi ako makagalaw at para aking nabato.

"Huy!Janica!Ok ka lang bakit parang namumutla ka diyan?"ika ni Rafael.

"Hala!Ok lang ako ano na aalis na ako ha...Salamat ulit mag ingat ka ha.."nakangiting sabi ko."Magingat ka mamahalin pa kita"pabulong na dugtong ko pa.Muli niya akong niyakap.

"Mamimiss kita Janica.Magiingat ka palage kapag may lalakeng umaaligid sayo sabihin mo lang sa akin ha....Pupuntahan kita doon at pepektusan ko sila.Hahaha basta magiingat ka ha...Mamimiss kita!"nakangiting pagpapaalam niya at hinalikan muli niya ako sa pisngi.Kinuha ko ang maleta ko saka sumakay sa eroplano.Bawat hakbang ko ay pabigat ng pabigat parang may hunihila sa akin pabalik sa kanya.Kumaway ako sa kanya at nagdiretso sa paglalakad.

Umupo ako sa isang bakanteng silya at sumandal.Narealize ko na sana noong una palang ay nakinig na ako sa pagpapaliwanag ni Rafael but it's too late nasa kalagitnaan na ako ng aking disisyon.

Sinuot ko ang headphone ko saka isinandal ko ang aking ulo sa windowpane.Pagkalipad ng eroplano kasabay ng paglipad ng isip ko.Biglang bumuhos ang malakas na ulan kasabay din ng pagbuhos ng luha ko.Im so stupid!

[RAFAEL]

Pagkahatid ko kay Janica agad akong umuwi ng umiiyak.Para akong batang naagawan ng laruan.

Napakalakas ng ulan tinatamad akong kumain at ang bigat pa rin sa pakiramdam ng mga nangyari sa akin.Binuksan ko ang Flatscreen na t.v ko saka sumandal sa headboard ng kama ko.Nagulat ako sa narinig ko ayon sa balita meron daw isang napakalakas na bagyo ang parating.Pero may isang balita ang nagpabilis ng tibok ng puso ko at ito agad ang salitang tumatak sa akin.Isang eroplano ang nagcrash dahil sa bagyo hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalaman kung saan ito bumagsak.

Agad akong tumayo pagkakahiga ko at agad kong tinawagan si Tita Alexandra.

"Tita!Ano po ang nangyari sa eroplanong sinakyan ni Janica!"nagaalalang tanong ko.

END OF PART 1•

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top