CHAPTER 28

[JANICA]

Buong gabi wala akong ibang ginawa kundi umiyak pinipilit kong kalimutan siya gaya ng paglimot ko kay Tristan pero hindi ko kaya.

"Anak?Are you crying?"alalang tanong ni Mama habang kumakatok sa pinto.Pinunasan ko ang luha ko at ipinahid sa kumot ko.

"Uhm...Hindi po ma"humihikbi king sagot.Pumasok si Mama at tumabi sa akin.

"Oh?Bakit namumugto yang mga mata mo?"tanong ni Mama.

"Wala po ma may sore eyes lang ako"sagot ko saka nagtalukbong ng kumot.

"Janica!Wag kang magsinungaling kay mama.Ano bang problema mo anak baka makatulong ako"tanong ni Mama.

"Wala lang talaga ito ma!"ika ko habang pinipigilan ang paghagulgol.

Hinatak niya ang kumot at niyakap ako.

"Anak!Umayos ka humarap ka sa akin kausapin mo ang mama anak ayokong nakikita kang ganyan"ani mama habang hinahaplos ang buhok ko.

"Ma----Wala na po kami ni R-rafael"tugon ko habang humahagulgol isinubsob ko ang mukha ko sa balikat ni mama.

"Tumahan ka na Janica hindi lang siya ang lalake sa mundo kung gusto mo magpahinga muna kayo dalawa at kung kayo ay kayo talaga."payo niya sa akin.Tumango lamang ako at pinunasan ko ang aking mga luha.

"Kaya mo na bang pumasok anak?"alalang tanong sa akin ni Mama.

"Uhm...Opo Mama kaya ko po"binigyan ko si mama ng isang pekeng ngiti.Tumayo si Mama.

"Ma?Pwede po bang humingi ng favor?"mahinahong tanong ko.Tumango naman si Mama.

"P-pwede p-po bang wag na po sana natin itong ipaalam kay papa"nakangiting sambit ko.

Baka kase idamay ni Papa ang business partnership nilang dalawa ng papa ni Rafael pag nagkataon na malaman niya ito at baka gumawa din siya ng paraan sa ikakasira ng kompanya nila.

Tumango ulit si mama bago lumabas ng kwarto.Inayos ko ang sarili ko saka humarap sa salamin.

"Janica!Kaya mo'to!Wag ka ng umiyak ha...Harapin mo siya kausapin mo.Hayaan mo muna siyang magpaliwanag ikalma mo ang sarili mo at wag mo siyang sisigaw ha..."sabi ko sa sarili ko.

Nyetang mga luha ito oh...Bwisit sabing wag ng papatak e!Kainis!

Dumukdok ako sa lamesa at muling humagulgol.Pagkatapos kong ibuhos ang luha ko at feeling ko ay gumimhawa na ako.Naligo na ako at nagayos.

Pumunta ako sa kusina para makakain na ng almusal.

"Good morning anak!"bati sa akin ni papa.Binigyan ko nalang siya ng ngiti.

Umupo ako at kumain.Pagkatapos ko ay tamayo na ako at pinaandar ang aking kotse.

-
Pagdating ko sa school bumungad sa akin ang mga kaibigan ko.

"Hoy!Bessy anong problema?"tanong sa akin ni Kylene.

"Oonga anong nangyari diyan sa mga mata mo?"tanong ni Dria.

"Langya!Malamang umiyak yan engot din kayo noh!"nakasmirk na singit ni Glare.

"Nagsalita ang matalino!"sabay-sabay na sigaw namin.

"Ppfftt!Shut down your mouth!"seryosong sabi ni Glare at umirap.

"Shut up yun bessy!"iritang sabi ni Dria at nagrolled eyes.

"Wala kang pake type ko yun!"ika pa nito.

Tinalikuran ko sila at naglakad papalayo.Nakakarindi ang mga boses nila para silang mga kuliglig.

Habang naglalakad ako may humawak sa balikat ko.Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o sasapakin ko ang humawak sa balikat ko.

"Janica sandali!"sigaw nito sa taenga ko.

"Andrie"nanginginig na bulong ko.

"Teka!Balita ko nagbreak na daw kayo ni PREsident."seryosong aniya.

"Tsismoso ka rin ano?"iritang sabi ko.

Iniwan ko siya at nagdire-diretso sa corridor.

Nagsuot ako ng sunglasses wala akong pake kung magmuhka akong tanga sa suot ko ang importante ay hindi mahalata na umiyak ako suot ko din ang headphone ko.

SONG:
HELLEVATOR(STRAY KIDS)

Dahil sa walang traffic at maaga akong nakapasok umupo sa bench na nasa ilalim ng isang narra tree.Malilim dito at onti lang din ang tao.

Malapit na ang bakasyon actually dapat nga hindi na ako papasok tutal wala namang ginagawa pero mas wala namang gagawin lalo na sa bahay.I hate doing nothing.

Napag-usapan na namin ni Mama at Papa ang pagaaral ko sa states ng college.Balak kong hawakan at tulungan si Mommy sa pagpapatakbo ng company namin.

Bigla na namang tumulo ang mga luha.Napakakukulit ng mga luhang ito bullshit!

Pinunasan ko ang mga luha ko ng may nakita akong kamay na may panyo.Tumingala ako para makita kung kaninong kamay ito.

"R-rafael?"gulat na sabi ko binaba ko ang headphone ko.

Umupo sa tabi ko si Rafael.

"Janica pwede ba tayong magusap?"tanong nito sa malungkot na tono.

"Hindi pa ba tayo naguusap?"sarkastikong tanong ko.

"Tsk!Seryoso ako"irotang sabi niya habang kinakamot ang ulo niya.Natawa naman ako sa ekspresyon nito.

"Tungkol ba saan?"tanong ko.

"Tungkol sa nangyari kahapon.Gusto ko kaseng magpaliwanag sayo ng maayos"nakayukong sabi niya.Hindi ko mapigilan ang mga luha kong atat na atat ng lumabas.

"Sige ituloy mo makikinig ako"pagpapatuloy ko sa kanya.Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi.

"Si Queeny yung ex girlfriend naghiwalay kami dahil niloko niya ako nalaman ko kase na tatlo pala kaming pinagsasabay niya.Nakopaghiwalay siya sa akin at pumunta sa states.

Simula noon naisip ko na lahat pala ng mga babae ay madali lang makuha at paglaruan kaya kahit sino sa babae dito sa university ay shinota ko"bigla siyang tumigil sa pagsasalita at tinignan ako.Nakita ko sa mga mata niya ang mga luhang nangungusap sa akin.Tumango nalang ako sa kanya.

"Pero ng dumating ka nagbago ang lahat e...Ewan ko ba basta parang biglang tumatak ang mukha mo sa isip ko pati na rin ang pangalan mo.Tuluyan ko na ngang nilimot ang lahat ng tungkol kay Queeny pero kagabi bigla siyang dumating at niyakap ako.Gusto niyang makipag balikan itinulak ko siya pero nagulat ako ng halikan niya ako."pinunasan ko ang mga luhang patuloy sa pag-agos.

"Pero bakit ka nagpahalik?"sigaw ko sa kanya.

"Hindi ko------"hindi ko pinatapos ang sasabihin niya.

"So...Hindi mo nga siya kayang pigilan.Dahil ano?Dahil mahal mo  pa rin siya hanggang ngayon iyon ba yun Rafael!Sagutin mo ako?"pasigaw na tanong ko.

Maslalong bumagsak ang luha ko pat na rin ang emosyon ko ng bigla siyang tumango.Isang sampal ang ibinigay ko sa kanya.

"Thank you for everything Mr.Real thank you sa lahat ng mga effort at pagmamahal na ibinigay mo sa akin pero tapos na tayo"ika ko saka naglakad papalayo pinunasan ko ang mata ko ganit ang long sleeves ko.

Sana tama nga itong desisyong ginawa ko.Sana wala akong pagsisihan sa pagdating ng panahon.

TO BE CONTINUED

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top